The stubborn Unica Hija – Stephanie Alicia Villamar meets a young colonel who is recognized as the most playboy guy in their town and supposedly her husband! The two had an agreement to not bother each other after the wedding since her husband's duty is to protect the country. Stephanie carried on with her life as usual, but her world turns upside down when her husband was transferred to their town. What could possibly go wrong between the pair if their marriage was only for convenience, and how long would they pretend?
Lihat lebih banyak"Caspian Andrew Ardiente, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Stephanie Alicia Villamar, na maging kabiyak ng iyong puso sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habang buhay?"
"Opo, father," mabilis nitong tugon.
"Stephanie Alicia Villamar, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Caspian Andrew Ardiente, na maging kabiyak ng iyong puso sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habang buhay?" The priest's voice could be heard in all four corners of the church.
Nag-aalangan syang sagutin ang tanong ng pari dahil hindi ito ang kasal na pinapantasya niya o ang lalaking pinapangarap niyang makapiling sa habang buhay ngunit natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na kailangang pumili sa gitna ng pangarap o sa tanging hiling ng kanyang mga magulang.
Ang kanyang makikintab na kulay tsokolateng mga mata ay nagsimulang mapuno ng mga luha, kinaaawaan ang sarili sa isang sitwasyong hindi nya maaaring takasan.
Si Stephanie ang nag-iisang anak nina Don Mijares at Doña Belinda, isang Filipino-mestiza na tagapagmana ng pinakamalaking hacienda na pag-mamay-ari ng kanyang mga magulang. Ang kaniyang pamilya ay isa sa pinaka makapangyarihan at mayaman sa bansa.
Labis ang pag-aalala para sa kaniya ng kanyang ama at ina, nangangambang tumandang dalaga ang kanilang nag-iisang anak kaya naman ay isinet-up nila ang dalaga sa iba’t-ibang blind-dates dahil sa edad na dalawampu’t-lima ay hindi nila nakikitaan ang anak ng kasintahan.
Ngunit sadyang matigas ang kanyang ulo and dodged all the men she dated once and never contacted them. Sobra ang kaniyang tuwa ng tumigil ang mga ito sa pagset-up ng blindates sa pag-aakalang suko na ang mga ito sa katigasan ng kanyang ulo.
Hanggang isang araw, isang malaking anunsyo ang magpapabago ng kaniyang kinasanayang mundo... Isang sitwasyong gugulo ng kaniyang tahimik na mundo... At iyon ay ng malaman niyang… she was engaged to Caspian Andrew Ardiente.
Caspian Ardiente was familiar to her; Sino bang hindi makakakilala sa pinakang-playboy sa buong bayan? Ang lalaking sobra sa bilis magpapalit-palit ng mga babae na parang nagbibihis lamang ng damit na kapag ayaw na ay ibabasura na lamang at kalilimutan. He is the son of a General in the Philippine Army, a twenty-five years old young colonel who graduated from the Academy with flying colors at kinilala bilang isa sa pinakamahusay sa hanay ng mga sundalo. He was in the service for almost five years at kasalukuyang nakadestino sa Metro Manila. And that's everything everyone knows about him!
Laking gulat ng kanyang magulang ng pumayag ito sa pagpapakasal na kanilang plinano at mas lalo pa silang nagulat ng si Steph mismo ang nagpamadali sa kanilang ii-skedyul na ang kasal. Ang buong pag-aakala nila ay na-love at first sight ang kanilang dalaga sa binatang anak ng kapitbahay nila.
Pinagmasdan niya ang kumikinang na mga mata ng lalaking kanyang pakakasalan at binaling ang paningin sa mga bisita, hinanap ng mga mata ang kanyang ama't ina habang isinasawalang bahala ang kakisigan ng lalaking na sa kanyang harapan.
Lahat ng kababaihang dumalo sa kasal ay kinaiinggitan siya dahil sya ang maswerteng babaeng papakasalan ng lalaking kinababaliwan nila and felt their hearts shattered dahil nakatali na ni Caspian pagkatapos rin ng misang ito. No one can't believe that a heartbreaker like him would choose to settle down.
"Opo, father," maiyak-iyak niyang sagot nang masipat niya ang kaniyang mga magulang na walang paglagyan ang kasiyahan at tila nais na siyang pasagutin ng mabilisang oo na mukhang kung sila ay kalapit ni Steph ay sila na ang sasagot para dito, mapabilis lamang ang seremonya.
