Masukenjoy reading!
NATHALIEMasayang-masaya kaming lahat ng araw na iyon. Sa akin ipinagkatiwala ni ate Atasha ang result ng sonogram report niya. Nang mag-isa na lang ako ay saka ko tinignan iyon at natuwa ako nang babae ang nakalagay na gender kung kaya’t ginandahan ko ang pag-aayos sa event nila. Ito ang isang skills na matagal ko nang nakalimutan na meron pala ako. Ang pagde-design ng events. Masaya kong tinulungan si ate Atasha at kuya Adonis sa lahat kaya naman naging successful ito ngunit… habang nagkakasiyahan… may hindi inaasahang pangyayari. Kumuha si Matthew ng wine glass at pinatunog nang marahan ang isang kutsara doon upang mapukaw ang pansin ng mga bisita. Tumahimik ang lahat at ngayon ay nakatingin sa kanya. “Tutal nandito naman na ang lahat ng mga kapamilya at kaibigan namin… mga mahal sa buhay ay gusto kong gawin na ‘to ngayon…” Gawin? Anong ibig sabihin ni Matthew. Nagulat ako nang bigla siyang humarap sa akin at lumuhod ng dahan-dahan, naglabas ng isang black satin box sa kanyan
ATASHAHabang nagkakasiyahan kami ay marami pang dumating nang araw na iyon. Hindi ko alam na inimbitahan din pala ni Adonis ang mga ilang kasosyo niya sa negosyo at mga kaibigan niya. Gaya nalang nila Sir Wade at ng pamilya niya. “Rosenda!” masayang bati ko kay Rosenda, sinalubong niya ako ng yakap at nagtatalon kaming dalawa sa tuwa. “Hoy, anak mo! Sorry! Sorry!” tawang-tawang saad ni Rosenda dahil nakitalon din ako kasabay niya. Matagal kaming hindi nagkita kaya sobrang saya ko na inimbitahan pala sila ni Adonis. “Naku! Sana baby girl, baby girl ka... Please! Para may tatahian ako ng magagandang dress!” saad ni Rosenda na hinawakan ang tiyan ko habang nangungusap doon. Dumating din sina Siobeh at Johndo at ang isa naman ay parang kakambal ni Johndo dahil magkamukha sila. Narinig ko si Adonis na kinakantyawan si Johndo. “Nandito kapatid mo oh, hindi mo man lang ba papansinin?” tanong ni Adonis habang tatawa-tawa. “Walang ganyanan Boss, iniiwasan ko na ngang magkita kami inim
ATASHAKINABUKASAN ay maaga rin akong gumising. Abala na sila sa kusina para magluto ng masasarap na pagkain.Lumabas ako at tinignan ang mga designs na inilatag nila doon at maganda naman ang pagkaka-ayos. May pink at blue na backdrop at mga lobo. Ready na rin ang mga lamesa at upuan sa malawak na garden. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa lawak ng lugar na ito. Tahimik at mababait rin naman ang mga nakatira dito. Ang sabi ng caretaker ay namatay daw ang dapat sana ay mamamahala ng lugar na ito. Nakakalungkot ngunit tila biyaya para sa aming pamilya ang mabili ang property na ito. “Love, Love! Pinasundo ko na si Terrence at Mommy Alicia.” saad sa akin ni Adonis na hawak pa ang cellphone. “Sige, Mahal…”“Kumain ka na ba? Anong gusto mong almusal?” “Ikaw.”“Ako?”“Este– ang tanong ko eh, anong gusto mong almusal?”“Ayyy, wag mo akong binibiro ng ganyan, Mahal ko!” saad niya na ngumisi kaya hinampas ko siya sa balikat. “Loko! Halika na, mag-pandesal na lang tayo.” pag-aaya ko sa
MATTHEWBuhay at kamatayan… ang nagtatakda ng lahat. Nagsinungaling ako kay Nathalie tungkol sa paghahanap ko sa mga magulang ko. Gusto kong malaman kung saan ako nanggaling. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa akin at kung bakit sa lansangan ako lumaki. Gustong-gusto kong malaman kung bakit nila ako itinapon o baka naman… may nagtangkang masama sa akin at sinubukan lang akong iligtas. Sobrang-sobrang gusto kong malaman ang lahat. Naghahanap ako ng mga sagot sa lahat ng aking katanungan ngunit nang ipahanap sa akin ni kuya Adonis ang pinaka responsable sa pagkamatay ng tatay ni ate Atasha ay may natuklasan akong hindi ko na dapat nalaman pa. Ang nakababatang kapatid ng tatay ni ate Atasha na si Anthony Montenegro o mas kilala bilang Michael na naging driver ni kuya Adonis… ay walang iba kundi ang… tunay kong ama. Sinubukan ko ring hanapin ang tunay kong ina at nahanap ko siya, ang pangalan niya ay Amanda Cervantes Montenegro. Kasal sila ng tatay kong si Anthony ngunit sa ka
ATASHAKinabukasan ay check-up ko sa OB. Niyaya ko rin si Nathalie para makapagpa-check-up din siya. “Sorry, Princess, hindi ako makakasama sayo ngayon, magiging okay lang ba kayo ni Nathalie?”“Oo naman, wag kang mag-alala, magpapa-check up lang naman kami sa OB.” saad ko at ngumiti sa kanya. Sakto namang dumating si Mat-Mat. “Mat-Mat, ikaw na muna bahala kila Nathalie ah, ipagmaneho mo sila.”“Oo naman, kuya, nasabi na rin sa akin ni Nathalie. Tatawag-tawagan din kita.” “Sige, may kailangan pa kasi akong gawin eh…sumunod ka na lang pagkatapos. Alam mo naman kung saan.”“Sige po, kuya..”Maya-maya ay lumapit na sa akin si Nathalie na may dalang dalawang tumbler.“Ate, heto ang tubig mo, pinapaabot ni ate Lina.” saad niya na ibinigay sa akin ang isa. Bigla namang tumakbo palapit sa amin si Adam. “Mommy, sana baby girl ang baby mo.” nakangiting saad niya. “Naku, ikaw talagang bata ka, manang-mana ka sa daddy mo, babae rin ang gusto!” saad ko na ginulo ang buhok ni Adam. Napangi
NATHALIEMasaya akong sumama ng mga oras na iyon kay Matthew. Walang pag-aalinlangan dahil malinaw na sa amin ang lahat— na mahal namin ang isa’t-isa. Dinala niya ako sa isang fine dining restaurant.“O, umorder ka ng kahit anong gusto mo.” saad niya na binigay sa akin ang menu. Ngunit pagtingin ko ay napakamahal talaga ng mga pagkain at pasta lang ang alam kong orderin doon sa menu. “Uhm, Matthew, sa karinderya na lang kaya tayo?” bulong ko sa kanya. “Anong karinderya? Iniinsulto mo ba ako?! Akala mo ba wala akong pambayad dito?!” singhal niya na medyo napalakas ang boses, napansin niya iyon kung kaya’t hininaan niya ang boses niya. “Eh… wala kasi akong alam na orderin, at saka hindi ko naman alam kung anu-ano ang mga pagkain na ‘to. Hindi katulad sa karinderya mas makakapili ka.” “Nathalie, isa kang Salcedo kaya masanay ka na sa mamahaling mga bagay at saka… hindi ko hahayaang kumain ka ng mga pagkain sa karinderya baka makasama pa iyon sa anak ko.”“Matthew naman eh! Ano ka b







