MasukSa bawat panlabas na anyo may nakatagong baho. Sa bawat magagandang ngiti, may pagkakamaling nakakubli. Kahit pilit na takasan, wala pa ring mapupuntahan, dahil ang isang kasinungalingan nagbunga ng isang malaking kasalanan. Franceska Aurelia nagtatrabaho bilang isang dancer sa isang high-end bar — maganda at sexy. Patuloy na nagmamahal sa isang lalaki na nakatali na sa iba, si Sebastian Montellon. Ang lihim na pagtingin ay nagbunga ng isang pagnanasa na parehong hindi nila magawang pigilan kahit na patuloy nila itong labanan. Ngunit paano kung ang isang bawal na pagmamahalan ay itinago at ikinubli para matakasan? Patuloy kaya nilang matakasan ang pag-iibigan na alam nilang mali na sa umpisa palang?
Lihat lebih banyakCESKA
Ganito siguro talaga ang mangyayari sa buhay mo kung isa ka lamang mahirap at desperada na magkaroon ng magandang buhay. Yung tipong handa mong gawin ang lahat kahit na alam mo na ang magiging kapalit nito ay sarili o dignidad mo. Hindi ko alam kung kailan nag-umpisa ito. Hindi ko alam kung kailan ako nasanay na sa araw-araw ganito ang sitwasyon na kahaharapin ko. Hindi ko alam kung kailan eksaktong naging madali ang magsinungaling. Siguro noong una, mahirap pa. Pero habang tumatagal natutunan ko rin pala. Siguro ngayon mukhang eksperto na ako sa larangang iyon. Dahil natuto akong ngumiti kahit pagod. Natuto akong tumawa kahit wala naman talagang nakakatawa. Natuto akong magsuot ng kumpiyansa kahit sa loob-loob ko ay ayoko na sa sitwasyon na ito. Dahil sa mundong ito walang puwang ang kahinaan. Walang puwang ang salitang 'ayoko na'. At walang puwang ang duwag. Dapat matapang ka. Dapat handa kang harapin ang lahat ng taas ang noo. Dapat kaya mong sikmurain ang lahat. Dahil kapag ipinakita mong may dinadala kang sakit, may mga taong gagamitin iyon laban sa’yo. Kapag pinakita mong mahina ka, mas dudurugin ka lang nila. Kaya sa bawat gabing sumasapit, bago ako humarap sa salamin ng dressing room, isa-isa kong ibinabaon sa loob ang lahat ng dapat itago. Takot. Pagod. Galit. Pagsisisi. Tahimik akong nakaupo sa harap ng salamin habang inaayos ang manipis na strap ng suot kong damit. Maikli iyon. Masikip. Sapat para ipakita ang katawan na araw-araw kong ginagamit upang mabuhay. Kulang na nga lang para na akong walang suot. Sa paligid ko, abala ang ibang babae. Naghahanda na sa susunod na mangyayari. May nagtatawanan. May nagkukuwentuhan tungkol sa mga regular customer nila. May nag-aaway tungkol sa perang kulang sa bill. Karaniwang ingay na matagal ko nang nasanay pakinggan — na hindi ko alam magagawa kong tiisin gabi-gabi. “Princess, ikaw na ang susunod.” Hindi ko agad sinagot si Mika nang marinig ko ang pangalan ko — hindi tunay na pangalan. Nakatingin lang ako sa sarili ko sa salamin. Parehong mukha pa rin. Parehong matang marunong magtago. “Hoy, naririnig mo ba ako?” muli niyang tanong, tinapik pa niya ng bahagya ang aking balikat. “Oo,” maikli kong sagot bago tumayo. Hinila ko ang buhok ko sa likod, saka huminga nang malalim. Kinuha ko ang maskara na madalas kong gamitin at isinuot ito. Isa na namang gabi. Isa na namang mahabang oras ng pagsayaw, pakikisama, at pakikipag-usap sa mga lalaking ang tanging gusto lang ay mahawakan ang gustong hawakan. Nang marating ko ang entablado, agad akong sinalubong ng malakas na tugtog at halo-halong ilaw mula sa loob ng bar. Huminga ako ng malalim. Ito na lang siguro ang buhay ko. Parehong eksena. Parehong amoy ng alak. Parehong tingin ng mga taong narito upang pansamantalang makakuha ng saya. At gaya ng dati, kailangan kong maging bahagi ng gabi nila. May mga sumipol at sumisigaw na kahit hindi pa man ako nag-uumpisang sumayaw. May mga tumawag sa pangalan ko. May naghahagis na ng pera sa entablado para sa akin. May mga pamilyar na mukhang na gabi-gabing narito. Kasabay ng pag-agos ng musika, dahan-dahan akong gumalaw. Sanay na ang katawan ko rito. Tanda ko pa noong una kong sabak dito — halos