Share

KABANATA 30

Author: Anne Lars
last update Last Updated: 2025-01-01 12:53:09
Napatingala si Fourth mula sa pagbabasa nang biglang kumalabog ang envelope na malakas na inilapag sa mesa. Napataas siya ng kilay at bahagyang napasinghap.

Nakatayo sa harap niya ang Vice President ng kompanya, matikas ngunit halatang balot ng tensyon at pagkadismaya. Mahigpit ang pagkakasukbit ng mga kamay nito sa likuran, at matalim ang titig na para bang hinahamon siya sa isang laban na hindi niya mawari.

"Tingnan mo mga 'yan," malamig na utos nito sa kanya.

Kaagad binuksan ni Fourth ang envelope at agad na napansin ang mga litrato na nakakalat sa social media. Ang mga ito ay malinaw na nagpapakita ng mga eksena kung saan siya ay nakikisalamuha sa mga kalalakihan, na walang alinlangan na magdudulot ng mga pagdududa at tsismis. Ang bawat larawan ay isang patunay ng mga spekulasyon na siya ay isang bading, at sa bawat saglit na tinitigan niya ang mga litrato, lalong bumigat ang pakiramdam niya.

"Huwag mong dungisan ang pangalan ng kompanya at ang pamilya natin dahil sa kabaklaan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   Author's Note PART 2

    Hi readers, Thank you ulit sa suporta ninyo sa librong ito. You can check out my other books if you like. I also have the next-generation sequel story to this book. Title: My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong Ito ang love story ni Olivia Carmen, ang anak nina Caramel at Fourth. Pero nasa ibang genre na siya. Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako sa light romance and comedy genre katulad nitong libro nina Caramel at Fourth, dahil sa totoo lang, seryoso na ang buhay ko ngayon. Eme. Drama is life now, and I’m also trying to dive into more mature and mysterious vibes of stories. I hope mapagtagumpayan kong matapos ang new story ko. Yun lang. SKL

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   Author's Note:

    Sa aking minamahal na mga mambabasa, Sorry, kung late na akong nag-author's note. Salamat nga pala sa pagsubaybay ng istoryang ito. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako nagpapasalamat sa bawat isa sa inyo, sa mga nagbasa, naghintay, nagbigay ng komento, at nagpakita ng pagmamahal sa kwentong ito. Kayo ang dahilan kung bakit nagkaroon ito ng buhay. Sa bawat emosyon na ating pinagsaluhan, sa saya, sakit, galit, at pagmamahal... sana ay may iniwan akong bakas sa inyong mga puso, gaya ng iniwan ninyo sa akin. Hindi ito paalam, kundi isang bagong simula. Sana’y samahan niyo pa rin ako sa mga susunod ko pang kwento. Mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming, maraming salamat po. God bless you all. —Anne

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   Wakas

    May biglang tumalamsik na kung ano sa mukha ni Fourth. Kaya muli n'yang naimulat ang mga mata at nagulat siya nang bigla natumba sa sahig si Dos. Dumanak ang dugo nito sa sahig patungo sa kanyang paanan. He's dead! Dos was dead on the spot! Nagulat ang mga kalalakihan sa nangyare kaya kaagad na-alarma ang mga ito at humugot ng baril para sana lumaban ngunit inisa-isa na ang mga ito at tuluyang nagsibagsakan sa sahig. Sandaling natulala si Fourth sa kinauupuan n'ya. Bago s'ya napatingala sa pinakamataas na bahagi ng bodega. Maayos na nakapuwesto roon si Caramel hawak ang high caliber silencer gun. Tulala siyang nakatingala rito. Wala itong awa na inisa-isa ang mga kalaban sa mismong harapan n'ya. Ang suot n'yang white coat ay natalamsikan ng dugo. Napaupo sa sahig si Caramel nang maubos niya ang mga kalaban. Hindi napigilan ni Caramel ang ubusin ang mga ito at tadtarin ng bala si Dos. Kung nahuli siya ng ilang minuto baka napatay na nito si Fourth. Bumaba ng hagdan si Caramel a

