NAPATITIG si Mia sa mataas na building ng Madrigal Corporation kung saan ay CEO ang kanyang nobyo. Kilala bilang tanyag na negosyante ang mga Madrigal. Her boyfriend comes from a family of billionaires. Halos mukha ng pamilya Madrigal ang makikita mong billboard sa Makati. Napangiti siya… Balang- araw ay magiging Madrigal na rin siya. Mabagal na umaakyat ang elevator patungo sa opisina ni Alonzo Madrigal nang maisip ni Mia si Alonzo. Hindi niya nakita nang kalahating buwan ang nobyo dahil umuwi sila sa probinsya ng kanyang ina at napuno ng pananabik at tamis ang kanyang puso lalo na at namiss niya ito ng husto. Isa pa nang magkausap sila ni Alonzo ay sinabi nitong may magandang balita itong ibabalita sa kanya at wala siyang ibang maisip na magandang ibabalita nito kundi ang mag-propose sa kanya ng kasal lalo na at matagal na niyang hinihintay ang araw na iyon. Hawak ni Mia ang isang lalagyan ng caldereta na pinagpuyatan niya pang lutuin upang ipagluto nang espesyal si Alonzo. Balak n
“Alonzo!” histerikal na sigaw ni Mia sabay pukpok sa pintuan nito ng silidn nito. Hindi na niya mapigilan ang kanyang pag-iyak. “Walanghiya ka! Paano mo nagawang lokohin ako ng ganito?”Dahil sa malakas niyang pagsigaw ay biglang tumigil ang mga tunog mula sa loob ng kwarto nito na kanina lamang ay parang pusang naglalampungan...Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at lumabas si Alonzo, kalmado ang ekspresyon sa mukha na akala mo ay walang ginagawa. Alam niyang alam na nito na nalaman niya na ang sikreto nito lalo na at narinig naman nito ang kanyang pagsigaw. Akala niya ay tatanggi ang nobyo sa kanyang nalaman pero hindi. Nakakunot ang noo ni Alonzo at nakatingin sa kanya na akala mo ay walang nangyari at hindi siya nasaktan. Balewala sa lalaki na nalaman niya ang kataksilan nito. “Mia,” ani sa kanya ni Alonzo.’“How dare you!” sumbat niya.“Now, that you know the truth, I don’t want to pretend anymore. I want to tell you directly, Mia Ang turing ko lang sa’yo ay parang kapatid lamang
“Mia, ayos ka lang ba?" tanong sa kanya ni Alonzo pagkatapos siyang itulak. Dali-dali siya nitong nilapitan at inabot ang kanyang braso at tinangkang itayo siya.“Huwag mo akong hahawakan,” galit niyang pigil kay Alonzo."Bitawan mo siya!!" sigaw ng isang lalaking galit ang boses na umalingawngaw mula sa pintuan.Napansin niyang natigilan si Alonzo at ang babaeng kasama nito na si Gemma nang mapagsino ang dumating… Nakita niya ang takot sa mga mata ni Alonzo dahil sa malakas na sigaw ng bagong dating na si Nicholas Madrigal, walang iba kundi ang kapatid ni Alonzo at nobyo rin ni Gemma. Hindi inaasahan ng mga ito ang pagsulpot ni Nicholas.Napatingin din si Mia sa direksyon ng boses at nakita ang isang wheelchair na nakapwesto sa may pintuan ng opisina. Nakaupo rito ang isang lalaking nakasuot ng unipormeng pulis. Maikli at maayos ang buhok at matalim ang mga mata na nakatingin kay Alonzo at Gemma. Ang mga kilay nito ay nakasalubong dahil sa galit. Kung nakakamatay lang ang tingin ni
Napatitig siya kay Nicholas. Seryoso pa rin ang mukha nito. Mukhang hindi nga ito marunong ngumiti. Ang nakakapagtaka lamang ay wala itong sinabing masama kay Gemma samantalang niloko ito. "Ayos lang talaga ako," ani niya pa na kumawala mula sa malaking kamay na nakahawak sa kanya ngunit tila walang balak si Nicholas na pakawalan siya. "Miss, sumakay ka na sa sasakyan. Ang sugat mo ay nasa ulo at kung hindi ‘yan magamot ay baka kung mapano ka. Isa pa, dumudugo pa rin ‘yan. Pinagtitinginan ka na ng mga tao,” ani pa sa kanya ni Martinez na itinuro ang mga empleyadong paparating na upang pumasok. Hawak nito ang pintuan ng sasakyan. "Gusto mo ba ang agaw atensyon? Mukha kang katawa-tawa sa itsura mo. Umiiyak at may umaagos na dugo sa ulo. Nakakahiya----kaya pumasok ka na ng sasakyan,” ani pa ni Nicholas sa kanya pero hindi pa rin siya nagpatinag. Iisipin niya pa ba ang dugo sa ulo niya samantalang mas sugatan naman yata ang puso niya? “Kung ayaw mo ay bahala ka, go! Umalis ka na para ma
NAPAHALAKHAK ng malakas si Mia dahil sa mga naririnig mula kay Nicholas. "Nagpapatawa ka ba? Baka nakakalimutan mo na ang lalaking mahal ko ay kasama ng fiancée mo at kung pakakasalan kita sa tingin mo ba ay magiging okay ang lahat? Do you think everything will turn out romantic?” ano niya kay Nicholas. Hindi maipaliwanag ni Mia kung ano ang nararamdaman niya sa mga oras na ‘yon… Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang naririnig mula sa lalaki. "Ang kailangan mo lang sabihin sa akin kung pakakasalan mo ba ako o hindi?" seryoso pa ring sagot sa kanya ng lalaki. "Hindi ako papayag… Hindi kita mahal, kaya bakit kita pakakasalan?" mariing sagot niya. “Hindi ako papayag sa gusto mo.” "Hindi mo ba siya mahal? Kung pakakasalan mo ako ay makikita mo si Alonzo araw-araw. Nakikita mo naman siguro na paralisado ang aking mga binti kaya kahit magpakasal tayo, ay hindi kita mahahawakan. Magiging mag-asawa lang tayo sa pangalan, Mia. Ginagawa ko ang lahat ng ito dahil hindi ko matanggap ang na
BUMALIK sa mga alaala ni Mia ang lahat. Kung paano niya inakala na ang lahat ay okay lang sa kanila ni Alonzo. Akala niya ay kilala niya na ng lubusan ang nobyo. Bawat masayang sandali ay parang kutsilyong humihiwa sa kanyang puso, pinapahirapan siyang huminga dahil sa mga nangyayaro. Ang dami niyang tanong kay Alonzo. Bakit siya nito pinaasa ng ganun katagal? Ano ‘yun? Nagkukunwari lang ito na mahal siya sa loob ng siyam na buwan na maging magkarelasyon sila? Muling pumatak ang kanyang luha... Hindi niya alam kung gaano katagal ang naging biyahe nila dahil sa traffic, ngunit sa wakas huminto ang Land Rover sa harap ng villa. Sa bahay ni Nicholas. Ang laki ng bahay nito. Halos kasinglaki ng bahay ng mga magulang nito. "Pwede ka ng bumaba,” wika sa kanya ni Nicholas. Ito na ang magiging bago mong tahanan kapag nagpakasal tayo,” walang bakas ng emosyon boses nito. “Ikaw nalang ang kulang sa bahay na ‘yan.” Mabilis naman na bumaba si Martinez at pinagbuksan siya ng pinto. Tinalo pa ni
"Mia,” ani pa ni Alonzo sa kanya sa kabilang linya pagkatapos nitong matigilan dahil sa kanyang sinabi. "Medyo pagod ako ngayon Alonzo. Kung wala kang sasabihing maganda ay ‘wag mo na lamang akong kausapin. Isa pa, ayaw na kitang kausap. Kung may pag-uusapan man tayo pag-usapan na lang natin pagpasok ko sa trabaho," wika niya pa dahil ayaw niya nang marinig pa ang boses ng nobyong manloloko. "Sige, magpahinga ka na. Tatawagan na lang kita sa ibang araw," wika pa ni Alonzo. Napansin niyang malungkot ang boses nito sa kabilang linya kung kaya't nagkibit balikat na lamang siya. Ang tulad ni Alonzo na magaling magbago ng kataksilan ay dapat lang na paghandaan niya. Ganun pa man ay hindi niya mapigilang ang malungkot. Pakiramdam niya kasi ay ito na ang huli na pag-uusap nila ng nobyo na labis niyang minahal. Malungkot na inalis ni Mia ang cellphone mula sa kanyang tainga. Bago pa man bumaba ang kanyang kamay ay biglang kinuha ni Nicholas ang cellphone niya na kanyang ikinagulat. Na
