"Papasok na po ako" paalam nya kinabukasan.
"Ingat ka Mella dahan-dahan ka ah sa pag ba bike ah, huwag kang nagmamadali" bilin ng Nanay nya.
"Opo Nay" sagot nya at inilabas na ang bike sa gate.
"Mella! Mella!" Tawag ng Ate Grace nya at tumatakbong lumabas ng gate. Bagong gising palang ito at nakapantulog pa.
"Idagdag mo to sa baon mo" sabi nito at iniabot ang limang daan.
"Huwag na ate may binigay na si Nanay sa akin"
"Ano ka ba, idagdag mo, kumain ka sa Ice cream house" pamimilit nito kaya naman kinuha na nya para maitabi nalang.
"Anong nangyari sa bike mo?" Biglang tanong ng Ate nya ng makita ang basag na salamin nito sa gilid ng manibela.
Hindi nya sinabi kanino man na nakita nya si Aiden Del Castillo, hindi nya sinabi na halos durugin na sya nito sa mga kamay nito dahil sa pagkasukla nito sa pamilya nya. Alam naman nyang lilikha lang ng gulo pag nagsumbong sya lalo na sa Ate Grace nya. Alam nyang kahit di maganda ang ginagawa ng Ate nya hindi parin nito gustong nasasaktan sila o di kaya na aagrabyado."Nasagi lang sa pader kahapon" pagsisinungaling nya.
"Hindi ka ba natumba? O na aksidente?" Pag alala nito.
"Hindi po ate, nasagi lang sa may pader kahapon, excited kasi ako"
"Ganoon ba, hayaan mo pag may time ipapaayos natin"
"Huwag na ate ok lang to" sagot nya at mabilis ng nagpaalam sa kapatid.
Mabakal pinapatakbo ang bike maaga pa naman kasi at nais nyang manamnam ang malamig na simoy ng hangin. Kagabi halos hindi sya makatulog sa kaka-isip kay Aiden tumatak sa kanya ang galit na mga mata nito ang mga masasakit na salita nito, pero lahat naman ng yon totoo at hindi nya ito masisisi. Malapit na sya ng eskwelaan ng marinig ang busina mula sa likuran, tumabi sya at nakita ang pulang sports car, agad nyang nakilala ang nagmamaneho si Aiden sinulyapan lang sya nito at mabilis na pinaarurot ang sasakyan nito. Sinundan nya ng tingin ang pulang kotse at napabuntong hininga.kahit sa saglit na pagtama lang ng mga mata nila ni Aiden hindi nakaligtas sa kanya ang matalim na tingin nito sa kanya at sya naman ewan nya kung bakit kinabahan sya ng makita si Aiden narinig nyang kumabog ang dibdib nya.
"Ano ka ba Mella! Takot lang yan huwag kang mag-isip ng ano" pangungumbinsi nya sa sarili at pumasok na sa gate ng eskwelaan. Ang San Miguel Highschool ay ang nag-iisang public school ng San Miguel maganda at malaki naman ang paaralan sa pagkakaalam nya ang mga Tragora ang nagpatayo ng eskwelaan para sa mga tulad nilang hindi kayang pumasok sa San Miguel University pero hindi tulad ng SMU ang SMH ay hanggang higschool lamang kaya karamihan sa kabilang bayan pumapasok sa vocational school, tulad ng Ate Lanie nya doon ito nag-aaral ngayon, at sana kahit dalawang taon lang makapag tapos ang kapatid dahil sa kanilang lima wala pang nakakapag tapos ng pag-aaral.
Pagkatapos ng klase kaagad na syang lumabas ng campus wala naman syang kaibigan kaya kaagad umuuwi sya pagkatapos ng klase.
"Uuwi ka na ba Mella?" Tanong ni Jake kaklase nya habang inaalis sa pagkaka padlock ang bike.
"Oo" tipid na sagot nya. Hindi ito ang unang beses na paglapit sa kanya ni Jake ilang beses na rin itong nagparamdam at nagregalo ng kung anu-ano pero nilinaw na nya rito na wala itong maaasahan sa kanya.
"Gusto mong mag Ice cream?" Tanong nito.
"Busog ako saka hinihintay na ko sa bahay" mabilis na sagot nya at mabilis na pinaandar ang bike. Ewan nya pero tila natatakot sya sa tuwing may kakausap sa kanyang lalake, lalo na't maraming taong nakatingin, iniiwasan nyang bigyan ng masamang kahulugan ang pakikipag-usap nya, hangga't maaari umiiwas syang mapag-usapan sa bayan nila, ayaw nyang marinig sa mga tao ang pangalan nya at kung sinong lalaking kasama nya at kung ano ang nangyayari sa kanila. Di ilan beses na nyang narinig sa mga kapitbahay na bata pa daw sya kaya marahil hindi pa nya sinisimulan ang nasa ang tulad ng ginagawa ng mga kapatid. Madalas pa nyang marinig pare-pareho lang daw silang magkakapatid at imposibleng hindi sya matulad sa mga kapatid. Naiiyak sya sa tuwing naiisip nya ang bagay na yon, wala ba syang karapatang maging iba at tahakin ang ibang landas at hindi ang landas na tinatahak ng mga kapatid nya ngayon.
Dinala sya ng pagbibisekleta sa isang convenient store, maraming estudyanteng nakatambay sa loob at labas ng kilalang convenient store, nais lang nyang bumili ng sundae doon mura lang kasi marami na at masarap pa. Nagtuloy sya sa loob at pumila na. Mula sa loob napansin nya ang grupo ng mga binatang masayang nagbibiruan sa labas. Agad nyang nakita si Aiden nakaupo at pa ngiti-ngiti sa kung anong kinukuwento ng kasama nitong nakaupo din. Napansin din nyang panay pa cute ng ilang mga kadalagaan sa kabilang mesa sa grupo nila Aiden. Sino ba naman ang hindi lahat gwapo at sigurado syang may kaya din ang mga kaibigan ni Aiden dahil sa itsura ni Aiden hindi ito nakikipag kaibigan basta-basta. Lihim nyang napamasdan mula sa loob ng store si Aiden na nakasuot lang ng simple itim na t-shirt pero lutang na lutang ang ka gwapuhan nito. Bumuntong hininga sya at naalala ang nangyari kahapon.
"Galit sya sa akin" bulong nya at mabilis na nagbayad at kinuha ang binili. Bago sya tuluyang lumabas sinulyapan nya muli si Aiden at sa pagkakataong yon nahuli sya nitong nakatingin sa kanya. Nagulat pa sya at napatigtig rito,una syang nagbawi ng tingin rito, at mabilis na lumabas ng convinient store.
Paglabas iniwasan nyang lingunin ang kinauupuan ng mga ito, nagtuloy sya sa bike nya. Pasakay na sya ng biglang may lumapit sa kanya.
"Hi, Mella!" Bati ng lalaking nakita nyang kasama sa grupo ni Aiden. Sinulyapan nya ang mesa ni Aiden at nakita nyang nakatingin ang mga ito sa kanya at sa kasama ng mga ito.
"Bakit?" Kiming tanong nya at inilagay sa basket ng bike ang sundae.
"I'm Jeff by the way" pakilala nito at iniabot pa ang kamay pero hindi nya tinaggap yon, sinulyapan nya muli si Aiden at mga kasama nito na tila ba natawa.
"Sige mauna na ko" paalam nya nais na nyang umiwas alam nya na pinagti-tripan sya ng mga barkada ni Aiden baka utos ni Aiden.
"Sandali lang, doon muna tayo pakikilala kita sa mga barkada ko" sabi nito at hinawakan sya sa siko, mabilis syang umiwas.
"Kilala kita Mella, kapatid mo si Lanie hindi ba?" Nakangising sabi nito. Alam na nya kung ano ang susunod na sasabihin nito kaya naman hinila na nya ang bike. Pero pinigilan sya nito.
"Huwag mo kong ipapahiya sa mga kaibigan ko! Baka hindi mo ko kilala, isa pa alam ko kung ano kayong magkakapatid dito sa bayan na ito" bulong nito sa tenga nya. Bumuntong hininga sya at hinarap ito.
"Anong kailangan mo?" Inis na tanong nya. Hindi nya ito kilala pero nakakasigurado syang mayaman at nasa kilalang pamilya din ito tulad ni Aiden.
"Gusto ko lang naman makipag kilala sa iyo" sagot nito at naramdaman ang kamay nito sa balikat nya. Mabilis nyang tinabig yon.
"Jeff! Ano ba pati ba naman ang highschool student pinapatos mo na" sigaw ng isang kasaman nito.
"Kung ganito ba naman ang bakit hindi, maganda na may katawan pa" nakangising sagot nito at muli syang hinawakan nito. Naka uniporme lang sya pero kahit sa uniporme lang nya kitang-kita kung gaano kaganda ang hinaharap nya. At alam nyang yon ang tinutukoy nito.
