Lies, secrets, friendship and a betrayal. Wherever she goes, a trouble is following her. An incident in Isabela forces Charlotte to live in Manila together with her two cousins, Uno and Dos Villanueva. After Dos has posted a picture of them together on his social media account resulting for her to become the target of her cousins' enemies, she finds herself in another trouble. In order to protect her, Uno places her in Dos' class; A class known for having the most troublesome and violent students in Hillman High. Another trouble trails her from behind when the Class President asks her to become the Muse of their class. Secrets after lies, a friendship that ends up with betrayal, Charlotte is now forced to face those people from her past. An obsession she cannot let pass. How will her newly-found friends take all the secrets of the Muse? [COMPLETED]
View More
"Hindi ka pa ba matutulog?" nakangiting tanong ko habang sinusuklay ang hanggang balikat na buhok niya.
Marahan niyang iniling ang ulo bago sumandal sa akin. "Hindi mo pa tinatapos ang kuwento mo," nakangusong sabi niya at hinuli ang kamay kong patuloy na naglalaro sa buhok niya. "Tell me more about your past. Your first love, your first heartbreak, I want to know you more."
Natahimik ako nang mahimigan ang pagka-seryoso sa tinig niya. Ilang saglit pa ay natatawang binuhat ko siya paalis sa kandungan ko at ibinaba siya sa kama niya. "How about I tell you more about myself tomorrow? Sa ngayon, kailangan mo munang matulog dahil gabi na," pang-uuto ko sakaniya at saka tinuro ang orasang nakasabit sa pader. Mag-a-alas diyes na nang gabi.
"Madaya ka," sinamaan niya ko ng tingin saka umatras para makahiga na sa kama niya. "Bukas ha," nandidilat na sabi niya na ikinatawa ko.
Lumapit ako sakaniya at saka iginiya siya pahiga at inayos ang kaniyang kumot. Hinalikan ko siya sa noo na ikinahagikgik niya at saka nagpaalam. "Good night, Mama."
"Good night, baby Shane."
Nang maisara ko ang pinto ng kuwarto niya, agad akong nagtungo sa kuwarto naming dalawa. Pagkapasok ko palang sa loob, agad kong nakita ang malaking litratong nakalagay sa isang frame na nakasabit sa pader ng aming silid.
Nakangiti ko itong nilapitan. Inabot ko ito at mabining hinaplos ang larawan. Sa ibabang bahagi niyon nakasulat ang pirma ng bawat isa. Nakalagay rin ang taon kung kailan kinuhanan ang litrato.
"It's been seven years, huh."
Pitong taon na pala ang nakakaraan magmula nang makompleto kami. Magmula nang makilala ko ang mga taong bumuo sa pagkatao ko. Magmula nang mangyari ang pangyayaring iyon.Nang pumasok ako sa paaralang tinatawag nilang HILLMAN HIGH.
...
Kung mayroon mang kinatatakutang pasukang silid-aralan ang mga guro sa Hillman High, eto na yata ang klase ng 3-A.
Aminado ang lahat na ang mga nasa loob nito ay mga natatanging mag-aaral na kayang makipag kompetensiya sa kahit na sino sa patagisan ng isip, kaalaman, talento at kabarumbaduhan.
Oo, tinatawag silang mga gifted. Kung hindi lang sana mga barumbado ang mga estudyante rito, baka sila pa ang naging pride ng eskuwelahan.
Maraming umiyak, nasugatan, nag-agaw buhay at sumuko bago makalabas ng silid-aralan. Maraming nag nais na mapatalsik sa mga ito, ngunit wala ni-isang nag tagumpay.
Mga gangsters? Oo, siguro, pwede, hindi. Basta takaw-gulo. Mga walang sinasanto.
Ngunit paano nga ba magbabago ang mga buhay ng mga ito sa pagdating ng kanilang MUSE?
[Prince's PoV]"ARE YOU SURE you don't want me to drive you to Isabela?"I asked Princess for the nth time already and I swear, she's gonna punch any time soon now.
[Charl's PoV]*Seven years later*
[Charl's PoV]Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko sa kabila nang pamimigat ng mga ito.Nasilaw ako sa liwanag na tumama sa mukha ko kaya balak ko sanang takpan ito ng braso ngunit hindi ko maigalaw ang kamay ko.
[Charl's PoV]Jacquelyn Burgos, that was the name of my mother's friend. I remember her because lolo Bry told me that she was the one who brought me to my grandparents.
[Elli's PoV]For the nth time, she saved us.
[Prince's PoV]Sa labing walong taon kong pamumuhay, mulat ako sa klase ng pamilya na mayroon ako. Ang ama kong parang naglalaro lang ng buhay ng iba habang ang ina ko na sinusuka ang sariling buhay na pinagkakait ng nauna sa marami.
[Caryl's PoV]"They are gone."nawala ang mga ngiti sa labi namin nang makaalis ang 3-A dala sina ma'am Angielyn at ma'am Aubrey.
[Green's PoV]Aburidong pinipindot ni Kerr ang up button sa loob ng elevator. Dalawa lang naman ang palapag kaya hindi naman namin kinailangan maghintay ng ilang minuto.
[Uno's PoV]Tatlong araw matapos namin magsimulang magplano, something happened.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments