(Continuation of chapter one)
“Mimi!” Pagkapasok pa lamang namin ni Gray sa gate ng Western ay dinig ko na mula sa malayo ang boses ni Chloe na daig pa ang sirena ng bumbero habang tumatakbo papalapit sa amin. At dahil shunga-shunga din ako, nag-ala Don Zoulweta ako papatakbo sa kanya.
“Chloe!” sigaw ko at niyakap namin ng mahigpit ang isa’t-isa. Siya si Chloe Hernandez, ang kilala kong bunot na tinubuan ng ulo este bestfriend ko since first year high school pa lang ako. Palagi kaming magkasama at talagang halos hindi na kami mapaghiwalay. Kakain ng luch at recess magkasama, bibili sa canteen magkasama, magkatabi din kami sa upuan palagi at nililibre niya ako minsan kapag may extra money siya.
For me, Chloe is not just my bestfriend but my sister.
“Na-miss kita,” wika niya at kumalas sa pagkakayakap niya sa akin. Maikli ang napaka cute niyang buhok at halos ka-height ko lamang siya. Sabay na kaming naglakad habang nakapulupot ang mga kamay niya sa braso ko.
“Nakita mo na ba kung anong section mo?” tanong ko.
“Hindi pa nga eh. Gusto ko sabay tayo.” Patuloy lamang kami sa paglalakad at natatanaw na ang mga estudyante ng Western sa aming gymnasium na halos sumabog na sa dami ng tao. Mukhang marami na agad tao sa school kahit ang aga-aga pa.
Pero pustahan, kapag nasa kalagitnaan na ng school year, panay late na ang mga yan. Syempre sa first day naman talaga excited tayong lahat pero kapag nagtatagal ay tatamadin na talagang pumasok.
Pagkapasok namin ng entrance ng gym ay hinanap kaagad namin ang bulletin board ng grade 10. Ayus nga dito sa Western, kapag unang araw parang halalan 2015 sa dami ng naghahanap ng pangalan sa isang coupon bond.
“Ang daming tao!” sigaw ni Chloe kahit magkatabi lang kami. Paano ba naman? Ang ingay dito sa loob dahil sa daming tao at naghalo-halo na din ang amoy kahit umaga pa lang. May amoy Johnson, amoy Baby Bench pero kadalasan ay amoy pawis na. Kung hindi ka sanay, paniguradong mamatay ka sa baho.
“Anong sabi mo?!” sigaw ko din sa kanya.
“Ang sabi ko ang daming tao!” sigaw niya kaya na-gets ko na ito. Sa dami ng tao ay aakalain mong evacuation center na ang gym.
“Maghiwalay tayo!” sigaw ko sa kanya.
“Ano?!” Ay bingi. Kung hindi ko lang kaibigan ‘to, nasampiga ko na siya.
“Mahiwalay tayo sabi ko!” muling sigaw ko at mukhang naintindihan na niya kaya naman nag-ok sign siya at naglakad na kami sa magkaibang direksyon. Ako sa kanan, siya naman sa kaliwa. Nagsisisi na akong hindi ko tinali ang buhok ko, pinagpapawisan na agad ako.
“Excuse me!... Makikiraan!... Sinabi nang makikiraan!...Mga bingi ba kayo?!” Hawi dito, hawi doon. Siksik dito, siksik doon. Parang nasa MRT lang. Nang marating ko ang harapan ay swerte ko at nahanap ko na agad ang grade 10 board.
Hinanap ko agad ang epilyido ko at nakita ko ito sa section A. Sunod na hinanap ko ay Hernandez at nakitang same section lang kami ni Chloe. Nahagip ng mata ko ang Xavier na epilyido ni Gray na kasunod ko lamang. And same section din kami!
“Success!” Nakalabas na ako sa siksikan na mga tao at nakahinga na ako ng maluwag. Walangya, parang hihimatayin ako doon kung hindi ako agad nakaalis. Ang liit-liit ko na nga iipitin pa nila ‘ko.
“Nasaan na ba si Chloe?” bulong ko at hinahanap ng mata ang pigura ng isang babaeng short hair at may color pink na bag. Sa aking paghahanap sa kanya ay bigla akong may nabangga kaya napahinto ako sa paglalakad.
“Ay, sorry po.” Napunta ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Isang matangkad na lalaking color light brown ang buhok at ang bilugan niyang mga matang nakatitig sa akin.
