Reborn To Marry My Ex's Step-brother

Reborn To Marry My Ex's Step-brother

last updateLast Updated : 2026-11-17
By:  Miss LUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
7views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Akala ni Samantha Mendoza, nasa kanya na ang lahat. Mayaman siya, nag-iisang tagapagmana ng kanilang pamilya, at ikakasal pa sa lalaking mahal na mahal niya. Pero paano kung ang lahat ng iyon ay kasinungalingan lang pala? Sa mismong araw ng kanyang kasal, nahuli niya ang fiancé niyang si Kean Reyes na nakikipaghalikan sa babaeng itinuring niyang kapatid. Doon niya nalaman na ginamit lang siya ng dalawa para makuha ang yaman ng kanilang pamilya. Ngunit bago pa siya makapaghiganti, isang aksidente ang kumitil sa kanyang buhay. Akala niya katapusan na niya, pero nagising siya at bumalik sa nakaraan—sa panahong hindi pa huli ang lahat. Sa pagkakataong ito, hindi na siya magpapadala sa matatamis na salita ni Kean. Sa halip, lalapitan niya ang lalaking minsan niyang tinanggihan, si Alexander Monteverdi, at muling iaalok ang kasalang siya mismo ang sumira noon. Isang kasal ang magiging susi sa kanyang paghihiganti. Ngunit habang magkasama nilang binubuo ang plano para pabagsakin ang pamilya Reyes, unti-unti ring nabubuo ang damdaming hindi niya inaasahan. Handa si Samantha na gawin ang lahat para makuha ang hustisya. Pero paano kung sa pagkakataong ito, hindi lang paghihiganti ang makuha niya kundi pati ang pagmamahal na minsan niyang ipinagkait sa sarili?

View More

Chapter 1

The Bride's Worst Night

Samantha's POV

“Mrs. Reyes, bakit nakangiti ka na naman diyan?”

Napalingon ako sa babaeng nakaupo sa tabi ko. Si Casey, ang pinakamatalik kong kaibigan, ay nakangiting nakatingin sa akin habang hawak ang isang baso ng champagne.

“Wala lang,” natatawa kong sagot. “Hindi lang talaga ako makapaniwalang kasal na kami.”

“Girl, ilang beses mo nang sinabi iyan simula kanina!” Tumawa siya at bahagyang itinulak ang balikat ko. “Pero naiintindihan kita. Finally, nakuha mo na rin ang pinapangarap mong prince charming.”

Napatingin ako sa kabilang bahagi ng ballroom kung saan nakikipag-usap si Kean sa ilang bisita.

Napakaguwapo niya sa suot niyang itim na tuxedo. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok niya, at lalong naging kaakit-akit ang mukha niya dahil sa bahagyang ngiti sa labi.

Nang mapansin niyang nakatingin ako, kumindat siya.

Hindi ko napigilang mamula.

“Grabe ka naman kung makatingin,” tukso ni Casey. “Parang ngayon mo lang nakita ang asawa mo.”

“Hayaan mo ako. Asawa ko naman siya.”

“Okay, okay! Enjoy your honeymoon later. Huwag mo lang kalimutan ang best friend mo kapag nagkaroon na kayo ng anak.”

Natawa ako at niyakap siya.

“Never. Ikaw pa rin ang magiging ninang ng mga anak namin.”

“Dapat lang!”

Napakaswerte ko dahil nasa tabi ko ang taong matagal nang naging sandalan ko. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko, nanatili si Casey sa buhay ko. Siya ang kasama ko sa mga panahong masaya ako, at siya rin ang taong nilalapitan ko kapag pakiramdam ko ay wala na akong ibang mapagsabihan.

“By the way, kumusta ka naman? Hindi ka ba kinakabahan sa bagong buhay mo bilang Mrs. Reyes?” tanong ni Casey.

Napangiti ako at napatingin sa singsing sa aking daliri.

“Medyo. Pero excited ako. Matagal ko nang pinangarap na magkaroon ng sariling pamilya kasama si Kean.”

“I'm sure magiging masaya kayo. Deserve mong maging masaya, Sam.”

“Thank you, Case. At least, hindi na ako mag-iisa. May asawa na akong makakasama sa lahat ng bagay.”

Niyakap niya ako nang mahigpit.

“I'm happy for you. Sana manatili kayong masaya habang-buhay.”

Parang may kung ano sa sinabi niya pero binalewala ko nalang ito. Baka napaparanoid lang ako.

“Are you talking about me?”

Napalingon ako.

Si Kean.

“Of course, husband,” sagot ko habang nakangiti.

Hinalikan niya ang noo ko bago umupo sa tabi ko.

“Enjoying the party?”

“Very much. Pero mas magiging masaya ako kung sasayaw tayo mamaya.”

“Anything for my beautiful wife.”

Napangiti ako sa narinig.

“Ang sweet naman ng asawa mo,” komento ni Casey.

