"Subukan mong basahin ang aklat na ito," alok ni Hogan at nag-abot na naman siya ng isang aklat kay Jehanne.
Agad na nahumaling si Jehanne sa ibinigay na aklat ni Hogan na may kulay pulang pabalat na dinisenyuhan din ng maliliit at pira-pirasong batong kumikinang. Ngunit bago pa mabuklat ni Jehanne ang aklat, ginulat siya ng isang pamilyar na boses,
"Nandito ka lang pala."
Napabalikwas si Jehanne sa kinauupuan nang makitang nasa likuran nila si Andrei. Walang ekspresyon ang mukha nito.
"A-Andrei, kanina ka pa ba riyan?"
"Mga isang segundo," kalmadong sagot ni Andrei.Tumayo si Jehanne at inayos ang sarili. "Pasensya na. Medyo nainip kasi ako kahihintay kaya nagpunta ako rito." Magpapaliwanag pa sana siy
Madilim sa loob ng silid, pero nakikita nang malinaw nina Andrei at Jehanne ang paligid dahil sa kapangyarihan ng mga bato nila. Sa loob, nakita ni Jehanne ang isang babae at isang lalaki. Nakahiga ang lalaki sa malambot na kama. Nakaupo ang isang babae sa ibabaw niya, si Nathalia Fortes, base na rin sa pangalang nasa ulunan nito. Maganda siyang babae. Maputi ang balat niya. Alon-alon ang itim niyang buhok na hanggang baywang. Nakabibighani ang mga mata niya. Mayroon siyang matangos na ilong at mapupulang labi. Kapansin-pansin din ang malulusog niyang dibdib na higit na humahalina sa lalaking kasama niya. "Sigurado kang walang ibang tao rito? Baka mamaya biglang dumating yung asawa mo," pangamba ng lalaki. "Magtatanong ka pa ng ganyan? Thirty minutes na nga akong nakaibabaw sa iyo. Walang ibang tao rito. Tayong dalawa lang," a
Nasa madilim na silid siya kasama si Andrei. Nakatayo siya malapit kina Nathalia at sa lalaking iniibig nito. "Simulan mo na," utos ni Andrei. Narinig niya ang malamig na boses nito mula sa likuran, pero nang lumingon siya, hindi niya na nakita ang taga-bantay. Naglaho itong parang bula. Natuon muli ang paningin niya sa dalawang taong nagmamahalan. Pinanood niya ang mga ito habang masayang naghaharutan sa kama at nagpapalitan ng matatamis na salita. Pakiramdam ni Jehanne, nalalason siya sa mga sinasabi nila. Biglang nagbago ang eksena. Nakita niya ang mismong imahe niya. Pinano
"Aray! Teka, ano ba'ng ginagawa mo?!" laking tanong ni Jehanne sa kanya. "Wala kang itim na marka..." mahinang pagkakasabi ni Hogan. "Anong itim na marka ang sinasabi mo?" naguguluhang tanong ni Jehanne. "At puwede ba bitiwan mo ako dahil nasasaktan ako." Bumitiw si Hogan sa kanya at humingi ng paumanhin, "Pasensya na." Sinundan iyon ng pagtatanong niya ng, "Kailan pa nagsimula ito?" "Ang alin?" "Ang pananaginip mo." "Kahapon... sa tingin ko." "May iba bang nakakaalam na nanaginip ka?" "Si Andrei. Ang ibig kong sabihin, si Tony."