“Uhm, i-it’s okay,” utal nitong banggit at hindi mawala ang mga titig sa akin. Bakit? May dumi ba ‘ko sa mukha? Baka mamaya may panis na laway pa pala ‘ko.
“Pasensya na. May nakita ka bang babaeng mukhang bunot este ano short hair pala tapos medyo matangkad sa akin at may color pink na bag?” tanong ko habang ine-explain ang bawat sinasabi sa kanya. Napatingin siya sa likudan ko at muling tumingin sa akin na nakangiti.
“You mean, that girl?” wika niya at itinuro ang nasa likudan ko. Kaagad akong lumingon doon at nakita ko si Chloe na mukhang hinahanap din ako.
“Oo, salamat!” Iniwan ko na siya ngunit nakalimutan kong itanong ang pangalan niya. Hayaan na nga, siguro ay magkikita pa naman kami ulit. Tumakbo ako sa direksyon ni Chloe at nagliwanag ang mga mata nito nang makita ako.
“Pareho tayo ng section.”
“Pareho kami ni Gray ng section,” sabay naming banggit. Naglaho naman ang mga ngiti niya at saka umismid sa akin at humalukipkip.
“Gray nanaman. Puro ka na lang Gray,” wika nito at parang nagtatampo.
“Aww, selos ang bestfriend ko? Ano ka ba? Syempre masaya ako na kaklase kita tapos kaklase ko din si Gray, wag ka na magselos,” wika ko sa malambing na boses. Bumuga siya ng malalim na hininga at saka hinawakan ang kamay ko.
“Sige na nga. Mauna na tayo sa classroom para makapwesto tayo sa bandang likod.” Naglakad na kami papalabas ng gym habang unti-unti na ding humuhupa ang mga tao sa loob nito.
----------
“Good morning students. I am Ms. Fiona Beatrix De Guzman and I am your adviser slash English teacher, so it means, English is your first subject everyday. You can call me Madam F* for short,” wika ng aming adviser na nakatayo sa unahan. Ang aga niya nga eh, pagkapasok pa lang namin ay nandito na siya sa loob habang nags-scroll sa f******k.
Sayang nga at hindi ko katabi si Gray na nasa unahang bahagi at kami naman ni Chloe ay sa pangalawang row mula sa hulihan.
Sa tapat namin ay nandoon ang tatlong mga babaeng kanina pa masama ang tingin sa akin. Ang pangalan nila ay Danica, Eloisa at ang leader nilang si Vivian. Magaganda sila at pare-parehong member ng cheer leading squad. Si Danica blond na mahaba ang buhok, si Eloisa naman short hair na kulay asul ang buhok habang si Vivian ay mahaba din ang buhok na kulay pula. Isang member na lang na yellow hair mukha na silang Philippine flag.
Sila ang madalas mambully sa akin sa tatlong taon ko dito sa Western at mukhang may balak pa silang dagdagan ulit ng isang taon ang pagpapasakit nila sa akin. Hindi ko ba malaman kung ano bang nagawa ko sa mga asungot na ito at palagi na lang ako ang pinag-iinitan. Ang bait ko nga sa kanila eh.
“So, attendance muna tayo mga anak. Say present if you’re here,” wika niya habang sinusuri ang mga pangalang nakasulat sa isang record book. Nagsimula na siyang magtawag ng epilyido habang ang ilan sa amin ay nagkukwentuhan.
“Hayami Wavyon!” tawag nito.
“Present!” sagot ko naman.
Inabot ng halos kalahating oras ang pagtatawag niya hanggang sa matapos ito. Inilibot niya ang tingin sa amin at mistulang may hinahanap.
“I’m sorry, did I miss something? Who is Simon Florez? The transfer student?” tanong niya. Sakto naman ang pagpasok sa pintuan ng isang lalaking hingal na hingal habang hawak ang bag nito. Teka, siya ‘yong lalaki sa gym kanina. Oo tama nga!
“Present,” wika nito. Nagtama ang paningin naming dalawa at bigla itong ngumiti sa akin.
