LOGINAnong mangyayari kapag ikinasal ang isang simpleng construction worker na playboy sa isang malamig at makapangyarihang CEO? Magkakasundo ba sila o magkakaintindihan pa rin sila kahit na langit at lupa sila? Pero paano kung hindi naman pala talaga siya construction worker lang? Magkakaintindihan pa rin ba kahit may namagitan ng kasinungalingan? Magbabago pa ba ang isang playboy para lang mapaamo ang malamig na puso ng babaeng CEO?
View MoreBumalik si Anton sa barracks pagkatapos ng trabaho at kaagad na nagtungo sa banyo. Pagkalipas ng limang minuto ay lumabas siya na aakalain mong ibang tao.
Kung kanina ay gusot-gusot ang suot niya at parang walang ligo, ngayon ay nakasuot na siya ng mamahaling polo at pantalon. Pinaresan niya pa ito ng isang branded na leather shoes. Idagdag pang nasa five feet at eleven inches ang kanyang tangkad saka ang buhok niyang maayos ang pagkakasuklay, nagmukha tuloy siyang model ng isang mamahaling brand.
Napatingin sa kanya si Danilo, kasamahan niya sa trabaho. “Ang bilis mo namang nakapag-ayos? Naligo ka ba o wisik-wisik lang?”
“Kung magpapaulan ng swerte sa labas, siguradong mapapabilis din ang kilos mo,” nakangising sagot naman ni Anton habang nakaharap sa salamin at gwapong-gwapo sa sarili.
Napapailing na lang si Danilo. Sanay na kasi siya sa mga kalokohan ni Anton. Halos kalahating taon pa lang sila bilang mga constraction worker, pero kung ano-ano na ang kinukwento ni Anton sa kanya.
Minsan hitman daw ito, minsan naman ay bodyguard. Nakapunta na raw ito sa mahigit sampung bansa sa Europa at minsan naman ay pinipilihan daw ito ng mga kababaihan sa mga bansang napuntahan nito.
Ang pinakamalala sa lahat ng kwento nito ay ang pagkabuhay raw nitong muli matapos itong ilibing sa lupa sa loob ng isang buwan!
Kung ganoon naman pala ito kagaling, bakit pa ito nagtatrabaho bilang construction worker sa isang kumpanya, ang Villamor Group of Companies o VGC?
Kaya nang marinig ni Danilo na ang isang simpleng trabahador na nagsasabing pinipilihan daw ng mga kababaihan sa iba't ibang bansa, kahit sinong makakarinig ay hindi maniniwala lalo pa at pareho lang naman silang mga simpleng trabahador.
Pero kahit na ganoon kaloko si Anton ay isa siyang mabuti at mapagbigay na kaibigan.
Katulad na lang ngayon...
Sabi ni Danilo, ni minsan ay hindi pa siya nakakapasok sa Hermosa Hotel— ang isa sa pinakasikat at dinadayo na hotel sa buong lungsod. Kaya naman ay sinabi ni Anton na may kaklase siyang ikakasal doon at isinama niya si Danilo.
Ngayong gabi ay naka-book ang buong hotel dahil gaganapin doon ang kasal nina Marionne Villamor, ang presidente ng Villamor Group of Companies at Daniel Corpuz, ang CEO ng Corpuz Estate. Ang kasalang ito ay naging usap-usapan sa buong lungsod ng Santa Catalina.
Kapag pinag-uusapan ang VGC, imposibleng hindi mabanggit ang presidente nito na si Marionne Villamor. Dahil kung may isang halimbawa ng pagiging perpektong dalaga ang mga binata sa lungsod, siya iyon— maganda, mayaman, at matalino.
Nag-iisang anak siya ng CEO ng VGC na si Ramon Villamor, isa sa pinakanangungunang negosyante sa bansa. Kaya walang ibang magmamana ng VGC kundi siya lang. Ang lalakeng mapapangasawa niya ay para na ring tagapagmana ng VGC.
Maraming nanliligaw kay Marionne, mga sikat at may katayuan sa lipunan. Pero si Daniel Corpuz ang nagwagi sa kanilang lahat.
Sa kabilang banda ay wala namang kinalaman sa kanila si Anton. Hindi sila magkakilala kahit sa mukha man lang. Nagsinungaling lang siya kay Danilo para makakain ng libre.
“Hoy, Anton. Magkakilala ba talaga kayo ni Marionne Villamor?” hindi pa rin naniniwalang tanong ni Danilo.
Presidente ng isang makapangyarihang kumpanya at isang hamak na construction worker lang sa isa sa mga proyekto nito ay magkakilala? Para silang langit at lupa kaya hirap talagang maniwala ni Danilo.
“Magkaklase kami noong elementary, ano ka ba!" pagrarason pa ni Anton na puno pa ng kumpyansa sa sarili.
“Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol diyan? Isa pa, bakit hindi ka na lang humingi ng tulong sa kanya para makaakyat sa mas mataas na posisyon?” tanong pa ni Danilo habang napapaisip.
Kung may kakilala kang ganoon kataas ang posisyon, madali kang mabibigyan ng magaan na trabaho kaysa magbabad sa gitna ng mainit na araw sa construction site.
“Gustong-gusto ko ang trabaho ko. Isipin mo, nakakagawa ka ng mga skyscraper gamit ang sarili mong mga kamay. Nakaka-proud kaya!” sabi ni Anton habang nakatingala sa langit at halata ang kumpyansa sa sarili.
“Mga kalokohan mo talaga,” napapailing na sagot ni Danilo at wala ng magawa kung hindi ang sundan si Anton.
Pumasok silang dalawa sa loob saka sumakay ng elevator. Nang magsasara na sana ang elevator ay may babae ang sumigaw. “Sandali lang!”
Isang babaeng nakasuot nang mamahaling high heels, may bitbit na isang designer bag at ang suot nitong itim na evening dress ay isang limited edition na pwede nang bumili ng isang bagong sasakyan. Mahaba ang bahagyang kulot nitong buhok na sumasabay sa kanyang paggalaw. Mapupula rin ang labi nito na kaakit-akit tingnan.
Sa madaling salita ay kapansin-pansin ang kanyang dating.
Pumasok siya sa loob ng elevator.
“Hi miss beautiful, anong floor ka?” nakangiting tanong ni Danilo na halatang nabighani sa ganda ng babae.
Payat at maliit si Danilo na para bang kulang sa nutrisyon. Nagmukha tuloy siyang bata habang katabi ang matangkad na babae. Pero dahil hindi naman matured ang mukha ni Danilo ay napagkakamalan siyang bata.
“Sa 8th floor, salamat,” mahinahong sagot ng babae at walang bahid ng kayabangan ang tono nito kahit halatang mayaman.
“Pupunta ka rin sa kasal?” tanong muli ni Danilo.
“Kaklase ko si Marionne, ang bride,” magalang na sagot ng babae.
“Kaibigan ka rin pala ni Marionne Villamor? Ang liit ng mundo! Kaklase rin siya ng kaibigan ko," tuwang-tuwang sagot ni Danilo at siniko pa si Anton na kanina pa tahimik sa tabi.
Doon lang napansin ng babae si Anton at sa isang tingin pa lang ay kaagad na itong namangha sa kanya. Base sa dating ngayon ni Anton ay masasabi talagang galing siya sa isang prominenteng pamilya. Idagdag pa ang kagwapuhan nito at tangkad ay talagang walang makapagsasabing isa lang siyang construction worker.
Napatingin naman si Danilo kay Anton nang mapansing titig na titig ang babae kay Anton. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa at napagtantong may dating ang dalawa. Iyon ay kung hindi isasama ang trabaho ni Anton.
Sa isip ng babae ay may tinatago palang gwapong kaibigan si Marionne! Naghahanda na siya ngayon nang sermon sa kaibigan.
“Ako nga pala si Kattrina Jane Salvador,” pagpapakilala ng babae.
“Ako naman si Anton Dela Vega. Kagaya ni Prince Anton na nasa Europa, ay makisig at matipuno rin ako,” pagpapakilala naman ni Anton na may halong kalokohan.
“Napaka-funny mo naman, Mr. Dela Vega,” natatawang sagot naman ni Kattrina. "Paano at kailan ba kayo naging magkaibigan ni Marionne?”