ayokong sumayaw. Bakit ko naman kasi gagawin iyon di ba? Lalo na sa harap ng mga lakaki. Pero kailangan — kinailangan ko itong gawin para kay lola na siya na lamang kasama ko sa buhay. Kapag sumasayaw ako, hindi puwedeng isipin ang bayad sa bills. Hindi puwedeng isipin ang tawag ng landlord sa tuwing nahuhuli akong magbayad ng upa. Ngunit minsan may mga gabing kahit gaano ka kahanda, may isang tinging sapat para guluhin lahat. Habang umiikot ako sa gitna ng ilaw, may kung anong pumukaw sa paningin ko mula sa pinakadulong bahagi ng VIP section. Isang lalaking tahimik lang na nakaupo. Hindi kagaya ng iba na maingay. Hindi kagaya ng iba na nakatingin na parang gutom. Tahimik lamang. At diretsong sa akin ang tingin. Sa unang segundo, akala ko nagkamali lang ako. Pero nang muli akong mapatingin, parang may biglang humigpit sa dibdib ko. Siya. Mabilis akong napaiwas ng tingin. Ngunit huli na. Kahit ilang buwan ko nang pinilit kalimutan ang mukha niyang iyon, hindi pala ganoon kadaling burahin ang isang taong minsan nagparamdam sa akin na p'wede pa rin akong irespeto sa kabila ng estado ko. Si Sebastian Montellon. Hindi ko alam kung bakit nandito na naman siya. Hindi ko alam kung bakit sa loob ng ilang buwan — nagpakita ulit siya. Mas pinili ko na lamang ituon ang pansin sa tugtog kesa sa kaniya. Sa bawat galaw. Sa bawat segundo ng sayaw. Pero kahit pilit kong nilalayo ang isip ko, ramdam ko pa rin ang titig niya. Nakahinga na ako nang maayos pagkatapos ng set ko, agad akong bumaba ng entablado nang hindi tumitingin sa direksiyon niya. Sana lang mali ako na ako ang ipinunta niya rito. Pagkapasok ko sa backstage, agad akong kumuha ng tubig. Ngunit bago ko pa man maidikit sa labi ang bote, lumapit si Pat — ang floor manager. “VIP request.” Hindi ko siya tiningnan. Nagpanggap na abala sa pag-aayos ng aking sarili. “Pass.” “Hindi puwedeng tumanggi.” Mariin kong naipikit ang aking mga mata. Kahit hindi ko na tanungin, alam ko na kung kaninong request ito. “Pagod ako, sa iba mo na lang ibigay," saad ko. Ayoko siyang harapin. Ayoko siyang kausapin. Ayokong marinig ang tinig niya. Dahil alam ko sa sarili ko na kapag nangyari iyon — baka bumigay ako. At hindi iyon tama. “Si Montellon ang nag request sa'yo. Ikaw ang gusto niya. At alam mo na kapag VIP request — malaking datong ang maiuuwi mo. Dagdag pa iyon sa bayarin mo..." Mabagal kong ibinaba ang hawak kong tubig. “Sabihin mong umuwi na ako." Hindi pa rin ako nagpatinag. Alam ko naman na kayang-kaya niya akong bayaran ng malaki, ngunit ayokong tumanggap ng kahit na ano mula sa kaniya. “Franceska…” Huminga ako nang malalim. Minsan, gaano man katagal mong iwasan ang isang bagay, darating at darating ang sandaling haharapin ka pa rin nito. Sa huli, wala akong nagawa, dahil mukhang naramdaman ng boss namin na tatanggi ako kaya siya na ang nakipag-usap sa akin. Samu't saring salita na naman ang narinig ko mula sa kaniya. Pagbukas ko ng pinto ng private room, agad ko siyang nakita. Tahimik. Nakaupo. May hawak na baso ngunit hindi iniinom. At gaya ng dati, may kung anong bigat sa presensya niya na hindi ko maipaliwanag. Ipinagsawalang bahala ko ang pagwawala ng aking sistema. Hinarap ko siya nang buong tapang. “Hindi ko akalaing pupunta ka rito,” unang sabi ko bago tuluyang isara ang pinto. Nag-angat siya ng tingin. Nanatiling walang pakealam ang tingin ko sa kaniya. “Hindi ko rin akalaing makikita pa kita rito.” Malamig ang tinig niya. Bahagya akong natawa ngunit walang saya. “Malamang trabaho ko ito." Sandali siyang natahimik. “Franceska." Ayaw ko kung paano niya binigkas ang pangalan ko. At sa tuwing binabanggit niya ng buo ang pangalan ko, alam kong hindi na siya natutuwa. At ano naman sana ang pake ko di ba? “Kung wala kang kailangan, babalik na ako sa labas..." “Engaged na ako.” Napatigil ako. Muli akong humarap sa kaniya Alam ko. Lahat yata ng business pages sa lungsod ay naglabas na ng balitang iyon. Sebastian