Boyfriend
Kinabukasan, alas-singko pa lang ng umaga ay nandito na ulit si mama. Kaya naman may oras pa ako para umuwi at makapag-ayos. Gusto ko mang bantayan na lang si Danico ay hindi puwede dahil may klase pa ako.
"Mag-iingat ka, Dawn," bilin ni Mama.
Tumango ako. "Opo, 'Ma. Alis na po ako."
Lumabas ako mula sa kuwarto at naglakad patungo sa sakayan ng tricycle. Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko pa sila Papa at Laiza na kumakain ng almusal kaya sumabay na ako.
"Anak, pakisabi doon sa kaibigan mo, salamat sa pinahiram niyang pera," sabi ni Papa bago uminom ng tubig.
Napahinto ako at bigla kong naisip si Theros. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung siya ba talaga ang nagpahiram sa akin ng pera. Alam ko naman na may tinatago talaga siyang kabaitan pero hindi lang talaga maisip na siya pa ang tutulong sa akin.
"Sige p
Continuation“Half-brother?” gulat kong tanong. Magkapatid sila? Pero...paano naman nangyari ‘yon? Kung magkapatid sila, bakit ang laki ng galit ni Lino kay Theros? At kung magkapatid nga sila, bakit ipapahuli ni Theros si Lino sa mga tauhan niya?Muling natawa si Lino pero saglit lang iyon. “Mukhang napaimbestigahan mo na ang pagkatao ko. Ano pa ang mga nalaman mo? Nalaman mo ba na kabit lang ng ama ko ang nanay mo? Na nauna kaming naging pamilya bago sinira ng nanay mo ang buhay namin? At sa huli, ang nanay mo ang pinakasalan ng walang k’wenta kong ama!”“Kaya ka nagagalit at naghihiganti ngayon nang dahil lang sa pinakasalan ni dad si mommy. Hindi mo ba naisip na baka may dahilan si dad kaya gano’n ang ginawa niya?” tanong ni Theros.Pagak na natawa ulit si Lino. “Lang? At anong dahilan? May tama bang dahilan para abandonahin niya kami ng nanay ko! Na kahit nagmamakaawa ako no’n na tulungan niya kami dahil may sakit si
HALF-BROTHERHindi maalis ang tingin ko kay Lino habang naghahain siya ng pagkain sa mesa. Mas kalmado na ang itsura niya ngayon kumpara kanina pero mapapansin pa rin na may malalim siyang iniisip. Nang mailapag niya ang tubig sa mesa ay tumingin siya sa akin. “Let’s eat,” sabi niya bago naupo sa katapat kong upuan. Tumango lang ako at nagsimula na ring kumain. Iyon nga lang, halos hindi ko magawang lunukin ang pagkain dahil masiyadong naglalakbay ang isip ko.Si Lino, nagkakilala lang kami sa gas station. Naging malapit agad kami sa isa’t isa dahil pareho kami ng estado sa buhay. Parehong nagsisikap para makaahon sa kahirapan. Mabait siya. Mabait naman talaga siya bilang kaibigan. Iyon nga lang, napansin ko ang pagbabago sa ugali niya sa tuwing may kinalaman kay Theros ang pinag-uusapan namin.Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung bakit gano’n na lang katindi ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Para bang may mas malalim pang dahilan. Bahagya akong nagulat nang tumunog ang doorbe
Give Up ||Bawat taong dumarating sa buhay natin ay may kaniya-kaniyang misyon. Mayroong nandiyan para gabayan ka sa bawat desisyong gagawin mo. Iyong iba, dumarating para pasayahin ka kahit sa maikling panahon lang. At mayroon din namang dumarating sa buhay mo para magbigay ng pagmamahal at sa huli...bibigyan ka ng sakit at luha.Pero hindi ka dapat malungkot dahil doon. Bawat luha na pumapatak sa mga mata ay may katumbas na aral sa buhay.Nagising ako isang umaga pero hindi ko kaagad naimulat ang mga mata ko. Sinubukan kong bumangon pero parang ang bigat ng katawan ko. May sakit na naman ba ako? Kinapa ko ang sarili ko pero hindi ko naman maramdaman kung mainit ba ako o hindi. "Dawn, ayos ka lang ba talaga? Parang ilang araw ka nang hindi natutulog ah," nag-aalalang tanong ni Ysabel.Bahagya akong natawa bago ko kinuha ang bag ko mula sa upuan. Tapos na ang klase namin sa araw na ‘to at didiretso na ako sa karinderya. "Ayos lang ako, Ysabel. Ikaw yata ang hindi okay diyan, e.
