Sa silong ni Kaka, may taong nakadapa.
"Hindi ako makapaniwala na bilyon ang halaga ng wedding gown mo, kapatid. Katulad ng sa akin noong kinasal kami ni Eutanes." Masayang ani ni Isadora. "Gusto ko nga sanang ebenta ito kay Rasselle pagkatapos ng kasal namin, kaso ayaw ni Red, magagalit daw siya. Kaya, itatabi ko na lang ito."Ani ni Chyrll. "Ha? Tama ba ang narinig ko. Balak mong ibenta sa akin yang wedding gown mo? Nababaliw kanaba? Wala akong balak na magpakasal, may plano na akong pumasok sa simbahan upang maging postulant." Saad ni Rasselle. Tumawa naman ang magkakaibigan dahil sa tinuran ni Rasselle sa huling sinabi nito. "Seryuso ka? Paano si Rage?" Tumatawang tanong ni Marian. "Naku! Maraming babae pa naman ang patay gutom sa lalaki, tiyak ako na maraming pipila sa Rage mo." Turan naman ni Szarina. Kibit-balikat lang ang tinugon ni Rasselle. Huling dumating si Aria sa dressing room ni Chyrll. Tuwang-tuwa ito ng makita si Chyrll. "Napaka ganda mo naman kapatid!" Puri ni Rasselle na siya sanang maid of hon
"Yaya Sherely! Marunong kaba maglinis ng kuko?" Tanong ni Aria kay Yaya. "Medyo ma'am Aria. Bakit mo po natanong? "Gusto sana namin magpalinis ng kuko. Kung sa salon pa kasi tinatamad na kami. -Pero huwag kang mag-alala babayaran ka naman namin at bibigyan pa namin ng tip. Okay ba yon?" Si Szarina na ang nagsalita. "Sege, mga madam. Tamang-tama kailangan kong makapag ipon ng pera ngayon. Malapit na din kasi ako magpaalam kay Senyorita Chyrll." Tuwang-tuwa na sabi ni Sherely. Lahat nga sila ay nakahilirang nakaupo sa sofa. "Sherely, e footspa mo muna ako bago mo ako linisan ng kuko." Utos naman ni Marian. "Ako din Sherely, kumakapal na din kasi ang kalyo ko sa paa, kasing kapal na ng kalyo ng mukha ni Marian." Saad naman ni Szarina. "Kapal talaga ng mukha mo unanong badjao! Gandang ganda ka talaga sa akin noh! Ang mukha ko na lang ang palagi mong nakikita. "Magpapalinis ba kayong dalawa o magbabangayan na lang? Mga paa n'yo na lang ang lilinisan ko." Reklamo ni Sherely.
"Mama, ang baho naman po ng kinakain mo! Ano po ba 'yan?" Tanong sa akin ni Nicolas. "Bugok, anak ko! Masarap ito. Gusto mo bang tikman? "Ayaw ko po, ang baho po eh. Amoy bulok!" Naduduwal pa na sabi ng anak ko. Natawa naman ako dahil nababahuan talaga siya. At hindi pa maipinta ang kaniyang mukha. "Masarap ito anak, tikman mo kahit kaunti lang." Pamimilit ko pa. "Ayaw ko po talaga mama. Hindi ko po kaya ang amoy, baka po sumakit lang ang tiyan ko. "Sege, anak. Kung ayaw mo hindi na kita pipilitin. "Sina Tita Aria po, at tita Isadora, tita Rasselle, tita Marian at tita Szarina, anong oras po sila pupunta dito? Ang init na po kasi, masakit na po sa balat!" Reklamo na ng anak ko. Kadarating lang namin dito sa Pilipinas, dalawang araw na ang nakalipas. Tapos narin ang isang taon na pag-aaral ng law, may dalawang taon na lang ang bubunuin ko makakapagtapos na ako ng Master of law's. Matutupas narin ang pangarap ko na makabilang sa ICC International Criminal Court. At magigi
