Share

Kabanata 8

[Nicholas Hart]

NAG-INAT ako pagdilat palang ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ang aga ko magising, eh pagod na pagod ako kahapon dahil sa nangyare ulit sa amin ni Harrison. Habang iniisip ang kahapon sa kotse kung saan may nangyare sa amin, hindi maiwasan na may umumbok sa pantalon ko. Iyon ang best love para sa akin. Pero, sabi ni Harrison ay huwag na huwag na daw namin gagawin o uulitin iyon sa sasakyan dahil baka daw mabangga kami. Pero sabi ko naman nakahinto ang sasakyan habang ginagawa namin iyon. Syempre, sa huli siya parin mananalo ang desisyon.

Sabado ngayon, walang pasok. Sigurado akong nandito lang kami buong maghapon-pero hindi pala, may pupuntahan kami.

Tumingin ako sa gilid ko at naka-pikit pa ang mga mata ni Harrison. Siguradong pagod pa ito dahil sa nangyare kahapon sa amin ni Harrison sa kotse.

Tumingin ako sa orasan at 10 AM na. Kaya dapat na lutuin ko ngayon ay pananghalian na. Ay hindi, luluto nalang ako ng umagahan para kay Harrison ko, tapos ang iba kong lulutuin ay para sa pupuntahan namin mamaya. May mahalaga kasi kaming pupuntahan mamaya at kailangan ko'ng maghadali.

Hinimas ko muna ang buhok, at hinalikan ang nuo ni Harrison ko na mahimbing na natutulog bago ako bumangon sa kama at pumuntang kusina. Nang makapunta sa kusina, kinuha ko na lahat ng kakailanganin ko. Ang una ko'ng lulutuin ngayon ay umagahan namin ni Harrison ko. Kumuha ako ng nga kailangan sa ref. Pinrito ko ang bacon, egg, hotdogs-dahil paborito ito ni Harrison, dinamihan ko. Sinangag ko na rin ang kanin na sinaing ko kaninang madaling araw. Itinimpla ko na rin siya ng kape para sa aming dalawa.

Nang nakahanda na ang lahat, inayos ko ang pinggan para kumain. Nilagay ko na lahat ng pinggan sa lamesa, pati ang ulam at ang isinangag ko. Pati na rin ang kape para pampagising. Nang gisingin ko si Harrison, hindi siya magising, gigising lang ng kaonti at sasabihing mamaya na daw siya kakain.

Kaya ako nalang ang mag-isa kumain. Umupo ako sa table at naghain para sa sarili. Nilagyan ko ng kanin ang pinggan ko at kumuha ako ng ulam. Sinubo ko ang pagkain sa lalamunan at halos mapapikit ako sa sarili kong luto nang matikman at malasahan ko iyon. Bilib ako sa sarili ko na parang gusto ko nang kuhanin ang course na chef. Ang sarap ko kasi magluto, kaya feeling ko pwede ako maging chef.

Matatapos na akong kumain nang magising si Harrison. Bumangon siya sa pagkakahiga sa kama at hinimas pa ang mata. Pinuntahan ko siya ng may ngiti sa mukha. "Good morning," bati ko at binati rin niya ako pabalik. "Tara do'n. Nagluto ako." Haya ko sa kaniya at sumama naman siya sa akin. Hinawakan ko siya sa kamay at iginaya doon sa lamesita. Inayos ko muna ang upuan bago siya umupo. Ituturing ko siyang master ko ngayon.

"Sorry, Nicholas," sabi ni Harrison ko. "Hindi kasi ako nagising... Ikaw pa tuloy nag-luto."

Ang bait niya tuwing umaga. "Okay lang yan," sabi ko. "Alam ko napagod ka kahapon sa kotse. Ikaw kasi, kapag nakikita kita nagiinit ako." Napakamot ako sa ulo. "Kahit lalaki din ako, kahit pogi din ako, napopogian ako sa'yo mas lalo."

Ngumiti naman siyang pigil, at siningkit ang mata. "In short, nasasarapan ka sa'kin..."

Ngumiti rin ako. 'Yong ngiting nagyayabang. "Hmm... Bakit, ako ba? Hindi ba ako masarap? Hindi ba magaling performance ko?" Napansin ko pa siyang napahinto sa sinabi ko. "Nasasarapan ka kaya ka napahinto."

Umiling-iling pa siya, "Pwede na ba ako kumain? Nakakasuka kasi mga pinagsasabi mo..."

"Baka buntis ka?" bigla kong tanong. Sinalat ko naman ang nuo niya kung mainit, pati ang leeg. Pero hindi naman mainit ang temperatura niya. Wala naman siyang lagnat para masuka. "Baka buntis ka nga?"

Sa simabi ko'y para siyang napatulala sa akin. "Buntis? Paano mabubuntis eh lalaki ako?"

Oo nga, hano.

Sasagot na sana ako nang mag-umpisa na siyang kumain. Kaya hindi na ako sumagot. Nang abala siya kumain at hindi nagsasalita, biglang pumasok sa utak ko kung ano ang pupuntahan namin mamaya. "Nasabihan ka na ba nila?"