“Nasan na ba siya? Matatapos na lang ang kasal, hindi pa dumadating,” kabang sabi ni Steph sa sarili.
“ITIGIL ANG KASAL!” Isang tinig ng babae ang umalingawngaw sa simbahan, ang lahat ng pansin ay natuon sa kinaroroonan ng babae habang si Steph ay walang paglagyan ang kasiyahan ng dumating ang babae.
“HINDI SIYA MAARING MAGPAKASAL SA BABAENG IYAN DAHIL BUNTIS AKO, AT SIYA ANG AMA NG AKING DINADALA!” Sigaw pa niya habang hinahaplos ang kanyang tiyan.
Labis ang gulat ng mga tao kahit ang mga magulang ng ikakasal, ang heneral na ama ni Caspian ay tinitigan siya ng matalim na parang nais pagpaliwanagin ang anak sa paratang ng babae.
Napakunot naman ang noo ni Caspian ng makilala niya ang babae, “hindi ba’t ikaw yung babaeng kumindat sakin kanina lang? Paano ka mabubuntis kung nginitian lamang kita?”
Napangisi at naghalakhakan ang mga dumalo sa kasal ng marinig ang sinagot ng groom sa babaeng nag-aakusa, naglaho ang tuwang nararamdaman ni Steph ng mapahiya ang babae. Nanakbo sa kahihiyan ang babae paalis ng simbahan.
“Wala na bang iba pang tututol? Kung gayon, ituloy na natin ang seremonya,” sabi ng pari.
They exchanged the rings after the vows and put them on each other's ring fingers, "sa kapangyarihang inatang sakin ng panginoon, dinedeklara ko na kayo ay ganap ng mag-asawa sa mata ng Diyos at ng lahat ng tao. Ngayon, lalaki pwede mo ng halikan ang iyong asawa!" Anunsyo ng pari.
“Plan B, sigurado akong magtatagumpay na ito ngayon,” sabi niya sa sarili.
Stephanie glared at him upang pigilin siya sa kaniyang binabalak ngunit nakita nya ang pagkurba ng mga labi nito, she decided to make her first move.
Lumapit siya rito at tiningkayad ang mga paa upang maabot ang asawa, placing her right hand on his cheek and her thumb on his lips, inilapit niya ang kaniyang mukha at nagpanggap na hinahalikan ang lalaki.
"Hindi ko akalain na ang ating anak ay may lihim na pagtingin sa anak ng ating kapitbahay! Kung noon ko pa nalaman ito, malamang hindi na tumagal ng ganito katagal ang dalawa!" Her mother was spilling the tea to the visitors.
Stephanie broke the fake kiss and faced him, "I will not let you take advantage of me." Bulong niya rito.
Nginisihan siya ng asawa at hinila palapit sa kaniyang katawan, his arm snugly wrapped around her waist. "Anong pinaplano mo?" Mahina ngunit irita at kinakabahan tono ni Steph habang nagpapanggap sa harap ng maraming tao na natutuwa siya sa ginagawa ng asawa.
"Kung ayaw mo itong tumagal, sumunod ka lang sakin; Nagmamadali rin ako."
Tumigil siya sa pagrereklamo at sinunod ang asawa. Ka-muntik ng mapatili ang dalaga ng buhatin siya ni Caspian sa kanyang braso kung kaya nakita niya ng mas malapit and mukha ng napangasawa. Ang nakaarkong nitong kilay, and kanyang matalas at matingkad na tsokolateng mga mata, ang mala-greek God na matangos nitong ilong, at ang kanyang nakakaakit na mga labi ay talaga namang nagbilis ng tibok ng kanyang puso na para bang may ibig ipahiwatig.
Nag-panic si Stephanie ng kanyang maramdaman ang kakaibang pakiramdam na nagwawala sa loob-loob niya habang si Caspian ay binalingan ito ng tingin.
"Kumapit ka ng mahigpit kung ayaw mong mahulog," he softly whispered. His voice sent shivers down to her spine.
Napangisi si Caspian ng mabilis itong yumakap sa kanyang leeg at makita ang pagpula ng kaniyang mga pisngi, ibinaling niya ang tingin sa mga bisita habang naglalakad ang binata patungo sa bridal car buhat-buhat ang asawa.
"I am disappointed that my wife has gained a lot," pang-aasar pa nito kay Stephanie ng maisakay na sa ito sa loob ng sasakyan.
