"Here's 50 million pesos. Marry me and I'll make you my queen."
Malakas na napaubo sina Maymay at Janice sa sinabing iyon ng lalaki. Si Lara naman ay halos malula ang mga mata na nakatingin sa pera na nasa harap niya."Marry me. Ibibigay ko ang lahat ng ito sa iyo. Dadagdagan ko pa kung gusto mo. Magiging reyna ka sa piling ko. Hindi ka maghihirap. Magkakaroon ka ng malaking share sa kompanya ko. Ibibili kita ng lahat ng gusto mo. Just... just accept my proposal."Halos mahimatay si Lara nang masilayan sa unang pagkakataon ang mukha ng lalaking nag-aalok ng kasal sa kanya. Ang mga asul nitong mga mata.. parang nakita na niya!Hindi naman makapaniwala na nagkatinginan sina Joseph at Carlo sa narinig na sinabi ng kanilang amo. Dala ng kuryusidad ay sinundan ng mga ito si Kaden. Nag-aalok ito ng kasal sa isang estrangherong babae? Paano ang fiancee nitong si Katie? Ayaw makialam ng dalawa kaya nagkasya na lang sa pakikinig.Ninenerbyos naman na tumawa si Lara at bahagyang lumayo kay Kaden. Sobrang gwapo ng lalaki pero mukhang may saltik ata sa ulo."S-Sorry po pero wala pa akong balak na magpakasal. Wala pa iyon sa isip ko."Tumango-tango naman sina Maymay at Janice pati na sina Joseph at Carlo. Bilib sila dahil hindi nasilaw sa pera si Lara. Ngunit sadyang mapilit si Kaden."I will do anything. Ano ba ang gusto mong gawin ko upang pumayag ka?"Napasintido si Joseph sa pinagsasabi ng amo. Gumagawa ito ng gulo eh!Nang-aarok ang mga mata ni Kaden na nakatingin kay Lara. Ramdam niya ang matinding pagkailang nito ngunit hindi niya pwedeng palampasin ang pagkakataong ito.Nang walang nakuhang sagot ang binata ay inilibot nito ang tingin sa maliit na flower shop. "Pwede bang... pwede bang paamoy ng bulaklak mo?"Nagkasamid-samid sina Joseph at Carlo. Kailan pa natutong bumanat ang boss nila? Sina Maymay at Janice naman ay tahimik na nagtitili sa kilig.Namumula na ang pisngi ni Lara. Nagkamali ba siya ng dinig? Oo, nagkamali lang.."A-Ah. P-Pwede po. Pumili lang po kayo ng bulaklak na gustong amuyin," nabubulol na sansala ng dalaga habang itinuturo ang hilera ng mga bulaklak. "S-Sakto po at kapipitas lang nila kaninang madaling araw.""Hmm. Ganun ba?" Napansin ni Kaden ang pamumula ni Lara at napagpasyahang lalo pa itong tuksuin. "Can you assist me then?"Mabilis na umiling ang dalaga. "May ginagawa po ako, sir. Pwede ka namang magpa-assist kina—""Ano ka ba, Lara. I-assist mo na si sher pogi at kami na diyan sa cashier!" Pinagtulakan pa ng dalawa si Lara palapit kay Kaden na tahimik lang na nakamasid sa bawat galaw ng dalaga.Napabuntong hininga si Lara at pilit na kinakalma ang sarili. Pilit niyang nginitian ang lalaki na mukhang nangti-trip lang."Ano po bang gusto niyong bulaklak, sir?" magalang niyang tanong kahit na umaarangkada na ang puso niya."May bulaklak bang Lara ang pangalan?"Hindi alam nina Joseph at Carlo kung matutuwa ba sa mga banat ng boss nila. Sino ba ang magandang babaeng kausap nito? Mukhang nakalimutan na ng amo ang importanteng lakad nila!"N-Naku wala po." Tumawa si Lara kahit hindi naman siya natatawa. "Ang meron lang kami ay rose, carnation, tulips..."Habang nagsasalita si Lara ay hindi mapigilan ni Kaden na hagurin ng tingin ang kabuoan nito. Maganda ang hubog ng katawan ng dalaga at detalyado ang bawat kurba. Isa pa ito sa mga ikinakainggit ng magkapatid na Stephanie at Ailene."Sir?" pukaw ni Lara dahil parang hindi nakikinig ang lalaki.Tumikhim si Kaden. "I'll take the most expensive one.""Bouquet—""Yes, bouquet."Habang ginagawa ni Lara ang order ng lalaki ay ramdam niya ang mga titig nito sa kanya. Mariin na lang niyang itinikom ang mga labi."5, 600 po lahat, sir. Doon na lang po kayo sa counter."Matapos magbayad ni Kaden gamit ang card ay hindi muna ito umalis at nag-usisa pa."Anong oras kayo nagsasara ng shop?""5 pm po sir!" si Maymay ang masiglang sumagot.Tumango si Kaden. Tinapunan muna ng isang tingin si Lara na nakaiwas ng tingin bago tuluyang lumabas ng shop. Doon lang pinakawalan ni Lara ang hiningang kanina pa pinipigilan at sinapo ang dibdib."Ang haba ng hair mo, girl! Biruin mo, inalok ka ng kasal ng napakagwapong nilalang. At yayamanin pa! May pa-50 million at gagawin ka pang reyna!" si Janice na sobrang excited."Hala! Naiwan ni pogi itong apache case niya!"Agad na nagkumpulan ang tatlo sa case na naghihimutok ng malulutong na lilibuhing pera."Grabe talaga. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking halaga..""Paghatian na natin!"Agad na binatukan ni Lara ang dalawa. "Magsitigil nga kayo. Kailangan nating ibalik ito.""Ito naman hindi mabiro," tawa ni Maymay."Paano natin ito isosoli? Wala tayong contact number ni pogi!"Sa huli ay si Lara ang pinagbigyan nila ng responsibilidad na manghawak ng pera pansamantala. Ang ikinababahala niya ay kung paano ikukubli sa bahay ng tiyahin ang ganitong kalaking halaga. Mahilig pa namang mangalkal ang mga ito ng gamit niya. Ganun ang dilemma niya hanggang sa magsara sila sa shop."Follow her."Lingid sa kaalaman ng dalaga ay may sumusunod sa kanya na sasakyan hanggang sa makauwi siya.Wala na ang mga tiyahin at pinsan niya. Kapag ganitong biyernes kasi ay nagpapasalon ang mga ito. Ang pinoproblema ngayon ng dalaga ay kung saan itatago ang pera. May pasok pa siya sa club kaya matutulog muna siya saglit.Bandang alas-syete nang maalimpungatan si Lara dahil sa mga kaluskos na naririnig. Nagtaka pa siya dahil nakabukas na ang bintana ng kanyang kwarto. Ginapangan siya ng kaba sa kaisipan na baka may akyat bahay!Doon naramdaman ni Lara ang presensya sa likod niya. Huli na para humingi ng saklolo nang may malapad na kamay ang tumakip sa kanyang bibig."Ssshh. You don't need to be scared. Hindi kita sasaktan."Nanlaki ang mga mata niya. Ang boses na iyon!"Papakawalan kita sa isang kondisyon. Huwag kang sisigaw o manlalaban. Got it? I promise I won't hurt you."Tumango si Lara. Pagkatapos nun ay unti-unting lumuwag ang kamay ng lalaki sa kanyang bibig at pinakawalan. Mabilis na pinidot ni Lara ang switch ng ilaw at lumantad sa kanya ang lalaki kanina sa flower shop!"Ikaw? Anong ginagawa mo dito??"Hindi nagsalita si Kaden at linapitan ang dalaga sa kama na napaatras."Are you afraid of me?"Baliw ba ito? Syempre natatakot siya! Isa itong estranghero at hindi niya alam kung masamang tao ba ito! Ngunit mabuti na rin ito nang maisauli na niya ang pera ng lalaki."Nasa akin ang pera kung iyon ang pakay mo. Naiwan mo kasi sa shop at—""Hindi iyon ang pakay ko."Hindi na hinintay pa ni Kaden ang sagot ni Lara at agad itong sinunggaban ng halik."Oh yeah. Move that ass, baby. Sige. Igiling mo."Napailing si Magnus sa mga pinagsasabi ni Owen sa babaeng nagsasayaw sa harap nito. They were in a club, VIP to be exact. They were enjoying their time before they part ways again."Hmmm.." napaungol ang babae nang malakas na pinalo ni Owen ang pang-upo nito. "Ang ganda ng pwet mo ah. Ang laki. Totoo ba ito? Hindi retoke?" Muling itong pinalo ni Owen na may kasama nang paghimas.Hindi na nakapagpigil si Logan at binatukan ang lalaki. "Tarantado ka talaga. Ang manyak mo talaga.""Aray! I'm just checking her out!" angil ni Owen at naglalambing na niyakap ang babae. Natigil tuloy ito sa pagsasayaw at napaupo sa kandungan ng binata."Did I hurt you, baby?" masuyo nitong tanong at hinalikan pa sa pisngi."H-Hindi naman," sagot naman ng babae na nahihiya.Magnus took the glass of liquor to his mouth as he checked her out. The girl was shy and timid, petite but she has great curves. The total type of Owen.He already know that she's new to t
"Mommy! Mommy! Mommy! Kailan lalabas si baby?"Kagigigising lang ni Lara ng mga sandaling iyon. Naging maselan ang pagbubuntis niya at nitong mga nakaraang araw ay hirap na hirap talaga siya. Kawawa talaga si Kaden sa kanya noong naglilihi siya. Laging mainitin ang ulo niya at laging ito ang pinag-iinitan niya. Sa madaling araw pa talaga siya nagpapabili ng mga pagkain na mahirap hanapin. Kaya kahit na inaantok ay bumibyahe talaga ang asawa niya kahit sa kabilang bayan pa. Kadalasan ay ayaw niya itong makita at ayaw katabi sa kama. Ang ending tuloy ay sa guest room ito natutulog. Though Kaden confess to her that he usually joins her to bed kapag tulog mantika na siya. Saka lang aalis kapag mag-uumaga na. Ngunit nitong last week nga ay naging sobrang clingy niya sa mister. Kailangang nasa tabi niya ito palagi at nakikita, if not, then iiyak talaga siya. Kaya hindi na pumapasok ng opisina si Kaden at sa kanilang bahay na lang ginagawa ang mga trabaho. Kapag may importanteng meeting na
