Amari was quite different to a normal human. She alienated herself for being different. She can see futures, spirits and even death of a person. She knew that it was her spiritual gift, not knowing that it was a curse from her past that keep on following her.
View MoreMalalakas na pagsabog, nakakabinging mga putok, katakot takot na mga sigaw at karumal dumal na mga pagpatay.
Nakita ko ang isang batang babaeng nakasilid sa isang madilim, masikip at mabahong aparador habang patuloy ang putukan sa labas, kasabay niyon ay pagtakbo ng isang ginang habang may dalang baril.
Tatlong armadong kalalakihan ang nagpupumilit pumasok sa pintuan ng kanilang tahanan habang pinipilit na pigilan ng ginang ang mga ito, pinag hahampas nya ito ng dala nyang baril ngunit parang hindi man lamang ito natitinag, subukan nya mang kalabitin ang gatilyo nito ngunit huli na ang lahat ng bumaon ang isang malalim na saksak sa dibdib ng ginang, bumulwak ang napakaraming dugo mula rito ganun din sa kanyang bibig, napaluhod ang ginang at bago tuluyang bawian ng hininga ay kanyang sinambit ang pangalang "Amari anak ko"
Nagpatuloy naman sa pagpasok ang armadong kalalakihan na tila baga ay may hinahanap.
Mula sa maliit na butas ng aparador ay nakasilip naman ang batang babae na tagaktak ang pawis at luha. Pilit nitong tinatakpan ang kanyang bibig upang hindi makalikha ng anumang ingay, kitang kita nito ang nakahandusay na katawan ng inang wala ng buhay.
Napahugot hininga ang batang babae ng huminto sa harapan ng aparador ang isa sa mga armadong kalalakihan, akmang bubuksan na nito ang nakasaradong aparador, napaka bilis at walang hinto ang pag pintig ng kanyang puso ng mga sandaling iyon.
"Pst, Amari" napa angat ako ng ulo ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. "Ah, Chad ikaw pala" mahinang tugon ko saka inayos ang suot kong uniporme at sa pamamagitan ng aking mga daliri ay sinuklay ko ang aking maikling buhok.
Tumayo ako at akmang aalis na ngunit agad namang nakasunod tong isa. "Lagi kabang puyat sa inyo kaya dito ka palaging inaabutan ng antok sa hagdan?" Ani nito, ngunit hindi ko na lamang sya pinansin at nagpatuloy sa pagbaba. Palibhasa walang estudyanteng pumupunta dito kaya pakiramdam ko pag aari ko ang bandang hagdan na tinutukoy nya, nasa dulo kasi ito ng ika tatlong palapag ng aming building. Dito ako madalas magpalipas at magpahinga, far from toxic people, far from my visions.
"Bakit ka nandito?" Mahinang tanong ko sa taong nakasunod sa akin na ngayon ay nakasabay na sa paglalakad.
"Gusto kong magpahula" sagot nito ng walang pag aatubili.
Napa ismid lamang ako sa naging tugon nya, matagal ng panahon at wala paring pagbabago sa motibo ng taong ito kaya gustong gusto niyang mapalapit sa akin. Mahigit 4 na taon, maraming tao na ang nanghusga, nanghamak at nagpahiya sa akin naniniwala pa rin syang kaya kong hulaan ang magiging kinabukasan nya, kaya ko naman talaga pero ang desisyon ko ay hindi nalang.
I am denying my ability to see their future, this is not to be rude pero parang ganun nanga, because I want to avoid the possibilities, at hanggang maaari gagawin ko ang lahat to stay away with them. I want a peaceful, simple and living life where I can breath and I can survive. I don't even want to get attached with someone, I don't even need friends and people in my life. Pakiramdam ko ay ilalagay ko lamang sa alanganin ang kanilang mga buhay sa oras na nakapalagayan ko sila ng loob at sa sandaling mahawakan ko ang kanilang mga kamay. Some people say I can save their life but I'm too afraid to do that. Ayukong makita ang hinaharap na kamatayan ng isang tao, ngunit hindi naman ako ganun katigas para isawalang bahala ito kaya hanggang kaya ko ay nagbibigay ako ng babala. And the saddest part is that no one believes in me. Funny right? Tapos sa bandang huli ikaw pa ang masisisi.
"Palagi ka talagang tahimik?" Muling tanong niya. Patawa din tong isang to, alam naman niyang palagi nagtanong pa talaga. Kaya mas binilisan ko na lamang ang lakad ko at naiwan sya.
"Here comes the freaked witch" Bungad kaagad sakin pagpasok ko palang ng classroom department namin. Diko nalang pinansin tulad ng dati, nagkunwari muli akong walang naririnig at dumeretso sa pinakadulong upuan. Diko rin naman maintindihan sa mga utak pagong na ito at hanggang ngayon hindi nagsasawang mambato ng kung ano anong mga salita. We were college pero utak nila hindi umuusad, oh come on earth, what's going on?
"Bali balita, may lahing mangkukulam kaklase nyo pala?" Pagpapatuloy ng kanilang usapan na agad namang sinang ayunan ng tawa ng iba pa naming kaklase. Sa halip na mainis ay natatawa na lamang ako. Kasi kahit anong gawing pang aasar nila sa akin hindi na effective. Hello? Ilang taon kayang paulit ulit sa ganitong sistema hindi manlang makausad mga attitude ng mga to. Bahagya kong sinulyapan ang babaeng lider lider at bida bida ng aming department walang iba kundi ang nagmamagandang si Elisse, ano bang pinagyayabang nito. Ah, kasi she's one of the most popular sa school? uhm, her looks? What so new ba? Maliban sa kulay ginto nitong buhok na nakaraang linggo ay kulay abo, sana ang budhi pwede ring kulayan ng ginto para di umaalingasaw ang bulok sa loob.
Sa mga sandaling tinignan ko sya, katawa tawang pangyayari at pagkakapahiya ang nakita ko na hindi niya pa nararanasan sa buong buhay nya.
Maya maya lang ay ramdam ko na ang mahinang bulungan at tawanan ng mga kalalakihan at kababaihan kong kaklase mula sa kabilang gilid ng upuan and I look once again to Elisse. Boom!
"Elisse may period ka? Look there's a blood on your skirt" pamumuna ng isa niyang kaibigang si Audrey. Agad naman syang huminto sa kanyang ginagawang pagtitiktok at namumutlang lumingon sa aming mga kaklase. Okay, this is awkward this is really embarrassing.
"Wews" mahinang bulong ko sa hangin saka itinuon ang tingin ko sa labas kung saan naroon ang taga ibang department na kasalukuyang nagpeperform ng kanilang mga performance para sa gaganaping event the next month. mula sa aking pelipherial view nakita kong nagdadali itong tumakbo palabas kasama ang dalawang kaibigan niya.
Mahigit mag iisang oras na pero wala pa rin ang aming instructor para sa araw na iyon kaya nagdesisyon akong lumabas ng makaramdam ako ng pagkabagot at gutom. Cafeteria agad ang tungo ko, walang gaanong tao kaya madali akong nakahanap ng mapupwestuhan. Sa ibaba lang ang tingin ko sa kadahilanang ayaw kong katagpuin ang ibat ibang mata ng mga taong makakasalubong ko.
Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay naramdaman kong may papalapit sa akin, hindi pa ito nakakaupo ng magsalita ako.
"Kailangan ko ng world peace, marami pang bakante jan humanap ka nalang"
Ngunit tila yata bingi oh di lang makaintindi itong isa at walang ano ano'y umupo na lamang ito sa harap ko at nilapag ang dala nitong pagkain.
"Tawagin mo akong Agnes. I'm Agnes Garcia, bago ako sa school nyo kaya sana don't be rude to me" Sabi nito.
Pake ko naman? Isip at pasalita madalas pabalang ako sumagot.
"I know what you're thinking, Sa isip mo binabara mo ako, and yes to be exact. I know you Amari Solaire Willow" napa angat ang tingin ko sa kanya dahil sa tinuran nya, sa pag aakalang baka kilala ko siya kaya kilala niya ako. Agad nagsalubong ang mga mata namin ngunit ang ikinagugulat ko ay hindi ko nakita sa mga mata niya ang mga pangyayaring nakikita ko sa mga mata ng iba.
Normal na ba ako? Bakit wala akong makita sa mata niya.
Nakita kong napatawa lamang siya saka nagsalita "Haha,. Oo normal ka but you're difference is that you have the ability na pilit mong itinatago at kinatatakutan"
Hindi ako nakaimik sa tinuran nya, paanong ang nasa isip ko ay nabasa niya.? Sino ka Agnes? Magkatulad ba tayo? Oh sadyang nagkataon lang na mahusay ka sa pagbabasa ng isipan ng tao.
