Share

Chapter 33 PART 1

Engaged

"Pagkatapos po ng klase ko, didiretso na ako sa ospital," sabi ko kay mama pagkatapos naming mag-almusal.

Tumango si mama at bahagyang ngumiti. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagod. Mukhang hindi rin siya nakatulog kagabi sa pag-aalala. Kahit ako, hindi ko magawang pumikit man lang.

"Sige, Dawn. Mag-iingat ka sa biyahe," bilin ni mama.

Binalingan ko ng tingin ang dalawa kong kapatid. Alam na nila ang nangyari kay papa at alam kong nalulungkot din sila. Pero hindi pa sila puwedeng sumama sa ospital. Masiyado pa silang bata at may pasok din sila sa school.

"Danico, Laiza, mag-aaral kayo nang mabuti, ha? Huwag magpapasaway," sabi ko sa kanilang dalawa.

Sabay naman silang tumango. "Opo, ate."

Nang makapagpaalam ay kinuha ko na ang bag ko at pumasok na sa school. Habang naglalakad papasok ng gate ay napansin ko na parang may kakaiba sa mga estudyante ngayon. Parang mayroon silang pinag-uusapan at mukha rin silang excited.

Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon at dum
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status