Share

Chapter 3

Pagkarating ko sa bahay walang gana kong nilapag lahat ng pinamili sa ibabaw ng couch saka kinulong ang mukha gamit ang sariling palad.

"Are you okay?" Marahang tanong ni Joy kaya mabilis akong tumango saka kinuha ang dalawang kamay sa palad para bigyan siya ng pilit na ngiti.

"Y-yes,"

She sighed. "Sana hindi na ako nag-aya pang mag shop," matamlay na sabi niya kaya marahan akong huminga ng malalim.

"It's fine, Joy. I'm really okay," pangungumbinsi ko pero tinitigan niya lang ako ng matagal gamit ang naawang mga mata. Kaagad akong umiwas ng tingin dahil hindi ko gusto na kinakaawaan ako.

"Eya—"

"Don't look at me like that," naluluha na sabi ko.

I want to remain strong despite of these heartaches. Hindi ko gustong kaawaan ako kasi para sa akin hindi naman ako kawawa. I already know that my husband has a girlfriend and it's fine with me. Not until I fell in love with him. Yes I am hoping for him to love me but I don't hate what he's doing. Kung ako ang nasa kalagayan niya, mas pipiliin ko rin ang taong mahal ko. 

"But—"

"Please, Joy," sabi ko kaya marahan siyang tumango saka iniba na ang topic namin na mas nakakagaan ng pakiramdam.

Hindi rin nagtagal si Joy dahil may kailangan pa siyang gawin kaya naiwan ulit akong mag-isa sa tahimik naming living room. Huminga ako ng malalim saka dahan-dahang naglalakad papunta sa itaas. Iniwan ko lahat ng pinamili ko sa baba at nagpasyang mamaya na lang aayusin.

Pagkarating ko sa sarili kong kwarto kaagad akong pumasok sa banyo para matitigan ang sarili sa salamin. My almond shaped eyes is a bit reddish because I cried earlier. May natural pink lips is attractive as ever as long as my pointed nose. Hinawi ko ang itim at kulat kong buhok para makita ang leeg na sobrang puti.

"Maganda naman ako," I murmured. 

Nai Insecure ako sa girlfriend ni Jeck. She is beautiful, so beautiful that I doubted my own beauty. 

Hindi ko parin nakakalimutan kung paano ko nalaman na may girlfriend siya habang kasal na kami. Dalawang linggo ata matapos ang kasal namin sinabi niya sa mismong mukha ko ang mga salitang may mahal niya iba. It was fine for me back then because I don't love him that time. But I learned to love him. Kaya nagsimula ng sumakit ang puso ko tuwing naiisip na doon niya mas gustong umuwi. Hindi sa akin.

Kung hindi siguro kami pinagkasundo kasal na sila ngayon.

Pero kasalanan ko ba? No.

Para ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko inubos ko ang oras ko sa pagpipinta ng mga bagay at scenario na nakikita ko sa isip ko. Hindi ako nakaramdam ng gutom habang nagpipinta kahit ilang ulit na akong tinatawag ni Manang para kumain. Gusto kong ubusin ang lahat ng bumabagabag sa isip ko. Gusto kong ilipat ang lahat ng sakit sa mga larawang ipininta.

Hapon na ako nakaramdam ng pagod kaya marahan akong tumayo para mag-unat ng katawan na medyo namanhid. Nang makita ko ang apat na painting na ginawa napangiti ako ng tipid.

Painting is my hobby. And this is also the reason why I can buy what I want without asking my parents' help.

Nang makuntento ako sa pagtitig sa painting ko nagpasya akong lumabas kahit may mga pintura pa rin sa mukha at sa iilang parte ng katawan ko. Mabilis akong bumaba saka dumiretso sa kusina.

"Paghahanda kita, Anak," agad ni Manang nang makita ako pero kaagad akong umiling.

"I'm not really hungry po," nakangiting sabi ko sabay bukas ng ref para kumuha ng ilang prutas at fresh milk.

"Iyan lang ang kakainin mo?" Tanong niya habang nakatingin sa kinuha ko kaya mabilis akong tumango.

 "Diet, Manang," pabiro ko pang dagdag kaya napatawa na rin siya ng mahina.

