Share

KABANATA 8 (A)

NAALIPUNGATANG nagmulat si Danica ng mga mata. Si Dylan ang una niyang nasilayan habang nakapangalumbabang nakatunghay sa kaniya, pangiti-ngiti.

“Can I have my goodbye kiss?”

Umirap siya. Kahit sa panaghinip nang-aasar si ATM boy. At bago pa man siya makasagot ay dumukwang na ito at mabilis siyang ginawaran ng halik. Asar na isinubsob niya ang mukha at pumikit ulit.

“HOY, dzaiiii!”

Ngiwing napabalikwas si Danica ng bangon dahil sa tili ni Lily. Pakiramdam niya nabasag ang kaniyang eardrums sa pagsigaw nito.

“Arat sa baba. Pa-barbecue party si Mommy Cassandra mo bago kami gumora mamaya.”

“H-ha?”

“Dali na! Bihis na at nang makapag-almusal ka na. Tutulungan mo pa kaming mag-ihaw!”

Nakapikit pa ang kabila niyang mata nang hilain siya pababa ng kama ni Lily. Wala siyang nagawa kundi ang magpatangay rito.

SA likod ng mansyon kung saan naroon ang pool ay napili ni Danica na doon mag-almusal. Sina Lily at Sheila ay abala sa pag-iihaw. Ang Nanay at Mommy niya ay nasa pasemano ng pool at muk
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Elfa Masri Roy
Next please ganda ng kwento
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status