We're back at the university, it's the same.Normal ang takbo ng lahat, at tuloy ang usad ng mga estudyanteng namomroblema ng kani kanilang mga requirements.Nakasunod lamang ako kay Amari habang maingat na nagmamasid sa paligid.Patungo kami sa field para sa maikling orientation ng school. Ang weird ng biglang pagtawag ng orientation gayong wala naman ata kaming event. Dahil dito, mas naging maingat pa kami sa bawat galaw namin.Maya maya ay may sumabay sa akin.“May babae dito sa likuran” sabi ni habang di tumitingin sa akin.“narinig kong binanggit niya ang pangalan mo at pangalan ni Amari, Hindi maganda ang kutob ko” dagdag pa nito.“Where did you go?” I asked. Pagkatapos kasi ng paguusap namin bigla na lamang itong nawala. I know Chad must've been hurt.“Jan l
Amari's Pov.Nagising ako na sobrang bigat ng nararamdaman ko. Napakatahimik ng paligid, inilibot ko ang aking mga mata para suriin kung nasaan ako.Nasa isang tahimik at madilim na silid, tanging ang lamp shade lamang na nasa gilid ang nagsisilbing liwanag. Muli kong ipinikit ang aking mga mata para alalahanin ang nangyari ng pumasok sa isipan ko si Mama.Agad akong siniklaban ng matinding takot at pag aalala kaya kahit madilim ay pilit ko kinapa at hinanap ang aking telepono. Ngunit di ko ito matagpuan kaya nagdesisyon akong lumabas ng silid upang doon maghanap sa labas ngunit bago ako tuluyang makalabas ay may narinig akong nag uusap.“isa lang ang paraan para matapos ang lahat ng to.." narinig kong sabi ng kausap ni Felix nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang mukha nito“No, Hindi. Hindi pwede .”—Felix.
Felix's Pov. It's Midnight, and the spirit of fears still hunt me. Amari passed out, few munites ago. */Knock on doors. I heard knocks on doors, but I did not open it because for sure it's our death. “hmmmm..” I heard Amari's moan so I hurriedly ran to her. Nakita ako ang mga butil ng pawis na nasa kanyang noo, sobrang lalaki ng mga butil ng pawis nito, habang patuloy naman sa pag agos ang luha sa kanyang mga mata. I let her. It's not yet the time to wake her up. I remember that Old grey man said 'The curse has been revealed.' */FLASHBACKS. papasok ako sa school, when I saw Amari from afar. I was about to ran after her but the old grey man appear. "huwag kang lumapit sa kanya” he said. And I was like, who
“Felix saan mo ba ako dadalhin?” I asked Felix. Well, unfortunately kanina niya pa ako kinakaladkad palabas. Huminto kami sa harap ng kotse niya ng makarating kami sa parking lot. “Amari, huwag na huwag na huwag kang lalapit kay Kim kahit anong mangyari” may tono ng pagbabanta ang boses nito. “wait, what? why?.” I hesitate to ask. “just fuckin' do what I've told you Amari.” pasigaw nitong sagot. Tumingin ito sa paligid at dali dali akong pinagbuksan ng pinto ng kotse niya. “ihahatid na kita sa inyo, may kailangan kang malaman.” seryoso ang mukha nito, at bago sumakay ay may kung ano itong tinitignan sa paligid na para bang may hinahanap. All way long, he's not talking. I don't even bother to asked too. Pero maya maya pa, huminto kami sa harap ng malaking building. Wait, is this his ap
Amari's Pov. "Okay kana ba?" Pagmulat ko ng mata si tita kaagad ang unang bumungad. "Ano nangyari kanina, bakit ako nandito?" Masakit man ang ulo ay pinilit ko pa ring bumangon. "Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan? anong nangyari bakit bigla ka nalang nag collapse, sumisigaw kapa." Ano nga bang nangyari? iniwas ko ang tingin ko upang alalahanin kung anong nangyari. Naalala ko yong mga nakita ko, pero kailangan ko bang sabihin kay Mama? "M-masakit lang po yong ulo ko M-ma." "Ohsya, sige na magpahinga ka na, I'll go to your university by this afternoon, maglilipat na ako ng mga gamit ko doon, para bukas na bukas din magsisimula na akong magtrabaho" Humalik na lamang ito sa aking noo saka tuluyang umalis. Nasa kalagitnaan ako ng pagpapahinga ng ma
"saan ka galing" halos mapatalon na ako sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot nitong si Agnes, sa lalim ba naman ng iniisip ko. "Katattapos lang ng panghuling klase ko. ikaw? tapos na ba klase mo? "Ah, o-oo kanina pa. M-may kinuha lang ako sa library, ano tara? Kain tayo libre ko na" pakiramdam ko may kakaiba ngayon kay Agnes, though lagi naman siyang ganito sa akin simula ng magkakilala kami. Seryoso, hyper, seryoso, hyper jan lang palagi umiikot ung mood niya but this time she's hyper but diko masasabing ganun ka genuine un. She's been looking around as if someone is following her. Kausap niya nga ako pero palinga linga naman ang mga mata niya. Pansin ko din ang pamumutla niya, hinila niya ako papasok ng cafeteria pero palinga linga padin ito, balisa, wala sa sarili. Isinara ang kabilang section ng cafeteria dahil sa nangyari, nandoon padin ang crime scene at mga bakas ng dugo. Tinakpan na lang ang glass window ng cafeteria para hindi m
Comments