CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD

CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD

last updateLast Updated : 2025-03-17
By:  Anne LarsOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
8 ratings. 8 reviews
94Chapters
5.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

**MATURE CONTENT** When a Gay Meets His Match: A Badass Lady Bodyguard with a pretty cheeky brain. Si Fourth Misuaris ay isang mayamang A-list actor—rebellious, palaban, at sanay sa buhay na siya ang nasusunod. Ngunit magbabago ang lahat nang dumating si Caramel Morgan, isang dating secret agent na ini-hire ng daddy niya na maging bodyguard at office secretary niya. Hindi alam ni Fourth, matagal na silang may koneksyon. Limang taon na ang nakalipas mula nang maganap ang isang gabi ng pagkakamali sa pagitan nila. Isang gabi na nagbunga ng isang lihim na anak. Habang pilit tinatago ni Caramel ang nakaraan, hindi niya maitanggi ang muling pag-usbong ng damdamin sa pagitan nila. Ngunit kasabay ng paglapit ng mga puso nila ay ang lalong paglala ng mga komplikasyon: arranged marriage, mga lihim, at mga planong hindi natuloy. Pagkalipas ng ilang taon ng pagkakahiwalay at sakit, muling bumalik si Fourth, handang ipaglaban ang kanyang pamilya. Ngunit puno pa rin ng sugat ang kanilang nakaraan. Isang dramatic rescue, isang gabi ng katotohanan, at isang muling pagkakataon ang magtutulak sa kanila sa desisyong piliin ang isa’t isa hindi dahil kailangan, kundi dahil mahal nila ang isa’t isa nang totoo. Isang kwento ng pagmamahalan, pamilya, at tapang kung saan ang tunay na pag-ibig ang magtatapos sa lahat ng sakit.

View More

Chapter 1

PROLOGUE

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

WARNING: This story contains mature scenes and language that is not suitable for minors. Read at your own risk.

*****

PROLOGUE

Napangiwi sa sakit si Caramel nang matamaan siya ng isang malakas na suntok mula sa kalaban, direkta sa kanyang tagiliran. Paulit-ulit siyang umatras sa tuwing susugod ito sa kanya. Mukhang mahihirapan siya sa isang ito. Ang itsura pa lang ay parang kahit papanain ay hindi tatamaan.

Maraming manonood ang sabik na naghihintay kung sino ang matitirang nakatayo sa loob ng ring ang siyang idedeklarang panalo. Nasa audience din ang kanyang kuya na si Brandon, tahimik na nanonood habang pinagmamasdan ang alanganing galaw niya. Mukhang dehado siya sa laban.

Malaki ang pustang inilagay ni Brandon sa kanya, at kung mananalo siya, triple ang balik ng pera nila. Napangisi ang amasonang kalaban ni Caramel at muling sumugod, handang itumba siya. Mabilis niyang naiwasan ang malakas na suntok na pinakawalan nito, ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataong umatake. Patuloy ang agresibong pagsugod ng kalaban, kaya napaatras siya sa bawat bigwas na nakakalusot sa kanyang depensa.

Kailangan niya ng tamang tiyempo para maitumba ito. Mas malaki ang katawan ng kalaban kumpara sa kanya, kaya kailangan niyang makahugot ng sapat na puwersa upang direktang tumama sa panga nito.

"Come on, bitch! Huwag kang duwag!" mayabang na hamon ng kalaban, nakangisi habang pinalalapit siya.

Hindi niya ito pinansin. Konsentrasyon ang kailangan niya. Nang muling gumalaw ang kalaban, mabilis niya itong naiwasan. Kasabay ng suntok na paparating ay ang sarili niyang pag-atake, isang uppercut ang tumama, dahilan upang mapaatras ang kalaban.

Napabuntong-hininga si Brandon, halatang nanghihinayang. Mukhang hindi napuruhan ang kalaban sa halip na madala, natawa pa ito kay Caramel. Subalit, ang ginawa niya ay hindi lamang isang atake kundi isang pagsubok para masukat kung gaano kalakas ang puwersang kakailanganin niya upang pabagsakin ito.

Samantala, sa isang pribadong lugar sa itaas ng arena, seryosong nanonood si Primero, isang business tycoon, kasama ang kanyang mga alipores at ang may-ari ng arena. Habang humihithit ng sigarilyo, at bumaling siya sa kasama.

"Gusto ko ang galaw ng babaeng 'yan. Gusto ko siyang kunin," pabulong niyang sabi sa may-ari ng arena.

"Sino sa kanila? Yung malaki ang katawan?" tanong ng may-ari.

"Hindi. Hindi ako mahilig sa babaeng mala-Mister Muscle ang hubog ng katawan, Kael," sagot ni Primero, dahilan upang matawa ang kausap.

"Hindi ko siya pagmamay-ari, pero puwede mo siyang hiramin," sagot ni Kael, inilapit ang bibig kay Primero.

“Hiramin mo siya sa Supreme Intelligence Agency," bulong nito. Napangiti ang negosyante.

Sa ring, patuloy ang laban. Maliksing kumilos si Caramel, paulit-ulit na iniiwasan ang mga suntok ng kalaban. Isang mabilis na suntok ang ibinigay niya sa tiyan nito, dahilan upang mapaatras ito nang bahagya. Agad siyang sumugod upang sundan ito ng isa pang suntok sa mukha, ngunit mabilis itong naka-ilag. Hindi niya inaksaya ang pagkakataon ay isang flying kick ang pinakawalan niya, tumama sa panga ng kalaban.

Hindi nito inaasahan iyon, kaya hindi na nito napigilan ang sumunod-sunod na suntok na pinakawalan niya.

Nagawang itulak siya ng kalaban upang makalayo. Humawak ito sa lubid ng ring at napangisi.

“'Yun lang ba ang kaya mo?” pang-aasar nito sa kanya. Hindi siya sumagot, nanatili lamang sa depensa.

“Sugod!” sigaw ng kalaban, nakangisi habang muling umaatake.

Mabilis na nagpakawala si Caramel ng sipa, pero nasangga ito ng kalaban. Hinawakan nito ang kanyang hita at walang kahirap-hirap na binuhat siya, saka ibinalibag sa sahig.

Biglang napatayo si Brandon, dismayado, kasabay ng ibang pustero na mukhang natatalo na.

Napabuka ang bibig ni Caramel sa matinding sakit ng pagbagsak. Sumigaw ang kalaban, ipinagmamalaki ang nagawang pagpapatumba sa kanya. Naririnig niya ang sigaw ng kanyang kapatid mula sa audience. Pilit niyang iginagalaw ang katawan upang makaupo.

Nang makita ng kalaban na bumabangon siya, agad itong sumugod upang tapusin ang laban. Balak nitong daganan siya at bagsakan ng siko ang kanyang tiyan. Pero mabilis siyang gumulong upang makaiwas. Agad niyang hinawakan ang lubid at pilit na tumayo.

Nang makabangon siya, nagpagpag lamang ng kamay ang kanyang amasonang kalaban, tila hindi iniinda ang laban. Pero muling nabuhayan ang mga pustero ni Caramel, hindi pa siya tapos!

Hindi siya susuko. Hindi siya magpapatalo sa babaeng ito.

Muling sumugod ang kalaban, pero ginamit niya ang kanyang paa upang patamaan ng malakas na sipa ang panga nito. Napayuko ito, kaya agad niyang sinundan ng siko sa likuran at isang malakas na tuhod sa tagiliran.

Napaluhod ito sa sahig. Susundan pa sana niya ng isa pang suntok, ngunit pumagitna na ang referee at sumenyas sa mga hurado.

Panalo na siya.

Tuluyang bumagsak sa sahig ang kalaban.

