MasukSabi nila, nasa kanya na ang lahat. Maganda. Mayaman. May gwapong asawa. May sariling business. Kilala ng madla. Si Chantal Videla lang naman ang babaeng pinapangarap maging ng lahat. Pero paano kung ang lahat ng nakikita niyo ay atensyon lang, at hindi totoong kaligayahan? Sa likod ng perpektong buhay niya, may isang pangarap siyang matagal nang hinihintay. Ang magkaroon ng buong pamilya. Isang pangarap na sa isang iglap, pwedeng mawala sa kanya. At paano kung ang taong matagal na niyang pinapangarap ay nasa tabi lang pala niya? Hindi niya lang maalala. Handa pa ba siyang magmahal ulit? Handa ba niyang papasukin ng buo ang taong ito, kung parehas silang may sugat na pinapahilom pa?
Lihat lebih banyakUmalingawngaw ang ingay ng alarm clock sa kwarto ni Chantal. Bahagya siyang naalimpungatan at kinapa ang alarm clock na nasa side table niya dahil hindi pa niya maimulat ang kanyang mga mata.
Pagkapatay niya ng alarm clock ay sunod naman niyang kinapa ang kanang bahagi ng kama kung saan palaging humihiga ang kanyang asawa. Nang hindi niya maramdaman ito ay napamulat siya ng bahagya. “He’s gone”, sambit niya na para bang may kausap siya. Dahan-dahan siyang bumangon ng kama at hindi pa maimulat ng ayos ang kanyang mata dahil ang pakiramdam niya ay kulang pa siya sa … pahinga. Napabangon lang siya dahil naramdaman na niya ang dampi ng sinag ng araw sa kanyang mga balat. Napangiti siya ng tingnan ang kanang bahagi ng kwarto kung saan sumisilay ang araw. May kurtina talaga na humaharang sa sliding door nila dito. Pero tuwing umaga ay binubuksan ito ni Ezekiel. Isang paraan ng kanyang asawa para gisingin siya dahil may pagka-tulog mantika ito. Nang mapatingin siya sa sarili niya ay tsaka niya lang napagtanto niya na wala palang saplot ang kanyang katawan dahil nag siping sila kagabi ni Ezekiel. Si Ezekiel Montez Palma lang naman ang asawa niya. Ang pangatlo sa tagapagmana ng Palma Group holdings. Nag-rehistro ang nangyari kagabi sa kanyang isip at hindi mapigilan ni Chantal na kiligin. At may kung anong kakaibang sensasyon ang kanyang nararamdaman sa kanyang tiyan. Sensasyon na tanging sa asawa niya lang nararamdaman. Magsiping man sila o hindi. Hindi niya mapigilang mapakagat ng labi at ngumiti ng pagkalaki-laki bago tumakbo papasok ng banyo. *** Pagkababa niya ng hagdan ay dumeretso siya agad sa dining hall para kumain ng almusal. Sinalubong siya ni Nanay Ising na may dala-dalang fried rice na nakalagay sa isang mangkok. “Magandang umaga anak. Aba at mukhang maganda ang gising natin ah”, pabirong sambit ni Nanay Ising na may halong nakakalokong ngiti. Nahihiyang ngumiti si Chantal na para bang nakagawa siya ng malaking krimen. Pakiramdam niya na namula ang kanyang magkabilang pisngi. “Iniisip kaya ni Nanay Ising na … “, sambit niya sa utak niya. napailing na lang siya ng bahagya pagkatapos nang maisip na mag-asawa naman sila ni Ezekiel kaya normal lang naman na gawin nila iyon. “Magandang umaga po Nanay Ising”, kaswal na sambit ni Chantal. ”Nakapag-agahan po ba si Ezekiel bago siya umalis?” “Oo, anak. Mukhang nagmamadali nga eh.” Tumango siya sa Mayordoma. “May business trip daw po siya ng dalawang araw.” “Ganoon ba?”, takang tanong ni Nanay Ising. “Kung gayon ay mag-iingat siya sa trabaho.” “Huwag po kayong mag-alala Nanay Ising. Malaki na ho ang alaga ninyo. Kaya na po niya ang sarili niya.” Ngumiti ang matanda pero may lungkot ito sa mga nata at agad itong napansin ni Chantal. “Ayos lang po ba kayo Nanay Ising? Halika at sabayan niyo po akong mag-alm-” “Hindi na anak. Nakapag-almusal na ako”, sambit ng matanda pero nag-aalangan itong umalis sa tabi ni Chantal. “Nanay Ising, kung may gusto po kayong sabihin ay sabihin niyo na. Tungkol po ba ito sa sweldo ni - “ “Hindi anak. May gusto lang sana akong itanong sa’yo. Pero anak, huwag mo sanang mamasamain ang aking itatanong.” “Ano po