Share

KABANATA 18 (A)

DUMATING na rin ang gabi ng grand event ng DM’s Apparel makalipas ang tatlong buwan, ang launching ng mga bagong designs nito with Venice. Naging matagumpay naman ang naturang event. Sa katunayan, mas dumami pa ang potential investors sa dalawang kompanya.

“Hoy dzai, hinay-hinay lang, mukha kang dead hungry!” histerikal na saway ni Lily kay Danica. Nakadalawang plato na ito ng pagkain at mukhang magkakaroon pa ng pangatlo.

Pero imbes na sumagot ay isang irap ang isinukli ni Danica kay Lily bago sumubo ng steak. Inimbitahan niya ito at si Sheila para hindi siya ma-out of place kung sakali pero hindi nakarating ang huli dahil sa may importante itong lakad.

“Hay, Diyos ko naman! Hindi ka ba pinapakain ni Dylan?”

“Hindi,” maikling sagot ni Danica para lang matigil ang kaibigan. Wala siya sa mood kanina pa at sa kinakain niya ibinubuhos ang sama ng loob.

“Joke ba ‘yan? Hindi kasi halata.”

Tumigil si Danica sa pagkain at napahalukipkip. Gusto niyang batukan ang kaibigan dahil sa kadaldl
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status