Montellon and Celestine Demontaverde Perfect couple. Perfect future. Perfect world. Perfect combination. Lahat ata ng p'wede nilang i-caption masabi lang na perfect sila ay ginawa na na nila. “Edi congratulations,” sabi ko nang diretso. Sarkastiko. Ngunit hindi siya ngumiti. Sa halip, mas lalo lamang tumalim ang tingin niya. “That's it?" Nagtaas agad ang kilay ko. "Ano bang gusto mo? Magpa-party ako? Sumayaw sa harapan mo?" Nanatili akong sarkastiko. "Umuwi ka na lang kaya? May fiance ka na. Ikakasal ka na. Dapat hindi ka na nagpupunta pa sa mga lugar na ito." “Hindi ko alam kung bakit sa tuwing gusto kong huminga, dito ako napupunta.” Hindi ko inaasahang maririnig iyon. Pero hindi ko ipinakita sa kaniya na nakaapekto ito sa akin. “Maraming lugar para huminga.” “Pero dito lang tahimik.” Muli akong natawa. "Seryoso ka ba..." "Dahil nandito ka," putol niya sa sasabihin ko. Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaupo. “Sebastian, mali ito." Hinila niya ako palapit sa kaniya. Tila walang pakealam sa mundong naghihintay sa kaniya. “I know..." Napasinghap ako nang mabilis niyang inangkin ang aking labi. Gustuhin ko man siyang itulak ngunit mas lalo lang akong hinihigop ng aking sistema. "Give me this night, Baby..." Mas lalong naging mapusok ang kaniyang halik at haplos. "Just this night." "Pagkatapos ba nito tatantanan mo na ako?" Bahagya siyang tumigil. Tumitig siya sa akin. Hinaplos ang aking mukha at saglit na hinalikan ang aking labi. "I can't promise that... because you know — no matter what I do, lagi akong bumabalik sa iyo.' Isa akong bayarang babae — madumi kung tawagin ng karamihan na nakakaalam kung ano ang trabaho ko... pero sa kabila ng lahat ng iyon si Sebastian ang nagpatunay sa akin... na ang kagaya ko — p'wede paring itrato nang tama. Ngunit lumipas ang mga araw. Pagkatapos naging linggo. Pagkatapos buwan. At gaya ng inaasahan ko — hindi na siya bumalik. At marahil iyon ang tama. ---CESKATatlong araw kaming nag stay sa kaniyang rest house. Wala kaming sinayang na oras. We enjoyed every second that passed. Kung p'wede lang siguro na manatili na lang kami roon, gagawin namin. Kaya lang may responsibilities pa rin kami na kailangan naming harapin.Nevertheless, what we have right now is better than before."Naghuhubad ba sa harapan mo yang selpon mo?" Nakuha ni Belle ang atensyon ko. "Kung makangiti ka kasi, parang nag i-strip dance yang ka-chat mo." Napairap ako. "Kapag inggit, pikit," panunuya ko."Hindi ako inggit. Aanhin ko naman ang lalaki sa mundo kung masaya ako sa single life ko, di ba?""So you're still single."Pareho kaming napatingin sa nagsalita. Agad namang nagsalubong ang kilay ni Belle. Ako? Pasimpleng napangiti na lang."So?" Napakamot ng batok si Ren. "Bakit single ka pa?"Tanong ko rin iyan. Simula kasi nang maghiwalay sila naging man hater na ang gaga. Na tingin niya sa mga lalaki lolokohin at ipagpapalit lang siya. Hindi ko rin naman kasi siy
CESKAHindi ko alam kung saan ibabaling ang aking ulo habang patuloy sa pagkain sa akin si Sebastian. The way his tongue licks me — I swear it's hella heaven."Ohhhhh..." Napaliyad ako dala ng sarap ng ginagawa niya.Hindi lang niya ako basta dinidilaan, sinisigurado rin niya na makakakain niya ako ng buong-buo. Tipong wala na siyang ititira pa sa akin."Ahhhh...." Nanginig ang buo kong katawan... kasabay ng paglabas ng mainit na likido mula sa akin.But he didn't stop... not even a second — he continued eating the whole of me... enjoying every inch."S-Seb... ahhhhhhh...." Napahigpit ang hawak ko sa comforter. "Ahhhhhhh..."Puro ungol na ang lumalabas sa aking bibig. He bit my clit. He licked me again. Seconds after — he sat between my legs as he hold his hard big dick."Naughty," I muttered giggling when he tries to brush his dick against me — teasing. "Seb, stop it."He is really making fun of me. He chuckled."Why, Babe? Want it get inside you now?"My eyes rolled again. Damn it.
