Share

30 Police Major Alexander Dawson

Madalim na ang buong paligid at umuulan na nang malakas. Habang naglalakad ay napahinto kami sa isang malaking hostel.

Hindi ko alam ay may hostel pala dito noon. Mukhang ito ang ginawa nilang hideout dahil malayo sa town at tago pa ito.

Inilagay ko na sa aking bulsa ang cellphone ko at itinaas ang baril sa aming lalakaran. Lumapit na kaming dalawa ni Austin sa hostel. Mukhang walang nakabantay sa labas nito.

Sumilip kami sa bintana wala naman kaming napansin na kakaiba. “Pasukin na natin,” sabi ko kay Alex.

“Cover kita,” sagot niya sa akin.

Hindi na ako nagdalawang-isip na sipain nang ilang beses ang kahoy na pinto. Mukhang luma na ito at sobrang tagal nang itinayo.

Nabuksan ko naman ang pinto at doon ko nakita si Luna na nakabulagta sa sahig na walang malay. Agad akong tumakbo papunta sa kanya.

“Luna… Luna gising,” sabi ko sa kanya. Nanlalamig na ang kanyang buong katawan pati namumutla na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status