CAN I CHANGE YOUR HEART

CAN I CHANGE YOUR HEART

last updateLast Updated : 2023-05-23
By:  The Fierce LadyCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
6 ratings. 6 reviews
99Chapters
15.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Minahal ni Samantha si Rex simula bata pa lamang siya. Hindi niya alintana ang malaking agwat ng kanilang edad pero may mahal na siya. After 10 years bumalik siya para sakanyang pamilya ngunit pati ang kanyang pag - ibig sakanya ay muling mabubuhay. Ang kanilang one - night - stand ay magbubunga pero sa kagustuhan niyang itago ito ay makakagawa siya ng bagay na pagsisihan niya. After 4 years muli siyang bumalik para kunin ang kanyang pag - aari ngunit ito ay pag - aari na ng iba. Papano niya itatama ang isang pagkakamali kung siya ang unang taong nakalimutan niya? May pag - asa pa bang maging kanya ang puso nitong kahit kailan ay hindi niya makuha - kuha?

View More

Chapter 1

Home

Samantha Pov...

Limang taon ang nakakalipas simula umalis ako ng Pilipinas na masama ang loob. I shut down everything only to find a bad news about my family starting to fall apart dahil sa isang baliw na babae. Who the hell is she para gawing katawa - tawa ang aming pamilya. Now, I need to go home for good. Ugh! Dad says mukhang kakailanganin din ni mommy dumaan nang theraphy dahil ayaw niyang kumausap ng sinuman maliban sa kanyang mga halaman at palagi sa kanyang maliit na studio sa loob ng bahay. Tanging ganun na raw ang naging ikot ng buhay ni mommy. Isama mo pa naman din si kuya na walang ginawa kundi ang magtrabaho na akala mo ay naghihirap ang kanyang pamilya na kailangan niyang kumayod nang kumayod para hindi sila makaramdam ng gutom.

Napabuntong - hininga ako ng malalim. Ang dating masaya at malusog naming pamilya ay nagulo dahil sa isang pangyayari na ipinilit ng tadhana. Mga bagay na hindi ko inaasahang naganap samantalang ako ay nagpakabuhay prinsesa at malaya dito sa Australia. Lahat ng klase ng walwal ay ginawa namin ng aking mga kaibigan. Tatlong taon akong namuhay na walang problema at suportado ang aking luho.

Hindi ako humihingi ng kahit anung tulong sa aking pamilya. Namuhay akong mag - isa sa sarili kong pera, pero hindi talaga kayang bilhin ng pera ang kaligayahan ng isang tao. Masaya man ako pero alam kung may parte sa buhay ko na kulang na kulang.

I was supposed to go home after my last modeling show namin sa Guam ngunit pinili kong tumira dito ng malaya dahil sa peste kong puso. Nagmahal lang naman ako ng taong may mahal ng iba. Saklap di ba! Katotohanan na hindi ko matatakasan kung bakit ako namumuhay malayo sa king pamilya!

Haaay!! Malalim kong pagbuntong hininga bago akong tumingala sa mataas na gusali kung saan naging opisina ng aming pamilya ng ilang dekada.

Pagkatapos ng limang taon heto nanaman ako bumalik sa lugar na kinakatakutan ng puso ko. Ayaw ko pang bumalik dahil hindi pa ako nakahanda pero kailangan ako ng aking pamilya. Fighting Samantha! Pagbibigay ko ng lakas na loob sa aking sarili bago naglakad papunta sa opisina ni daddy.

“Dad!” Bungad ko sa kanyang opisina. Dito na talaga ako dumeretso pagkarating ko ng Pilipinas.

“Oh! Come in Samantha!” Sorpresang sabi ni daddy pagkakita sa akin. Ngumiti akong humalik sa kanyang pisngi.

“How is mom?” Tanong ko agad pagkaupo ko.

“She is fine, but mum to everyone and your brother is slowly killing himself working hard opening businesses everywhere!" Walang paligoy - ligoy na sagot ni daddy bago tumayo at samahan ako sa maliit niyang mesa.

“What?” Nagulat kong sagot. Ang balita lang kasi sa akin na nakarating ay hindi nagpapahinga si kuya. Kahit weekends nasa opisina pero hindi ko aakalain na hindi lang pala iisang negosyo ang gusto niyang trabahuhin. Hindi naman kailangan ni kuya ang mga iyon.

“Samantha, kapag hindi pa rin natin makita at makausap si Anita. I’m sure mamatay ang kapatid mo ng maaga!” Malungkot na saad ni daddy. Kinilabutan akong isiping mapapahamak ang aking kapatid. Nag - iisa lang siyang kapatid ko. Ayaw kung may mangyaring masama sakanya.

