Share

Chapter 59: Biro

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-05-25 00:00:53

Saglit na natahimik ang paligid.

Ngunit ilang segundo lang, nagkatinginan ang mag-ina bago humagalpak sa tawa. Nagtatawanan sila na parang nakarinig ng malaking biro.

"Shareholder daw!" sabay sabing muli ng matandang babae habang pinanlalakihan ng mata si Richard.

"Ay hija, 'yan ba ang sinasabi mong asawa mo?" tanong niya kay Fae na puno ng pang-uuyam.

"Naka-T-shirt lang at kupas na maong? Akala ko ba shareholder ng ospital? O shareholder sa junk shop?"

Tumili pa sa tawa ang batang babae. "Mommy, baka naman siya 'yung taga-hakot ng basura rito? Hindi mo lang nakilala!"

"Or baka janitor—este, honorary janitor!" sabat ulit ng matanda habang pinupunasan pa ang luha sa kakatawa.

Hindi kumibo si Richard. Tahimik lang siya habang malamig ang tingin sa dalawang babae, ngunit hindi maikakaila ang nanlilisik niyang mata.

Nilingon ni Marcela si Richard, may pagdududa sa mukha, bago lumingon kay Fae. "Anak, sino siya?"
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 62: Tapos na

    Bahagyang kumunot ang noo ni Fae habang hindi siya makapaniwala sa mga salitang binitiwan ni Richard.At sa susunod na segundo—Humagalpak ng tawa si Zaidee. "PAGGALANG?" ulit niya, nilakasan pa ang boses, siniguradong rinig sa buong ward.Sumabay si Ella, pinapadyak pa ang isang paa habang tumatawa. "Oh my God, Mommy! Baka pwedeng gawan natin siya ng segment sa comedy show. Sobrang joke! Kanina shareholder, ngayon nire-respeto raw siya ng CEO." Tumingin siya kay Richard mula ulo hanggang paa. "Anong susunod? May-ari ng Pilipinas?"Napailing at napangisi si Director Mendoza sabay pikit ng mata't buntong-hininga na tila hindi makapaniwala sa naririnig. "Sir," aniya, "seryoso ka ba talaga?""Alam mo kung anong tingin ko sayo?" singit ni Zaidee, nakataas ang kilay at halos ipagduldulan ang sarili sa mukha ni Richard."Isang taong may sayad. Mukhang hindi ito ang tamang hospital para sa'yo. Mental hospital ang kailangan mo.""Correct, Mommy," sabat ni Ella habang tumatawa, "baka dapat sa

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 61: Kilala ko ang CEO

    Nagsalita ang isa sa mga nurse, "Director Mendoza, bayad na po ang bills ng pasyente. Isang taon po at fully paid. Ayon po sa records, ang CEO mismo ang nag-ayos—"Pak!Hindi pa man natatapos ang kanyang paliwanag, muling umalingawngaw ang sampal ni Zaidee, ang matandang babae, sa kanyang pisngi. Napaatras ang nurse, napahawak sa pisngi habang nangingilid ang luha at napayuko sa hiya at sakit."Ang dami mo pang sinasabi!" mariing singhal ni Zaidee. "Ang dami mo pang sinasabi! Hindi mo ba narinig ang Director? Siya ang masusunod dito, hindi kung sinuman ang CEO na wala naman dito ngayon!"Pinandilatan niya ang nurse, "Sumunod ka na lang kung ayaw mong mawalan ng trabaho. Pumunta ka na at ayusin ang pagpapaalis sa taong ito!"Napayuko ang nurse, durog ang dignidad at tila handa nang sumunod sa utos, ngunit bago pa siya makagalaw, biglang hinawakan ni Richard ang kanyang pulso. Maingat, ngunit mariin."It's okay," mahina ngunit matatag niyang sambit.Tumingin si Richard kay Director Mend

