LOGINAkala ni Ivory, pag nag-file siya ng annulment kay Levi, matatahimik na ang buhay niya. Pero mali siya. Sa mundo nilang tatlo, siya ang naging kontrabida. Si Franchesca ang tunay na mahal ng asawa niya at siya ay panakip-butas lamang, substitute noong mga panahong wasak na wasak ang puso ni Levi dahil sa pag-alis ng ex-girlfriend nito. Kung ihahambing niya sa mga kwentong nabasa niya: dapat siyang mabaliw sa selos, apihin ng lahat, at iwan nang luhaan. Pero sorry sila. Nasa reyalidad siya ngayon. Hindi siya papayag maging extra sa love story ng iba. Hindi siya ang iiyak sa gilid habang ang asawa niya at ang babae nito ay naghahalikan sa gitna. This time, siya ang magdidikta ng kapalaran niya at sisimulan niya sa annulment. "Baliw ako? Hindi. Nagising lang ako sa katotohanang matagal na akong ginawang tanga."
View MoreBumalik na sa Pilipinas ang true love ni Levi Duetrich Malthe.
Hindi mawala sa utak ni Ivory ang balitang iyon. Umaalog ang ulo niya sa kaiisip at ilang araw na siyang hindi makatulog. Ang eyebags niya, halos magkulay uling na at nagmistulang black-eye sa palibot ng kaniyang mga mata. Gaya ngayon, madaling araw na pero dilat na dilat pa rin siya at hindi niya ma-control ang galit. Pati kamay niya ay para bang may sariling buhay na kusa na lang lumipad at dumapo sa mukha ni Levi habang mahimbing itong natutulog. Pupungas-pungas na nagising ang lalaki at nagmulat. Ang matalim na tingin ay mabilis na naglakbay sa buong silid. Pero nang dumako sa kaniya ang mga mata nito'y kaagad naging banayad ang titig ng asawa. "Iv, I dream that someone hit me," pabulong nitong angal. Hinapit siya nito para sumandal sa matigas nitong dibdib. "Siguro, dahil hindi ka rito sa mga bisig ko natulog kaya ako binangungot." Bahagya itong ngumiti at malagkit na tumitig kay Ivory. May dumaang pagkalito sa mga mata nito nang hindi siya umimik at napansin niya ang anino ng panic doon na para bang mahal siya nito at natatakot na magagalit siya. She could just laughed secretly in her heart, taliwas sa kung ano ang damdaming nakarehistro sa kaniyang mukha. Yumakap siya sa asawa at sumubsob sa dibdib nito. Mula sa wall mirror ay nakikita niya ang sarili, nakakulong sa mga bisig ni Levi. Madalas niyang marinig na ang gandang taglay niya ay likas na matingkad. Maliit ang kaniyang mukha, hugis puso na larawan ng pagiging mapagmahal. Her skin is warm and fair as the moon and snow, like gardenia, freshly picked from the branch. Hindi agresibo ang kaniyang aura bagkus ay kumikinang gaya ng mga bituin. Maraming naniniwala na sa hitsura niya, imposibleng maging tapat siyang asawa kay Levi. Gayunpaman, sa kabila ng sampal at sa palad niyang bumakat sa mukha ng kaniyang asawa, heto at niyakap pa rin siya na tila ba mahalaga siya sa buhay nito kahit ang totoo'y panakip-butas lang naman siya sa babaeng tunay nitong minahal. "Binangunot ka rin ba?" biglang tanong ng lalaki. Naglaro ang malantik nitong mga daliri sa kaniyang braso. "Your insomia is acting up again? I heard from Dr. Reyes that you have been asking for some melatonin recently." His voice is low and warm but prickled with some darkness. Nagpulso ang sistema ni Ivory nang madama ang kiliti sa kaniyang gulugod na tila ba hinaplos ng mga balahibo. Kabisado talaga ng lalaki ang kiliti niya, sa boses pa lang nito at sa paraan kung paano lumapat ang labi nito sa kaniyang tainga. "Hmn, why are you blushing?" Panunukso ng lalaki at matiim siyang tinitigan. "Is it hot?" Pilyo itong ngumisi. The corners of his eyes pulled out a long and narrow arc, making his handsome face more irresistible and devilishly attractive. Napalunok habang pinagsama ang paningin sa gwapo