Malawak ang pagkakangiti ni Katie habang binabaybay ang daan paalis sa kanilang hideout. Dala niya ang lahat ng mga pera na kinuha nila sa bangko. Ang balak niya sana ay kalahati lang ang kukunin ngunit nagbago agad ang isip at kinuha na lahat. Magpapakalayo na muna siya habang nag-iisip ng plano kung paano muling makakabalik sa buhay ni Kaden.Sinulyapan ni Katie ang limpak limpak na pera na nasa likod ng sasakyan at malakas na napahalakhak. Ahh. Iba talaga kapag mautak. Imagine, halos wala siyang ginawa ngunit napunta sa kanya ang lahat ng pera. Sigurado siyang naidispatsa na ng ina niya ang mga kambal. Hindi na rin niya poproblemahin si Lara dahil hawak na ito ni Garry. Wala siyang pakialam kung ano man ang gawin dito ng lalaki. Whatever happens to her, she deserves it!Natigil sa pagtawa si Katie nang mapansin ang sasakyan na nasa likod niya. Kanina pa iyon bumubuntot sa kanya. Lumiko na siya at iba pa, nakasunod pa rin ito. Madali niyang kinuha ang baril na naipuslit kanina at bi
"I-Ikaw?"... mahinang usal ni Lara pagkakita sa lalaking pumasok sa kwartong kinalalagyan nila. She gulped so hard. Of course, this wasn't Kaden. It was his twin brother, Magnus Zafirti.Sinubukan ni Lara na umusog sa kama ngunit hindi iyon nangyari dahil sa pagkakatali ng mga kamay niya. She was still laying on the bed while struggling to get free. He looks absolutely dark and domineering. Bahagya siyang natakot ngunit kung totoo talaga na may gusto ito sa kanya, he wouldn't hurt nor harm her. Inaasahan niyang si Kaden ang darating but of all people, ang kambal pa nito.Magnus on the other hand only had his eyes on Garry that was writhing in pain on the floor. Unti-unting nilapitan ng binata ang lalaki.Napasuka ng dugo si Garry sa tindi ng tumama sa sikmura niya. Hindi niya alam kung ano iyon, sipa ba o suntok. "Hayop ka! Ang lakas ng loob mo—"Napatigil sa pagsasalita si Garry nang makita ang lalaking basta na lang pumasok ng kwarto at umistorbo sa ginagawa niya."K-Kaden..?" Aga
Kaden was torn between saving Lara and their twins. They identified their location. Two different locations to be exact. At hindi magkalapit kundi magkalayo ang distansya ng bawat lokasyon.He wants to save both of them at the same time. Ngunit iisa lang ang katawan niya. Kung pwede lang hatiin ay ginawa na niya. He was furious. Magbabayad talaga nang malaki ang nangahas na saktan ang pamilya niya. He was hoping that they were alive and safe. If it's the opposite, heaven and earth will collide with his rage.Kaden heard a static on his earpiece. Then Logan's voice echoed next.. "I'm not in the position to say this but I'll take care of the twins from here.. Just focus on saving Lara."Kaden gripped the steering wheel tightly. He wants to do the saving by himself but just like what he said, he can't do it at the same time. Wala siyang gaanong tauhan na isinama. Only the strong and trusted one. Logan and Timothy and more or less 10 men from his underground organization."I'll owe you t
"Gising!" Napasigaw si Lara at agad na naalimpungatan nang maramdaman ang pagsaboy ng malamig na tubig sa kanya. Her vision was blurry at first until a feet became clear in her eyes. Her gaze moved up until she saw... Katie Deogracia."Ano ha?" Marahas nitong sinabunutan ang buhok niya palikod. "Ilabas mo ngayon ang tapang mo, Lara! Wala kang kakampi dito ngayon. Naiintindihan mo? Walang magliligtas sa iyo dito!"Pinigilan ni Lara ang mapada ing sa sakit sa pagkakasabunot sa kanya ni Katie. She won't show any weakness to her. Hindi na siya nagtaka nang malaman na ito ang nasa likod ng pagka-ambush nila. "Nasaan ang mga anak ko?" matigas niyang tanong dito. She was soaked and cold as hell ngunit hindi niya hahayaan na manginig ang boses niya. Doon niya lang din namalayan na nakagapos ang mga paa at kamay niya sa isang silya. Ipinagpasalamat na lang niya na wala siyang piring sa mga mata."Ang mga anak mo?" Namewang ang babae sa harap niya at malakas na humalakhak. Pinagmasdan niya i