ContinuationNapayuko ako sa naisip ko. Unti-unting lumalabo ang paningin ko sa pangingilid ng luha pero pinunasan ko ito kaagad. Ayaw kong umiyak sa harapan nila. Ayaw kong magmukhang mahina. "Why? Is there something wrong?" tanong ni Yvonne at nang mag-angat ulit ako ng tingin ay napatingin din siya sa akin. Bahagyang kumunot ang noo niya. "Wait...I know you. We bumped to each other at the elevator last night. You remember me?"Hindi ako nakasagot agad dahil iniisip ko pa ang sinabi niya. Naalala kong may nakabungguan nga akong babae sa elevator sa condo ni Theros. Siya pala 'yon. Nakakatawa. Sobrang liit talaga ng mundo. O sadyang napagkakaisahan lang ako."You don't remember me?" tanong niya ulit. "Last night kasi pumunta ako sa condo ni Theros. I wanted to surprise you but it turns out na nandoon ka na pala sa condo ko." Hindi ko na kaya. Masiyado nang kumikirot ang puso ko dito. Kailangan ko nang umalis. Kailangan ko nang makalayo bago pa ako tuluyang bumigay. Bago ko pa pagmu
Engaged"Pagkatapos po ng klase ko, didiretso na ako sa ospital," sabi ko kay mama pagkatapos naming mag-almusal.Tumango si mama at bahagyang ngumiti. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagod. Mukhang hindi rin siya nakatulog kagabi sa pag-aalala. Kahit ako, hindi ko magawang pumikit man lang. "Sige, Dawn. Mag-iingat ka sa biyahe," bilin ni mama.Binalingan ko ng tingin ang dalawa kong kapatid. Alam na nila ang nangyari kay papa at alam kong nalulungkot din sila. Pero hindi pa sila puwedeng sumama sa ospital. Masiyado pa silang bata at may pasok din sila sa school."Danico, Laiza, mag-aaral kayo nang mabuti, ha? Huwag magpapasaway," sabi ko sa kanilang dalawa.Sabay naman silang tumango. "Opo, ate."Nang makapagpaalam ay kinuha ko na ang bag ko at pumasok na sa school. Habang naglalakad papasok ng gate ay napansin ko na parang may kakaiba sa mga estudyante ngayon. Parang mayroon silang pinag-uusapan at mukha rin silang excited. Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon at dum
CONTINUATIONHindi ko na siya kinibo pa. Inalalayan ko si mama paupo para hindi siya masiyadong mapagod. Mayamaya lang ay lumabas na ang doktor mula sa ER at agad kaming nilapitan."Doc, kumusta po ang asawa ko?" nag-aalalang tanong ni mama."Ligtas na sa panganib ang pasyente pero kailangan pa rin siyang maobserbahan hanggang sa magising siya. Ililipat namin siya sa ICU para mas mabantayan ang lagay niya," sagot ng doktor.Bahagyang nakahinga nang maluwag si mama pero alam kong nag-aalala pa rin siya. Gano'n din naman ako. Hangga't hindi nagigising si papa, patuloy pa rin ang pag-aalala ko."Salamat, doc."Umalis na ang doktor at naiwan ulit kami. Ligtas na sa panganib si papa at ang sunod naman naming poproblemahin ay ang pambayad sa hospital bills. Hindi ko pa nga nababayaran ang utang ko kay Theros noong naospital si Danico. Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to?Pakiramdam ko, padagdag na lang nang padagdag ang problema ko. Hindi ko na alam kung