SEBASTIAN When she told me I can pick her up, I already know something is wrong.The moment I heard that she had an argument with Rances, I already know — she's hurt. That even though, she keeps telling me she's fine, her eyes says otherwise.She could even smile if she wanted to.But I had spent years memorizing every version of her silence.Akala ko, ako lang ang pagod — pero mas pagod pala siya.I tightened my grip on the steering wheel as we drove through the quiet highway.Neither of us spoke. The radio remained off.The only sound inside the car was the occasional hum of the engine and the rain that had begun to lightly tap against the windshield.I glanced at her.She was leaning against the window, absentmindedly watching the passing lights. I saw how she keep sighing, but instead asking her again — I chose not to.I hate seeing her acting this way But if there was one thing I wanted to do for the rest of my life... it was to try. To keep on trying for the both of us.Almost
CESKA Tuloy-tuloy pa rin ang palihim na pagkikita namin ni Seb. Kulang na nga lang ay tumira siya sa bahay o di kaya naman mag stay kami sa kaniyang rest house. He became more vocal too — he always told me everything... every detail. Para bang natatakot siya na hindi niya masabi sa akin lahat. Way too honest.Kakauwi ko lang galing sa hospice, binisita ko si Lola. Kahit papaano ay bumubuti ang lagay niya, siguro dahil tuloy-tuloy na rin ang gamutan niya. Well, it all thanks to Seb. Ayoko mang tanggapin ang tulong niya, wala naman akong magawa. He's too persistent.Kaya mas natatakot ako na baka sa huli, ang maging tingin talaga nila sa akin ay pera lang ang habol ko sa kaniya. Of course not. What I feel towards him didn't change at all. I like him. I really do. O goodness gracious! What am I even thinking?"Kumusta si Lola?" Napatigil ako sa aking ginagawa. Tumingin ako kay Rances na ngayon ay nakaupo na sa tapat ko. Nakatingin sa akin na para bang hinihintay niya ang sasabihin ko.
CESKA After what happened that night, I thought that was the last time I would see him again, but I was wrong, because right now I'm glaring at him right in front of me — and I swear... even without trying, he is getting into my nerves already. Ugh! Damn it! "What do you want again?" I asked, stil
CESKA Alam kong mali pero ginawa ko pa rin, para sa ano? Sa kagustuhan ko rin naman. Dahil alam ko na kahit na anong tanggi ko, kahit na anong pigil ko sa sarili ko — basta pagdating sa kaniya, bumibigay ako. Ibinigay ko pa rin ang isang gabi na hinihingi niya. Isang gabi na alam kong pagsisisi
CESKA Lately, nakakaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan. Madalas akong mapagod kahit wala pa naman akong masyadong ginagawa. Yung pagkahilo ko hindi na rin normal. Kulang na nga lang ay humilata lang ako sa aking kama at walang gawin ngunit kailangan ko namang magtrabaho. Hindi puwedeng tumi
CESKA"Girl, tiba-tiba ka naman ngayong gabi ah," puna ni Mira sa akin habang abala ito sa pag re-retouch. "Dapat hindi Princess ang pangalan mo eh, Reyna dapat."Natawa ako dahil sa sinabi niya, ngunit tawa ito na walang saya."Sira.""Totoo naman kasi. Kung may award lang na darling of the crowd







![Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)










Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.