Mabilis akong pumunta sa garden para doon kumain. Medyo naging maayos na rin ang pakiramdam ko. Parang walang nangyari kasi nilabas ko lahat ng sakit habang nagpipinta. Painting will surely save me from drowning.

Tahimik akong kumain ng mga prutas habang tumitingin sa mga bulaklak na itinanim ni manang pati ng ibang kasambahay. How I wish I could be as calm and peaceful as them.

Nang matapos kumain kaagad akong bumalik sa loob saka tiningnan ang mga pinamili ko. I bought five from Gucci, three from YSL, two from LV, and seven from Victoria's Secret. Ngayon ko lang napansin na sobrang dami nga.

"Isang milyon, sobra pa," nalululang sabi ko habang nakatingin sa mga paper bags na halos napuno na ang living room namin.

Napalunok ako saka napakagat labi. Dahan-dahan akong naupo sa maliit na espasyo sa couch saka tiningnan isa-isa ang mga pinamili ko. I want to laugh at myself because I don't even think about how much money I spent earlier. 

Akmang ilalabas ko na ang pinakagusto kong bag na binili ko kanina kaso may narinig akong malakas na busina mula sa labas. Nagtataka akong sumilip sa glass wall at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita na kotse ni Jeck iyon.

Para akong napako sa kinauupuan ko dahil sa gulat.  Nang bumaba siya sa kotse parang tumalon ang puso ko. 

Sa isang taon na kasal namin. Ngayon palang siya umuwi ng ganito kaaga. Mag-aalas sais palang at halos hindi pa lumulubog ang araw.

Nang bumukas ang pinto kaagad akong tumayo saka bahagyang yumuko kasi ayaw kong makita ang mukha niya.

"You are early," wala sa sariling bulong ko sa sarili ko na hindi niya ata narinig.

Nang mag-angat ako bahagya ng tingin naabutan kong nakatingin siya sa mga pinamili ko bago siya tumingin sa akin ng walang emosyon.

"My works are already done," malamig na sabi niya saka sinulyapan ulit ang mga pinamili ko bago mabilis na umakyat sa taas. 

Ngumiti ako ng pilit habang sinusundan siya ng tingin. Baka umuwi lang siya kasi may kukunin. Baka aalis rin siya kaagad.

Matamlay akong nagpatulong sa mga maids para iakyat lahat ng pinamili ko sa kwarto at nang maayos ko 'yon agad akong naligo para mawala lahat ng pintura sa katawan saka bumaba rin pagkatapos.

"Manang, meron pa ba tayo—"

Hindi natapos ang sasabihin ko kasi hindi si Manang Selya ang nakita ko sa kusina kundi si Jeck. Nanlaki ang mga mata ko nang bahagya siyang lumingon sa akin kaya mabilis akong humakbang paatras na parang natatakot.

Sandaling kumunot ang noo niya pero agad ring bumalik ang tingin niya sa ginagawa. Napalunok ako saka marahang pumasok sa loob ng walang ingay. Maingat kong binuksan ang ref para kumuha ng isang mansanas.

Wala naman talaga akong kukunin pero nakakahiya naman kung aalis na lang ako bigla na parang takot at allergic. Bahagya ko ulit siyang nilingon kalaunan at namataan ko na gumagawa siya ng burger. Nahihirapan pa siya sa paghihiwa ng cherry tomatoes kaya bahagya akong kumurap.

"Gusto mo ng tulong?" Hindi ko na mapigil ang tanong kaya kaagad na naman niya akong nilingon na nagbigay ng kakaibang kaba sa akin.

 Napatingin sa akin ang mga malalamig niyang mata at walang kangiti-ngiting mukha. Bigla tuloy bumalik sa utak ko kung paano siya ngumiti kanina habang kasama ang girlfriend niya. 

Aalis na lang sana ako kasi hindi siya sumagot kaso pasimple siyang lumayo sa ginagawa na para bang binigyan ako ng permiso para ako ang tumapos sa mga 'yon. Naapawang ang labi ko dahil sa gulat kasi hindi ko akalain na papayag siya. 

"What are you waiting for? You offered," may tonong inis na sabi niya kaya mabilis akong lumapit sa iniwan niyang gawain.