ba iyon, Nanay Ising?” “Wala naman siguro kayong problema ng alaga ko, hindi ba?” Bahagyang natigilan sa pagkuha ng pagkain si Chantal at napatitig kay Nanay Ising. “Wala naman po. Bakit niyo naman po natanong?” “Nitong nakaraan kasi ay parang …”, napatigil sa pagsasalita si Nanay Ising. Habang si Chantal naman ay nanatiling nakatitig. Nag-aantay ng sasabihin ng matanda. “Di bale na. Oh siya, kumain ka na. Huwag mo nang intindihin ang tanong ko. Kumain ka ng marami para may lakas ka sa trabaho.” “Pero Nay Ising, ano po ba napapansin niyo kay Ezekiel nitong nakaraan?”, pagpupumilit ni Chantal. Marahang tinapik ni Nanay Ising ang mga kamay niya. “Huwag mo nang intindihin ang sinabi ko. Huwag ka nang masyadong mag-isip. Kumain ka na lang ng marami para may lakas ka sa trabaho.” Tumango na lang si Chantal pero ang totoo ay hindi naalis ang pagtataka niya sa tanong ng matanda. Pagkatapos ng agahan ay dumeretso siya sa cafè na pagmamay - ari niya. Si Chantal ang owner at chef ng isa sa sikat na cafè dito sa Manila. Marami ang humahanga kay Chantal. Dahil kahit mayaman na ang asawa nito ay mas pinili niyang magtrabaho para may sarili siyang pera. At hindi niya ito pinagsisisihan. Lumaki siyang mahirap kaya pinilit niyang magsumikap para buhayin ang sarili at pamilya niya. Ayaw kasi niya na pati ang pamilya niya ay makikinabang sa pera ng asawa niya. Kilala siya bilang isang masipag na Boss. Sa sobrang sipag niya ay kinakaya niyang mag-ala Chef, maging server at makipag-interact sa customer sa oras ng trabaho. Pero hindi siya robot kaya naman ay humahanap siya ng oras para magpahinga kahit sandali sa opisina niya. Sa dami nang ginawa niya ngayong araw ay akala niya na hindi na siya makakapag-pahinga. Kaya naman pagka-pasok niya ng opisina niya at isa lang ang pumasok sa isip niya. Ang umidlip kahiy konti. Pero iyon nangyari dahil kumatok ang manager ng cafè. “Madame Chantal, nandito po si sir AlexisGusto daw po kayong makausap.” Napakunot ang kanyang noo. “Ano naman ang ginagawa niya dito ng walang pasabi. Hindi naman siya siguro ako aalukin ng isda dahil nakabili na ako sa kanya nung isang araw na mamalengke ako?”, tanong niya sa sarili niya. Kaso sa utak niya lang. “Sige na, paderetsuhin mo na siya dito sa loob. Si Alexis Kristoffer Hermoso. Asawa ng best friend niya na si Marga. At ang isa sa mga taong mabilis niyang nakapag-palagayan ng loob ng sumalta siya dito sa Maynila. Maya-maya pa ay pumasok na si Alexis Kristoffer sa kanyang opisina at agad din naman silang iniwan ng manager. Kahit nagtatrabaho sa palaisdaan si Alexis ay nakukuha pa rin nitong mag-ayos para mag mukhang presentable. At humanga si Chantal sa disiplina na meron si Alexis. Isang paghanga na hindi niya sinasambit sa lalaki. “Hi”, sambit ng lalaki at parang medyo nahihiya pa siya. Pero bakas din ni Chantal ang lungkot sa boses nito. Medyo matagal-tagal na rin nung huli niya itong makausap ng masinsinan kaya hindi niya alam kung ano na ba ang nangyayari sa personal nitong buhay. Lalo na ang buhay mag-asawa nila ng kanyang matalik na kaibigan na si Marga. “Oh Alexis, bakit bigla kang napadpad dito? Bakut hindi mo kasama si Marga? Oh sorry, have a seat pala muna.” “Wala na akong oras na umupo. Chantal, sumama ka sa akin ngayon dahil baka hindi natin sila maabutan sa villa.” Kumunot ang noo niya. “Sila? Villa? Ano bang nangyayari Alexis? Bakit ba nagmamadali ka?” “Baka hindi na natin maabutan ang asawa ko at asawa mo sa villa.” “Ha? Bakit? Anong ginagawa nila? Bakit sila magkasama?!” Hindi na nagsayang ng oras si Alexis. Hinawakan niya si Chantal sa pulso at hinila papalabas ng kanyang opisina kahit na sinubukan pa nitong magpumiglas.“Alexis?!”, gulat na sambit ni Chantal nang makita niya kung sino ba talaga ang boss ng mga lalaking kumuha sa kanya.“Iwan niyo na muna kami … “Sambit ni Alexis sa mga tauhan niya pero si Chantal ay nanatiling nakatitig kay Alexis. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Malayong-malayo ito sa Alexis na kilala niya. Iyong Alexis na nagtitinda at nag-aalis ng kaliskis ng isda sa palengke.“Mauna muna tayo”, sambit ni Alexis pero nagulat si Chantal nang sambitin niya ito sa harapan niya.“Teka, kelan … “, sambit niya pero hindi na niya maituloy ang kanyang sasabihin dahil naguguluhan siya sa nangyayari.“Alam ko na marami kang tanong Chantal pero pwede bang maupo muna tayo dahil sigurado ako na magiging mahabang usapan ito.Sinunod na lang ni Chantal si Alexis. Umupo siya sa mahabang sofa at tinabihan naman siya ni Alexis."What the heck is happening? Care to explain it to me? Tell me when did you figure it out?""A week ago.""Why didn't you told me right away?""Dahil sa tatlong r
Noong umuwi si Chantal kinagabihan ay inaasahan na niyang hindi uuwi ang asawa niya. Nag-alala si Nanay Ising sa kanya dahil halatang-halata ang pagka-mugto ng kanyang mata. Sinabi na lang niya na tungkol lang ito sa trabaho.Kinabukasan ng umaga siya umuwi. Naabutan siya ni Ezekiel sa kwarto nila na nagbibihis. Naghahanda na siya papuntang trabaho.Lumapit siya kay Chantal. At hinalikan ito sa leeg pero bahagya siyang tinulak nito palayo. Bahagya pang natigilan si Ezekiel saglit at pagkatapos ay pinagkibit balikat na lang ito.“Had fun with her for two days?”“What are you talking about?”“Did you have fun with my best friend, Marga, for two days?”Ezekiel tried to open his mouth but closed it again as he was unable to find the right words to say. Because he thinks that everything he says now, wouldn’t change the mistake that he made. “I’m sorry, Chantal. We made a mist - “, napahawak si Ezekiel sa pisngi niya dahil naramdaman nito ang sakit ng sampal nito.“If you really wanted to
Pagkatapos niyang ihatid si Chantal ay dumeretso siya sa kanyang penthouse. Ang penthouse na tinutuluyan ay ang lugar na konti lang ang may alam. Tanging ang asawa niya at ang kasambahay niya sa bahay na inuutusan niya para maglinis. Di niya inaasahan na makakatanggap siya ng tawag mula sa asawa niya.“Nasaan ka Exis? Bakit hindi ka umuwi ng bahay?”, bungad ni Marga ng sagutin ni Alexis ang tawag ng kanyang asawa.Hindi mapigilang matawa ng bahagya ni Alexis bago inumin ang natitirang wine sa baso niya.“Napirmaham mo na ba ang annulment papers?”“Hindi pa. Do we really have to do this?”“Kailangan pa ba nating pag-usapan ito? Nakipag-siping ka na sa matalik kong kaibigan. Ngayong nagbunga na ang pagtataksil niyo ay ngayon mo lang naisip iyon?”“Exis, we were drunk that night.”“Then, you should have known better. You should’ve kept your distance.”“I’m just comforting him and it … it just … just happened.”“He is married, Marga for god’s sake! I know what it’s like to comfort a frien
Umiiyak si Chantal sa sasakyan habang na-biyahe sila papuntang villa. Hindi na napigilan ni Alexis na sabihin ang kay Chantal dahil kinukulit na siya nito. Ang balak ni Alexis ay pagdating na lang nila ng villa niya sasabihin ang iba pang detalye pero hindi na niya nasunod ito.Pati nga ang sasakyan na sinakyan nila ay tinatanong siya kung bakit may ganito siya at kung bakit may driver pa siya. Sinabi na lang niya na nirentahan niya para umikli na ang usapan. Pero alam niya na hindi pa rin ito kumbinsido. Noong nagbalak pang magtanong si Chantal tungkol sa sasakyan ay nakiusap na wag na lang magtanong tungkol dito.Pagdating nila ng villa ay nagtago sila sa halamanan dahil kasalukuyang nasa patio ang mga asawa nila. Unti-unting nadudurog si Chantal habang pinapanood si Ezekiel na nilalambing si Marga. Ang asawa ng lalaking katabi niya.Tiningnan niya si Alexis na hindi rin inaalis sa kanila pero bakit parang ang kalmado niya? Wala akong nakikitang galit sa mga mata kundi lungkot lang












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan