LOGINApat na taon silang kasal, at sa loob ng mga taong iyon, buong-puso ang tiwala ni Penny sa kanyang asawa. Ngunit gumuho ang lahat nang matuklasan niya ang maruming lihim ni Gabo. May iba pala itong pamilya sa labas. Ang mas masakit pa, ang itinuturing niyang ampon na kapatid na si Melissa at ang pamangkin niyang si Mia ay tunay palang mag-ina ni Gabo. Kayasinadya niyang piliin ang pinakamasayang araw ng lalaki para maghiganti. Ito ang araw ng grand launching ng bagong kumpanya ni Gabo. Inilapag ni Penny ang mamahaling envelope sa mismong mesa sa harap ng maraming bisita. Ang divorce agreement. Hindi makapaniwala si Gabo. Para sa kanya, isang malaking pagkakamali lang ang lahat na kayang daanin sa matinding pagsisisi. Agad niyang binayaran ng milyun-milyong breakup fee si Melissa at tuluyan nang pinutol ang ugnayan sa anak sa labas na si Mia, mapatunayan lang kay Penny na seryoso siyang magbago. Umaasa siyang babalik ang asawa dahil alam niyang wala itong ibang alam gawin sa buhay kundi ang maging maybahay. Sigurado si Gabo na maghihirap ito kapag nawala siya. Ngunit nagkamali siya. Ilang buwan lang ang lumipas, niyanig ng balita ang buong industriya. Hawak na ngayon ni Penny ang isang pharmaceutical patent na nagkakahalaga ng daan-daang bilyong piso. Hindi doon nagtatapos ang gulat ni Gabo dahil nabalitaan na lang niyang ikakasal na muli ang kanyang dating asawa. "Magpapakasal ka sa isang ordinaryong lalaki lang? Penny, hindi ka niya kayang buhayin! Hindi ka siya karapat-dapat para sayo!" Eksaktong inilabas ang opisyal na listahan ng pinakamayayamang tao sa Pilipinas para sa taong ito. Tiningnan ni Penny ang pamilyar na pangalan at litrato na nasa pinakatuktok ng listahan. Pagkatapos ay lumingon siya sa kanyang groom at ngumiti nang matamis. "Sabihin mo nga sa kanya, mahal, na ikaw ang pinakamayamang tao sa bansa."
View MoreNang marinig ang sinabi ni Penny, nanlaki ang mga mata ni Fiona."Sa tingin ko, naalog ang utak mo dahil sa aksidente," seryosong wika ni Fiona.Hindi naman mapigilang mapangiti ni Penny, bagaman may halong pait ito.Hindi siya nagbibiro.Talagang gagawin niya ang lahat para matulungan ang bagong kumpanya ni Gabo na makaakyat sa stock market, at sa mismong araw ng tagumpay nito, gagamitin niya ang divorce agreement na hawak niya. Siguradong ipapakain niya sa dalawang salarin ang impyernong nararapat sa kanila.Nagpatuloy ang kwentuhan ng magkaibigan hanggang sa magtakipsilim. Nagbabadya ang maitim na ulap sa labas at ayon sa ulat ng panahon ay may paparating na malakas na bagyo, kaya pinauwi na muna ni Penny si Fiona bago pa man bumuhos ang ulan.Hindi darating si Gabo sa ospital ngayong gabi dahil may importante raw itong inaasikaso sa kumpanya. Ngunit alam na ni Penny ang totoo, siguradong abala ito sa pagsuyo kay Melissa.Kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan ang Instagra
Natigilan si Penny.Kung hindi pa binanggit ni Fiona ang bagay na ito, halos malimutan na niya na nangibang-bansa siya apat na taon na ang nakakaraan gamit ang dahilan na bibisitahin ang isang kaibigan."Walang kinalaman ang bagay na iyon ngayon. May ibang asawa at anak si Gabo sa labas," malamig na pagputol ni Penny sa usapan.Bago pa man makapagmura si Fiona sa kabilang linya, biglang bumukas ang pinto ng pribadong kwarto sa ospital kaya mabilis na ibinaba ni Penny ang hawak na cellphone."Salamat sa Diyos, gising ka na sa wakas!" wika ni Gabo habang nagmamadaling pumasok.Tiningnan ni Penny ang suot na mamahaling suit ng asawa. Hindi niya iyon binili para rito. Ang dark gray na pasadyang suit ay halatang gawa ng isang sikat na designer, bagay na bagay sa elegante at pormal na postura ni Gabo.Magkababata sina Penny at Gabo bago pa man sila tuluyang ipangkasal ng kanilang pamilya. Mula bata pa sila, palaging malumanay at maalalahanin si Gabo sa kanyang paningin.Gaya na lamang sa sa
Sa mismong grand celebration banquet para sa pag-akyat ng bagong kumpanya ni Gabo sa stock market, walang kaabog-abog na inilapag ni Penny ang isang divorce agreement sa harap niya, saktong-sakto sa paningin ng lahat ng kanilang mga kliyente at VIP guests.Lahat ng ito ay nagsimula tatlong buwan na ang nakakaraan.Noon mismo natuklasan ni Penny na may ibang pamilya pala ang kanyang asawa sa labas.Isang araw bago ang kanyang kaarawan, nagpaalam si Gabo na may biglaang business trip sa Batangas. Sa katunayan, ilang beses itong pabalik-balik doon kada buwan.Gustong maglambing ni Penny kaya palihim siyang sumunod para sana surprisahin ang asawa.Ngunit bago pa man siya makarating sa hotel, hindi sinasadyang namataan ng kanyang mga mata si Gabo na nakatayo sa tapat ng gate ng isang sikat na kindergarten."Napakabait po ni Mia ngayon, kasi dumating ang daddy niya para sumali sa sports fest. Alam ko naman pong busy kayo sa trabaho, pero mas mabuti kung mas madalas ninyo siyang masamahan. U






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.