Binigyan nya ito ng matalas na tingin habang siya ay komportable ng nakaupo sa loob ng sasakyan, "Hindi ko sinabi sayong buhatin mo ko dahil may sarili akong mga paa at kaya kong maglakad ng walang tulong mo!" Maarte niyang sagot, at hinila ang laylayan ng kanyang gown paitaas, showing her swollen reddish barefoot.
Kumunot ang noo ni Caspian at bakas ang pagkagulat ng makitang wala itong kahit anong sapin sa paa. "Nasaan ang mga sapatos mo?" Mahina ngunit galit niyang tanong, shielding her from the visitors who stood behind him.
Hinila ni Caspian ang laylayan ng kanyang wedding gown upang itago ang mga namamaga at sugatan nitong mga paa. Sumakay siya sa sasakyan at tumabi sa kanyang asawa. Tinitigan lang niya ito at hinintay ang isasagot.
"Wh—y are you staring at me? Mayroon bang dumi sa aking mukha?" Nahihiya niyang tanong habang pinupunasan ang kanyang mukha. Hindi niya maiwasan ang pagkailang sa malagkit na titig ng asawa na para bang may kung anong nagpapakabog ng kaniyang dibdib.
"Tinatanong kita…"
"Oh!" She chuckled habang maarte niyang tinatakpan ang kanyang mapupulang labi at minamasdan ang galit na ekspresyon ni Caspian. Tumigil siya sa pagtawa ng mapansing hindi ito natutuwa sa kaniya.
Iniyuko ni Stephanie ang kaniyang ulo and scowled, looking at her white gown, "my gown is heavy and I wouldn’t let myself get embarrassed in front of everyone kasi baka maapakan ko ito at masubsob ako sa sahig. Ayoko namang mapagtawanan ng lahat.” Nagtatampo at slang nyang sagot.
"Hindi ka dapat matakot na mahulog dahil nandito lang ako para saluhin ka," narinig niyang sagot sa kanya ni Caspian, hindi niya malaman kung bakit siya nakaramdam ng kilig matapos marinig ang mga katagang iyon mula sa asawa.
A smile appeared on her face as she felt shivers in her body sa pag-aakalang gusto siya ng asawa dahil sa sagot nito.
"Seryoso ka ba?" Nahihiyang tanong niya.
"Syempre naman! Securing the country and protecting its people is my job."
Ang saya sa kanyang mukha ay unti-unting naglaho at napalitan ng pagkainis, sumimangot si Steph at ibinaling na lang ang atensyon sa bintana.
"Ano pa nga bang aasahan ko sa isang playboy na katulad niya?" Bulong niya habang naiiling na ngumingisi sa kanyang imahinasyon.
"Ang manloloko ay mananatiling manloloko." Bulong nito.
---
Hindi mapalagay si Steph sa biglaang pagpoprose sa kanya ng dati niyang asawa sa harap ng mga kadete. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buong paligid. Matagal niyang tinitigan ang kumikinang na dyamanteng singsing sa kanyang harapan saka ibinaling ang paningin sa mukha ng kanyang dating asawa habang ang mga taong nasa paligid ay sumisigaw ng say yes!“Darling?” tawag niya habang iniaalok ang singsing sa kanya, hindi siya makapagsalita ng kahit ano dahil sa pagkaoverwhelmed sa nangyayari at patuloy pa rin ang pagbagsak ng kanyang mga luha na para bang wala ng bukas. Hindi siya lumuluha ng dahil sa lungkot, siya ay umiiyak ng dahil sa saying kanyang nararamdaman.Muling nagtanong si Caspian, “darling, will you marry me again?”Kusang gumalaw ang ulo niya at tumango sa tanong nito, “y—yes!”Maligayang inilagay ni Caspian s
“Steph’s POV”Pinipilit kong iwasan ang mga mata niyang kanina pa hinuhuli ang aking mga mata hangga’t kaya ko ay gagawin ko dahil ayoko na.Ayoko nang umiyak pa ng paulit-ulit sa isang taong minsan na akong sinaktan ngunit anong magagawa ko? Hindi ko naman matuturuan ang aking puso na huminto sa pagmamahal sa kanya, napakasakit para sakin na magpapakasal siya sa iba habang ako lugmok pa rin sa kalungkutan.Nakakalimang subo pa lamang ako ng pagkain ngunit parang ayoko ng ubusin ang lahat ng ito kahit gutom pa ‘ko dahil sa mga titig niya saking nakakatunaw.“Will you stop staring at me?” inis kong sabi sa kanya habang nakatuon pa rin ang aking mga mata sa pagkain.“I’m not,” tipid niyang sagot.“Nakatingin ka sakin,” mariin kong pag-uulit.“Paano mo nalamang nakatingin ako sa
