Share

Chapter 4

The next morning I was extra grateful and excited because my Mom called last night that they will visit us here. Ilang buwan ko na ring hindi nakikita si Mommy at Daddy kaya sabik na sabik ako. 

"Manang, tulungan mo na lang po sila sa labas kasi kaya ko na dito," nakangiting sabi ko kay manang pero nagdalawang isip pa siyang sundin ako.

"Sigurado ka?" tanong niya kaya excited akong tumango habang hinahalo ang paborito ni Mommy na caldereta. 

Nang maluto iyon kaagad kong dinala sa dining table dahil maya-maya ay darating na sina Mommy. Tumulong na rin ako sa pag-aayos ng mga kagamitan sa lamesa dahil ayaw kong may hindi maganda akong makita sa araw na ito. My mom and dad is coming, they are the first people who I adore. I will always be excited and happy to see them.

"Manang, gigisingin ko lang po si Jeck baka napasarap ang tulog," sabi ko kalaunan sabay punas ng medyo basang kamay.

"Sige, anak."

Napapangiti ako bago nagmamadaling lumabas ng dining hall. Pero hindi na ako natuloy sa pagpunta sa hagdanan kasi nakita ko si Jeck na kasalukuyang bumababa habang nakasuot na ng corporate suit na hinanda ko rin kanina pag gising ko. Malapad akong ngumiti ng mapatingin siya sa akin at kahit wala siyang binalik na ngiti hindi ko binura ang malaking ngiti sa akin.

"Goodmorning!" masayang bati ko pero parang wala lang siyang narinig na nagbigay sa akin ng kaunting kahihiyan at awkwardness pero mabilis ko rin na inalis sa sistema ko.

"I'll go now," malamig na sabi niya nang tuluyang makababa kaya mabilis akong umatras dahil sa taranta.

"Huh? Bibisita si Mommy at Daddy," halos pabulong na sabi ko at alam kong rinig niya naman dahil dahan-dahang napunta sa akin ang malalamig niyang mga mata.

"They are your parents not mine," malamig na sabi niya kaya parang may punyal na tumama sa puso ko. All this time he did not consider that my parents are now his parents too and vice versa. 

"Can you stay for a while? Darating na rin sila—"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko kasi mabilis na siyang naglakad papalabas na parang kating-kating nang umalis. Mabilis ko siyang hinabol saka hinawakan sa braso. Nanlaki ang mga mata ko sa nagawa kong iyon pero mabilis niyang ginalaw ang braso niya para maalis ang kamay ko doon kaya na paawang ang mga labi ko.

Napalunok ako saka kumurap saglit para itago ang sakit dahil sa ginawa niyang iyon. 

"Get out of my way," matigas na sambit niya kasi nakaharang ako sa malaking pintuan kaya hindi siya makalabas.

Buong tapang kong sinalubong ang mga mata niya. At kahit mahirap binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti pero alam kong kitang-kita ang pagmamakaawa sa mga mata ko. And he's just standing right in front of me like he does not really care at all.

"Please?" pabulong na sabi ko pero binigyan niya lang ako ng parang naiinis na tingin kaya wala sa sariling umalis ako sa pagkakaharang sa pinto.

Mabilis siyang lumabas na parang walang pakialam at ang nagawa ko na lamang ay tingnan ang likod niya hanggang sa makasakay siya sa kotse niya at tuluyang umalis. 

Huminga ako ng malalim saka matamlay na bumalik sa kusina at doon nakita ko si Manang na seryoso lang. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti pero hindi niya sinuklian iyon kaya kaagad ring nawala sa mukha ko ang pekeng ngiti na iyon.

"Nakita at narinig ko ang nangyari. Hindi man lang ba niya gagalangin ang mga magulang mo?" sabi ni Manang sa mababang boses kaga agad akong napabasa sa labi ko saka mabilis na umiling.

"Baka may importanteng meeting lang po, Manang," pagtatanggol ko kay Jeck pero huminga lang siya ng malalim bago umiling na parang hindi niya nagustuhan ang nakita at narinig kanina.

Tahimik akong tumulong para mas maayos pa ang mga kulang bago inabangan sina Mommy at Daddy sa pintuan namin. At iyon na lang ang tahip ng puso ko nang biglang binuksan ng guard ang gate namin at mabagal na pumasok ang isang black SUV na laging gamit ni Daddy.

Hindi ko na mapigilan ang pag tumakbo papunta doon nang bumukas ang pinto sa passenger's seat at iniluwa niyon si Mommy.

