Sorry for a super duper slow update. HIHIHIHI.
CHAPTER 33Nasa airport na ako nang makita ko si Liam na papalapit sa'kin. Hinintay ko siyang magsalita.''I'm sorry.''Tumingin ako sa kaniya, hinahanap 'yung sincerity sa buong pagkatao niya. Hanggang ngayon masakit pa rin lahat lalo na ang ginawa niya kay Tina at hindi ko alam kung kaya ko pa siyang makita bilang isang kaibigan na matagal kong nakasama.''Hanggang ngayon naaawa ako kay Tina, kasi nawalan na nga siya ng anak niloko pa siya ng mapapangasawa niya sana."Napayuko si Liam pero wala akong maramdaman ni katiting na awa. Wala pang isang taong patay si Tina kaya hindi ko alam kong kaya ko siyang patawarin ngayon.Magsasalita na sana ako nang biglang tumawag si Dad. ''Get lost, please,'' sambit ko kay Liam bago sinagot ang tawag.Nag-usap lang kami about sa papasukan kong hospital para sa residency ko at mga kailangang gawin. Ayoko kasi sa hospital ni Dad mag-trabaho dahil alam kong may favoritism na masasabi 'yung makakasama kong mga doctor kung papaburan ako lagi.Sa toto
CHAPTER 34 Present year. Kauuwi ko lang at hindi ako magkandatuwa rito dahil lagi na lang niya pinaparamdam sa'king espesyal ako kahit ilang taon na kami ay araw-araw pa rin niya kong pinakikilig at nililigawan. Hindi na siya nagbago. Pumunta muna ako sa kwarto ko para maligo. Napapangiti pa ko habang nasa cr dahil sa kaniya, hindi pa rin nawawala 'yung spark at 'yung thought na araw araw ko pa rin siyang gusto, araw araw ko pa rin siyang mahal at hindi 'yun nagbabago. Alam kong hindi madali para sa'ming pareho pero lagi talaga kong nagpapasalamat kay Kino dahil hanggang ngayon ay kasama ko siya at mahal niya ko, mahal namin ang isa't-isa. Pagtapos ko ay bumaba ako para kumain dala 'yung letter na binigay sa'kin Pat kanina. Ganito naman lagi ang ginagawa ko, kakain habang tinititigan 'yung mga regalo niya para sa'kin. Umupo na ko at binuksan 'yung papel. Can you still remember when were happy? Panimula nito, wala pa man ay natutuwa na agad ako. Can you still remember how we foug
EPILOGUE Nakahiga ako sa kwarto nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa'kin ang nakangiti kong kambal. ''Mom!'' sabay nilang anas, dali-dali akong umayos at mahigpit silang niyakap. ''How was school?'' I asked, mabilis nilang pinakita sa'kin ang napakaraming stars na nakalagay sa kamay nila, agad ko silang pinuri at hinalikan. Pareho talaga silang masipag at katulad ng Daddy nila. Matagal na kaming mag-asawa pero hindi pa rin siya nagbabago, kung ano siya no'ng mga panahong 'yun ay ayon pa rin siya hanggang ngayon, sweet, caring at mahal ako. Hindi madali lahat lalo na no'ng nagsisimula pa lang kami sa buhay mag-asawa, nag-aaway kami, nawawalan din ng oras dahil pareho kaming doctor, at parehong maraming dapat asikasuhin. Tumigil na ko sa pagta-trabaho simula nang mabuntis ako sa kambal naming anak. It doesn't hurt me because I enjoy being with them, taking care and seeing them grow as time passes by. Akala no'ng una hindi namin maabutan 'tong taon na ito dahil hindi nama
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, businesses, places, characters, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Thank you. PLAGIARISM IS A SERIOUS CRIME.Shy Del Mundo marries the man of her dreams, but things turn upside down when her husband feels that it was just an infatuation.***I only know three things:First, that he hurt me,Second, he changed me,And third, that I will not let him enter my peaceful life again, NEVER.WARNING: Matured content read at your own risk. My characters are
