Share

KABANATA 18 (B)

PALIHIM na hinanap ni Dylan ang asawa. Hinayaan niya muna ito kay Lily kanina habang abala siya sa mga kausap niya. Matagal na hindi nagkita ang dalawa kung kaya’t gusto niyang sulitin ng mga ito ang oras na magkasama. Isa pa, alam niyang walang ka-amor-amor si Danica pagdating sa usaping negosyo. Baka mabagot lamang ito.

Hindi siya nabigo. Nakita niya si Danica. Pero bukod kay Lily naroon din ang mag-asawang Francine at Andrie. At hindi niya nagustuhan ang ideyang iyon.

Hindi pwedeng magsama ang dalawa, aniya.

Nakaramdam siya ng pag-aalala nang mabanaag ang lungkot sa mukha ng asawa. At sa tingin niya ay si Andrie na naman ang dahilan niyon.

Kaya nang tumayo si Danica at umalis ay hindi na siya nagtaka. Marahil ay magtatago na naman ito sa isang sulok para umiyak, at naiinis siyang isipin iyon.

Pero ang hindi niya inasahan ay ang ginawa ring pagtayo ni Andrie.

Lihim siyang napamura.

No way!

Agad siyang umalis sa kumpulan para sundan si Andrie. Ni hindi na siya nagpaalam pa sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status