Hayami's POV"Hoy! Bibig mo baka pasukan ng langaw."Bumalik ako sa ulirat nang bigla akong batukan ni Chloe. Kanina pa pala 'ko tulala sa kawalan habang nandito kami sa loob ng classroom. Vacant kasi namin at hanggang ngayon ay hindi pa din ako maka-recover sa sinabi ni Grayson kaninang umaga."Aray! Namimisikal ka na, ah!" sigaw ko sa kanya.Napatakip naman siya sa magkabila niyang tainga at napangiwi."Ikaw kasi! Kanina ka pa tulala d'yan, parang gagawin ng airport ng mga langaw 'yang bunganga mo dahil kanina pa nakanganga.""Aish! May problema kasi ako, Chloe." Humalumbaba ako sa ibabaw ng desk habang nakatingin sa kanya."Bakit? Anong nangyari?" tanong niya. Alam ko kapag ganito na ang tono ng pananalita ni Chloe, seryoso na siya. Lalo na kapag ganitong lumalaki na ang butas ng ilong niya."Pakiramdam ko kasi
Hayami's POV"Sige, mag-iingat ka sa pag-uwi, ha." Niyakap ko pa si Chloe bago na siya tuluyang sumakay ng tricycle at unti-unting lumiit sa aking paningin ang kanyang sinasakyan.Natapos ang buong maghapon ng saya at tawanan. Idagdag pa ang napaka laking big revelation ko kanina kay Grayson. Yes, napaka laki at big talaga kasi hindi siya nakasagot! Pero, hindi naman talaga siya nagsasalita madalas."Mimi! Pumasok ka na dito at maligo ka na! Amoy araw ka ng bata ka!"Kahit nandito ako sa tabing kalsada ay dinig ko pa din ang boses ni Nanay mula sa loob ng bahay. Dinaig pa talaga ang sound system ng barangay sa sobrang lakas ng volume niya, high pitch eh."Opo 'Nay! Papasok na po!" tugon ko naman.Pagpasok ko ng gate ay akmang isasarado ko na ito nang bigla na lang natanggal sa pagkakakakabit sa semento at matumba sa kalsada. Walanjo! Bumigay na talaga, noon nag
(Continuation of chapter 13)Hayami's POVMarami pang mga kamag-anak namin ang nagbigay ng regalo sa akin.Ilan sa kanila ay si Lolo Lucas, ang ama ni Tatay. Matanda na ito ngunit nakakalakad pa din. Kanina nga, pagdating niya sa harap ko ay mukhang nag-isip pa kung ibibigay niya 'yong regalo kaya ang ending para kaming nasa tug of war kanina.Nakalimutan niya siguro kung nasaan siya at kung sino ako. Hay buhay, mga matatanda nga naman.Isa pa sa nagbigay ng regalo sa akin ay ang nag-iisang kapatid na babae ni Tatay, si Tita Hanna. May dala pa siyang sanggol kanina habang may nakakapit sa damit niya na limang taong gulang na batang lalaki.Malaki ang agwat ng edad nila ni Tatay kaya naman maganda pa ito at batang-bata. Sa tantsa ko ay nasa edad twenty-nine lamang siya.Noon ay sinabihan pa niya akong pag-aaral ang atupagin para hindi mabunt
Hayami's POVBuong gabi akong hindi nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Sa lahat ng tao, si Gray talaga ang hindi nakakalimot ng birthday ko. Hindi kagaya ng iba d'yan! Mismong kadugo na, galing sa tiyan, kasama na sa eskwela, hindi pa din naalala!Sabado ngayon, kaarawan ko na at... ni isa sa mga magulang ko ay hindi naalala ang araw ng kapanganakan ko."Siguro, magkukunwari na lang din akong hindi ko alam kung anong mayroon sa araw na ito."Malungkot man ay bumangon na ako sa aking higaan at dumiretso na sa may pinto. Pinihit ko na ang doorknob at binuksan na ito."Happy Birthday, Mimi!"Halos mapatalon ako sa gulat nang madatnan sa labas ng pinto sila Nanay, Tatay, Chloe, at Gray na kapwa malawak ang ngiti ngayong umaga. Tama ba 'tong nakikita ko?S-si Nanay, may hawak na cake na chocolate flavor ata tapos may kandila sa gitna.&n
(Continuation of chapter 12)Hayami's POVMagkasama kami ngayon ni Chloe dito sa library at hindi ko alam kung anong pinakain sa kanya ng mama niya at biglang nagyayang magbasa daw kami. Mag-aaral na daw siya ng mabuti.Wala namang masyadong tao dito sa library at ang kadalasang mga estudyanteng nakikita ko dito ay mga nakasalamin, at mukhang mga nerd or ipagpalagay na nating mga bookworm na tao."Matagal pa ba 'yan?" bulong ko kay Chloe na naka-focus sa binabasa niyang Science book."Shhh, 'wag mo 'kong istorbohin."Ang sarap pukpokin ng makapal na Merriam Dictionary ang isang 'to. Hay, makahanap na nga lang din ng libro.Tumayo ako at dumiretso sa shelves kung saan nakahilera ang mga novel books. Iniisa-isa ko pa ang bawat libro. Kapansin-pansin din ang mga sapot ng gagamba sa ibang libro, halatang madalang malinisan.