"Mauna na ko" iwas nya dahil marami na ring nakatingin sa kanila, kitang-kita nya ang ilang mga kasing edad nyang nakasimangot at masama ang tingin sa kanya.
"Come on, huwag ka ng umarte" sabi nito at pilit hinihila ang kamay nya.
"Ano ba?!" Tili nya na lalong umagaw ng atensyon ng mga naroon at tinulak ito.
"Ang arte mo! Akala mo kung sino ka eh katulad ka din naman ng mga kapatid mong kaladkarin!" Sigaw nito at muli syang hinila sa braso.
"Ano ba!"
"Jeff tama na yan!" Kalmadong sabi ni Aiden na nanatiling nakaupo at nakamasid sa kanila.
"Ang arte arte pare eh, akala naman malinis!"
"Bitiwan mo ko!"
"Patikimin kaya kita" sabi ni Jeff at lalo syang hinila palapit rito.
"Bi-"
"Sabi ng tama na eh!" Sigaw na pumutol sa sasabihin nya. Pareho pa sila ni Jeff na napalingon kay Aiden na ngayon naglalakad palapit sa kanila.
"Aiden pare huwag mong sabihin na-"
"Hindi, ayoko lang nakakakita ng binabastos narinig mong sinabi nya hindi ba? Bitawan mo sya" kalmadong sagot ni Aiden at huminto sa pagitan nya at ni Jeff, nakulong sa lalamunan nya ang paghinga, nanatili syang nakamata kay Aiden.
"Eh kung isang pe-"
"Jeff!" May babalang putol ni Aiden sa sasabihin pa sana ni Jeff.
"Bahala ka nga!" Inis na sabi ni Jeff at marahas syang itinulak. Napatili sya at bago pa nya naramdaman ang katawan sa semento. Matigas na braso ang naramdaman nyang sumalo sa bewang nya. Napatingala sya at napatitig kay Aiden wala syang nakikitang emosyon sa mga mata ni Aiden, basta nakatingin lang ang mga mata nito sa mata nya. Pakiramdam nya tumigil ang ikot ng mundo, pakiramdam nya sya lang at si Aiden ang tao sa paligid at nasasamyo nya ang mainit na hininga nito na humahaplos sa mukha nya, amoy na amoy din nya ang mamahaling pabango nito, at aaminin nyang mula kahapon naghahatid na ng kakaibang pakiramdam sa kanya si Aiden, hindi palang nya maipaliwanag sa ngayon kung ano yon, basta ang alam nya nag-iiba ang tibok ng puso nya sa tuwing malapit si Aiden.
"Umuwi ka na" utos nito at tinulungan syang makatayo.
"Sa... sa.. sala.. mat" garalgal na sabi nya at mabilis na hinila ang bike. Liningon nya ang paligid maraming nakatingin at lahat ng kababaihan nakasimangot at hindi masaya sa ginawa ni Aiden na pagtatanggol sa kanya. Muli nyang liningon si Aiden at mabilis nang umalis.
"Wow" Anas nya ng makita kung gaano kaganda ang ayos ng Del Castillo Resorts para sa kasal nila ni Aiden. Ang mga kapatid ni Aiden ang nag-asikaso sa pag-aayos ng venue, at ang Mama naman ni Aiden ang nag-ayos para sa reception. At ang Papa naman ni Aiden ang nakiusap sa pari para sa kanila. At sila ni Aiden wala namang ibang ginawa kundi i advance ang honeymoon nila sa bahay ng mga Del Castillo."Nagustuhan mo ba Ate Mella?" tanong ng bunsong kapatid ni Aiden."Oo naman" naiiyak na sabi nya, dahil pakiramdam nya nasa cloudnine sya. Nakakaiyak dahil lahat ng pinapangarap nya ay nakuha na nya. Unang-una si Aiden ang asawa nya at ang magiging anak nila, bonus nalang sa kanya ang mga materyal na bagay at kung ano mang meron si Aiden."Mella, hija halika na mag bihis kana" tawag ni Mrs. Del Castillo sa kanya. Agad nyang pinahid ang mga luhang nais pumatak. At ngumiti sa Mama ni Aiden na magiliw na nakangiti sa kanya."Tara na ate Mella" magiliw na yaya
Pagdating nila sa silid ni Aiden, agad syang humanga sa laki at ganda ng silid nito, tila buong bahay nila ang lawak non. Isama pa na kumpleto sa kagamitan ang silid. Alam nyang may kaya talaga ang mga Del Castillo."Welcome to my room Carmella" turing nito at niyakap sya mula sa likod. Ngumiti sya at hinawakan ang mga kamay nito na nakayakap sa kanya. Naramdaman nya ang init ng hininga nito sa batok. Nakaramdam syang ng kakaibang init. Aaminin nyang na miss nya si Aiden, dahil mula kaninang pagdating nila ng San Miguel ay hindi pa sila nito nagkaroon ng pagkakataon na silang dalawa lang."I love you Aiden" bulong nya, at umikot paharap sa asawa. Oo asawa na nya si Aiden mag-asawa na sila nito at muli silang ikakasal sa susunod na linggo, at magiging Aiden Del Castillo sya sa ikalawang pagkakataon."I love you more Carmella" he whispered and kissed her passionately, she respond seducing her husband. Of course dapat lang na may mangyari sa kanila ni Aiden sa l
"Huwag mo ba kaming intindihin Mella, masaya naman na kami" Sabi ng Nanay nya ng pasyalan ang mga ito. Kasama nya si Aiden na pumunta sa inuupahang bahay nila."Pero Nay, gusto ko po sanang andoon kayo sa kasal ko" pakiusap nya sa ina. Nasabi nya sa ina na ikakasal na sila ni Aiden. At tanggap na sya ng pamilya Del Castillo."Carmella, nakakahiya naman sa pamilya ni Aiden" bulong ng nanay nya at sinulyapan nito si Aiden, na tahimik na nakaupo sa tabi nya. Alam nyang nahihiya ang Nanay nya sa mga Del Castillo, dahil na rin sa pagiging kasangkapan ng Ate Grace nya sa naging relasyon ni Mr. Del Castillo kay Mrs. Alvarez."Nay, napag-usapan na po namin yan ni Aiden" sagot nya at sinulyapan si Aiden. Tumango ito at hinawakan sya sa kamay.Matapos nilang makausap ang mga magulang ni Aiden kanina, kaagad nya itong niyayang pumunta sa kanila para ibalita sa pamilya nya ang napakagandang balita."Sa totoo nyan Mella, aalis na kami ng mga kapatid mo di
Kinabukasan nagbalik sila ng San Miguel, haharapin na nila ang mga magulang ni Aiden pati na buong San Miguel."Are you ok?" tanong ni Aiden, habang nagmamaneho."Yeah" tipid na sagot nya, at ngumiti."Just relax Carmella" sabi nito, sabay hawak sa kamay nya."I love you, always remember that""I know, and I love you too Aiden" nakangiting sagot nya, at kahit papano nabawasan ang kaba at takot na nararamdaman.Pagpasok sa loob ng bahay ng mga Del Castillo ay mahigpit ang hawak nya kay Aiden. Natatakot syang galit ng mga magulang ni Adien ang sasalubong sa kanila, lalo na ngayon kasal na si Aiden sa kanya. Siguradong alam na ng mga magulang ni Aiden ang kasal nila kaya sila pinabalik ng San Miguel. May tiwala sya kay Aiden at alam nyang hindi sya bibiguhin nito lalo na't magkakaanak na sila."Sina Papa't Mama?" tanong ni Aiden sa may edad na sumalubong sa kanila sa pinto."Nasa komedor na po Sir" sagot ng may edad na babae. Naglakad na
Kinabukasan nauna syang nagising kay Aiden. nakadapa ang hubad nitong katawan na tanging pang-ibaba lang ang natatakpan at masasabi nyang ang asawa nya ang may pinakamagandang katawan. Pinagmasdan nya ang mahimbing na natutulog na asawa na may gwapong mukha, dahan-dahan nyanh hinaplos ang mukha ng asawa na lalong nagkadagdag sa kgwapuhan at appeal nito ang magaspang na balbas na tumutubo, dati hindi sya na aatrak sa mga lalaking may balbas o bigote, pero nang dahil kay Aiden ay nagbago ang pananaw nya, kung sa bagay wala namang ibang lalaking pumukaw sa atensyon nya si Aiden lang. mula noon hanggang ngayon si Aiden lang ang lalake sa puso nya at asawa na nya ngayon ang lalaking dating pangarap lang nya."I love you Aiden" bulong nya sa asawa at maingat na hinalikan sa pisngi, ayaw muna nyang magising ito para naman makapag pahinga ang asawa alam nyang tulad nya pagod din si Aiden lalo na kagabi hindi na nya matandaan kung ilang beses ba syanh inangkin ng as
