"Anong gingawa mo doon sa silid na yon?" Tanong ni Maggie kay Alyssa katatapos lang nito makipag-usap sa ina.
Ang tinutukoy nito ay ang workplace nila.
"Tinulungan ko lang si Sir na tapusin 'yong sinimulan niyang na painting," sagot ni Alyssa.
Lumapit siya kay Maggie na nakaupo malapit sa bintana, nagbabasa ito ng Novel. Naupo siya sa tapat nito.
"Grabe ang ganda ng painting!" Bida niya sa kaibigan.
"Anong painting ang tinutukoy mo?" Tanong ni Maggie.
"Sayang, hindi mo nga pala nakita kasi lumabas agad tayo ng kuwarto. Pinalalagdaan nga ni Sir saakin iyong painting para daw may remembrance siya sa atin. Kaso '
KAUSAP ni Daisy sa kanyang cellphone ang kanyang kuya, isinugod daw sa hospital ang daddy nila dahil sa mild stoke. Ayon dito maayos naman na daw ang kalagayan ng ama nila pero 'di pa din niya maiwasan ang mag alala. "Magpapaalam ako mamaya kay Sir Gregorio, uuwi na ako bukas kuya." Ani Daisy sa kausap. "Tapusin mo na lang ang ilang araw na natitira mo diyan. Maayos naman na ang kalagayan ni Dad," ang sabi ng kuya niya sa kabilang linya. "Nag-aalala kasi ako kay Dad," naluluhang sabi ni Daisy. Gamit ang mga daliri pinunasan niya ang luhaang mga mata. "Huwag ka ng mag-alala, kami na ang bahala kay Dad. Gusto mo ba makausap ang Dad?" "Sige po kuya, please." Sagot
ALASOTSO ng gabi habang naghahapunan, nabanggit ni Daisy ang planong pag-uwi niya kinabukas."Bakit naman hija?" Tanong ni Gregorio sa dalaga. Inabot niya ang table napkin at nagpahid ng bibig.Natigil naman sa pagsubo ang ilang mga estudyante sa sinabi ni Daisy bukod kay Maureen at Charlotte na nauna ng malaman ang plano nito."Bakit naman Daisy, may problema ba?" tanong ni Alyssa."May nagawa ba kami ni Alyssa na hindi mo nagustuhan?" tanong naman ni Maggie. Maingat na inilapag nito ang hawak na kutsara sa gilid ng plato. Naisip lang kasi ni Maggie na baka naiingayan na ito sa kanilang magkaibigan lalo na sa kanya, baka pakiramdam nito na a-out of place ito.
"TULOYKADAISY!" Nakangiting sabi ni Gregorio nang makita ang dalagang sumilip sa pinto. Pumasok nga si Daisy at maingat na isinara ang pinto. "Goodevening po Sir," bati ng dalaga dito. "Lumapit ka dito, tignan mo ang larawan na ginawa ko para saiyo." Nakangiti pa din ang artist sa dalaga. Agad naman na tumalima ang dalaga. "Maganda ba?" tanong ni Gregorio sa dalaga na tila natulala na nang makita ang painting. "Oh my gosh!" Bulalas ni Daisy. "Sobrang ganda po Sir," puri ng dalaga sa artist.
NASA balkonahe si Alyssa nang may marinig siya boses na tumatawag sa pangalan niya, nagpalinga-linga siya para mapag-sino ang tumatawag sa pangalan niya. "Alyssa...alyssa..!" Kunot-noong nagpalinga-linga ulit siya pero wala naman siyang makita. "Alyssaaaaa!" anang isang tinig. Lumapit si Alyssa sa railing ng balkone. Iginala niya ang paningin, dumako ang paningin niya sa gate ng mansiyon. May nakita siya. Sina Sofia, Miguel at Daisy nakatayo ang mga ito malapit sa gate, nakita niya ang pagkaway sa kanya ni Daisy. Naguguluhan na gumanti din siya ng kaway sa tatlo.
"Haaaaaaaaaaaaaa!" Malakas na tili ni Sofia at bigla itong naglaho sa paningin ni Alyssa. Sa takot niya bigla siyang nagtatatakbo palayo sa lugar na iyon. Naguguluhan na talaga siya sa mga nangyayari lalo na kay Sofia lagi nalang itong umiiyak tapus bigla din itong nawawala sa paningin niya. Natigil siya sa pagtakbo nang may marinig na naman siyang boses na tumatawag sa pangalan niya. "Alyssa!" boses lalake naman ito. "Miguel!" Sambit niya nang makilala ang boses nito. "Nasaan ka?" tanong niya dito. "Nandito ako Alyssa," Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses nito. May nakita siyang dalawang magkapareha na tila sumasayaw n
"Ligtas na makakauwi sa kanila si Daisy, huwag mo na lang bigyan kahulugan ang iyong napanaginapan. Walang katotohanan sa panaginip at kung meron man kabaliktaran iyon sa nangyari sa iyong panaginip." Si Maggie. Napasulyap si Alyssa sa alarm clock na nasa lamesita katabi ng kama. Quarter to five am na pala. Bulong niya sa sarili. Umayos siya ng higa susubukan niyang makaidlip, may dalawang oras pa para sa oras ng pag gising nila. Sinulyapan niya ang kaibigan na si Maggie nakapikit na ang mga mata nito pero hindi naman niya masabi kung nakatulog na nga ulit ito. Ipinikit niya ang mga mata, sinubukan niyang huwag isipin ang napanaginapan. Saglit lang ay makikita na ang magkaibigan na himbing na sa pagtulog.
DAYTHREE SA MANSIYON.Sabay-sabay na lumabas ng kani-kanilang kuwarto ang mga estudyante, binati ng magandang umaga ang bawat isa. Tumuloy ang mga ito sa kusina para sa kanilang almusal. Naupo sa kani-kanilang pwesto."Napasarap yata ang tulog ni Sir," puna ni Charlotte nang mapansin na wala pa sa puwesto nito ang artist."Oo nga ano," sabi naman ni Noel.Nagtataka lang sila, dahil ngayon lang ito na late sa usapan na gigising sa tamang oras. Madalas ito ang nauuna sa kusina pero ngayon wala pa ito.Sabay na napalingon sa bungad ng kusina ang lahat ng pumasok si Mang Nestor sa kusina."Ang sabi ni Sir saakin mauna na daw kayong mag-almusal
SATHIRDFLOORsubsob na ang lahat. Kinukulayan na ng mga estudyante ang mga natapos ng larawan na iginuhit ng mga ito.Nakaupo naman sa kanyang swivel chair si Gregorio na matamang pinagmamasdan ang mga estudyante. Nakita niya na sabay-sabay na napalingon ang mga ito sa bandang bintana nang biglang kumulog na sinabayan na ng ulan.Nakasarado naman ang bintana na gawa sa salamin kaya hindi makapasok sa loob ng kuwarto ang ulan."Natatakot ba kayo sa kulog, gusto nyo ba na takpan ko ng kurtina?" Tanong ni Gregorio sa mga ito.Sabay na umiling naman ang mga estudyante."Blessing daw po ang ulan Sir," nangingiting sabi ni Noel