Napahinto ako sa paglalakad nang bumungad sa aking harapan ang dalawang lalaki. Pareho silang may hawak na baril.Seryoso ang kanilang mga mukha. Nakakatakot sila tingnan. Lumakas ang pagtibok ng puso ko. Nakaramdam ako ng matinding takot sa sarili ko.Oo nag-iisa ako! Kung iisipin wala akong laban sa kanila. Kaya nila akong paikotin. Wala akong laban sa kanila para ipagtanggol ko ang sarili ko."Mabuti dahil tumupad ka sa usapan! Nasaan ang 100 million? Kailangan naming makita." Nakatayo lamang ako sa harapan nila. Nanginginig ang mga tuhod ko sa takot. Alam kong pinagplanuhan nila ang lahat ng ito. Matalino sila. "Nasaan ang anak ko? Nasaan si Andrie?" lakas loob kong sigaw sa kanila. Natatakot man ako pero nilakasan ko ang loob ko.Kailangan kong lumaban para kay Andrie. Kung paghihinaan ako ng loob? Paano ko ililigtas ang anak ko! "Pera muna bago ang anak mo. Kailangan naming makita ang pera bago namin ilabas ang bata." sigaw ng isang lalaki.Napalunok ako habang hawak ko ang
"No!" I whispered. My knees trembled down in fear. My tears streaming into my face."Parang-awa niyo na! Pakawalan niyo si Andrie! Nagmamakaawa ako! Kung pera ang kailangan niyo. Ibinigay ko na!"Patuloy ang pagbuhos ng mga luha ko. Hindi ako mapakali. Labis akong naguguluhan. Ayaw ko nang mawalay si Andrie sa tabi ko."Bitawan niyo ako! Mommy!" sigaw ni Andrie habang umiiyak.Tatakbo sana si Andrie para lapitan ako ngunit tinutukan siya ng baril sa ulo ng lalaki. Napahikbi siya sa pag-iyak."Huwag! Huwag niyong sasaktan ang anak ko! Huwag niyo siyang sasaktan, please! Parang awa niyo na!"Napahikbi ako sa pag-iyak. Ang sakit sakit sa dibdib. I shook my head. Hindi ko kayang makitang nasasaktan si Andrie at umiiyak.Ang bata pa ni Andrie para maranasan niya ang mga ganitong sitwasyon. Isa siyang inosente sa mga nangyayari.Napatayo ako para lapitan si Andrie. Nanginginig ang mga paa ko. Sabay sabay ang pagpatak ng mga luha ko. Labis akong umiiyak.Agad akong tinutukan ng lalaki ng bari
"Mommy!" sigaw ni Andrie. Humahagulgol lamang siya sa pag-iyak. Tumatakas ang mga luha sa kaniyang mga mata. Labis siyang nahihirapan."Tayo na! Baka maabutan pa tayo ng mga pulis. Kailangan na nating umalis!" sabi ng isang lalaki.Marahas nilang hinawakan ang mga braso ni Andrie para sapilitang pasakayin sa sasakyan. Humahagulgol lamang si Andrie. "Andrie anak!" lumuhod ako sa harapan nila para magmakaawa. Kahit sobrang sakit ang pagbagsak ng mga tuhod ko sa semento pero wala akong maramdaman."Mommy! Bitawan niyo ako!" sigaw ni Andrie. Humahagulgol lamang siya sa pag-iyak."Parang awa niyo na, please! Huwag niyong ilayo sa akin ang anak ko! Andrie anak!" napahikbi ako sa pag-iyak. Nag-uunahan lamang ang mga luha ko.Nananatili akong nakaluhod. Gusto kong mag-makaawa ng paulit-ulit huwag lang nilang ilayo sa akin si Andrie. Hindi ko kakayanin ang mawalay sa akin si Andrie. Humahapdi na ang mga mata ko dahil sa kakaiyak ko. Labis akong nahihirapan. Nasasaktan ako dahil sa kalagayan
Lucas' POV"Nalaman kong may bata dito sa bodega. Siya ang anak ni Iris. Ano ang ginagawa ng batang yan rito Lucas?" Agad na nanlaki ang mga mata ni Clara Mondragon. Nalaman niya ang tungkol sa bata. Kay Andrie. Hindi siya makapaniwala. Napalunok siya nang marahan. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa gulat. Nagtataka siya kung bakit nandito ang anak ni Iris?"Relax my wife! Huwag mong alalahanin ang batang yan! Isa lamang siya sa mga basura na dapat ligpitin."Marahan kong hinaplos ang mukha ng asawa ko. Clara Mondragon is my legal wife. Siya ang babaeng pinakasalan ko. I loved her so much. Ayaw ko ng humanap ng ibang babae dahil siya lang ay sapat na.Naibibigay naman ni Clara ang lahat na gusto ko bilang asawa niya. Hindi niya ako binibitin. Alam niya ang pangangailangan ko bilang lalaki.Hinaplos ni Clara ang mukha ko matapos ko siyang halikan. Sinisigurado kong hindi ako magkukulang sa sarili ko bilang asawa ni Clara."So what do you mean?" seryosong tanong niya.Alam kong gusto ni
