Share

Chapter 2

"Good morning, Sir. Mukhang good na good mood kayo ngayon ah," bungad sa 'kin ng guard sa resto ko na si Chief Joemar.

"May sobrang good news lang din kasing sumalubong, chief." Hindi pa rin siguro nawala ang bakas ng kasiyahan sa nakasalubong at nabalitaan ko kanina kaya napansin niya.

Kung no'ng una'y ngiti ng pang-aasar ko kay Gerome ang meron ako, napalitan naman ito ng kagalakan at kaligayahan para sa incoming new member of the family.

Pagkapasok ko sa kitchen area, agad kong isinuot ang usual get up ko na bib apron at hairnet na pinatungan ng white head cap.

"Good morning, Chef. Ito po ang menu natin ngayon. May reservation po kasi tayo for lunch meeting ng ILY Corp.," pag-e-explain ng assistant chef ko sabay abot ng menu.

"Well then, simulan na natin!" saad ko.

"Aye, aye, Chef!" sigaw ng staffs ko in unison.

Nag-prepare na kami ng mga specialty cuisines lalo na't hindi lang basta-basta ang nagpa-reserve. Mahalagang clients 'to mula sa isang bigating kompanya.

Habang hinihintay ang steak na maluto, gumawa muna ako ng empanada as hors d'oeuvres. These are small one or two-bite items that are served before meal.

Natutunan kong gumawa nito noong high school sa cookery major. Kaya na-engage ko na rin ang pagluluto at gumawa ng pagkain. Mas lalo akong nag-improve no'ng nakapag-attend ako ng cooking workshops at seminars bago ko pamunuan ang kusinang ito.

Actually, business management ang course ko no'ng college. Pero nag-attend din ako sa isang culinary school after makatapos ng kurso ko para personal kong mapamahalaan ang resto.

Ang dating utility working student sa isang resto, nag-ma-manage na ng sarili niyang restaurant. Ako rin ang executive chef dito kaya mas madalas talaga akong makikita sa kitchen area.

Bihira lang ako sa opisina pero tiwala naman ako sa manager na matalik ko nang kaibigan mula college, si Yuan. He was my classmate before, kaya no'ng balak kong magpatayo ng sariling business at nakapag-ipon, hindi ako nag-atubiling kausapin siya. May shares rin siya sa kinikita ng resto since business partner ko siya at siya ang mas nag-aasikaso ng mga gawain sa office na nagagawa naman niya smoothly. It's a matter of trust and integrity na kapwa namin ibinibigay sa isa't-isa upang mapaunlad ang aming ipinundar na negosyo.

Lumabas na ako ng kitchen area at pumasok sa office para ayusin ang sarili ko.

"Excuse me, Sir. The guest are already here," approach ng isang staff ko.

"Oh okay, susunod agad ako," sagot ko at sinuot ang black coat na pinalooban ng white polo. Hindi ako nagsusuot ng necktie dahil parang sagabal lang sa leeg ko. I am comfortable in just being a simple, yet decent-looking.

"Okay, Sir."

Parang buong place ang pina-reserve dahil sa rami ng tao. Though, one family table lang talaga ang reservation ng ILY Corp. na good for 12 seaters.

Isa-isa nang pumuwesto ang members ng Corp. Pagkaupo nilang lahat, I welcomed them all warmly.

"It's such a pleasure to have ILY Corp. again here at Cucina Delicioso. Thank you and bon appetit!"

Our guests are all from corporate world kaya baka masyadong stress ang mga 'to about sa business and sales ng kompanya. Good choice ang pag-refresh nila rito sa amin. Syempre, alam ko na kung kanino dapat higit na magpasalamat para sa  recommendation.

Nilapitan ko ang head nila na nakaupo sa pinakagilid at kinausap. "Salamat sa pagtangkilik ng serbisyo namin, pre. Nakakatulong ka talaga sa pag-asenso ko. Para na nga tayong partners eh," casual at pabiro kong sabi.

"May kapalit 'tong pagpunta ko rito ha, serve me your best food and desserts tomorrow. May date ako," nakangising sambit ng  Ignacio Lopez Ybarra Corporation heir.

"Walang problema 'yan, Sir Ignacio Ybarra Jr. I'm here, always at your service," pang-aasar ko sa kanya.

"Hoy, sinabi nang ayaw ko na tawagin sa totoo kong pangalan, Nash nga ako 'di ba? Si Nash, pre," pagpipilit niya. Arte talaga ng lalaking 'to. Pangalan pa rin niya naman 'yung nabanggit ko.

"Enjoy eating, I*'nash'o," nakangisi kong sabi sa kaniya bago bumalik sa kitchen. Diniinan ko talaga ang 'Nash' ayon sa gusto niyang itawag ko sa kaniya.

Nag-assist ako sa ilang staffs sa pag-prepare ng orders. Laking pasasalamat ko ngayon dahil bukod sa reservation, marami ring dine-in customers.

Pagkalipas ng halos kalahating oras, lumabas akong muli mula sa kitchen para magpaalam na sa mga guests from the corporation. Nagkaroon kasi sila ng meeting while taking their meals kaya umabot sa gano'ng oras natapos.

Si Nash na lang ang naiwan sa table dahil 'di raw muna siya babalik sa office niya. Pinauna lang ang mga kasama niya para makipagdaldalan sa'kin.

Since business related nga ang course na ini-take ko no'ng college, nakilala ko si Nash sa mismong company nila. Nag-training ako sa kanila at siya ang nag-guide sa'kin kaya hindi ako nahirapan. Ahead siya ng four years kaya parang naging kuya ko na rin siya. Mabait at matulungin siyang tao, pero maloko rin.

"Pst, Mr. Chef. Samahan mo 'ko rito sa table," saad niya sa'kin at pinaupo kaharap niya. Lumipat kasi siya sa pangdalawahang table dahil nililigpit na ang pinagkainan nila kanina sa long table.

"Ano na, Mr. Ybarra? Pinapaalala ko lang na restaurant 'to at hindi bar. Naghahanap ka na naman ba ng Maria Clara mo?" biro ko sa kaniya. Siya kasi ang lalaking palakaibigan sa babae pero dini-date niya rin kalaunan. Friendly date lang daw lahat ng 'yon kasi nililibang lang ang sarili sa paghihintay ng TOTGA niya.

"Kailan ba kasi babalik dito sa Pilipinas ang babaeng 'yon? Grabe na ang paghihintay ko sa kaniya, tapos wala pang assurance kung gano'n pa rin ba ang feelings niya para sa'kin," mapait siyang ngumiti habang tinatanaw ang labas.

"Napaka-familiar talaga ng kuwentong 'yan. Parang LDR ang kakilala ko sa kababata niya pero friends lang ang relationship nila. Parang na friend zone nga lang ang loko pero ayaw tanggapin kasi mahal daw niya talaga eh. Pinangakuan siya ng babae na aayusin nila ang sa kanila pagbalik dito pero ilang taon na ang lumipas, walang paramdam ang babaeng kinahuhumalingan niya," pang-aasar ko pero sa seryosong tono.

"Sana man lang maalala niyang may pinangakuan siya rito na iniwan niyang parang tanga. May wine ba kayo, Mat? 'Yong nakakapagpawala ng pagka-miss at sakit ng damdamin," napahawak naman siya sa d****b niya.

Umiling-iling ako, "Tsk, tsk. Tanghaling tapat pa, Nash, tapos may balak kang maglasing? Baka mamayang hapon sunduin ka na naman ng kapatid mo rito na lasing. Gusto mo 'yon?" saad ko sa kaniya. Mabilis naman siyang umiling bilang pagbawi sa pinagsasabi.

Nangyari na kasi sa kaniyang dito naglabas ng sama ng loob sa problema ng kompanya nila at naglaklak ng ilang bote ng wine. Wala ako no'n dito kaya 'di ko napigilan. Sa kalasingan daw niya, kung sino-sino ang tinawagan niya at nagpapauwi na sa kanila. May ilang staff ng kompanya nila, secretary at guard nga ang dumating dito pero naunahan ng nakababatang kapatid niya. Senior high school lang ang kapatid niyang babae no'n at wala sa oras na napa-cut na lang ng klase para sunduin ang kuya niya. Hiyang-hiya naman daw ang loko sa pinaggagawa niya no'n lalo na sa kapatid niya. Mukhang hindi na nga 'to umiinom sa labas nang mag-isa.

"Huwag na nga lang. Basta bukas ha, may dinner date ako pero 'di ko pa kilala kung sino. 'Yong barkada ko kasi nagreto kaya parang blind date. Dito na lang kami kasi kung ano man mangyari, saksi ka," sabi niya.

Hindi ko alam kung anong binabalak niya at napahalakhak pa siya. Pero alam kung purely dinner lang 'yon, friendly date kasi hindi siya kailanman nagbibigay ng motibo o malisya sa ibang babae. In-love talaga sa babaeng walang paramdam.

"Bakit hindi mo na lang sundan sa kung nasaan siya?" suggest ko. Baka naman kasi, dalawa pala silang naghihintay sa isa't-isa.

"Ni hindi ko nga alam kung saan siya pumunta. 'Yong pamilya naman niya rito, nahihiya akong tanungin sila. Siguro ipapaubaya ko na lang sa panahon at tadhana 'tong love story ko. Ang saklap na kasi eh," kunot-noong tugon niya.

"Ikain mo na lang 'yan ng dessert namin. Siguradong ma-iinlove ang sikmura mo sa sarap," pagmamayabang ko pero paraan ko na rin para mapangiti siya.

"Sige nga, pa-try ako. Dapat masarap 'yan talaga ha?" patutsada niya.

"Yes, Sir!" sabi ko at sumaludo. Ako mismo ang nagdala sa kaniya ng cold and chilled desserts namin.

Una niyang tinikman ang red velvet cake. "Hmm, masarap. Gusto ko ng ganito para sa birthday ni Mommy. Sa makalawa pa naman 'yon," tumingin siya saglit sa'kin at agad din namang binalik ang atensyon sa pagkain.

"Multi-layered pa rin ba?"

Tumango siya. "Pwede pakilagyan ng cherries kasi favorite 'yon ni Mommy eh."

Kahit 'di araw-araw nakakasama ang Mommy n'ya na gaya ko, palagi pa rin silang nasa puso at alaala namin. Hindi kasi dapat tinatalikuran ang mga taong nag-asikaso sa 'tin kahit pa tumanda at lumaki na tayo. Lalo na ang mga ina nating nag-aruga sa atin mula sa kanilang sinapupunan pa hanggang sa inilabas na tayo sa mundo.

Mas mabuting suklian natin ng higit pa ang kanilang sakripisyo sa 'ting mga anak nila hanggang sa pagtanda at hanggang sa nabubuhay pa sila. Kasi kung tayong mga anak ang itinuturing nilang biyaya, sila namang mga magulang ang nagbibigay sa 'tin ng biyaya.

Mabisita nga sila Mama sa makalawa. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status