PINUKOL ni Mia ng masama ang salesman na nagbalot ng t-back na pinili nito. Hindi naman niya magawang tumanggi dahil baka isipin ni Nicholas ay ignorante siya sa t-back at kailanman ay hindi pa nakapagsuot. Ayaw niyang bigyan ito ng impresyon kung bakit siya iniwan ni Alonzo unlike rito na alam niya kung bakit ito iniwan ni Gemma.Tumutol man siya sa gusto ni Nicholas ay wala rin naman siyang magawa. Mapapahiya lamang siya kapag nakipagtalo pa. Pagkalabas nila mula sa seksyon ng underwear ay dinala siyang muli ni Nicholas sa seksyon ng sapatos at bag. Kung ano-anong bag at sapatos ang ibinili nito sa kanya. Nang matiyak nito na nabili na lahat ay saka pa lamang ito nagyaya na lumabas ng mall."Saan ka nakatira?" malamig na tanong ni Nicholas sa kanya matapos silang makapasok sa sasakyan."Ha?" tanong niyang sagot."Ihahatid kita pauwi.""Ahhmmm— sa Marikina,” sagot niya rito. Ang buong akala niya ay iuuwi na siya nito sa Villa nito. “Ituro mo nalang kay Martinez ang exact address ng
Galit na galit ang kanyang ama dahil sa kanyang sinabi kung kaya nilapitan siya nito at sinampal. Dahil sa sakit ng sampal ay natauhan siya. Napahawak siya sa kanyang mukha at galit na tumingin sa kanyang ama. “Hindi na ba kayo nagsawa na saktan ako? Anak mo pa rin ba ako, Pa! Si kuya na lang ba ang mahalaga sa inyo? Nagkamali ako at inamin ko yun.”“Suwail!” galit na duro sa kanya ng ama habang itataas pa sana ang kamay para sampalin sita ngunit bago pa niya ito maibaba ay niyakap siya ng ina.“Ano ba, Mike! Lasing lang ang ang anak mo. Bakit mo pa siya pinapatulan? Mando! Halika't tulungan mo akong dalhin pabalik sa kanyang kwarto si Alonzo” yaya ng kanyang ina sa kanilang katiwala habang yakap-yakap siya ng ina. “Tama na anak. Huwag ka ng sumagot sa Papa mo. Lasing ka lang.”Pinagtulungan siyang ipasok sa kanyang kwarto. Isang masamang tingin ang ipinukol niya sa ama. Pakiramdam niya ang hirap abutin ng kanyang ama, palibhasa kasi pangalawang pamilya lamang sila nito.***********
NAPAKUNOT ang noo niya nang makita niya ang bagong dating na mag-asa. Hindi niya mapigilang hindi mapatitig kay Mia. Ibang-iba kung manamit ito. The ugly duckling who always appeared in front of him with a dusty face every day has become more and more beautiful. Ang laki ng ipinagbago ni Mia. Pakiramdam niya ay hindi niya na ito maabot. Napatingin siya sa kapatid na nakaupo sa wheelchair, hindi ito bagay kay Mia. "Nandito na pala kayo, kuya,” bati niya pero tumango lang ito at hindi man lang siya tiningnan. Binati niya rin si Mia pero hindi siya nito pinansin. “Pagod na ako.. Mauna na muna ako, Mia… Gusto kong magpahinga,” sagot ni Kuya Nicholas. Susunod sana si Mia sa kanyang kapatid nang makita nito ang kanyang ina. Lumapit si Mia sa ina niya at humalik sa pisngi. “Kumain ka na muna.” “Busog pa po ako Tita.” “Eh di prutas na lamang ang kainin mo. Light lang yun, halika na!” “Sige po, ipapasok ko lang si Nicholas.” Pinagmasdan niya si Mia. Itinulak nito ang wheelchair pa
