Share

Kabanata 13

Blair Castro

HINDI ako sumabay kina Lukas gaya ng gusto ni Lira. Ayokong magkaroon ng problema sa pagitan naming dalawa ni Lukas kung sakaling hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan na naman si Lira. Pakiramdam ko'y mas lalo akong nagiging desperadang makuha ang mga anak ko at alam kong hindi na maganda ito—maaari akong mapahamak, maging ang mga bata.

Habang tahimik akong nagmamaneho ay natanaw ko ang kotse ni Lukas na sumusunod lang sa akin. Napalunok ako dahil hindi pa rin kumakalma ang puso ko dahil lang nakita ko siya kanina. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nababaliw na yata ako. Paano ako magkakagusto sa lalaking hindi ko naman pinapansin noon dahil abala ako sa sarili kong buhay?

Nagkakilala na rin kami ni Lukas noong highchool dahil schoolmate namin siya ni Alicia. He's our senior at snob talaga siya. Masipag siyang mag-aral pero kataka-taka na palaging matamlay a

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status