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 60: Ninong

    "How dare you hit me!" bulalas ng matanda, hawak pa rin ang kanyang namumulang pisngi. Namumula siya sa galit, hindi makapaniwala na siya—isang ginang ng alta sosyedad—ay sinampal ng sa tingin niya'y babaeng walang pangalan."Anak, tawagan mo ang lawyer natin!" hiyaw pa niya, habang ang anak naman ay pumagitna, nagbabantang magsisigaw na rin."Mommy, are you okay? How dare she! That's assault!" sabay tingin kay Fae na tila gusto niyang gantihan ngunit napatigil.Dahil kahit hindi ganoon katangkad si Fae, ramdam ng dalawa ang namumuong tensyon sa katawan nito—tila isang bomba na sasabog kung sila'y magkamali ng kilos. Ramdam nila ang bagsik ng tingin ni Fae at ang determinasyong hindi ito uurong.Hindi sila makaganti.Walang mapagbalingan ng galit ang matanda, kaya't hinarap na lang niya ang isa sa mga nurse."Ikaw!" sabay turo sa nurse na nag-aayos ng mga chart. "Bakit pinapapasok ninyo ang mga ganitong klaseng tao sa ospital na

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 59: Biro

    Saglit na natahimik ang paligid.Ngunit ilang segundo lang, nagkatinginan ang mag-ina bago humagalpak sa tawa. Nagtatawanan sila na parang nakarinig ng malaking biro."Shareholder daw!" sabay sabing muli ng matandang babae habang pinanlalakihan ng mata si Richard."Ay hija, 'yan ba ang sinasabi mong asawa mo?" tanong niya kay Fae na puno ng pang-uuyam."Naka-T-shirt lang at kupas na maong? Akala ko ba shareholder ng ospital? O shareholder sa junk shop?"Tumili pa sa tawa ang batang babae. "Mommy, baka naman siya 'yung taga-hakot ng basura rito? Hindi mo lang nakilala!""Or baka janitor—este, honorary janitor!" sabat ulit ng matanda habang pinupunasan pa ang luha sa kakatawa.Hindi kumibo si Richard. Tahimik lang siya habang malamig ang tingin sa dalawang babae, ngunit hindi maikakaila ang nanlilisik niyang mata.Nilingon ni Marcela si Richard, may pagdududa sa mukha, bago lumingon kay Fae. "Anak, sino siya?"

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 58: Son-in-law

    Ngunit nang malapit nang maglapat ang kanilang mga labi—Ring! Ring!Biglang tumunog ang phone ni Richard.Bahagyang natawa si Fae sa pagkabitin, ngunit mabilis na kinuha ni Richard ang telepono at sinulyapan ang screen. 'Kevin,' naisip niya bago ini-decline ang tawag at itinabi ang telepono.Bumalik ang kanilang titig sa isa't isa, at unti-unting muling lumapit ang kanilang mga mukha…Ring! Ring!Muling tumunog ang telepono. Muling si Kevin.'Put—' bahagyang napailing si Richard sa inis, saka inulit ang pag-decline ng tawag.Namumula na si Fae, hindi dahil sa galit kundi dahil sa hiya at pagkabitin. Napayuko siya ng kaunti at hindi maiwasang mapangiti nang bahagya."Pasensya na," bulong ni Richard sabay ngiti.Babalik na sana sila sa kanilang moment, ngunit—Ring! Ring!Muling tumunog ang cellphone, ngunit sa pagkakataong ito, si Fae na ang tinatawagan. Kinuha niya ang phone at nakita ang caller ID: Hospital - Admin Desk.Napakagat siya ng kanyang lower lip. "Sandali lang, kailangan

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 57: Act

    Nagkatinginan si Bernard at Richard, parehong may alanganing ngiti."A-ah! Haha," biglang sabat ni Richard habang papalapit kay Fae. "'Di ba sabi ko sa'yo, may Alzheimer si Lolo? Minsan iniisip niya mayaman siya… ngayon iniisip niya Chairman siya at tao niya si President Kevin. Sumasakay lang si President Gold, haha," paliwanag ni Richard habang garalgal ang tawa.Tila robot na sumunod si Kevin sa palabas. Tumingin siya kay Bernard, saka kay Fae, bago tumango-tango nang alanganin sabay pakita ng pilit na ngiti.Napakunot ang noo ni Bernard at agad hinampas si Richard gamit ang kanyang baston. "Ikaw na bata ka! Sinong may Alzheimer? Ako?" bulyaw ni Bernard. "Hanggang kailan mo ba balak itago ang totoo sa asawa mo, ha?"Bumulong si Richard kay Fae habang kunwa'y umiiling. "Ayan na naman si Lolo…" aniya na parang batang nahuli sa kasinungalingan. Bumuntong-hininga siya, inabot ang sinturon ng kanyang suit at inayos ang sarili.Tumango siya kay Kevin. "Kevin, ilabas mo na muna siya."Tapo

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 56: Lolo, Chairman?