nitong mukha. His eyes were sharp as peach blossom, sterling grays and magnetic. Nose is arrogant and the lips are delicious. Levi Duetrich Malthe is like a lovable villain in the novel. Tuwing nilalandi siya nito, hindi pwedeng nabibitin. Sinisimot nito ang katas niya tulad ng pagkain at hindi siya titigilan hangga't may lakas ito. Pero ang masaklap, siya itong naghahanap pa rin kahit halos mapugto na ang kaniyang hininga. "Masyado bang mainit?" Umirap si Ivory. Pinagtatawanan na naman nito ang pamumula ng kaniyang mukha. "The doctor said that making love before going to bed is effective for a good sleeping habit." Kumindat si Levi, nakangiti. "We should follow the doctor's advice." Sumimangot si Ivory pero hindi siya tumanggi. Nagtalik sila si Levi sa loob ng mahigit isang oras hanggang sa lupaypay siyang bumagsak sa kama. Pero epektibo nga ang payo ng doctor. Dahil sa pagod ay nakatulog siya, daig pa niya ang hinimatay sa sobrang himbing. Pagkagising niya, wala na si Levi sa kaniyang tabi. She felt empty and cold, looking at the blank space of the bed. Sinipat niya ang oras. Past eleven o'clock in the morning. Nasanay si Levi na gumising ng maaga para magtungo sa kompanya. Kahit abutin pa sila ng alas kwatro ay maaga pa ring nagiging ang asawa niya. He has an amazing time management and he knew his priorities. "Goodness," napabulong siya at bumaba ng kama, kumaripas sa loob ng banyo at binuksan ang medicine cabinet. Kumuha siya ng contraceptive pill at kinain iyon. She forgot to take it. Ayaw pa naman ni Levi na mabuntis siya. Ayaw nitong magkaanak sila. Siguro kagabi inisip din nito si Franchesca kaya nakalimot din magsuot ng condom ang lalaki. Ayaw rin naman niyang mabuntis habang nasa alanganin ang status niya sa puso ni Levi, lalo ngayon na matatapos na ang tatlong taong pagsasama nila bilang mag-asawa dahil nakabalik na ang babaeng mahal nito. Tatlong taon pero hindi pa rin siya magawang mahalin ng lalaki. Hindi niya nagawang palitan sa puso nito si Franchesca. Ang tanging papel niya lang sa buhay ni Levi ay hanggang sa kama.Dumating na parang bagyo si Claudia. Hindi lang marami ang dalang bodyguards, bawat isa sa mga ito ay may dalang stun gun at napapaligiran ng ilang sekretarya na may dalang mga dokumento at files. Halatang handang-handa ito. Pero ang mga pang-iinsulto, paulit-ulit pa rin. Una, minamaliit nito ang pinagmulan ni Ivory, tapos ikukumpara siya kay Chesca. Aminado naman siyang malayo ang agwat nilang dalawa. Pero naririndi na siya sa gasgas na mga salita ng kaniyang biyenan. May kalyo na ang puso niya kaya hindi na siya apektado pa."Hindi ka karapat-dapat, lumayas ka na sa pamilya ko ngayon din! Sinungaling ka, may sakit sa pag-iisip pala ang pamilya mo. Alam ko noong sinabihan kita na nagpapanggap ka lang na baliw, iyon pala totoo talagang may sakit ka sa utak."Pero ngumisi lamang si Ivory. "Bakit hindi mo pagsabihan ang anak mo na palayain ako at nang matapos na ang problema mo? Akala mo ba gusto kong manatili sa piling niya?""Ang yabang mo pa rin? Tingnan natin kung hanggang kailan k
Nagkunwaring humikbi si Ivory at sisinghot-singhot na humilig sa dibdib ni Levi. Pagkahilig ay umirap siya. "Palagay mo magsusumbong si Chesca sa mommy mo?" tanong niya sa asawa. Mas maigi kung iyon ang gagawin ng babaeng iyon. Kailangan niya ng mas dagdag na pressure para tuluyan nang pumayag ang lalaki sa annulment. "Ivory, listen to me." Levi cupped her face and stared her directly. His eyes were unfathomable, up close, he possessed a cold hardness like an inorganic substance, making him difficult to see through. "If you want, I can distance myself from Chesca. In fact, after we ger married, I basically stayed away from places where socialites are rampant." Mahinahon itong nagsalita. "Who are you trying to fool? Yong si Gino lagi akong sinisendan ng mga larawan ninyo, kasama ang sinu-sinong mga babae." Umismid siya."That's business, most of them are representatives from the investors." "Rep na pang-seduce sa iyo? Para i-shortcut ang investments, I know." She brushed him off.B