Sa malaking simbahan ng San Miguel sila nagtungo ni Aiden, buo na ang desisyon nilang magpakasal kahit tutol ang mga magulang ni Aiden, wala ng makakapaghiwalay sa kanila ni Aiden, mabubuo na ang pamilya nila."I can't believe na sa ganitong kasalan mo ko i-invite" biro ni Harvey ng makapasok na sila sa loob ng simbahan. Tinawagan ito ni Aiden at sinabing kailangan nito ang tulong kaya naman dali-dali itong nagpunta sa simbahan. Gabi na at sarado na ang simbahan pero ang mga pari ay tila mga Doctor yan gising yan para sa serbisyo. Marahil nagpapahinga na ang Pari kaya ginising muna ito, dahil medyo kanina pa sila naghihintay sa loob ng simbahan."Don't worry Harvey sa big wedding namin babawi kame" sagot ni Aiden at hinawakan sya sa kamay at ngumiti sa kanya, ngumiti sya kay Aiden alam nyang kayang ibigay ni Aiden ang bonggang kasal tulad ng mga kilalang kinasal sa simbahan ng San Miguel, pero hindi yon ang mahalaga sa kanya, ang mahalaga magkasama sila at masaya
"Nababaliw kana ba Aiden? Dinala mo pa talaga rito ang babaing yan!" Sigaw ni Mrs Del Castillo nang makarating na sila sa bahay ng mga ito. Nakaramdam sya ng takot ng marinig ang mga sigaw ni Mrs. Del Castillo at napaatras ng isang akbang, sinulyapan sya ni Aiden at pinisil ang kamay nyang mahigpit na hawak nito, tila nais nitong iparating na huwag syang matakot dahil andun ito at hindi sya pababayaan. "Ma, please Carmella is my girlfriend now""Girlfriend?! naiibang kana talaga Aiden! ano bang nakita mo sa babaing yan! isa yang Perez!" hiyaw ni Mrs. Del Castillo. At mula sa hagdan bumungad ang Papa ni Aiden at dalawang kapatid na babae ni Aiden, marahil narinig ang mga sigaw ni Mrs. Del Castillo. nakita nyang masamang tingin ang pinukol sa kanya ng Papa ni Aiden habang pababa ito ng mataas na hagdan. Ito ang unang beses na pagtungtong nya ng bahay ng mga Del Castillo at masasabi nyang mayroong marangyang buhay ang mga ito, kung sabagay nabibilang ang
Dumaan ang tila mahabang sandaling katahimikan sa kanila ni Aiden matapos nyang sabihin na buntis sya, tila hindi kaagad rumehistro sa isip ni Aiden ang sinabi nya. nanatili lang itong nakatitig sa kanya, pakiramdam tuloy nya tumigil ang ikot ng oras at halos pakiramdam nya sasabog na ang dibdib nya sa kaba. Sa kabang paano kunh hindi tanggapin ni Aiden ang anak nila? Paano kung sabihin ni Aiden na hindi pa ito handa? anong gagawin nya kung sakaling tanggihan ni Aiden ang anak nila."Carmella" simula nito na. nanlalaki ang mga mata nyang nakatitig rito habang hinihintay ang sasabihin nito. namimigat na rin ang mga mata nya sa luhang nais ng pumatak kanina pa dahil sa pagsasawalang kibo ni Aiden."Oh god Carmella" anas nito at tumayo mula sa kinauupuan at laking gulat nya ng niyakap sya nito sa bewang at binuhat mula sa pakakaupo."Daddy na ko, Daddy na ko Carmella, magkaka baby na tayo, magiging isang buong pamilya na tayo" sabi nit
"Are you ok?" May pag-aalalang tanong sa kanya ni Aiden ng makarating na sila sa Del Castillo Resorts. Kanina pa kasi nakaparada ang kotse ni Aiden sa loob ng Resorts pero hindi pa nya makuhang kumilos pababa, tila sya natatakot parin."Carmella I'm here" Sabi nito at hinawakan sya sa kamay."Hindi ko hahayaang may mangyari sa iyo, kung ano man ang kinatatakot mo andito ako, hindi kita pababayaan" Napangiti sya sa sinabi ni Aiden. Alam naman nyang hindi sya pababayaan ni Aiden,hindi sila nito pababayaan sila ng magiging anak nila."Salamat" bulong nya at hinaplos ang gwapong mukha."Let's go para makapag pahinga ka na" tumango sya rito at binuksan ang passenger seat. Sabay na silang bumaba ng kotse ni Aiden. Malalim na ang gabi kaya halos wala ng tao sa labas ng Resorts, marahil nagpapahinga na. Linanghap nya ang simoy ng hangin, ramdam na nya na nasa San Miguel na sya."Na miss mo b