“Noong elementarya,” walang paliguy-ligoy na sagot ni Anton na para bang hindi siya nagsisinungaling.
“Nag-aral ka rin sa St. Matthew Academy?” gulat na tanong ni Kattrina. “Doon din ako nag-aral pero bakit hindi kita nakita roon?”
“Iba kasi ang mukha ko noon. Isa lang akong tahimik na nerd sa tabi kaya wala talagang nakakakilala sa akin ngayon. Malaki na ang pinagbago ko,” pagrarason pa ni Anton.
“Nasa anong section ka ba?”
“Hmm... nandito na tayo sa eighth floor! Tara na at baka magsisimula na ang kasal!” mabilis na sabi ni Anton habang marahang tinutulak si Danilo palabas.
“Tabi tayo sa table mamaya, ha?” alok pa ni Kattrina.
“May usapan na kami ng mga kaibigan ko. Pero pwede ka naman naming isama,” sabi pa ni Anton.
“Deal!” tuwang-tuwang pagpayag ni Kattrina.
Pagkasabi niyon ay naglakad na palayo si Kattrina.
Napabuntong-hininga si Anton. Muntik na siyang mabuko. Gusto talaga niyang sapakin si Danilo. Bakit pa kasi kailangang kausapin niya ang babaeng iyon?
Punong-puno ng tao ang buong floor. Daan-daang mesa ang nakahanda at napakaelegante ng pagkakaayos nga mga dekorasyon.
"Saan tayo uupo, Anton?” tanong pa ni Danilo na kanina pa abala sa pagmamasid sa paligid na hindi man lang narinig ang huling pag-uusap nina Anton at Kattrina.
Dahil sa hindi inaasahang pagkakilala ni Anton kay Kattrina ay nagulo ang plano niya. Kapag tinanong nito si Marionne tungkol sa kanya ay siguradong mabubuking sila ni Danilo.
Naisip ni Anton na magpakalayo-layo sila ni Danilo para hindi sila mahanap o makita ni Kattrina. Kakain lang sila at aalis na kaagad. Sa dami ng taong naririto ay imposibleng mapansin pa sila.
Samantala, kaagad na hinanap ni Kattrina si Marionne at nang makita niya ito sa isang sarado at nakabukod na kwarto ay napapalibutan ito ng mga kababaihan na parang isang prinsesang nakihalubilo sa kanyang mga nasasakupan.
Exclusive na kasal ang magaganap at dahil sa impluwensya ay napapayag nila ang pari sa simbahan na rito gaganapin ang kasal.
“At ayan na nga ang bride! Ang ganda-ganda mo! Naiinggit ako!”
Nakasuot si Marionne ng isang modern wedding dress na kulay baby blue, lantad ang kanyang leeg at balikat, at natatakpan ng manipis na belo na nagbibigay sa kanya ng misteryoso at kaakit-akit na dating.
Magaan lamang ang kanyang makeup— halos hindi mapansin kung hindi titingnang mabuti. Pero gaano man kaganda ang makeup niya ay hindi nito matatakpan ang lungkot sa kanyang mga mata. Ngumingiti nga siya pero hindi naman abot sa mga mata niya.
“At ito ka naman, nag-iisa. Sa ganda ng dating mo ngayon ay wala ka man lang escort? Nakakadismaya," kunwaring inis na sabi ni Marionne.
“May gana ka pang sabihin ’yan? May kilala ka pa lang gwapo na kaibigan pero hindi mo man lang pinapakilala sa akin? Eh, di sana ay hindi ako nag-iisa ngayon. Magkalimutan na lang tayo!”
“Aba? Ipinakilala ko na sayo lahat ng matinong lalakeng kilala ko, pero wala ka namang nagugustuhan! Kasalanan ko pa tuloy kung choosy ka.” Napapailing na sabi ni Marionne.
Marami na talaga siyang naipakilala na lalake rito pero wala man lang pumasa sa panlasa nito. Alam na alam na tuloy ng lahat na sobrang pihikan nito pagdating sa lalake.
“May tinatago kang top-tier guy para sa sarili mo, ’no?” nanunuyang sabi ni Kattrina. “Sabihin mo nga ang totoo, may back-up kang lalake, 'no?”