 "Hija!" masayang sigaw ni Mommy nang dambahin ko siya ng yakap. Napa hagikgik ako ng halikan niya ako sa ulo.

"Mom," malambing na sabi ko saka mas niyakap pa siya ng mahigpit.

Ngayong naramdaman ko na ulit ang komportableng yakap ni Mommy parang gusto kong magsumbong ng mga nararamdaman ko. Pero agad kong pinigilan ang sarili ko dahil alam kong hindi iyon nararapat. My problems are just mine alone. My parents are out from this.

"Where's your husband?" tanong ni Daddy kaya humiwalay ako sa pagkakayakap kay Mommy saka malambing na yumakap sa tiyan ni Daddy.

"May gagawin po yata sa opisina, Dad," mahinang sabi ko kaya sarcastic siyang umiling.

"Kahit alam niya na darating kami?" hindi natutuwang tanong ni Dad kaya tumahimik na lang ako.

"Dad," saway ni Mommy kaya marahang hinaplos ni Daddy ang buhok ko.

"Tell me that you're fine here," Tumango ako ng mabilis sa sinabi niya saka marahang natawa.

Seeing them made me forget about Jeck even for a short period of time.

"I am, Dad," proud na sabi ko kaya marahan rin siyang natawa. Sabay kaming naglakad papunta sa loob ng bahay. Kaagad na binati ng mga kasambahay sina Mommy at Daddy kaya tuwang-tuwa rin ako. We headed to the dining hall and I could see in my Mom's eyes that she's amazed by how the foods are prepared.

"I cooked all of this, Mom," nagmamalaking sabi ko kaya bahagya na lang siyang tumawa bago umupo. Si Dad ang umupo sa pinaka gitna at tumabi naman ako kay Mommy.

"You are good at this," she complimented so I giggled slightly.

We started eating while talking nicely. Hindi rin nawawala ang pagpuri nila sa mga niluto ko. Dad really likes my own touch and flavour that made me really happy. Sila pa lang si Jeck ang nakatikim sa mga luto ko. Well maybe some of our workers here. Pero sina Mom at Dad pa lang ang pumuri ng ganito sa akin. And I really appreciate it, a lot.

"I missed the way you cook, Hija," sabi ni Daddy kaya ngumiti ako sabay baling kay Mommy na parang nanunuya. Bahagya niya akong sinamaan ng tingin at kinunutan ng noo kay tumawa ako ng malakas.

"Mommy! I know that look!" natatawang sabi ko kaya natawa na lang rin silang dalawa.

"I am the one who teaches you, Eya Sheyrine," masungit na sabi niya kaya mas lalong lumakas ang tawa ko. Umiiling na si Daddy habang kumakain habang may ngisi sa mga labi.

"Mom, I applied my own touch and flavor," giit ko kaya huminga na lang siya ng malalim.

"Fine," pagsuko niya kaya pumalaklak ako na parang bata.

Mom is also a good cook. I learned from her but I experimented a lot of flavours so I am able to upgrade some dishes that she taught me. But she's still the best.

"You are both good," sabi ni Daddy kalaunan kaya sabay kami ni Mommy na umiling.

Pagkatapos naming kumain Dad and Mom wanted to see my new paintings so I let them enter my painting room.

"Wow, they are all beautiful," manghang sabi ni Mommy habang nakatitig sa mga painting na katatapos ko lang. Napatingin rin ako sa painting na iyon at kaagad nawala sa akin ang ngiti. They are really beautiful but they are sad. 

"You will also sell these?" tanong ni Daddy kaya wala sa sarili akong tumango.

"Yes, Dad."

"Hmm, very good, Darling," I smiled gently at them.

"And this?" nagdadalawang isip na sabi ni Mommy sabay turo sa isang painting sa gilid na hindi pa natatapos. Hindi pa nakakahalati.

Agad akong umiling kay mommy saka mabilis na nilapitan ang painting na tinutukoy niya. Jeck's eyes. I am planning to make his portrait but I can't really finished doing so. Parang may pumipigil sa akin at mata pa lang niya ang nagagawa ko. I tried many times to continue that painting. Pero palagi ko ring hinihinto kasi hindi ko mahanap ang passion ko kapag ginagawa ko ito.

Baka sa susunod matapos ko na. 

