Share

CHAPTER 9

NATAMEME AKO at nawala sa sarili. Nasa front seat ako habang ang anak ni Mr. Sandoval ay nagda-drive papunta sa condo kung saan ako naninirahan sa loob ng limang taon. Ayaw ko man na magpahatid pa pero wala akong nagawa nang igiya niya ako sa loob ng kotse. Para akong isang mannequin na hila-hila niya kanina at walang sariling buhay.

Papaano ba naman kasi... up to this point... I couldn’t still believe what he said. Hindi pa rin ma-absorb ng utak ko ang lahat. Siya? Gusto niya ako? Haler. He’s the son of a conglomerate. He’s the son of my boss. And I am just a secretary to his father. Kaya papa’nong gusto niya ako?

To be honest... that was the first time I heard someone confessing to me— directly to my face. Hindi sabi-sabi lang ng kung sinu-sino. Siguro iyon din ang dahilan bakit big deal iyon sa akin. Kahit pansin ko naman na parang wala lang sa lalaki ang ginawa niya.

Kasi kung seryoso talaga siya roon, dapat may hiya siyang nararamdaman para sa akin, 'di ba? Or else he would be aw
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status