    Ngunit mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Richard. Ang kanyang mukha ay napalitan ng gulat at pagtataka, tila hindi makapaniwala sa kanyang nasaksihan. Ang mga mata niya ay lumaki, at ang kanyang bibig ay bahagyang bumuka, na nagpapakita ng kanyang pagkabigla.Sa harap nila, si Fae, nakasaklang sa likod ni Elgar, walang tigil na hinahampas ang ulo ng lalaki gamit ang isang folder, habang ang buhok nito'y sabog at mukhang nakalugay mula sa bangis ng aksyon. Ang dating maamong si Fae ay ngayon ay isang leonang galit na galit.Si Elgar naman, nakadapa sa sahig, nanlalambot at nanginginig. Ang kanyang mukha ay namamaga—may pasa sa pisngi, may gasgas sa noo, at ang kanyang mata ay mapula, parang niluto. Umiiyak at humihikbi, tinangka pa nitong magsalita."Tulungan niyo ako!" hiyaw ni Elgar, halos hindi na maintindihan ang sinasabi. "Alisin niyo sa akin ang babaeng baliw na 'to! Mamamatay ako!"Hindi gumalaw si Richard sa una. Saglit siyang natigilan sa gulat. Pero maya-maya'y mabilis siy

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 55: Kasuklam-suklam

    Napatingin si Richard kay Morgan, agad nanlamig ang kanyang ekspresyon. "Anong ibig mong sabihin na wala siya sa kanyang opisina?"Napalunok si Morgan bago sumagot. "Paumanhin po, Mr. Gold… kanina pa po siya wala ro'n. Huling nakita po si Miss White bandang alas kwatro, may dala siyang dokumento at umalis."Nagdilim ang mukha ni Richard. "Saan siya pumunta?" tanong niya, may bahid ng tensyon sa tinig."May meeting po siya sa isang business partner," sagot ni Morgan, halatang nag-aalangan."Anong meeting?" diretsong tanong ni Richard, may pamumuo ng galit sa tono."Hindi ko po alam, sir. Basta kinausap po siya ni Chase… at pagkatapos no'n, umalis si Ms. White. Hindi ko po alam kung saan siya pinapunta ni Chase."Tumigas ang panga ni Richard. Namuo ang malamig na galit sa kanyang mga mata. "Chase…" bulong niya. "Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob para palabasin sa opisina at hayaang makipagkita sa iba ang asawa ko?" Animo'y tumatagos ang lamig ng boses ni Richard sa bawat salit

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 54: Wala siya

    Biglang bumukas ang pinto. Naputol si Morgan sa kanyang sasabihin.Lahat ng mata ay napalingon sa pintuan.Pumasok si Bernard Gold, ang Chairman ng Gold Prime Enterprises at ang respetadong lolo ni Richard.Kaagad na tumayo ang tatlo at sabay-sabay na yumuko bilang paggalang."Chairman Gold," bati nila.Ngumiti si Bernard, bahagyang tumango, at diretso siyang naupo sa sofa.Agad siyang tinulungan ni Richard."Lolo, anong ginagawa mo rito?" tanong niya habang inaayos ang pagkakaupo ng matanda.Nawala ang ngiti ni Bernard. Tumikhim ito, bago tuluyang nagsalita. "Asan ang maganda kong granddaughter-in-law?" tanong nito, diretsong tumingin kay Richard.Saglit na natahimik ang silid. Kinilabutan si Morgan, tila gustong sumingit at magsabi ng totoo, pero hindi siya nakaimik."Nasa opisina pa niya, Lolo," sagot ni Richard sa kalmadong tono.Napatingin si Bernard kay Richard, nagsalubong ang kanyang kilay, tila nagtatanong nang mas malalim kaysa sa sinasabi niya.Tahimik na nagtagpo ang tingi

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status