Napairap na lang si Marionne. Itinuro niya ang lahat ng lalaki sa paligid. “Lahat ng kaibigan at kaklase ko ay nandito. Pumili ka na lang. Sabihin mo sa akin kung may nagustuhan ka at ako na ang bahala.”
“Paano naman si Anton Dela Vega? Huwag mong sabihing hindi mo siya kilala?” nakataas ang kilay na tanong ni Kattrina.
“Sinong Anton Dela Vega?”
“Matangkad, gwapo, at super ang lakas ng dating! Kaklase mo raw siya noong elementary,” sagot naman ni Kattrina.
“Ikaw lang ang elementary classmate na inimbitahan ko ngayon. Okay ka lang ba? O baka naman naloko ka ng kung sino?”
Biglang natauhan si Kattrina. Hinding-hindi magsisinungaling sa kanya si Marionne! Naalala niya pa ang dating ni Danilo at dahil hindi naman siya ganoon na nanghahamak ng tao ay binalewala niya iyon. Lalo pa at nalihis ang atensyon niya kay Anton. “Marionne, mukhang may nakalusot na freeloader.”
Napakunot naman ang noo ni Marionne sa narinig. “Okay lang kung makikikain lang sana. Pero natatakot akong may iba siyang pakay.”
Likas na maingat si Marionne bilang presidente ng VGC at ang susunod na magiging CEO. Nag-isip siya sandali bago nagsalita. “Magpapasama ako ng dalawang security guard sayo at hanapin ninyo siya. Pero huwag kang magpapahalata sa mga bisita.”
“Hahanapin ko talaga siya at bubugbugin ko siya hanggang sa hindi siya makilala ng sarili niyang nanay!”
Magkahalong galit at pagkapahiya sa sarili ang nararamdaman ni Kattrina. Sa unang pagkakataon sa buhay niya ay nagkaroon siya ng interes sa isang lalaki pero naloko lang pala siya nito!
Hindi naniniwala si Anton sa mga multo o diyos. Para sa kanya, kahit pa totoong may mga multo sa mundo, mga taong nagpapanggap lamang ang mga ito.Sinamantala niya ang pagkakataong walang nakatingin sa kanya upang pumunta sa isang tagong sulok at tawagan si Phoenix. Ipinaliwanag niya rito ang nangyari, at sinabi naman ni Phoenix na siya na ang bahalang mag-ayos ng lahat.Makalipas ang kalahating oras, dumating ang mga pulis.Agad na nagtungo sa pinangyarihan si Tang Ming, ang hepe ng pangkat ng mga imbestigador sa lugar na iyon, kasama ang ilan sa kanyang mga tauhan matapos matanggap ang tawag.Isa sa mga kilalang pamilya sa lugar na iyon ng China ang pamilya Chi kahit pa mga Pinoy sila pero doon na sila nagtagal sa buong buhay nila at nagtatag ng sarili nilang pangalang sa lipunan ng China.Si Alex Chi ang pinakasikat na dalubhasa sa martial arts sa lungsod, at kilala rin ang pangalan niya sa buong lalawigan. Dahil dito, napakalaking pressure ang kinaharap ni Tang Ming sa kasong ito.
Lihim na nagulat si Anton. Ang palad na ipinukol ni Alex kay Ariel kanina ay gumamit ng pitumpung porsiyento ng kanyang lakas, at dahil dito, malubhang nasugatan agad si Ariel.Hindi man lamang nito inalam kung ano talaga ang nangyari bago gumamit ng gayon kabigat na kamay. Tunay ngang walang awa si Alex.Kahit pa talagang may nangyari sa pagitan ng dalawa, hindi pa rin makatwiran ang ganoong kabagsik na pag-atake. Para bang gusto na nitong patayin ang sarili nitong kapatid!“Kuya, kahit likas akong babaero, may prinsipyo at moralidad pa rin ako! Napakaraming babae sa labas. Bakit ko naman papatulan si Alexa at hahayaang masira ang pangalan ko dahil sa kanya? Malinaw na may nagbabalak na ipahamak kami! Hindi ko akalaing gagamit ka agad ng gayon kabigat na kamay nang hindi man lamang nagtatanong. Itinuturing mo pa ba akong kapamilya mo?”Tumayo si Ariel habang hawak ang kanyang dibdib. Pinunasan niya ang dugong tumutulo mula sa gilid ng kanyang bibig at masamang tiningnan si Alex bago
**Enero 3, 2015, Biyernes, Maaraw.**Ngayong araw, inilipat ako ni Master upang maging tagapaglingkod ni Miss Arrianne. Tuwang-tuwa ako dahil sa wakas ay nagkaroon na rin ako ng maayos at komportableng trabaho. Napakabait ni Miss Arrianne at hindi niya ako sinasaktan...**Enero 4, 2015, Sabado, Maaraw.**Napakasaya ni Miss ngayong araw dahil nakabalik si Young Master Andrew. Hindi ko alam kung ano ang trabaho ni Andrew, pero mukhang napakahusay niya sa ginagawa niya. Maging si Master ay magalang sa kanya. May pagmamalaki sa mukha ni Miss habang nakangiti. Sinabi niya sa akin na ang kanyang kuya ang pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo at naglilingkod ito sa bayan......Tatlong araw na nanatili sa bahay si Young Master Andrew bago muling umalis. Sinabi ni Miss na kailangan nitong gampanan ang isang napakahalagang misyon at matagal-tagal pa bago ito makakauwi. Labis na nalungkot si Miss dahil matagal na naman niyang hindi makikita ang kanyang kuya......Pagkabasa nito, sinulyapan
"Mute! Tumigil ka riyan!" sigaw ni Alexa mula sa malayo.Ngunit matagal nang nakalayo si Anton. Hawak ang gamot na nakuha niya, mabilis siyang tumakbo patungo sa kuwarto ni Arrianne sa ikalawang wing. Hindi nagtagal ay nakarating siya sa pinto at nakita niyang naghahanda nang lumabas si Arrianne.Maliit lamang ang pangangatawan ni Arrianne, na may taas na mahigit kaunti sa 1.6 metro. Gayunpaman, hindi siya mukhang sobrang payat dahil likas na maliit ang kanyang pangangatawan. Sa hitsura, medyo kahawig niya ang nakababatang kapatid ni Anton na si Andrea.Hindi maganda ang kanyang kutis, at paminsan-minsan ay umuubo siya. Hindi matiyak kung dahil ba iyon sa sipon o likas lamang siyang inuubo. Napakapayat niya, na para bang kaya siyang tangayin ng malakas na hangin anumang oras."Wilson, nabili mo na ba ang gamot?" mahinang tanong ni Arrianne.Kasingbanayad ng kanyang personalidad ang kanyang boses. Mahina at matamlay iyon, ngunit may taglay na init na kayang magpainit sa puso ng sinuman
Ngayon ay may malaking kaganapan sa New Haven Office.Ang presidente ng Saldivar Empire ay personal na mag-iinspeksyon sa progreso ng proyektong ipinagkatiwala nila sa VGC, kaya mataas ang alerto ng buong engineering department ng VGC.Dahil sa mga balitang lumabas ilang araw na ang nakalipas tungk
Nagulat ako sa bigla niyang pagbabago ng ekspresyon. Hinablot niya ang kuwelyo ko kaya hindi ako komportable. Dahil natatakot akong agawin niya ang bato ko, dali-dali ko itong tinakpan gamit ang dalawang kamay.Ganoon din ang ginawa ng matandang babae noong nakaraan, at ganoon din ang reaksiyon niy
Samantala, ay nagsisimula na ang pinakaemosyonal na parte ng kasal.“Mr. Daniel Corpuz, tinatanggap mo ba si Marionne Villamor, bilang iyong kabiyak, sa hirap o ginhawa, sa karamdaman man o sa kalusugan, habang kayo ay nabubuhay?" tanong ng pari habang hawak ang bibliya.“Opo,” walang pag-aalinlang
Samantala, sa loob ng isang pribadong kwarto.Iba't ibang klase ng putahe ang nakahain sa hapag. May fresh tuna, malalaking lobsters, at kung ano-ano pa.“Sigurado akong hindi mo pa natitikman ang mga ito. Bukod sa mahal na ay de kalidad pa ang mga sangkap na ginamit!” Mabilis na sumandok ng pagkai












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews