Share

03

"U, hi? Can i ask where's the faculty and staff building miss?" tanong ko sa babaeng naka tayo sa gilid ko.

My gosh, almost one minute na ako dito pero ngayon lang talaga ako sumubok na magtanong. Nilingon naman ako ng babae na nanlaki ang mata nakatingin sakin.

"Oh sorry did I scare you—" hindi ko naituloy ang iba ko pang sasabihin ng malapad syang ngumiti sa'kin tsaka inoffer ang kanang kamay nya.

"Hi ganda! Ako si Ynalyn Almuendues! Ikaw anong pangalan mo? Hala ang ganda, ganda mo ngayon lang kita nakita! Taga rito kaba o bago ka lang?" she bombared questions after I shaked her hands. Nalilito ako kung ano ang uunahin kong sasagutin sa mga tanong nya.

"Uh, I'm Fate Delevoix nice meeting you Ynalyn" I smiled at her. Namilog naman ang mga mata nya at napangiti ng malapad.

Wow, kung sampalin ko kaya sya ngingiti parin ba sya? Should i try?

Bago pa magsalita si Ynalyn ay may lalaking paparating sa kinatatayuan namin na katulad din naming may hawak hawak na brown folder.

"Yna gurl! Kanin pa tayo hinahanap ni pres—hala sino yang kasama mo? Ang ganda ah malabo din namang kapatid mo kasi sobrang layo" nadinig kong bulong noong lalaki kay Ynalyn na binatawan ang kamay ko tsaka hinampas yung lalaki na ikinagitla ko.

Wow, ang sakit 'nun ah. Tsaka wow, he's a gay, hindi halata.

"Tumahimik ka nga Paulito! Ah Fate si Paulito Angeles kaibigan ko at Paulito si Fate Delevoix kakilala ko pero Fate pwede pa kitang maging kaibigan?" napatawa naman ako sa sinabi ni Ynalyn tsaka unti unting tumango.

Nakita ko namang nanlaki ang mata ni Paulo habang nakatingin sakin bago nagsalita.

"Ah ikaw yung apo ni Doña Willma? Yung nagiisang babaeng apo nya? Ikaw si Ethernity?!" gulat na tanong nya sakin, tumawa naman ako tsaka sya nginitian at sinagot.

"Yeah, of course. Hi Paul—" inihalad ko ang kamay ko at hindi pa pa ako tapos magsalita ng bigla nyang tinanggap ang kamay ko at pinandilatan ako.

"Hep! It's Paulene, tawagin mo nading Yna tong si Ynalyn na pa espesyal, ay mage-enroll at mage entrance ka din? Tara sabay ka nalang samin 'dun din punta namin" sabi ni Paulene na ikinangiti ko.

"Talaga? Yan din kasi yung tinanong ko kay Yna kanina eh kaso di nya nasagot" sabi ko at sumabay ng lakad sa kanila. Tumawa naman si Paulene bago lumingkis sa braso ko habang sa kabila naman ay si Yna na pilit na inaabot si Paulene para saktan.

"Naku tanungin mo nalang lahat wag lang si Ynalyn imbes na sagutin ka nyan tatanungin ka din" natatawang sabi ni Paulene na ikinanguso ni Yna.

"Sasakalin na talaga kita Paulito pag ako naiinis sayong tang ina ka" inis na sabi ni Yna na ikinataw namin. Napalingon naman ako kay Paulene na nangingiti lang sa tabi ko ng maalala ang sinabi nya kanina.

"Paulene, diba sabi mo kanina hinahanap na kayo ng president? Bakit 'di tayo tumakbo? Baka pagalitan kayo 'nun kasi natagalan" sabi ko pero umiling iling sya at inalalayan ako paakyat na ikinatawa ko.

"Hindi naman ako senior, wag mo na ako alalayan" sabi ko, tumawa naman sya tsaka inalalayan din si Yna na malapit na masubsob kung hindi sya naka hawak sa braso ko.

"Naku, joke lang yung kanina. Takot kasi tong si Yna 'dun sa pres kaya sinagad ko na para magmadali naman ,ambagal kasi neto ni ate gurl my gosh tatanga tanga pa" sabi ni Paulene na ikinatawa ko tsaka tinanggap ang stool na ibinigay ni Paulene at umupo rito.

"Sino bang hindi matatakot sa bugnutin kong kuya ha? At isa pa hindi ako tanga hambalusin kita dyan" sabi ni Yna na ikinatawa ko at ni Paulene.

"Where the hell have you been Ynalyn? Mage-entrance ka ba o hindi?" natigil kami sa tawanan ng makarinig kami ng baritonong boses sa likuran namin.

"Kuya! Naku naman wag mo talaga akong sungitan at may natulungan at may bago akong kaibigan ngayon! Ah Fate si Kuya Yvann, Kuya si Fate Delevoix bago kong kaibigan" nakangiting sabi ni Yna at nilingon ang likuran ko.

"Huh, are you kidding me Ynalyn? Paano yun mag-aaral dito eh ayaw nga 'nun sa probinsya" a cold baritone voice filled my ear, napakurap naman ako ng marinig ang hagikhik ni Paulene sa tabi ko tsaka unti unting tumayo at hinarap ang kuya ni Yna.

"How did you know that I hate provinces? " seryosong sabi ko at tinaasan sya ng kilay.

The man looked at me like he saw a ghost kaya mas lalong nangunot ang noo ko. I looked at his face. He had a perfect thick eyebrows, thick and long eye lashes, perfect and pointed nose, a perfect square jaw, kissable red lips, dark blue piercing eyes and his skin color is tan.

Oh. Tall, dark and handsome huh, miminsan lang ako maka meet ng mga ganitong klase sa Denvera.

"Eth..." he whisphered softly while staring intently at me, napalingon naman ako sa dalawang lalaking nasa likod nyang nakatitig din sa'kin na parang nakakita sila mg multo.

"Uh hi? Kuya I'm asking you, how did you know that i hate provinces? Wala akong naalalang may pinagsabihan ako nyan aside from from my relatives" sabi ko at takang nakatingin parin sa kanya na nakatitig parin sakin.

Siniko naman sya noong lalaking naka kulay navy blue na t-shirt at maputi kaya napatalon sya sa kinatatayuan nya.

"Huy Yvann tawag ka oh, Kuya daw" sabi 'nung lalaki, nilingon naman sya ng kuya ni Yna at sinamaan ng tingin bago ako hinarap.

"Uh hula lang, I'm Odysseus Yvann Almuendes you are?" he offered his hand asking for a handshake. Napakurap kurap naman ako tsaka unti unting tinanggap ang kamay nya, agad namang dumaloy ang elektrisidad sa buong katawan ko ng matanggap ko ang kamay nya at nagtaka ng makaramdam ng pamilyar na pakiramdam sa pagdapo ng mga kamay namin.

"Fate, Fate Ethernity Delevoix. Nice meeting you Seus" sabi ko, nakita ko namang nanlaki ang mata nyang napatingin sakin.

"Did you just call me Seus?" he asked curiously, napakurap naman ako at litong napatingin sa kanya.

"Oh did I? Sorry, I didn't mean to—" 

"Na-uh, it's fine. Just call me Seus, can I call you Eth?" he asked, I just smiled at him and gently pulled my hand from his gripped and nodded suddenly.

"Ah yeah sure, kuya Seus" I said, nagtaka naman ako ng magtawanan ang dalawang nasa likod nya. Kaya sinulyapan ko ito na ikinatigil ng dalawa sa tawanan.

"I'm Ephraim Zalduegas, just call me Eph or Rai" sabi noong naka blue na tshirt sakin, nginitian ko lang sya at tinanggap ang kamay nya.

"Nice meeting you Raim, I'm Fate" I said, tumawa naman sya at napailing iling.

" Raim huh, 'di ka parin nagbabago Eth, matigas parin ulo mo" he said out of nowhere na ikina kunot ng noo ko.

"What?" I asked, napalingon naman sya sakin at napailing iling.

"Ah wala, wala" he said, tumango naman ako at bumitaw sa kanya at nginitian yung lalaking tan din ang balat na naka kulay navy blue.

"I'm Fritz Achaelysus, just call me Achae " he said and smiled at me, nginitian ko lang sya at akmang magsasalita at io-offer yung kamay ko ng biglang tinawag ang pangalan ko.

"Delevoix, Fate ikaw na ang susunod" sabi noong babaeng naka teachers uniform, tumayo naman ako sa kinauupuan ako at kinuha ang brown folder ko at isinilukbit ang shoulder bag ko sa balikat ko.

"Uh, Yna, Paulene. Kuya's mage-entrance po muna ako, nice meeting you all po" sabi ko at naglakad na papunta sa office ng Dean ng bigla akong tinawag ni kuya Seus na ikinalingon ko sa kanila.

"Sabay ka samin maglunch mamaya, okay lang ba?" he asked, napakurap naman ako at nilingon sina Paulene at Yna na nakangiti sakin.

"Kasama kami Fate, ano sama ka?" Yna said, ngumiti naman ako sa kanila at unti unting tumango na ikina sigaw ng 'yes' ni kuya Seus na ikinataka ko.

"Ah haha, wala. Sige mag entrance ka na, goodluck" he said awkwardly. I just nodded my head and waved at them before I entered the Dean's office.

Habang sinasagutan ko ang questionare ay nawaglit sa isip ko ang nangyari kanina, All of them including Yna and Paulene is familiar, parang kilala ko na sila and ang mas nakakapagtaka eh comfortable ako sa kanila.

Hanggang sa natapos ako sa pagsagot at pagpapa enroll ay nasa isip ko parin kung bakit pamilyar silang lahat sakin eh ngayon ko pa nga sila nakilala't nakasama and why the hell did my heart is pounding wildly kanina habang kaharap ko si kuya Seus? Did i meet him already na ba o he's someone dati na nameet ko na din pero nakalimutan ko?

Is that even possible? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status