Share

Kabanata 34

Give Up ||

Bawat taong dumarating sa buhay natin ay may kaniya-kaniyang misyon. Mayroong nandiyan para gabayan ka sa bawat desisyong gagawin mo. Iyong iba, dumarating para pasayahin ka kahit sa maikling panahon lang.

At mayroon din namang dumarating sa buhay mo para magbigay ng pagmamahal at sa huli...bibigyan ka ng sakit at luha.

Pero hindi ka dapat malungkot dahil doon. Bawat luha na pumapatak sa mga mata ay may katumbas na aral sa buhay.

Nagising ako isang umaga pero hindi ko kaagad naimulat ang mga mata ko. Sinubukan kong bumangon pero parang ang bigat ng katawan ko.

May sakit na naman ba ako?

Kinapa ko ang sarili ko pero hindi ko naman maramdaman kung mainit ba ako o hindi.

"Dawn, ayos ka lang ba talaga? Parang ilang araw ka nang hindi natutulog ah," nag-aalalang tanong ni Ysabel.

Bahagya akong natawa bago ko kinuha ang bag ko mula sa upuan. Tapos na ang klase namin sa araw na ‘to at didiretso na ako sa karinderya.

"Ayos lang ako, Ysabel. Ikaw yata ang hindi okay diyan, e.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status