Isang umaga ay nagising si Steph sa magkakasunod na katok sa kanyang pintuan kaya agad siyang napatayo at nagtungo roon kahit wala pang hilamos, nagulat siya ng bumungad sa kanyang harapan ang isang sundalo.“Good morning, ma’am. You need to jog for two laps, that’s an order!” sabi nito.Tumango siya at hindi nakapagreklamo dito, agad siyang nagpalit ng black shirt at yellow athletic short na mas lalong nagpaangat ng kanyang kulay saka nagsuot ng snickers kahit wala pang almusal ay sinikap niyang sundin ang utos sa kanya. Ikinabit rin niya ang kanyang running belt and she’s ready to go.Lumabas na siya para sundan ang lalaki, dinala siya nito sa field. “Should I start now?” tanong niya.“Yes, ma’am.” Sagot nito.Sinimulan na ni Steph ang pagjog sa track, matagal na rin ng huling makatakbo ng ganito si Steph
“Paano ba yan? Mukhang hanggang dito na lang kita maihahatid, my manager keeps on calling me,” sabi ni Steph kay Beatriz habang pinakikita ang kanyang teleponong walang tigil ang pagtunog.“Okay lang, thank you for helping me out,” nakangiting sagot nito.Bumaba ng sasakyan ang dalawa at tumayo sa tapat ng diamond studio, tinapik ni Steph ang balikat ng dalaga saka bumulong.“Don’t get too hard on yourself, isipin mong makakayanan mo rin ang lahat ng ito.” Payo niya bago iwan si Beatriz.Naglakad papasok sa loob si Steph, naabutan niya ang kanyang manager na nakaabang sa entrance at halos hindi mapakali doon.“My God, Steph! Kanina pa kita tinatawagan, bakit ngayon ka lang?” Naghihysterical niyang tanong.“Relax, Vi. Umattend lang ako ng kasal, aren’t you happy seeing me?” p
“Beatriz’s POV”Hindi ko alam kung saan ko napulot ang lakas ng loob na umattend sa misa ng kasal ng lalaking aking pinag-alayan ng pag-ibig pero heto ako nakaupo sa hanay ng mga guest sa loob ng simbahan. Siguro ay pinagtatawanan ako ngayon ng mga bisitang nakakaalam ng relasyon namin noon ni Ivan dahil sa pagpapakita ko sa araw ng kasal ng taong minamahal ko.I did not intend to attend their wedding today but I have no choice kundi ang ipamukha sa sarili ko na I don’t deserve this man at para na rin gisingin ang sarili ko na itigil na ang katangahang umasa pa sa kanya. Ayoko ng maghintay at maniwala sa mga pangako niya sakin dahil nasa harap ko na ang masakit na katotohanan.Nararamdaman ko ang mainit na tingin sakin ni Ivan mula sa kanyang kinatatayuan, ayoko sanang tingnan siya pero ito na lang ang aking huling pagkakataon na tumingin sa kaniya.Pinilit kong ngumiti sa kanya pero ang na
Binitiwan ni Steph ang kamay ng kanyang kaibigan ng makalayo na sila sa maraming tao saka huminto, hinabol niya ang kanyang hininga at pinaypayan ang sarili.Nang makapahinga na siya ay hinarap niya si Luigi at tiningnan ng seryoso, nababasa niya sa mukha nito na nais niyang malaman ang kanyang isasagot.“Let’s take a sit over there,” tinuro ni Steph ang bakanteng bench sa tabi ng isang shop. She bought two cold drinks at ibinigay ang isa sa kanyang kaibigan saka naupo kalapit nito.Uminom muna siya ng malamig bago harapin si Luigi, “you are always a good friend to me and I really appreciate you,” nakangiti niyang sabi saka muling sumipsip ng kanyang inumin.Napatigil sa pag-inom ng drinks niya si Steph ng ipatong ni Luigi ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ng dalaga, “maghihintay ako sa isasagot mo sakin, I will not pressure you.”Ibinaba
Komen