"Sherely! Tawag ko kay yaya Sherely. "Yes, Senyorita. May ipag-uutos ka po ba? "Oo, sana. Pakilinis naman ng aming kwarto ng senyorito mo, pakidamay narin ng cr namin. Salamat!" Utos ko kay Sherely. "Masusunod po Senyorita. Pagkasabi ko kay Sherely ay tumalikod na ako. Tumungo na ako sa kusina upang kunin ang nilagang balot ko. "Red Simon!" Galit kong tawag sa aking asawa ng wala akong makita na nilagang balot sa kaserola. Nagmamadali naman lumabas ng theater room si Red . "Bakit misis ko?" Nagtataka nitong tanong sa akin. "Nasaan ang pinapalaga kong balot saiyo?!" Tanong ko. Hindi ko mapigilan ang hindi mainis ngayon. Natatakam na akong kumain ng balot, pagkatapos wala akong makikita dito. Pakiramdam ko ngayon ay umuusok na ang bunbunan ko dahil sa inis. Nararamdaman ko na rin na malapit ng bumuga ng apoy ang aking bibig, kapag hindi ko magugustuhan ang isasagot sa akin ni Red. "Nasa kaserola, asawa ko. Kumalma ka! Masama saiyo ang nagagalit!" Nag-aalala nitong sab
Red Ilang araw matapos ang araw na dinala ko sa isang lugar na tahimik at kami lamang ni Chyrll ang tao, ay hito ako ngayon. Kinakausap ang wedding planner, na mag-asikaso ng aming kasal pagkatapos ng klase sa pag-aaral ng abogasya ni Chyrll. Sobra akong excited, hindi na ako makapaghintay na maging legal siyang asawa. Iyong bukal sa loob niya at walang sapilitan. Nong nagpropose ako sa kanya, akala ko hindi niya tatanggapin ang alok kong kasal. Mabuti na lamang, bago ko ulit siya tanongin ay tinanggap na n'ya ang alok ko. "Ito po sir, bagay na bagay po ito sa iyong mapapangasawa. Tiyak na maraming matutuwa kapag ito po ang kaniyang sinuot sa araw ng kasal ninyo." Wika ng babaeng wedding planner. "O sege, ito na lamang. At ganitong desenyo na rin para sa kasal namin." Turo ko sa babae. Ang napili ko ay iyong mala fairy tail. Gusto ko kasi na kakaiba ang kasal namin sa naging kasal ng aking mga kaibigan. Gusto ay nakakaangat sa lahat. "Noted po sir. Sukat na lang po ng kataw
"Papa, sabi mo po tigasin ka? Bakit po ikaw ang naglalaba ng marurumi naming damit?" Tanong sa akin ni Luigi. Napakamot naman ako ng kilay. "Oo anak! Tigasin nga ako, tiga laba, tiga luto at tiga plantsa. "Ha! Paano po nangyari 'yon papa?" Nalilito na tanong ni Luigi. "Ganito kasi iyon, anak! Kapag mahal mo ang ina ng mga anak mo, hindi mo hahayaan na mapagod siya. Katulad ng ginagawa ko, o diba tigasin ako." Paliwanag ko sa aking anak. "Ganun po pala 'yon, sege po papa. Kapag nag-asawa po ako paglaki ko ganyan din po ang gagawin ko. Hindi na po ako kukuha ng yaya, katulad ni yaya Sherely. Ako na lang po ang gagawa ng lahat ng gawaing bahay. "Huwag naman ganun, anak! Kailangan mo rin kumuha ng kasambahay upang may makatulong ka. Dahil, kailangan mo din magtrabaho para buhayin ang pamilya mo. Hindi porket mayaman tayo, maraming pera ay dito ka lang sa loob ng bahay maghapon." Paliwanag ko pa upang maintindihan lalo ng aking anak. Napaisip naman ito sa aking sinabi. "Ganun po