“Where is he dad! Maybe, I should surprise him!” Tanong ko kay daddy na puno ng pag - aalala. Mabigat ang buntong hiningang binitawan ni daddy bago umimik.

“Nasa Palawan na siya anak, in a few days kasi ay magbubukas ang bagong resort doon na kanyang ipinatayo. So far the biggest one. Doon niya ibinuhos ang lahat ng kanyang oras at ideya. Hindi kami nakialam at hinayaan lamang siya. Para sakanya hindi pwedeng wala siyang ginagawa dahil baka mabaliw daw siya!” Malungkot na mahabang paliwanag ni daddy.

"Really, that’s a nice place dad." Natuwa kong sagot. I love Palawan!

"It's really nice Sam kung nasa tamang pagpapahinga naman ang kapatid mo, don’t you know that it’s his fourth opened hotel and resort for three years. Kapag hindi pa ako nagkakamali nagbukas sila ni Rex ng coffee shops at restaurants! Lahat na ay gustong pasukin nang kapatid mo, maging abala lang siya bente kwatrong oras! Wala siyang inuurungan ngayon sa anumang negosyong ihain sa kanyang harapan na akala mo kapag hindi niya patusin ay mawawalan siya at maghihirap. Hindi ko nga alam kung sakali mang bumalik pa si Anita sa buhay niya ay maaasikaso pa niya sa dami ng kanyang mga inaasikaso.” Mahabang dugtong na paliwanag ni daddy.

“What!” Gulat kong sagot sa kanya. Ganun ba talaga kalala ang nangyari sa kanya when my suppose sister - in - law left him. Masakit talagang masaktan kapag totoong pagmamahal ang naipundar. Naranasan ko na eh! Sobrang sakit na magmahal ka ng taong iba ang itinitibok ng kanyang puso. Kay kuya nga lang iniwanan siya ng taong mahal na mahal niya! Saklap nga sa dibdib yan!

Hindi ko talaga mapapatawad ang impaktang babaeng 'yun for killing my brother's happiness. She is damn selfish for doing this. Hindi pinipilit ang pusong magmahal dahil mas masakit pa kapag ipinipilit ang hindi pwede. Napaghiwalay nga niya sina kuya, nakuha naman ba niya ang hinahangad niya o hindi rin? Tanong ko lang!

Nakipagbonding muna ako kay mommy bago umalis papuntang Palawan. Sinamahan ko siyang nagtrim sa kanyang mga magagandang halaman. Gumanda tuloy ang aming bakuran at mahalimuyak ang loob ng aming bahay dahil sa mga sariwang bulaklak na kanyang inilalagay sa bawat paso sa sulok ng bahay at mga lamesa o lamesita. Habang pinapanood ko si mommy na masayang naghahalaman ay napaisip ako, na may mga bagay talagang pwedeng magpaligaya sa isang tao na malungkot pero hindi naman applicable sa lahat.

Pagkatapos kung kumain ng pananghalian ay nagpaalam ako kay mommy na dalawin si kuya. Babalik nalang ako ulit para kami ay magshopping na katulad ng dati naming ginagawa. Tumango siya bilang pagtugon sa akin. Nalulungkot din ako na kailangan e isolate ni mommy ang kanyang sarili dahil sa nangyayari ngayon kay kuya. Naiintindihan ko na hanggang ngayon ay sinisisi niya ang kanyang sarili sa nangyayari kay kuya.

I still feel jetlag, but I can’t wait to see how is my brother now. Sa lahat ng narinig ko tungkol sa kanya, gustong - gusto ko na siyang makita! Saka na ako magpapahinga kapag makita ko na siya. Gusto ko siyang makita kung anu na ang kalagayan niya at kanyang mga ginagawa. Still, hoping for the best at least!

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
Coolet
Mas nasanay na ako sa english
2025-02-17 03:49:39
0
default avatar
Saloni Singh
Can translate in English this story
2024-12-03 18:39:28
0
user avatar
dolly Colance
lagi Kong aabangan Ang update mo sa love story nman nila attorney Raul at attorney Lamara author ...️...️...️
2023-05-17 21:37:27
1
user avatar
dolly Colance
tapos ko Ng basahin Ang love story nila Rex at Samantha author Ang Ganda Hindi boring basahin Hindi ko tinigilan basahin till matapos. highly recommend talaga ...️...️...️
2023-05-17 21:35:08
1
user avatar
dolly Colance
interesting ... umpisahan ko Ng basahin kahit still going pa rin.
2023-05-14 22:34:49
1
user avatar
Dove Angel
Mainit! Ang landi lang...
2023-04-23 22:49:28
1
99 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status