Share

KABANATA 6

MABILIS lumipas ang panahon. Isang taon na rin simula no’ng aksidenteng napagkamalan ni Danica si Dylan bilang si Andrie. At sa tinagal-tagal nga ng panahong muling nagkrus ang kanilang mga landas, sa simbahan rin ang tuloy.

“Ma’am, baba na po.”

Tumalima si Danica sa utos ng bantay. Ipinagbukas siya nito ng pinto. Nakakatawa, hanggang sa kasal niya ay nakaitim ang mga ito.

Eksaktong pagtapak niya sa aisle ay pumainlang ang isang sikat na awitin. Lahat ng mga mata mula sa loob ay sa gawi niya nakatingin na tila hinintay ang kaniyang pagdating.

[IkAW AT AKO by Moira Dela Torre]

- Sabi nila

Balang araw darating

Ang iyong tanging hinihiling..

Tila slow motion ang ginawa niyang paglakad. Sobrang bigat ng kaniyang mga paa. Pangarap niyang maikasal.. pero sa taong mahal niya.

Pasimple niyang hinanap ang kinaroroonan ng mga mahal niya at nakakatuwang mababakas sa mukha ng mga ito ang kaligayahang sa pag-aakalang ganoon rin ang nararamdaman niya.

- At no’ng dumating

Ang aking panalangin
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status