Halos manginig pa ang kamay ko habang naghihiwa pero naitawid ko naman ng hindi nasusugatan. Nang mailagay ko sa microwave and burger pasimple akong  sumandal sa island counter habang nakatingin lang sa sahig. I could hear my heart 

beating so fast. I am so nervous that I might lose my consciousness here.

Nang tumunog ang microwave napabuga ako ng hangin saka marahang kinuha ang burger mula doon saka nilagay sa mas presentableng plato. 

"Here," mahinang sabi ko habang nakangiti ng kaunti nang mailapit ang burger sa kanya. Tamad siyang tumango saka sumulyap sa burger na mainit pa.

"Thanks," malamig na sabi niya bago tuluyang lumabas sa kitchen dala-dala ang burger na 'yon.

Nanghihina akong napasandal ulit sa island counter pagkatapos kasi para akong mawawalan ng malay sa sobrang kaba na may pinaghalong saya. For the first time. He said thank you. And for the first time. He watched me preparing his food.

Alam kong mababaw lang 'yon pero iyon kasi ang unang beses na nangyari 'yon sa amin. My husband is completely ignoring me since our first day as a husband and wife. 

Napangiti ako ng malapad kalaunan dahil parang kahit papaano may pinagbago naman sa pakikitungo niya. At Least he said thank you. It means that he appreciates my effort. 

Wala akong mapaglagyan ng saya ko matapos 'yon. Hindi na ulit bumaba si Jeck pero sobrang saya ko parin. Preparing his food in front of him is already enough. But him saying thank you made my heart flutter.

"May nangyari ba, Anak?" Nagtatakang tanong ni Manang Selya kasi sobrang laki ng ngiti ko 

Agad akong umiling saka umarte ng inosente. "Wala po," sabi ko pero mariin niya akong tinitigan. Nginitian ko na lang siya para isawalang bahala niya na lang ang pagtataka sa mga pinapakita ko ngayon.

Ako ang naghanda ng hapunan namin habang hindi naalis ang ngiti sa mga labi ko. Hindi ako makapaniwala dahil halos kanina lang todo iyak ako dahil sa sakit pero ngayon sobrang saya ko na. I am so happy knowing that he still know that I am existing. To be noticed by him is heaven for me. I will never forget this day, for sure.

Matapos kong ihanda ang mga pagkain saktong bumaba si Jeck kaya mabilis na namang kumabog ang puso ko. Umupo siya nang hindi man lang ako tinitingnan kaya umupo na rin ako ng tahimik.

I cleared my throat before I started eating silently while glancing at him from time to time. I can't help but to be amazed by the way he eats. Sobrang tahimik. Halatang pinag-aralan niya ang proper etiquette.

"You shopped?" Hindi ko inaasahang tanong niya kaya kaagad akong nabulunan.

I coughed how many times while trying to reach for the water in front of him but I can't. Siya na mismo ang naglapit sa akin ng tubig na mabilis ko ring ininom. 

I cleared my throat because of embarrassment again before giving him a small smile. "Yes, Joy invited me to come with her," mahinang sagot ko.

"You bought a lot," agad na sagot niya habang nasa pagkain ang tingin kaya tuluyan ko nang kinalimutan ang pagkain para ituon sa kanya ang pansin. He is really talking me right now. This is not a dream.

"Yeah, I sold my paintings just last week. It costs a lot so I treated myself," sabi ko sa maliit na boses habang nakatingin lang sa kanya.

Bahagya siyang natigilan saka nag-angat ng tingin kaya kaagad na nagtama ang mga mata namin.

"You sell paintings?" Tanong niya kaya napangiti ako ng malungkot bago tumango.

"Yeah," nanghihina na sabi ko bago yumuko. He doesn't know. 

Ano pa kaya ang alam niya sa akin bukod sa pangalan ko?

Tahimik na kami matapos iyon pero nawala na rin ang gana ko sa pagkain. I am happy because this was our longest conversation so far. Pero hindi ko maiwasang hindi madisappoint kasi wala talaga siyang alam sa mga pinanggagawa ko. 

He doesn't really care about me huh? At kailan kaya siya magkakaroon ng pake?

Ilang minuto pa ang nakalipas kaagad siyang tumayo saka naglakad ng wala man lang kahit anong sinabi. Sinundan ko siya ng tingin gamit ang mga mata kong may namumuong mga luha.

Posible bang maging masaya at malungkot sa parehong oras?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status