Depths: 8
"Stella!" Narinig 'kong tawag nang pamilyar na boses, galing ito sa aking kaliwa. Nakakapagtaka lamang na natatandaan n'ya ang pangalan 'ko.
"Captain Keil!" Bati 'ko pabalik sa isa sa mga regular customer ng cafe.
May iba nga lang sa kanyang tingin dahil matalim itong nakatitig sa aking likuran, nang lingunin 'ko ang tinitingnan n'ya ay may isang lalaking naglalakad nang pariwa.
A cold chill ran through my back, dahil ba sa mukha akongmadaling pagsamantalahan ay paulit-ulit sa akin ang ganitong bagay? O dahil sa mukha akong ignorante sa kabihasnan?
"Maraming salamat Cap" ani 'ko sa kanya na may ngiti.
"Pero bilang sukli, samahan mo 'kong magdinner. Ilang araw na din kitang hindi nakikita sa cafe"
"Pero may trabaho pa ako" nag-aalanganin 'kong sagot.
Una sa lahat, hindi 'ko ganoong kakilala ang kapitan na 'to at balita 'kong ang mga seaman aty manloloko. Pangalawa, hindi 'ko kabisado ang Cubao at baka iwanan ako nito sa kung saan. At panghuli, masyado akong konportable sa kanya.
"Ako na ang bahala, bilang pasalamat mo na din at abswelto?"
"Anong abswelto? Bakit may kasalanan ba ako sayo Captain Keil?"
Hindi 'ko alam kung guni-guni 'ko lamang o namamalikmata ako pero para bang dumilim ang kanyang mga asul na mata. Para bang hinahatak ako nito papalapit para malaunod.
"Oo, may krimen kang ginawa sa akin" makahulugang sagot nito sa akin.
"H-Ha?"
"Ilang araw kitang hindi nakita" sumamangot ito at nag cross arms pa sa harapan 'ko.
Hindi 'ko alam kung paano at bakit pero ramdam 'ko ang init na bumalot sa mukha 'ko, kahit pa nakakahiyang aminin ay sigurado akong namumula na ang mukha 'ko tulad sa kamatis.
"Namumula ka ata, may lagnat ka ba?" Nilapit nito ang kamay sa aking noo na parang tinitingnan ang temperatura 'ko.
"A-Ayos lang ako!"
"Sigurado ka ba? Siguro nga mali ang napili 'kong araw para ayain ka" may iba sa kanyang ngiti, makahulugan ito na hindi mo gugustuhing malaman ang rason. Hindi 'ko sigurado kung nanunuya o nalulungkot ang ngiti n'ya.
Sadyang may kakaiba sa galaw n'ya.
Kailangan 'ko talagang pumasok, hindi 'ko nga lang alam kung paano tatanggihan ang katulad n'ya. Isa pa, ayokong sumama uli ang loob ni Alen sa akin dahil sa pagsama 'ko uli sa ibang lalaki, lalo na't nililigawan n'ya ako ngayon.
"Kailangan 'ko talagang pumasok Cap sa trabaho, siguro'y sa susunod na lang?" Kahit pa alam 'kong makakakain ako nang masarap na pagkain o makakapunta sa sosyal na lugar, mas pipiliin 'kong magtrabaho dahil msgmumukha akong pera.
"Hmm, sige. Siguro'y hihintayin na lang kita hanggang magsara?"
"Wala ka bang gagawin?" Nakakapagtaka lang dahil noon ay nagtatagal lamang s'ya pagkatapos n'yang kumain st madalas pa noon dadalhin n'ya palabas ang kanyang kape.
"Wala naman akong gagawin kung ikaw ang magiging kasama"
Hindi 'ko na lamang pinakinggan ang kanyang mga banat, mas pinili 'kong dumeretsho papasok sa cafe. Kailangan 'kong bilisan kung hindi ay baka masisante na ako.
Katulad nang sabi n'ya sa akin, sumunod s'ya papasok sa cafe. Nag-order nang usual orders n'ya at umupo sa kinasanayan n'yang pwesto at doon na inabala ang sarili n'ya.
Dumaan ang maraming customer at hindi 'ko inakalang tatagal talaga siya hanggang magsara ang cafe. Hindi ba't matagal bago pa bumaba ng barko ang mga seaman? Bakita parang ang bilis naman ng pagkikita namin?
"Cap, bakit parang ang bilis nang pagbaba mo?" Hindi 'ko na napigilan ang sarili 'kong tanungin s'ya. Sa totoong lang talaga nakaka-curious kung bakit ang tagal na n'ya hidni sumasampa nang barko.
"It's just personal reasons, you know? Like chasing my dreams" habang sinasabi n'ya 'yun ay malalim ang pagkakatitig n'ya sa akin.
Na para bang lahat ng detalye 'ko ay sinasaulo n'ya, mula sa aking kilay hanggang labi. Hindi 'ko alam kung bakit pero habang tumatagal nalulunod na lalo ako sa kanyang mga mata.
Mga matang tila ba'y ang dagat, asul, malalim, nakakapanghinang nang-aakit na asul na karagatan. Kung ako ang tatanungin ay napakasarap magpakalunod sa karagatang iyon.
Hindi 'ko alam kung gaano katagal o ilang tao na ang dumaan, para bang ang bilis nang dumaang oras. Nawawala ako sa sarili 'ko, nalulunod ako sa kanya.
Nakakatakot lamang na baka gamitin n'ya ito laban sa akin. Hindi 'ko alam pero ang gaan nang pakikitungo 'ko sa kanya. Nakakatakot, baka gamitin n'ya ito laban sa akin.
Bago pa ko pa maibaling ang aking tingin, inabot n'ya ang kaliwa 'kong pisngi at saka...
Argh!! Hindi 'ko alam! Bakit n'ya ginawa 'to!
Malambot na mga labi ang dumampi sa kanang gilid ng aking labi, malayo pa ito para maging halik sa labi pero kung titingnan sa malayo ay mukha n'ya akong hinalikan sa labi.
"B-bakit.. mo g-ginawa 'yun?!" Itinulak 'ko sa s'ya sa gulat at hindi 'ko man lang magawang magsalita nang maayos.
Hindi 'ko alam kung dahil sa halik, hiya o sa kaba. Lahat nang ginawa n'yang galaw ay naging malinaw sa akin. Hindi simpleng hapunan ang gusto n'ya at mas lalong hindi lang hanggang kaibigan ang balak n'ya.
"Sorry, hindi 'ko na napigilan ang sarili 'ko" a gentle smile was in his face, hindi na pa tinanggal ang kamay na nasa aking pisngi. Tila ba ninanamnam n'ya pa ang bawat segundong magkaharap kami.
Hindi 'ko alam kung bakit mainit, randam 'ko ang pamilyar na init na lumalakad mula sa aking tenga hanggang sa aking pisngi.
Nakakahiya sa totoo lamang, galing akong trabaho at baka hindi pa ako mabango. Puno ako nang pawis, ano na lamang ba ang iniisip n'ya ngayon sa akin.
Maraming katanungan ang gumagala sa aking isip hanggang maputol ang lahat ng iyon nang tanggalin na n'ya ang kanyang kamay.
"Maraming salamat sa dinner, next time umabswelto ka na. Hinding-hindi ka makakalaya sa oras na makalimutan mo" nakangiti ito bago kumaway sa akin at tumalikod na paalis.
Ang pakiramdam ko'y lumulutang ako sa ere, nalimutan 'ko na ang amoy n'ya dahil pigil hininga ako sa ginawa n'ya. Nagsisimula nang maglaro ang iba't ibang ideya sa aking isip.
...Alen
Si Alen, nasaan na si Alen? Doon na lamang ako ginapangan nang kaba. Diba ang panget na nililigawan n'ya ako tapos hinayaan 'kong humalik lamang sa akin ang ibang lalaki?