“Alam ko,” sagot ko. “Swerte ako sa kanya.”

Ngumiti si Kean at hinawakan ang kamay ko.

“I'm the lucky one, sweetheart.”

Muling bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung ilang beses ko nang narinig ang mga matatamis niyang salita, pero hindi pa rin ako nagsasawa.

Makalipas ang ilang minuto, may lumapit na bisita upang kausapin si Kean tungkol sa isang business matter. Nagpaalam siya sa akin at nangakong babalik agad.

“Wait for me, sweetheart. We still have our first dance.”

Tumango ako.

“Don't worry. I'll be here.”

Hinalikan niya ang kamay ko bago umalis.

“Ang sarap talaga sa feeling na may asawa ka nang ganyan,” sabi ni Casey.

“Stop teasing me.”

“I'm just happy for you, Sam.”

Ngumiti ako at muling niyakap siya.

Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay gusto kong manatili sa sandaling iyon. Gusto kong namnamin ang bawat segundo ng gabing iyon dahil iyon ang pinakamasayang araw ng buhay ko.

Makalipas ang halos dalawampung minuto, napansin kong hindi pa rin bumabalik si Kean.

Tumingin ako sa relo ko.

“Baka matagal pa siya?” tanong ko.

“Maybe. Business partners, you know.” Inayos ni Casey ang buhok niya. “I'll go to the restroom. Babalik din ako.”

“Sige. Hahanapin ko muna si Kean.”

Tumayo ako at inayos ang mahabang laylayan ng aking wedding gown. Habang naglalakad sa ballroom, ilang bisita ang bumati sa akin at nagpahayag ng kanilang paghanga sa aming kasal.

Ngumiti ako sa bawat isa.

Ngunit nang hindi ko pa rin makita si Kean, nagtanong ako sa isa sa mga waiter.

“Excuse me, have you seen my husband?”

“Sir Kean went to the balcony, ma'am. I think he was talking to someone.”

“Thank you.”

Masigla akong naglakad patungo sa balcony.

Naisip kong baka gusto lang ni Kean na magpahangin. Marahil ay pagod na rin siya sa dami ng bisitang kailangang batiin.

Pagdating ko sa pintuan, bahagya ko itong itinulak.

Ngunit bago pa ako tuluyang makapasok, may narinig akong mahinang halakhak.

Pamilyar ang boses.

“Kean, paano kung may makakita sa atin?”

Nakunot ang noo ko.

Casey?

Bakit naroon si Casey?

“Walang makakakita. Relax.”

Boses ni Kean ang sumagot.

Naramdaman kong bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit tila kakaiba ang dating ng kanilang pag-uusap.

Dahan-dahan akong lumapit.

At sa sandaling iyon, nakita ko ang bagay na hindi ko kailanman inakalang masasaksihan ko.

Magkahawak ang kamay nina Kean at Casey.

At bago pa ako tuluyang makapaniwala sa nakikita ko, yumuko si Kean at hinalikan siya.

Hindi isang simpleng halik sa pisngi.

Hinalikan niya siya sa labi. Gumapang ang kamay niya sa batok ni Casey, diniinan ang kanilang halik na tila sabik sila sa isa't-isa.

Nanigas ang buong katawan ko.

Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid. Hindi ko marinig ang musika mula sa ballroom. Hindi ko rin maramdaman ang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat.

Ang tanging nakikita ko ay ang dalawang taong pinagkatiwalaan ko nang buong puso.

Ang asawa ko.

At ang matalik kong kaibigan.

“Kean…”

Hindi ko namalayang lumabas ang pangalan niya sa aking bibig.

Agad silang naghiwalay.

Nang makita ako ni Casey, nanlaki ang mga mata niya.

“Sam?”

Napatingin sa akin si Kean. Ilang segundo niya akong tinitigan bago siya napabuntong-hininga.

“Damn it.”

Iyon ang unang salitang lumabas sa bibig niya.

Hindi I'm sorry.

Hindi Let me explain.

Kundi isang pagmumura na para bang ako pa ang nakasira sa sandaling iyon.

“Anong ginagawa ninyo?” nanginginig kong tanong.

Walang sumagot.

“Sam, I can explain,” mahinang sabi niya.

Napailing ako.

“Explain what? Na nagkamali lang ako ng nakita? Na hindi mo talaga hinahalikan ang asawa ko?”

“Please, calm down,” sagot ni Kean.

“Paano ako kakalma?!” Napalakas ang boses ko. “Kasal pa lang tayo ngayon, Kean! Ilang oras pa lang tayong mag-asawa!”

“Then stop shouting.”

“Paano mo nagawa ito sa akin?”

Tumingin siya sa akin na para bang wala siyang pakialam sa mga luha kong unti-unting tumutulo.

“Since you already saw it, I guess there's no point in hiding anymore.”

Parang may kung anong kumikirot sa dibdib ko.

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Hindi kita mahal, Samantha.”

Napailing ako.

“Hindi… Hindi mo pwedeng sabihin iyan.”