Napasigaw si Brandon sa tuwa at agad na umakyat sa ring. Niyakap niya si Caramel at itinaas ang kanyang mga kamay. Hindi siya makapaniwala at nanalo siya!

Habang nakahiga siya kanina sa sahig, marami siyang naisip. Mabuti na lang at sumilay ang mukha ni Carmen sa isip niya, nagbigay ng panibagong lakas.

Agad niyang sinuot ang t-shirt na inabot sa kanya ni Bran. Boxer bra lang ang kanyang suot sa pang-itaas, at nakasuot siya ng maskara upang walang makakilala sa kanya kagaya ng iba pang kalahok sa laban.

Iniwan niya si Brandon sa arena upang kunin ang napanalunang pera at naunang nagpunta sa locker room. Hinubad niya ang t-shirt at hindi namalayang may taong pumasok at pinagmasdan ang kanyang magandang hubog.

Hinubad niya rin ang maskara at ipinasok sa bag. Pero napahinto siya sa paghahalungkat ng gamit nang maramdaman ang presensya ng iba.

Pagkaharap niya ay tama nga ang hinala niya.

Isang pamilyar na ngiti ang bumungad sa kanya. Ang business tycoon na si Primero Misuaris, kasama ang kanyang mga naka-armang alipores. Lumapit ito sa kanya.

"Congratulations! It's a tough fight, but you won with power and determination," puri ng matanda.

Kilala niya ito, ito ang ama nina Third at Fourth.

"May kailangan ka ba sa akin, Sir?" tanong niya.

Napangiti ito.

"I didn’t come here just to waste my precious time. Kilala mo naman siguro ako?"

Tumango siya.

"Sinabi sa akin ni Kael na nagtatrabaho ka sa Supreme Intelligence Agency."

"Matagal na akong nag-resign," sagot niya habang kinakalas ang bendahe sa kamay.

"Gusto ko na rin kasi ng panibagong trabaho. Nakakabagot na maging isang agent—monitoring agent," paglilinaw niya. Medyo natawa si Primero.

"Kung gano’n, puwede kang magtrabaho sa akin. Malaki ang sahod."

Mataman siyang tumitig sa matanda.

Seryoso ba ito? Kung pera lang ang usapan ay game siya.

"Anong klaseng trabaho?" tanong niya.

"Bodyguard. Bodyguard ng pasaway kong anak."

Medyo nag-alangan siya... ngunit ok na rin lalo na't mayaman naman ang magiging amo niya.

At ang dating secret agent ay mukhang magiging bodyguard na naman ng anak ng isang bilyonaryo.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Anne Lars
Hi, everyone. This book is under editing but I want to say thank you for supporting this book
2025-04-09 23:20:44
2
user avatar
Anne Lars
Hi everyone, I started writing on the sequel of this book, especially Fourth's brother Sixto. I hope makapasa ako sa contract application para ma-publish ko kaagad dito ang libro. Share ko lang hehe
2025-03-01 13:52:17
2
user avatar
Minatokizaki
nice story. underrated story. underrated author. looking for ur nxt story keep writing po
2025-01-23 23:10:57
2
user avatar
Rona
Finally done reading. Good story I love it
2025-01-22 13:30:18
2
user avatar
joseph Larona
tbh this one is a fresh plot for me. I love badass fl character saka laughtrip na nkakakilig then nkakaiyak. good job author kudos to u po
2025-01-19 11:19:57
4
user avatar
La Memeng
I recommend this story...ang ganda kakaiba po talaga siya
2025-01-19 10:04:30
4
user avatar
GORGEOUSSTEEL
Love the story po Ms. A keep writing
2025-01-15 08:43:42
4
default avatar
michelbagares24
grabe pinagpuyatan ko talaga basahin to, ang ganda ng story kakaiba kaya nagustuhan ko. more pa po sana sa mga kapatid ni fourth naman. hehehe
2025-01-15 02:42:14
3
94 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status