Tumango siya. "Oo."

"Ready ka na?" tanong ko.

Tumango lang ulit siya. Nang dahil sa iniisip pa ang kakailanganin mamaya, nakalimutan kong may lulutuin nga pala ako. "Wait lang, ha?" paalam ko kay Harrison ko at tumango naman siya kaya't pumunta akong kusina.

Nang makarating sa kusina, kinuha ko na ang mga kakailanganin sa Ref. Hiniwa ko ang manok. Pagkatapos hugasan, hinugasan ko na rin ang kampit at sunod na hiniwa ang sibuyas, bawang. Hanggang sa lahat ng kakailanganin ay inayos ko. Siguradong magugustuhan nila ang adobo ko.

Niluto ko lahat ayon sa aking pagkaka-alam ng pagluto ng adobo. Naamoy ko ang niluluto kong adobo, amoy palang, mapapapikit ka dahil sa sarap.

Hindi ko pina-alam kay Harrison ko na nagluto ako ng Adobo para mamaya. Pinagbabawalan niya kasi akong magluto dahil parati na daw palpak ang luto ko...? Huh. Ang sarap ko kaya magluto.

Kaya nang maluto ang chicken adobo, nilagay ko sa tupperwear ang ulam. Bumalik ako sa kusina para kamustahin naman si Harrison ko.

"Boo, okay lang ba 'yong pinrito ko?" tanong ko kay Harrison ko, kain pa rin ng kain dahil alam komg masarap akong magluto. Umupo ako sa upuan dito sa lamesita, sa harap niya.

"Oo, buti nga hindi sunog." Sagot niya na parang gutom na gutom na abala sa pagkain.

Hehe. Ang sarap ko talaga magluto.

"My boo, pwedeng magtanong..." naisip kong tanong.

"Nagtatanong ka na."

"Hmm... Ano ba ang kinukuhang course ng mga Chef?" tanong ko at nag-angat naman siya ng tingin, seryoso ang mukha niya.

"Bakit?" tanong niya pabalik.

"Basta, sagutin mo nalang 'yong tanong ko." Napasipa-sipa ako dahil naghahantay ako sa sagot niya.

Sinagot naman niya ang tanong ko kung ano ang kursong kukunin sa college kapag gustong maging chef. Nangiti nalang ako dahil alam ko na. Alam ko na kung ano ang gusto ko pagcollege.

"Bakit?" seryoso niyang tanong.

"Wala..." pagsisikreto ko, nangingiti.

"Ano nga?" pilit naman niya sa akin.

Nag-isip-isip muna ako kung sasabihin ko ba sa kaniya, pero sige na nga. "Balak ko kasing maging chef paglaki, ang sarap ko kasing magluto," sabi ko at napahinto naman siya sa pagkain. Umangat ang tingin sa akin, at biglang napabuga at napa-tawa ng malakas na pati ang kanin na buga niya sa akin. "Ba-bakit?"

Umiling lang siya at tumawa pa rin ng tawa.

Putangina.

*****

"ARE you ready mga bata?"

Halatang excited ang mga nasa paligid sa sagot sa tanong ni Bridgette na ngayon ay nasa gitna at pa upo na sa harap na kasunod namin sila. Tumabi ito kay Harrison, kahit na si Darla lang dapat ang nandoon, pero naging tatlo sila dahil kay Bridgette sa pangdalawang upuan dito sa Van. Nandito kami ngayon sa lugar nila Darla.

"Robert bakit tumabi ka pa sa amin?" kunot noong tanong ni Darla kay Bridggete ng umupo ito. "Ang sikip-sikip, oh."

"Ikaw ang sama mo sa akin! Tinatawag mo akong Robert eh ang ganda-ganda ng pangalan ko? B-r-i-d-g-e-t-t-e - Bridgette! Hustisya naman, oh. Nakakahiya sa pang pornstar ang pangalan!"

"Oh, Bridgette," reaksyon ni Alexis na napapagitnaan nila. "Don't say bad words..."

Kaagad naman nilagay ni Bridgette ang ulo sa balikat ni Harrison na nasa gitna nila. "Oh, sorry, baby."

Inalis naman ni Darla ang ulo ni Bridgette sa balikat ni Alexsis bulol. Nailing na natatawa nalang ako at bumaling sa tabi ko.

"Harrison, ready ka na?" tanong ko sa katabi ko ngayon dito sa bus ngayon na naka-earphone. Pasimple ko siyang hinawakan sa kamay. Hindi pa alam ng mga kaibigan namin ang relasyon namin-at ayaw ipa-alam ni Harrison ko, kaya kailangan, pasimple lang para hindi ito magalit.

Tumango lang siya. Ayos na lahat ng gamit ngayon, nakasakay kami sa Van nila Darla at ang driver nila ang nag-dri-drive.

Sa ngayon kasi ay pupunta kami sa bundok. Doon, malayo kami dito sa lugar na maraming nangyayareng kamunduhan. Mga maraming nakkatakot na taong mapanghusga. Doon, kaming dalawa makakapagtago ni Harrison ng maayos para sa pagmamahalan namin dalawa.


Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status