Hayami's POVMaliwag. Bakit maliwanag? Pawang puti ang naaaninag ko sa paligid. Oh my God! Deads na ba me?!Napasigaw ako at mabilis na bumangon sa aking kinahihigaan at nagulat ako nang unti-unting lumabas sa paningin ko ang mga taong nakatingin sa akin na ani mo'y pinagmamasdan ang isang baliw na babae.Sila Nanay at Tatay pala. At wala ako sa langit, nasa kwarto ko na pala 'ko.Ilang segundo ang lumipas at doon ko na naramdaman ang kirot na nagmumula sa ulo ko. Napahawak ako dito at napapikit ng madiin. Walanjo! Parang sinapok ni Chloe ng sampung beses ang ulo ko sa sakit."Anak! Anong nararamdaman mo? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Nanay habang hinahaplos ang ulo ko. Maging si Tatay ay bakas din sa mukha ang pag-aalala."O-okay lang po ako, medyo masakit lang po ang ulo. Ano nga po palang nangyari?" Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakahiga
(Continuation of chapter 11)Hayami's POVKanina sa klase ay muntik pa 'kong mapalipat ng section. Paano ay akala nila nagkamali ako ng pinasukang classroom. Kung hindi pa sinabi nila Simon at Chloe na ako si Hayami ay hindi pa sila maniniwala.At ngayon ay papunta kami ni Chloe sa library para magbalik ng hiniram naming libro noong nakaraan. Kanina ay kinuwento ko sa kanya ang nangyari kaninang umaga at maging siya ay hindi din makapaniwala. Parang kinikilig pa nga ang gaga at ani mo'y nakikinig sa isang telenovela kung maka react."Nagbubunga na ang mga pinaghirapan natin, Mimi!""Oo nga eh, aaminin ko noong una ay hindi ako kumbinsido na gagana ang naisip mong kat*ngahan pero ngayon parang gusto kitang sambahin.""Ano ka ba, bestfriend? Syempre tayo-tayo na lang ang magtutulungan. Basta ba tutulungan mo rin ako kay Simon, eh."Napailing
Hayami's POV"G-gray."Tila ba may naramdaman akong nagsasayaw na paru-paro sa stomach ko. Ilang beses din akong napalunok dahil ang gwapo talaga ni Gray."Bitiwan mo 'ko!" Pilit na hinihila ni Vivian ang kamay niya na hawak-hawak ni Grayson ng mahigpit.Hindi ko man lang kakikitaan ng emosyon ang pagmumukha ni Grayson. Hindi ko ba malaman kung nagagalit ba siya, naiirita, natatawa, natatae, o ewan ko ba. Para siyang aklat ng Chinese, ang hirap basahin."I'll only do that when you say you won't hurt Mimi again," wika niya sa malamig na tono."Hell, no— ouch!"Napahiyaw na lamang si Vivian nang lalong humigpit ang pagkakakapit sa kanya ni Grayson. Pakiramdam ko ay nararamdaman ko din ang nararamdaman niya. Parang mababali ang payatot niyang kamay kapag hindi pa ito binitawan ni Gray. Diyos ko po! Ayaw kong masangkot sa kr
(Continuation of chapter 10)Hayami's POVPara akong baliw habang nakatitig sa salamin at kanina ko pa kinakausap ang sarili ko.Papasok ba 'ko? O hindi?Hanggang ngayon ay kinakabahan pa din ako sa magiging reaksyon ni Gray... at ng mga estudyante sa Western. Pagpasok ko kaya ay magiging campus crush na 'ko?'Wag naman sana, baka hindi ko kayanin lahat ng manliligaw sa 'kin tapos 'yong locker ko mapupuno ng mga chocolates at love letters tapos may nakadikit na sticky note.Pero... may locker ba kami?Kanina ay ginamit ko ang binili namin ni Chloe kahapon na mga sabon at iba't-iba pang skin care daw kuno. Tapos ay ginamit ko din ang mga make-up na binili ni Chloe para sa 'kin.Kahapon pag-uwi ko ay hinabol pa 'ko ng walis tingting ni Nanay dahil sabi niya magnanakaw daw ako. Hindi niya ata ako nakilala.