Gumugulo ang isip 'ko nang may nagtakip sa aking mata mula sa likuran. Bumabagal ang paghinga 'ko, nanlalamig ako. Malayo pa ako sa lugar kung saan may kakilala ako.
Malayo pa ang bahay, hindi 'ko alam ang gagawin. Nanlalamig ako. Nang makilala ko ang pamilyar na boses.
Depths: 8"Istel!"Nawala ang kabang nararamdaman 'ko. Hindi 'ko na napigilang paulanan nang hampas ang dibdib n'ya. Pano na lamang kung ibang tao talaga ang nasa likod 'ko? Mas lalong hindi 'ko alam ang gagawin 'ko."Tara?"
Depths: 10Mabilis ang panahon, ngayon isang year na lang at magtatapos na 'ko. Nagtagal din kami ni Alen kahit mahirap, tuwing bakasyon at may oras ay umuuwi kami sa barrio sa Bulacan. Alam na din doon na may relasyon na kami.Naalala 'ko pa din ang gulat sa mukha ni Alma non, pati ang maliit na ngiti ng kanilang Ina. Nagkaroon pa nang maliit na salo-salo noong sinabi naming makakapasa kami sa susunod na year.
Depths: 11Time is gold sabi nga nila, ngayon graduation na. Just look how fast can time fly. Naging maayos naman kahitpapaanoang relasyon naming ni Alen. May mga pangyayari na uuwi s'yang mapula ang mata at masasampal ako.Masakit para sa akin, hindi 'ko din alam kung paano 'ko nakayang tumagal ang relasyon naming nang isang taon. Hindi madali kung susumahin, hindi din medaling makawala dahil he's like a ticking bomb. One wrong move and everything will
Depths: 12Nasanay na 'ko sa mga away bati namin ni Alen, it was our cycle for our relationship. Wala ng bago doon, hindi na din bago ang minsanang pananakit sa akin.Pero iba 'yung takot na nararamdaman 'ko ngayon, para bang habang tumatagal ang mga taong nandito kami sa Cubao lalo s'yang nagbabago.
Depths: 13"What do you mean?" I furrowed my eyebrows, not because I don't know what he means but because how can heknow?"You know what Imean" he was smiling at me, the smile that makes me feel uncomfortable.
Depths: 14I don't know what to feel dahil na din sa mga alas tres na kami nakauwi at ngayon bago mag 9:30 need na ako sa kompanya dahil ituturo sa akin ang mga magiging trabaho 'ko.Pagkagising 'ko wala si Alen sa buong inuupahan, si Jane at Kyle lang ang inabutan 'kong kumakain."Good morning" bati 'ko sa kanila, tinanguan lang ako ni Kyle habang nginitian naman ako ni Jane.
Depths: 15I don't believe this, I don't want to.This is unbelievable. I can't think right. This was all of a sudden.Sa sarili 'ko, alam 'kong kaya 'ko na kung mawawala man si Alen palayo sa akin pero ang pagkawala ni Nanang Swela parang biglaan naman.
Depths: 16Hindi ako makagalaw sa sinabi nýa, pinagtitinginan na din kami ng ilang pulis at kasama n'ya sa rehas. My breathing became faster and I could feel my chest going up and down.Galit ang naramdaman 'ko hindi awa, what he put me through was hell. It was a cycle that makes me think if I'm still alive or I'm just barely living."All these years, Alen! All these years! What do you think of me ha?" I was now slamming the cell and he was just there crying and looking down his feet."Hindi 'ko kase alam ang gagawin 'ko. Ang tagal 'kong hinintay na maging malapit sa'yo-" hindi 'ko na s'ya pinatapos sa pagsasalita dahil kung ano mang dahilan n'ya ang sakit sa tenga."You could have save me by reporting it to the police! You could have save me by not being involved with that illegal work! You put me through hell, sa tingin mo ba hindi ako nasaktan? Hindi ako naghirap sa pananakit mo?!" now I wa