“Why not? It's the truth.”

“Pero ang lahat ng sinabi mo sa akin? Ang mga pangako mo? Ang kasal natin?”

“Lahat iyon ay bahagi lang ng plano ko.”

Napahawak ako sa dibdib ko.

“Plano?”

Bahagya siyang ngumisi.

“Pinakasalan kita dahil sa Mendoza Corporation. Dahil sa yaman ng pamilya mo. Dahil sa shares na kusang ibinigay mo sa akin dahil masyado kang nagtitiwala.”

Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.

“Ginamit mo ako?”

“Exactly.”

Napatingin ako kay Casey. “Ikaw? Parte ka rin ba ng planong ito, ha?!”

“Sam…” she muttered.

“Matagal na ba ito?”

Natahimik siya.

“Gaano na kayo katagal?”

“Before pa maging tayo,” malamig na sagot ni Kean.

Parang may humila sa puso ko pababa.

Ibig sabihin, habang masaya akong ipinakikilala siya bilang boyfriend ko, may relasyon na pala sila.

Habang ipinagtatanggol ko si Casey bilang matalik kong kaibigan, niloloko na pala niya ako.

“Bakit?” umiiyak kong tanong. “Ano bang ginawa ko sa inyo?”

“Wala kang ginawa,” sagot ni Kean. “You were just an easy target.”

Natawa ako nang mapait.

Sa isang iglap, naalala ko ang lahat ng pagkakataong ipinagtanggol ko siya. Ang mga perang ipinahiram ko, ang mga shares na ipinagkatiwala ko, at ang mga pagkakataong pinili kong maniwala sa kanya kahit may mga taong nagbabala sa akin.

“Hindi mo makukuha ang lahat,” sabi ko habang pinupunasan ang aking mga luha. “Hindi ko hahayaang sirain mo ang kompanyang pinaghirapan ng pamilya ko. Ipapabalik ko ang shares na nakuha mo sa akin. Hindi kita hahayaang agawin ang lahat ng naiwan ng mga magulang ko.”

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Kean.

“Huli na para diyan. Dahil kasal na tayo matagumpay kong nailipat lahat sa pangalan ko, Samantha. You are nothing but penniless now.”

“Wala akong pakialam.”

“Sam, huwag kang magpadalos-dalos,” singit ni Casey. 

“Tumahimik ka! Wala kang karapatang kausapin ako!” Nanggigigil kong sigaw. “Sa tingin mo makikinig pa ako sayo? Ahas! Kunwari ka pang masaya para sa akin, ‘yun pala inaahas mo na ang asawa ko!”

“Kasalanan ko pa na tanga ka?” Nagbago ang expression niya, tila naiinis. Huwag mong isisi sa akin ang katangahan mo, Sam.”

Napakuyumos ako ng aking kamao. “Doble kara ka rin pala…”

“Ang tagal kong tiniis ang kaartehan mong babae ka, alam mo ba iyon? Kung hindi dahil kay Kean, hindi ako mananatila sa tabi mo. Pero thankful ako sa katangahan mo kasi mayaman na kami ng fiance ko…” ipinakita niya sa akin ang singsing na nasa daliri niya habang nakasandal sa dibdib ng asawa ko.

“Malandi ka!” mabilis akong sumugod sa pwesto ni Casey at sinabunutan siya. Umawat naman sa amin si Kean, ngunit hindi ako nagpatinag.

Hinawakan ako ni Kean ng mariin sa braso bago hinila palayo kay Casey. “Tumigil ka na! It's already too late.”

“Magbabayad ka—kayo!”

“Enough!”

“Bitiwan mo ako!”

“Tumigil ka na sabi, Samantha.”

“Binatawan mo nga sabi ako!”

Nagigting ang panga niya at sagot, “Gusto mong bitawan kita? Sige, bibitawan kita.”

Walang ano-ano’y itinulak niya ako nang buong lakas. Nawalan ako ng balanse hanggang sa tuluyan akong tumikwas sa balkonahe.

Nakita ko ang ilaw ng ballroom na mabilis na lumalayo. Narinig ko ang mga sigaw ng mga tao. At pagkatapos ay isang malakas na pagbagsak.

Bumagsak ang katawan ko sa ibaba.

Matinding sakit ang naramdaman ko sa aking ulo. Unti-unting lumabo ang paningin ko habang nakahiga sa malamig na sahig.

Sa gitna ng kaguluhan, nakita ko si Kean at Casey sa balcony.

Hindi sila mukhang nagsisisi.

Hindi sila mukhang natatakot.

Habang unti-unting nagsasara ang aking mga mata, may isang pangakong nabuo sa aking isipan. Kung magkakaroon pa ako ng pagkakataong mabuhay, hindi na ako magpapaloko sa kanila. Hindi na ako magiging bulag sa pagmamahal.

At hindi ko hahayaang makuha nila ang lahat ng pinaghirapan ng aking pamilya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status