"No, Mom," pabulong na sabi ko habang nakatingin sa mga malalamig na mga mata na siyang ako ang may gawa. Naramdaman kong bahagyang hinagodi ni Mommy ang likuran ko kaya napakurap ako ng isang beses bago siya nilingon.

"Eya," mahinang tawag niya sabay buga ng hangin kaya ngumiti ako ng tipid.

"Mom"

Lumapit sa amin si Daddy kaya wala kaming sinabi na dalawa.

"That is your husband's eyes," he concluded so I nodded two times.

"Yes, Dad."

"That looks good," he plainly said so I smiled. Ngumiti rin si Mommy sa akin pero kita ko ang lungkot at pagsisisi sa mga mata na siyang naging dahilan kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Nang lumabas kami sa painting room ko pumunta si Daddy sa baba para kausapin ang guard at iba pa na gusto niyang kausapin kaya naiwan kami ni Mommy. Pumasok ako sa kwarto ko at kaagad rin siyang sumunod at nilibot ang tingin sa bawat sulok ng kwarto.

"You two are still sleeping in different rooms. Hindi ko dapat sinasabi ito pero mabuti na ring may sarili kang kwarto kahit pa kasal kayo," marahang sabi ni Mommy kaya napaawang ang mga labi ko ng kaunti habang nakatingin sa kanya.

"Mom—"

"Eya, alam ko ang mga nangyayari at bilang ina mo ako ang mas nasasaktan. I regretted about everything I did for this marriage. I should have known better. Hindi sana ganito ang nangyayari ngayon," punong-puno ng pagsisisi na sabi niya kaya kaagad namasa ang mga mata ko dahil sa namumuong luha.

"Mommy, don't say that," sabi ko habang pilit na pinipigilan ang hikbing gustong kumawala.

This marriage is maybe not because of love but I learned to love my husband. I am truly thankful because I am able to know Jeck and marry him even though the love is absent. He is not perfect so am I but I am willing to accept all of those imperfections. I want this marriage. Kahit alam kong malabo na mag-work ang kasalanang ito gusto ko pa ring subukan.

"Hija, I can see it in your eyes. I am you mother and I know your feelings. But please, think about yourself too. You don't deserve this," kusa ng tumulo ang mga luha ko kaya mabilis na lumapit si Mommy sa akin para tingnan ako ng diretso sa mga mata. 

She's a little bit blurry because my tears are falling like rain.

"Mommy, I don't want to stop. I want to try," humihikbi na sabi ko at hindi nakalampas sa akin ang pagtulo ng isang butil ng luha galing sa mga mata niya.

"Hija, are you sure? Hindi ko kaya na nakikita kang nasasaktan. Iningatan kita buong buhay ko at gusto kong mapunta ka sa tamang tao." 

Mas lalo lumakas ang hikbi ko sa sinabi ni Mom. Tamang tao? Paano ako makakahanap ng tamang tao kung mahal ko ang tao na pinakasalan ko?

"M-ommy, I love Jeck so much," kaagad akong kinulong ni Mommy sa mahigpit na yakap kaya doon lumabas ang malakas na hagulgol na kanina ko pa tinatago. I sobbed like a baby while hugging my mother tight. Kung hindi man ako pinagpala para makaranas ng masayang pag-ibig tatanggapin ko. I will always settle for less when it comes to Jeck.

"But please, Eya. Kapag hindi mo na kaya matuto kang sumuko. I want you to be happy but not in this way. Please, hija," I nodded like a child while hearing my mother's words.

"Yes po, Mom-my."

"Jesus, my baby is hurting," umiiyak na sambit ni Mommy kaya mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.

We cried inside of my room until all of our negative and bad feelings went away. Bumaba lang kami ng dumating na ang oras kung saan kailangan na nilang umuwi.  

"Hija, before I forgot. Your ninong's birthday is tomorrow. You need to come," paalala ni Daddy na ikinatango ko bago sila hinatid sa kotse.

I watched how their car leaves and I can't help my tears not to fall.

Hindi ko makakalimutan ang mga sinabi ng mommy ko. She wants me to stop when I am hurting too much. Kaya ko ba 'yon? Dahil sa klase ng pagmamahal ko kay Jeck parang lahat ng sakit kaya kong tiisin. 

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
sobrang martyr mo naman eya,,layasan mona ang jeck. na yan kainis talaga
goodnovel comment avatar
R-phel Opinga
sarap mong ibato jeck mula umpisa...silent reader lng ako pero dhil sau npapacomment ako yawa ka...nice story miss author.........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status