HINDI mapigilang hindi mainis ni Nicholas ng madatnan niya si Danny sa bahay ng kanyang asawa. Alam niya sa sarili niya na hindi naman siya nagseselos pero naiinis lang talaga siya sa presensya nito. Binalatan niya ang hawak na orange at ibinigay iyon sa asawa. “Mabuti naman at may libre kang oras, hindi ka ba busy sa restaurant mo?” tanong niya sa lalaki kung kaya napatingin ito sa kanya.“Hindi naman ako busy lalo na at may mga tauhan naman ako. Isa pa, sabi ko nga kanina ay pamilya ko na sila Tita Melinda. Wala sa akin yun. Gagawa at gagawa ako ng oras para sa kanila.”“I see,” sagot niyang tumango sa sinabi nito."Kumusta nga pala ang mga binti mo? Magaling na ba?" tanong pa sa kanya ni Danny na tiningnan ang kanyang mga hita.Si Mia ay abala sa paghahanda ng makakain nang marinig nito ang sinabi ni Danny."Nagpapagaling pa rin siya,” sabat ni Mia kung kaya napatitig siya sa asawa.Sasagot pa sana siya nang dumating ang ina ng asawa at may mga dala ito. “Magandang umaga po,” ani
NAPANGITI si Mia dahil sa kanyang sinabi bago siya nito tiningnan. “Sa tingin mo ba talaga magbabago ang isip ko?”“Oo, dahil masama ang ugali ko at lumpo ako.”"Kung sa ugali mo pwedeng magbago ang isip ko. Aren't we both in the same boat? Gemma betrayed you, and your leg is not in good condition. No matter how bad I am, I can't abandon you at this time, okay? Mukhang nasasanay na rin naman ako sa ugali mo,” dagdag pang wika sa kanya ni Mia.Listening to her words his eyes flashed fiercely. Something touched the most vulnerable nerve in his heart. A heart-wrenching picture flashed through his mind. Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon sa kanya ni Mia. Pakiramdam niya tuloy safe siya na kasama ito at wala siyang dapat na ikabahala. Hindi pwedeng magkaroon siya ng personal na nararamdaman sa babae. "Matulog na tayo," ani niya.Ipinikit niya ang kanyang mga mata pagkatapos niyang ibalot ang sarili sa kumot.**************HINDI magawang makatulog ni Mia ng gabing iyon. Naiisip niya
PAGDATING nila ng bahay ay kaagad na pumasok ng banyo si Nicholas upang maligo at bigla siyang nataranta dahil hindi niya kayang gawin iyon—hindi alam kung paano niya papaliguan si Nicholas. Paano na lang kung iba ang kanyang makita? pinamulahan siya ng mukha dahil sa kanyang naisip. Napakadumi ng kanyang isipan.“Maliligo ka? You ne–ed my help?” sagot niyang napapalunok. Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin para matulungan ito.Twenty eight years old na siya at wala pa siyang nakikitang lalaking nakahubad. Siyam na taon sila ni Alonzo at hindi siya nito nagalaw, napanatili niya ang pagiging dalagang pilipina at ngayon papaliguan niya si Nicholas at bibihisan. Ang lakas ng kabog ng kanyang puso. Hindi niya alam ang gagawin. Kaagad yung inalis ang sapatos at medyas ng asawa. Nanginginig ako ng mga kamay ng mga oras na iyon.Alam niyang nakamasid sa kanya si Nicholas kung kaya yokong-yoko siya upang iiwas ang mga mata sa lalaki.Alam niyang nangako siya kinikulas na aalagaan niya i
SA SOBRANG pagod ay hindi niya ay late na siya nagising. Sa taas ng kurtina ng kwarto ay wala man lang araw na pumapasok. Napatingin siya sa orasan na nasa dingding. Alas otso na iyon ng umaga. Napatingin siya sa kanyang katabi. Tulog pa rin si Nicholas pero ang mas na ikinagulat niya ay ang kanyang mga hita na nakadantay sa lalaki. Mabuti nalang at tulog pa ang lalaki dahil kung nagkataon ay Nakakahiya. Dahan dahan niyang inalis ang kanyang mga hita pero pag angat niya ay nagulat pa siya nang makitang gising si Nicholas, looking at her with amusement.“Sorry,” napangiwi niyang wika. “Nasaktan ba kita?” "It's okay, I don't feel anything anyway.”“Hindi ko nasabi sayo na malikot ako matulog. Nakakahiya.”“Okay lang. Akala ko nga ay may katabi akong orasan,” ani pa ni Nicholas kung kaya namula ang kanyang mukha. Lalong hindi siya nakapagsalita. “Pwede bang tulungan mo akong lumipat sa wheelchair?” pakiusap pa ng lalaki sa kanya.Mabilis siyang tumalima..“Sure!”Tinulungan niyang makal