Abot-tainga ang ngiti ni Hogan habang naglalakad para puntahan ang binabantayan niya sa silid nito. Ngayon ang ika-apat na araw ng pagsasanay. Sa mga oras na ito, dapat nakatuon na ang isip niya sa pagsasanay, pero kataka-takang hindi pa rin maalis sa gunita niya ang nangyaring pagyakap sa kanya ni Jehanne at ang kakaibang pakiramdam na hatid nito. Napaisip siya kung ganito rin kaya ang pakiramdam ni Fame sa tuwing niyayakap ito ni Andrei noong mga panahong may pagtatangi pa rito ang binata. Sa ilang taong pananatili niya sa mundong ito, wala ni isa man sa mga kakilala niya ang gumawa ng ganoon. Masarap pala sa pakiramdam kapag pinasalamatan ka, lalo na kapag niyakap ka, kahit na sabihin nating napakasimple lang naman ng ginawa mo. Nasanay rin naman kasi siyang mag-isa. Ayos lang nga sa kanya kahit na hindi niya makasama sina Fame, Harmony o Andrei sa loob ng isa
"Huwag! Huwag! Huwag please! Maawa ka sa akin!" sumamo ng isang babae. Nasa gulang na dalawampu siya. Maiksi ang kanyang buhok na hanggang baba at katamtaman ang taas ng kanyang ilong. Namamaga ang kanang pisngi niya na parang hinampas ng isang matigas na bagay. Dumudugo ang ibabang labi niya at nawala na rin ang isang pares ng hikaw niyang nakakabit sa kaliwang tainga. Walang patid sa pag-iyak ang babae. Awang-awa siya sa sarili niya dahil sa kahayupang ginawa sa kanya ng mga lalaking kasama niya ngayon. Kasama niya sa trabaho ang isang lalaki. Hindi niya kilala ang dalawa. Dinala siya ng mga ito sa isang liblib at madamong lugar dis oras ng gabi. Matapos gawin ang pambababoy sa katawan niya, nagtawanan ang mga ito na parang mga asong ulol. Ang katrabaho niya
Nakatayo sina Fame at Hogan sa labas ng Paraiso. Ipinagtataka ni Fame kung paano biglang naglaho sina Jarred at Jehanne; nawala ang mga iyon sa paningin niya samantalang kanina pa niya sinusundan ang dalawa. "Dito ko nga sila nakita, tapos bigla na lang silang nawala. Poof! Naglahong parang bula," sabi niya kay Hogan. Napataas ng kaliwang kilay si Hogan, na hindi naman kita dahil natatabunan ng buhok ang mga mata niya. Hindi siya kumbinsido sa sinabi ni Fame. "Imposible," pagkontra niya. "Magagamit lang natin ang ganoong klase ng kapangyarihan sa mundo ng mga tao. Hindi iyon puwedeng magamit dito dahil sa malakas na kapangyarihang bumabalot sa mundong ito. 'Di ba, sabi ni Cadis, hindi ka maka
"Maganda ba ang langit?" pagbasa niya sa pamagat. Binuksan niya ito at inilipat ang mga pahina. Nagsimula siyang magbasa ng ilang mga salita, pero hindi niya na naituloy nang pumasok si Andrei sa silid niya. "May ginagawa ka pala. Yayayain sana kitang lumabas," sabi nito. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Jehanne. "Kain tayo!" masiglang alok nito. Binitiwan ni Jehanne ang binabasang aklat at sinundan niya si Andrei palabas ng silid. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Andrei. "Oo naman," nakangiting tugon ni Jehanne. "Masaya akong malaman iyan," sabi nito. &
Pakiramdam ni Jehanne naghihintay siya ng isandaang taon habang nag-aabang sa pagdating ni Cadis sa opisina. Nakaupo siya sa isang bilog na upuan na nasa tabi ng lamesa, samantalang nagpapalakad-lakad naman si Andrei at mukhang 'di mapakali. Tiningnan niya si Andrei at nabakas niya sa mukha nito ang matinding pag-aalala. Minsan nang nasabi sa kanya ni Andrei na matindi magalit si Cadis lalo na sa mga lumalabag sa batas. Iniisip niya kung matitikman niya kaya ang galit ng Panginoon nila sa pagkakataong ito. Mas maigi na rin siguro ang maipatapon sa limbo kaysa ipagpatuloy niya ang kalokohang gawain ng isang taga-bulong. Maya-maya, pumasok na si Cadis sa silid. Hanggang ngayon, natatakot pa rin si Jehanne kapag nakikita ito. Umupo si Cadis at hindi maipinta ang