PROLOGUE Shy's POV Present year ''Doc. Shy, may nag-deliver po sa inyo ng cake kanina.'' Bungad ng nurse sa'kin na nasa entrada ng office ko, kakatapos ko lang sa fourteen-hour straight surgery ng isang batang may brain tumor at naisipang magpahinga muna, ngumiti ako at tumango pagkatapos ay binuksan ko na ang office ko at naghubad ng white coat pagkatapos ay sinabit ko ito sa white coat stand na nasa gilid ng couch. Nakita ko nga ang isang box ng cake na nasa table ko, lumapit ako dito at napapagod na umupo sa aking swivel chair. Tiningnan ko ito, may cake, bouquet of roses and chocolate bar. Napangiti ako at nagkagat-labi, this man didn't fail to make my heart flutter. Tiningnan ko ang isang letter na nakasiksik sa flower. -To crybaby, Take care, :3 -From Mr. Right  
CHAPTER 1 Year 2003 I walked slowly while staring at the back of a guy sitting in the modern gazebo while reading a newspaper, a gazebo surrounded with fresh and beautiful flowers, I grinned. 'Ano na kaya itsura nito ni Kumag,' bulong ko sa sirili, dahan-dahan kong tinahak ang wooden bridge at bigla siyang ginulat. Napatalon siya ng marahan, ''Babe―'' nakangiting aniya ngunit bigla itong napalitan ng gulat ng makita ako, nanlaki ang mata niya at mabilis na tumayo at mahigpit akong inakap. Sinong babe? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya marahan ko siyang tinulak. ''Hey! hey. Let me go.'' Hindi makahingang sambit ko dahil sa sobrang higpit ng yakap niya. ''You're ruining my cloth.'' At kunwaring nagpagpag, bumitiw siya sa pagkakayakap at ngumisi. ''You know I can buy you a new one.'' Pagmamayabang
CHAPTER 2 Kararating ko lang sa bahay dahil gabi na rin ako nakauwi mula sa bahay nila Isaiah, doon na rin kasi ako naghapunan kasama sila Tita Gail, at ngayon pa lang ako makakapagpahinga, inilapag ko lang kasi sa harap ng bahay ko ang mga maleta ko kanina pagkatapos ay dumerecho na kila Tita. ''Jet lag is real,'' bulong ko nang makapasok, inilagay ko lang sa sala ang mga maleta at pumanhik na sa kwarto upang matulog. Kinabukasan maaga akong nagising nang marinig na may kumakatok sa pinto ko. ''Yaya Meli?'' Naaantok ko pang tugon, tamad akong tumayo upang buksan ito at laking gulat ko ng makita si Pierce sa labas ng kwarto ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, nakasuot siya ng black polo shirt na naka-unbotton ang itaas na bahagi at fitted na gray trousers pagkatapos ay white shoes. Gwapo. ''Anong ginagawa mo dito?'' takan
CHAPTER 3 Pauwi na kami't lahat-lahat ngunit naiwan pa din sa utak ko ang ginawa niya kanina. Bakit parang may tinatago siya sa bestfriend niya? Hmp! Ipinarada na ni Pierce ang sasakyan sa harap ng bahay at inalalayan ako palabas. Nasa harap na kaming pareho ng gate at hindi alam kung anong sasabihin sa isa't-isa. Siya ang unang nagsalita, ''Uhm, I'll see you tomorrow?'' aniya at hinalikan ako sa pisngi. Biglang nag-init ang mukha ko sa ginawa niya. Tumango ako at nangiti. ''Bilhan mo ako ice cream.'' He nodded but I heard his whisper. ''Ang daming pera 'di makabili?'' Sumingkit bigla ang mata ako, tumawa siya at nagpaalam na, binuksan ko na ang gate pagkatapos ay dumerecho papasok, nang makarating sa loob ay hinubad ko agad ang stillettos na maghapon kong suot, nilagay ko ito sa maliit na shoe rack at d