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   90

    ITINALI sa isang upuan si Fourth. Nakabusal ang bibig at nakatakip ang mga mata. Takot na takot sa p'wedeng mangyare sa kanya. Nasa lumang bodega sila kasama ang mga taong dumukot sa kan'ya. Dinig na dinig niya ang mga ito na parang nagbibilang ng pera. " O, bakit mas malaki yung sayo! Dapat pantay-pantay tayong lahat, pareho tayong naghirap sa pagkidnap sa kanya! " Inis na reklamo ng isa. Isang putok naman ang dumagundong sa tahimik na bodega. Binaril pala ng pinaka-leader ang nagreklamo. " Sino pang magre-reklamo? " tanong nito sa mga kasamahan. Nagulat ang iba sa ginawa nito kaya hindi na umimik bago pa sila ang isunod na itumba. " Iyan lang ibinigay sa atin ni Boss at matuto tayong makuntento! " Asik naman nito sa mga kasamahan. " Siya? Anong gagawin natin sa kanya? " Tanong ng isa noong mapansin siya sa may gilid. " Hintayin nalang natin ang utos ni Boss na patayin 'yan, " sagot nito. Napalunok naman ng laway si Fourth. ‘ Ayaw ko pang mamatay. Bagong kasal pa lan

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   89

    Nagsimulang mangilid ang kanyang luha nang masilayan niya si Caramel na nakasuot ng puting wedding gown. Nasa likuran nito si Carmela na maid of honor nito. Sandali itong huminto sa may bukana ng pintuan. Humakbang siya para klarong matitigan ang kanyang magiging asawa. “ God, she's so beautiful ” tulalang bulong n'ya sa sarili. Hindi n'ya maiwasan na mapahanga sa ganda nito. Ito ang pinakamagandang babae sa mga mata niya kaya hindi n'ya maialis ang tingin rito. Kahit dati, noong hindi pa sila masyadong close, hindi n'ya pinapansin ang ganda nito. Hindi binibigyan ng kahulugan ang kuryente sa tuwing nagdadaiti ang kanilang mga balat. Hindi n'ya pinapansin ang sayang bumubukadkad sa kan'yang puso sa tuwing nakikita niya ito. Talagang pinairal n'ya ang inis upang hindi tuluyang ma-in love rito. Ngunit, wala eh... nahulog pa rin s'ya sa bitag ng pag-ibig. Bigla nitong tinuwid ang liko-liko n'yang daan. Ang baklang katulad niya na mataray, maarte, pasaway ay walang kahirap-hirap na t

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   88

    Pagkatapos niyang maligo, magpapasuyo sana siya kay Fourth na i-blower ang kanyang buhok ngunit wala na ito sa loob ng kwarto. Hinanap niya ito sa loob ngunit ni anino nito wala talaga. Kumabog bigla ang kanyang dibdib dahil sa takot at pagkabahala. Baka may kumidnap kay Fourth. Hindi maaalis sa isip n'ya ang ganoong tagpo lalo na't may taong gusto ipatumba si Fourth. Hindi siya nagdawalang isip na abutin ang kanyang bag at kinuha ang dala niyang baril. Kinasa niya iyon. Mabilisan siyang nagpalit ng damit, pagkatapos ay isinuksok niya sa tagiliran ang baril bago lumabas ng kwarto. Nawala ang antok n'ya dahil sa negative instinct niya. Paglabas n'ya, ang tahimik ng hallway, wala man lang siyang nakakasalubong na ibang tao. Sumakay siya ng elevator pababa ng groundfloor, habang nasa loob siya ay paulit-ulit niyang tinawagan ang cellphone number ni Fourth ngunit hindi niya ito ma-kontak. Tinawagan n'ya rin si Burma at gan'on rin ito. Nagpanic siya bigla, paano kung may nangyareng masam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status