"Anak Iris! Huminahon ka mo na, okay! Kanina ka pa umiiyak! Hindi kita maintindihan! Nasaan si Andrie? Nasaan ang apo ko?" Kita ko ang lungkot sa mga mata ni mom. Lubos siyang nag-aalala sa akin at kay Andrie. Hindi siya mapakali habang hawak ang mga kamay ko."Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hindi ko na alam kung saan ako pupunta? Wala na akong ibang matakbuhan! Kinuha nila sa akin si Andrie." I shook my head. Pumapatak lamang ang mga luha ko. "Hindi ko man lang nailigtas ang anak ko! Wala man lang akong nagawa bilang ina! I'm sorry!" Napahikbi ako at napahagulgol sa pag-iyak. Labis na lungkot ang nararamdaman ng puso ko. Nag-uunahan lamang sa pag-agos ang mga luha ko.Napailing si mom habang nakatingin sa mga mata ko. Napaiyak na rin siya. Alam kong nararamdaman ni mom kung gaano ako nasasaktan. Kung gaano kabigat ang dinadala ko ng puso ko. Mahigpit niya akong niyakap. Naramdaman ko na lang ang paghagod ng kaniyang kamay sa likuran ko. Alam kong nasasaktan siya ng sobra. Kulan
"Hello!" sagot ko nang sagutin ko ang tawag sa phone ko.Hindi ko alam kung sino ang tumawag. Unknown number ang nakalagay kaya sinagot ko ang tawag.Walang sumagot sa phone kaya napalingon ako kay Ann. Nasa may gawi ko siya nakatayo. Pinagmamasdan niya ako.Malakas lamang ang pagtibok ng puso ko. Sobra akong nag-aalala sa anak ko. Hindi parin namin siya natagpuan.Naramdaman kong pumatak na naman ang mga luha ko. Maslalo akong naging marupok nang mawala si Andrie. Siya ang nagbibigay lakas sa akin."Hello!""Mommy! Bitawan niyo ako!" narinig kong sigaw ni Andrie sa kabilang linya. Umiiyak siya. Ang anak ko!"Andrie anak!" napasigaw ako sa phone. Hindi ako mapakali. Nag-uunahan na naman ang mga luha ko sa pagpatak."Mommy! Bitawan niyo ako! Ahhhh! Mommy!" rinig kong sigaw ni Andrie. Ramdam kong nagpupumiglas siya. Hindi ako magkakamali na hawak siya ng mga kidnappers."Anak! Huwag niyong sasaktan ang anak ko! Pakiusap parang awa niyo na! Nakikiusap ako!" pagmamakaawa ko habang hawak k
Bahagya kong pinunas ang mga luhang nangingilid sa aking mga mata. Ang lungkot lungkot ng nararamdaman ko.Tama si Ann. Kailangan naming magsumbong sa mga pulis. Hindi ko kakayanin ang mag-isang lumaban! Kailangan naming mailigtas ang anak ko sa tamang paraan.Wala na akong ibang maisip kaya pinuntahan ko si Lucas. Siya ang ama ni Andrie. Kailangan ko ang tulong niya para sa anak namin.Kailangan siya ngayon ni Andrie bilang ama. Wala akong pakialam kung may asawa na siya. Ang tanging hiling ko ay magtulungan kami para kay Andrie. Para sa anak namin.Biglang gumulo sa isipan ko ang mga sandaling magkasama kami ni Lucas. Mga sandaling niyayakap niya ako. Halos ayaw na niya akong bitawan nang mga sandaling iyon.Mga sandaling pinanggigigilan niya ako habang nakangiti. Mga ngiti niyang nakakalunod pagmasdan. Mga sandaling gusto naming ihinto ang oras para sa isa't isa. Mga lambing niyang hindi ko kayang takasan. Mga haplos niyang marurupok. Mga sandaling hindi ako makawala sa mga bisig n
Lucas's POV"Alam kong may pinag-usapan kayo ni Iris. Tungkol saan? Gusto ko lang malaman Lucas. Hindi ako magagalit kung sasabihin mo ang totoo." Napabuntong hininga ako at napatalikod mula kay Clara. Gusto niyang malaman kung ano ang pinag-usapan namin ni Iris kanina? Alam kong hindi siya matatahimik kapag hindi niya nalaman ito."Tungkol sa bata. Kay Andrie. Gusto niyang humingi ng tulong sa akin para mahanap ang kaniyang anak." Ramdam kong pinagmamasdan ako ni Clara habang nakatalikod ako mula sa kaniya. Narinig kong napabuntong hininga siya sa pagkainis."Sa daming tao sa mundo. Ikaw pa talaga ang lalapitan ni Iris para hanapin ang anak niya? Ano naman ang koneksyon ng anak niya sayo para sayo humingi ng tulong Lucas? Marami naman awtoridad diba?" Ikinanlaki ng mga mata ko ang sinabi ni Clara. May pagdududa ba siya? O gusto lang niyang malaman ang totoo? Biglang gumulo sa isipan ko ang mga sinabi ni Iris na anak namin si Andrie. May nangyari sa amin? Hindi ko matandaan! Hindi