Chapter: CHAPTER 110: THE PRICE OF SILENCEMabilis akong umalis ng bahay, halos hindi ko na naisara ng maayos ang pinto. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang nagmamaneho, at paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga salitang binitawan ng tatay ko at ang pangalang ayaw na ayaw ko nang marinig.Sam.Parang kutsilyong paulit-ulit na isinusuksok sa dibdib ko. Pagdating ko sa dati naming tagpuan ang lumang bahay na matagal nang walang nakatira ay agad akong sinalubong ng katahimikan. Sa bahay na ito kung saan maraming lihim.Nandoon na si Simon. Nakatayo sa may pintuan, halatang kanina pa naghihintay at naiinip na sa akin.. Pagkakita pa lang niya sa akin, alam kong nabasa niya agad ang emosyon ko, ang galit, ang inggit na matagal ko nang kinikimkim.“Hey,” mahinahon niyang sabi. “What happened?”Hindi ako sumagot. Diretso akong pumasok at inihagis ang bag ko sa mesa.“Huwag mo muna akong tanungin,” malamig kong sabi. “Baka sumabog lang ako.”Tahimik niya akong sinundan. “Si Sam na naman?” maingat niyang tanong. “Napanood ko an
Terakhir Diperbarui: 2026-01-03
Chapter: CHAPTER 109: WHAT ABOUT ME?Pagkaalis ni Sonya, nanatili akong nakatayo sa gitna ng sala. Tahimik ang paligid pero sa loob ng ulo ko, parang may sumisigaw. Paulit-ulit. Walang tigil. Ang pagkukulang ko kay Sam. At higit sa lahat, ang pagkukulang ko sa ina ng batang pinalayas ko, na ginawa ko rin sa ina niya. I failed her.Hindi ko siya naprotektahan. Hindi ko siya pinili. Hinayaan kong lamunin ako ng bago kong pamilya. Ang totoo ay hindi naman ako naging masaya sa piling ni Sonya. Ngayon ko lang narealize na masyadong kontrolado ang buhay ko. At nang mawala si Sam, doon ko lang tuluyang naunawaan kung gaano kalaki ang kasalanan ko, ang pagkukulang ko. Oo, nagduda ako kung anak ko ba bata si Sam pero nagpa- DNA ako ng hindi alam ni Sonya at nalaman ko na biological kong anak si Sam. Walang duda yun kaya pala kahit na anong pilit ko sa sarili ko na hindi ko ito anak ay nasasaktan pa rin ako sa tuwing na involved ito sa mga away.One year, bulong ng isip ko. Isang taon na akong naghahanap. Isang taon na akong nagba
Terakhir Diperbarui: 2025-12-28
Chapter: CHAPTER 108: COLLATERAL DAMAGENapabuntong-hininga ako habang nakatutok sa TV. Paulit-ulit na lumalabas ang panawagan ni Leonard seryoso ang mukha, puno ng urgency ang boses. Parang eksena sa pelikula, isang billionaire na nagmamakaawa sa harap ng buong bansa.“Sana all talaga,” hindi ko napigilang sambitin.Lumingon ako kay Edmund. Doon ko agad napansin na panay ang lunok niya, hindi mapakali. Halatang tensyonado. Naiinis ako lalo.Hindi dahil kay Sam. Wala talaga akong pakialam sa babaeng ‘yon. Kung nasaan man siya, bahala siya sa buhay niya. That’s not my problem. Ang ikinaiinis ko ay ang asawa ko kung paano siya malinaw na naaapektuhan. Every word Leonard said, parang may tinatamaan sa kanya.“Bakit ka ba ganyan?” tanong ko, hindi na pinipigilan ang tono ko. “Parang ikaw ang nawawala.”Napatingin siya sa akin, nagulat. “Ha? Wala naman,” sagot niya, pilit na kalmado. Pero alam ko ang itsurang ‘yon. Kilala ko siya.Napangisi ako, puno ng iritasyon. “Huwag mo akong lokohin. Ganyan ka rin dati. Same look. Same sile
Terakhir Diperbarui: 2025-12-27
Chapter: CHAPTER 107: NOT A FAIRYTALETumigil ang paghinga ko nang marinig ko ang mga salitang iyon. Para bang biglang lumiit ang café, parang kami na lang dalawa ang natira sa mundo at ang bawat tunog ay masyadong malinaw.“Ariana,” mababa ang boses ni Darren, halos pabulong, pero ramdam ko ang bigat ng bawat salita. “Gusto ko ng makipaghiwalay kay Nina.”Napakurap ako. Hindi dahil hindi ko inaasahan kundi dahil sa bigat ng ibig sabihin nito.“Araw-araw na magkasama kami,” dugtong niya, napapikit sandali, “pakiramdam ko nasa impyerno ako. I smile. I pretend. Pero sa loob ko, unti-unti akong nauupos. Napapagod na ako. Hindi ako masaya.”Tumingin siya sa akin, diretso. Walang pagtatago. “Mas nakakahinga pa nga ako kapag tayong dalawa ang magkasama. At alam mo ba,” pagpapatuloy niya, “simula nang may nangyari sa atin unti-unti kong nakakalimutan yung kabaliwan ko kay Sam, ang obsession na bumalik siya sa buhay ko…. Hindi na siya ang laman ng isip ko.”Huminga siya ng malalim, parang inaalala ang isang alaala na ayaw at gust
Terakhir Diperbarui: 2025-12-26
Chapter: CHAPTER 106: UNSPOKEN LOVETahimik pa rin ang café, pero parang mas lalong bumigat ang hangin sa pagitan namin ni Darren. Ilang segundo akong nag-ipon ng lakas ng loob bago tuluyang nagsalita. Ramdam ko ang tibok ng puso ko sa tenga ko.“Alam mo, minsan, Darren…” mahina kong umpisa, halos pabulong. “Naiinggit ako kay Sam.”Napatingin siya agad sa akin. Hindi siya nagsalita, pero kita ko ang gulat sa mga mata niya. “Naiinggit ako,” ulit ko, mas malinaw na ngayon ang boses ko.“Because lahat kayo, mahal niyo siya. Ikaw at si kuya Leonard. Lahat kayo may parte sa puso niyo na si Sam ang laman.”Napayuko ako. Parang mas madaling magsalita kapag hindi ko siya tinitingnan.“Ang nangyari sa ating dalawa,” dugtong ko, nanginginig ang boses, “gusto kong kalimutan. Araw-araw, sinasabi ko sa sarili ko na dapat ko nang burahin. Dapat wala lang ‘yon.” Huminga ako nang malalim.“Pero Darren… noon pa man, gusto na kita.”Biglang tumigil ang mundo.Nanigas si Darren sa kinauupuan niya. Parang hindi siya nakahinga agad.“Arian
Terakhir Diperbarui: 2025-12-25
Chapter: CHAPTER 105: BABY YURINapaiyak na lamang ako sa alaalang iyon.Tahimik ang apartment, sobrang tahimik na parang wala nang mundo sa labas. May TV nga ako. May lingguhang supply ng pagkain, tubig, at mga pangunahing kailangan. Pero kahit anong dami ng gamit, walang kahit anong makakapuno sa pakiramdam na iniwan ako ng mundo.Parang pinatay ang oras dito. Ang pinto, doble ang kandado.Walang susi. Walang bintana sa labas. Walang kahit anong senyales na may makakarinig sa akin kung sisigaw man ako.Walang paraan para makatakas. Kahit gusto ko.Napatingin ako sa kama.At doon ko siya nakita. Ang tatlong buwang gulang kong anak. Ang anak namin ni Leonard. Ang bunga ng pagmamahal ko sa aking asawa. Ang nagbibigay sa akin ng lakas dahil kung ako lang, mag-isa baka hindi ko kayanin..Lumaban ako ng malaman kong buntis ako. Napatingin ako kay Yuri sa aking anak. Mahimbing siyang natutulog, nakatagilid, maliit na maliit ang dibdib na dahan-dahang umaangat at bumababa. Mapula ang pisngi. Bahagyang nakabukas ang mga la
Terakhir Diperbarui: 2025-12-25
Chapter: Kabanata 465Lumipas ang ilang taon, at tuluyan nang naging tahimik at masaya ang buhay ng pamilyang Madrigal. Ang dating puno ng sigalot, tampuhan, at pagkakawatak-watak na pamilya ay ngayo’y naging mas matibay at mas nagkakaisa. Ang pamilya ni Mia at Nicholas. Sa isang malawak at maliwanag na hardin, masa
Terakhir Diperbarui: 2025-09-25
Chapter: Kabanata 464“Oh my God!” sigaw ni Mia, halos maluha sa tuwa. “Zia, you’re pregnant?” “Yes!” sagot ni Danny, hindi mapigil ang ngiti. “We’re going to be parents!” Napatalon ang ina ni Danny sa tuwa. “Finally! I knew it would happen. God’s timing is always perfect.” Lumapit si Mia at mahigpit na niyakap ang
Terakhir Diperbarui: 2025-09-25
Chapter: Kabanata 463Kanina pa hindi mapakali si Zia. Paulit-ulit siyang bumibili ng pregnancy test kit, baka sakaling mag-iba ang resulta. Pero sa tuwing tititigan niya ang dalawang guhit, iisa lang ang sinasabi—buntis siya. “Oh my God…” bulong niya habang pinipigilan ang luha. Hindi siya makapaniwala. Ito ang pinaka
Terakhir Diperbarui: 2025-09-25
Chapter: Kabanata 462Pagkatapos ng kasal, si Melinda ay mabilis na naka-adjust sa buhay sa pamilya Madrigal dahil matagal na siyang pamilyar sa lahat, at dahil na rin sa kanyang mabait at mahinahong ugali, madali siyang nakisama sa lahat. Sa araw-araw na pamumuhay sa isang masayang pamilya, gumaan ang kanyang pakiramdam
Terakhir Diperbarui: 2025-09-25
Chapter: Kabanata 461Napuno ng masayang tawanan ang buong sala ng pamilya dahil double celebration. Lahat ay high spirits, masiglang nagkuwentuhan hanggang halos alas-diyes ng gabi bago nagsipasok sa kani-kanilang kwarto. Dinala ni Alonzo ang kanyang asawa papunta sa kwarto nila sa ikatlong palapag. Pagkapasok na pagka
Terakhir Diperbarui: 2025-09-25
Chapter: Kabanata 460HINDI MAPIGILAN ni Mike ang mapangiti. Tapos na kasi ang paghihintay niya kay Melinda.Pagdaan sa isang flower shop, pinahinto niya ang driver at pumasok mag-isa, pumili ng bouquet ng mga rosas. Nagulat ang saleslady na sa edad ng matanda ay bumibili pa ito ng mga bulaklak.“Para kanino po ang bulak
Terakhir Diperbarui: 2025-09-24