Share

Chapter 32 PART 2

CONTINUATION

Hindi ko na siya kinibo pa. Inalalayan ko si mama paupo para hindi siya masiyadong mapagod. Mayamaya lang ay lumabas na ang doktor mula sa ER at agad kaming nilapitan.

"Doc, kumusta po ang asawa ko?" nag-aalalang tanong ni mama.

"Ligtas na sa panganib ang pasyente pero kailangan pa rin siyang maobserbahan hanggang sa magising siya. Ililipat namin siya sa ICU para mas mabantayan ang lagay niya," sagot ng doktor.

Bahagyang nakahinga nang maluwag si mama pero alam kong nag-aalala pa rin siya. Gano'n din naman ako. Hangga't hindi nagigising si papa, patuloy pa rin ang pag-aalala ko.

"Salamat, doc."

Umalis na ang doktor at naiwan ulit kami. Ligtas na sa panganib si papa at ang sunod naman naming poproblemahin ay ang pambayad sa hospital bills. Hindi ko pa nga nababayaran ang utang ko kay Theros noong naospital si Danico. Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to?

Pakiramdam ko, padagdag na lang nang padagdag ang problema ko. Hindi ko na alam kung
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status