NAALALA niya ang huli nilang pinag-usapan ni Nicholas—ang huli nitong sinabi sa kanya. Nagtataka siya ng ilapitan siya ni Nicholas at malambing ang boses nito. “Alam ko na ang lahat,” wika pa sa kanya ng lalaki kung kaya napakunot ang kanyang noo. Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. Hinawakan pa nito ang kanyang kamay. "I have been with you for the past few days and have understood your character a little bit. I always thought you were a weak girl, but I didn't expect you to have such a strong side. Akala ko isa kang mahinang babae lalo na sa nangyari sayo ng iwan ka ni Alonzo at ipinagpalit. Nagkamali ako sa pag-aakala ko.” Napakagat labi siya sa sinabi ni Nicholas sa kanya. The tone of his voice sounded a little different from before. “Alam kong nagiging katawa-tawa ka dahil ang pinakasalan mo ay isang lalaking nakaupo sa wheelchair. Titira ka na sa pamilya namin at magiging isa kang Madrigal, this kind of thing will most likely happen again. Although my legs are no
NILAPITAN si Isabela. Maging ito ay nakaramdam ng tensyon dahil sa mga nangyayari.Nicholas was the first to break the silence at the door. Tumingin ito kay Danny. Binati nito si Danny.“Hindi ko alam na darating ngayon si Kuya Danny,” ani niya pa.“Inimbita ko siya,” sagot sa kanya ni Nicholas."When Mia gets married, I will come even if I have something big to worry about,” sagot naman ni Danny."Really?” sagot pa ni Nicholas dito. “Hindi ko alam na ganyan pala ka importante si Mia sayo.”Hindi niya alam kung ano ang gustong palabasin ni Nicholas sa sinabi nito.“Can I talk to you in private?” tanong sa kanya ni Nicholas kung kaya tumango siya. Pumunta siya ng kwarto at sumunod naman ang lalaki pagkatapos nitong kontrolin ang sariling wheelchair.“Masisira ang make up mo,” ani sa kanya ni Nicholas nang makita nitong umiiyak siya. Lumapit siya sa pintuan at isinara iyon. Naiwan silang dalawa ni Nicholas sa loob ng kanyang kwarto. Napansin niyang mga titig sa kanya ni Nicholas.“Ang
“Hindi nila pwedeng pigilan ang pagpapakasal natin Alonzo dahil kahit anong mangyari ay magpapakasal tayo. Ang batang dinadala ko ay dugo at laman mo… Isang Madrigal, naiintindihan mo?”“Alam ko at naiintindihan ko ang nararamdaman mo Gemma pero ayokong lalo lamang magalit sa atin ang papa lalo na sa mga nagawa natin. Hayaan muna natin na magpakasal si Mia at Nicholas.. Ang mahalaga naman ngayon ay magkasama tayong dalawa. Hindi ko naman tinatalikuran ang batang dinadala mo…Tama ka, isa pa ring Madrigal ang batang ‘yan at ako ang ama. Let's not rush this matter. Pagkatapos ng kasal nila everything will calm down, and then we can talk about marriage. Besides, even if he is angry, he will not disown the flesh and blood of the Madrigal family. This is his own grandchild," sagot niya pa kung kaya tumaas ang kilay ni Gemma. "Fine, ito lang ang sinasabi ko sayo Alonzo. Sa oras na hindi mo ako pakasalan ay hindi mo na kami makikita ng anak mo kahit kailan! Ilalayo ko sayo ang anak mo.”Niy