"Okay lang talaga ako," giit ni Ivory paglabas niya ng banyo. "Wag mo nang abalahin ang doctor." Naglakad siya patungo sa couch. Kailangan niyang maupo kung hindi matutumba siya. "Do not lie to me, Ivory. Your face is pale and you're sweating a lot. Ang lamig ng mga kamay mo.""Dahil nga ito sa hyper ko. Mawawala rin ito mamaya.""Are you hiding something from me? Ayaw mong magpa-check sa doctor dahil takot kang malaman ko ang tunay mong kalagayan?" Kunot ang noo ni Levi at nakaukit sa mga mata nito ang iritasyon. "Bakit masyado ka naman yatang concern sa akin ngayon? Noong mga panahong lumalaban ako sa depression hindi ka naman ganyan," bahagya siyang natawa at inirapan ang asawa.Nagtagis ng mga bagang si Levi. "Ang galing mo talaga sa ganyan, no? Hindi halatang umiiwas ka lang. Tell me, are you pregnant?"Para siyang nakalunok ng tinik. Pinilipit niya ang mga daliri at tumikhim. "Hindi. Makikipaghiwalay na ako sa iyo tapos magpapabuntis ako? Ganoon ba ako katanga sa tingin mo? Pa
Habang nasa meetings si Levi, nakatulog sa loob ng opisina si Ivory. Nang magising siya ay wala pa rin doon ang asawa niya. May snacks sa center table pero ang mas umagaw sa atensiyon niya ay ang kislap ng diamond ring sa kaniyang daliri. Kailan pa iyon napunta roon?Sinipat niyang maigi ang singsing, kung anu-anong anggulo ang ginagawa. Wonderful! Umirap siya at bumuntong-hininga. The ring has a classic design. A platinum band with a ring of one-carat diamonds surrounding a six-carat blue diamond. This is her wedding ring. Hindi niya iyon madalas isuot. Nakatago lang sa gem safe roon sa old mansion's treasyre room. May bantay pa at iniingatan ng mga bantay na naka-duty lang sa lugar na iyon.Kailan iyon pina-deliver ni Levi? At hindi man lang niya namalayan kanina nang isuot sa kaniya ng asawa. Sobrang himbing siguro ng tulog niya. Parang gusto niyang matawa. 'Yong ang gulo ng kasal nila pero dapat pa siyang magsuot nitong wedding ring? Para ano?Kung hindi lang pretty ang diamond
Halata sa pagmumukha ng mga naroon ang inis kay Ivory. Siguro, kung hindi pa nagkunwari ang asawa niya na may pakialam ito sa kaniya, baka kanina pa siya sinabunutan doon at hinahamak. But to them, it is obvious that Levi wants to support his wife."Hindi ko alam na ganyan na pala kayo ka-close, an
Huminga ng malalim si Ivory. Sabagay, bakit pa ba siya magtataka kung alam ni Levi na parating siya? Sa tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa'y kabisado na niya kahit papaano ang kakayahan at pwersa nito. Masyado itong maingat kahit sa pinakamaliit na detalye. Tuwing lumalabas ay may kasam
Sa guest room natulog si Ivory. Mahimbing at tuluy-tuloy ang tulog niya sa buong magdamag. Nakaalis na ng bahay si Levi pagkagising niya. Habang kumakain napansin niya si Manang Laura na tila may gustong sabihin pero nag-aatubili."May problema ba, Manang?" tanong niya sa kasambahay."Nag-away po
Pagpanhik ni Levi ng sala, nadatnan niya si Ivory na naghihintay. Nasa anyo nito ang pagkainip, pero nang magtagpo ang mga mata nila ay napansin niya ang pamilyar na kinang doon kasabay ang matamis na ngiti. Naglakad ito papalapit. "Maaga ka yata ngayon, dapat sinabi mo at nang nakapaghanda kami s












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews