“I’m s-sorry, Lance,” bahagya pang nanginig ang mga labi ko. Tuluyan na niya akong binitiwan at sumandal sa upuan saka niya ipinikit ang mga mata. Hanggang sa makarating kami sa bahay niya ay hindi siya nagsalita. Nauna siyang bumaba at ni hindi na ako nilingon pa. Nagbuga ako ng hangin at mabigat ang mga bawat hakbang na sumunod sa kaniya sa loob.Dumiretso ako sa kuwarto ko dahil si Lance ay nagtungo sa study room niya. Malungkot kong ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama at tumitig sa kisame. Galit ako kanina, pero hindi ko naman sinasadyang mabanggit ang Mama niya. Napapikit ako at hinayaan ang sariling lamunin ng konsensiya ko. I felt so heartless. Alam kong iyon ang kahinaan ni Lance pero walang pakundangan ko iyong ginamit para lang kontrahin siya kanina.At ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit sobra-sobra akong nasasaktan. Nang makita ko ang pagguhit ng matinding sakit sa mga mata niya kanina ay parang dinudurog ang puso ko. Parang may kung anong mabigat na bagay ang
Lance’s POVI was so devastated when Farah mentioned my mom. I found her too insensitive to even mention her like that. Alam niyang masakit sa akin ang mabanggit ang Mama ko pero ginawa niya pa rin. I was so jealous and anxious when she told me that she is with that fucking Terrence. Pero hindi niya ako naiintindihan at sa halip ay mas gusto pa niyang ipagtanggol ang lalaking iyon.Nang makauwi kami ay hindi ko siya kinakausap. Kahit noong mag-sorry siya ay sapat na iyon para mapawi ang sama ng loob ko pero nasasaktan pa rin ako. Sa tuwing maaalala kong ipinagtanggol niya ang lalaking iyon at kinailangan pang banggitin niya ang Mama ko ay talagang nagpagalit ito sa akin.“Make sure to cook food for her. Tulog pa siya ngayon at siguradong gutom na iyon paggising niya. I will be out so I might not be able to make it on time for dinner,” bilin ko sa mga maids bago umalis.Dumiretso ako sa opisina dahil may mga naiwan akong dokumentong kailangang pirmahan dahil sa biglaang pag-alis ko kani
Farah’s POVNagising akong makirot ang sentido kaya kinailangan kong pumikit muli upang baka sakali ay mabawasan ang sakit. Ngunit walang pagbabago sa nararamdaman ko kaya muli kong idinilat ang mga mata. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang maalala ang mga pangyayari kagabi. Mula sa paglabas ko sa gate ng subdivision hanggang sa pagdating ng mga ‘di kilalang lalaking kumuha sa akin. Napaupo ako sa kamang kinahihigaan ko saka kinapa ang sarili. Maliban sa masakit ang ulo ko ay wala naman akong kakaibang nararamdaman. Sinalat ko ang bulsa ng pantalon sa pagbabakasaling naroroon ang cellphone ko, ngunit bigo ako. Binaha ng matinding takot ang dibdib ko nang makitang nasa isang silid ako. Sino ang mga dumukot sa akin at ano’ng kailangan nila sa akin?Napasinghap ako nang biglang pumasok doon ang lalaking nakamaskara. Kasunod nito ang tatlong lalaking may nakasukbit na baril sa baywang. Sinagilihan ako lalo ng takot at napaatras nang lumakad sila papalapit sa akin. Nagtataka lang
“Hey, are you alright?” sumalubong agad sa akin ang guwapong mukha ni Lance na puno ng pag-aalala para sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bumangon saka yumakap sa kaniya. Sobrang higpit na pakiramdam ko ay mawawala siya sa akin kung hindi ko siya hahawakang mabuti. “L-Lance…” malakas ang pag-iyak ko habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan niya. Hindi ko alam kung ano’ng nangyayari sa akin pero wala akong ibang nagawa kun’di umiyak nang umiyak. Ibinuhos ko ang lahat ng takot, galit at sakit sa tatlong araw na kasama ko ang demonyong lalaking iyon. Ang pinakahindi ko makakalimutan ay nang pagtangkaan pa niya akong gahasain. Lumaban ako hanggang sa huling lakas na mayroon ako. Sinaktan niya ako dahil doon ngunit sa huli ay hindi rin nya naituloy ang maitim niyang balak. “Shh… I’m here, Farah. I’m here, baby… you’re safe now,” paulit-ulit na pang-aalo ni Lance sa akin. Mahigpit din ang pagkakayakap niya sa akin kaya lalo akong naiyak. Habang nasa bisig niya ako, pakiram
Farah’s POV Hindi ako magkandaugaga sa pagse-serve sa mga customer namin ngayon sa restaurant. Summer, vacation ngayon kaya maraming turista ang bumibisita sa lugar namin kaya maging ang mga kainan ay punuan din. “Farah, table six. Pakihatid na itong order nila,” tawag sa akin ng manager. Napalingon ako sa kaniya at ngumiti bago mabilis na lumapit sa gilid ng counter kung saan kinukuha ang mga orders na ready na for serving. Maingat kong binuhat ang tray na may lamang pagkain at dinala ito sa lamesang may nakalagay na number 6. “Enjoy your meal sir, ma’am. May kailangan pa po ba kayo?” nakangiting bati at tanong ko sa mga customer na nasa table 6. Isang buong pamilya ito. Mag-asawang may kasamang dalawang anak nila. “Thank you, miss, but we’re good,” sagot niyong lalaki. Tumango at ngumiti rin sa akin iyong asawa niya habang iyong dalawang bata ay excited na sa mga pagkain nila. Magalang akong nagpaalam sa kanila upang linisin ang mga
Mabigat ang talukap ng mga mata ko habang pilit kong idinidilat ang mga ito. Nang ganap na akong makamulat ay kinailangan kong pumikit muli dahil sa matinding liwanag na nagmumula sa malaking ilaw ng kuwartong kinaroroonan ko. At bigla akong napabailkwas nang makita ang hindi pamilyar na kuwartong kinaroroonan ko ngayon. Pagkatapos ay parang agos ng tubig na biglang nanumbalik ang lahat sa akin. Ang alaala ng mga nangyari mula sa pagkarinig ko ng mga tinig hanggang sa masaksihan ko ang pagpatay sa isang babae. Nanumbalik din ang takot sa akin nang maalalang naabutan pala ako ng mga lalaking humahabol sa akin bago pa nagdilim ang lahat. “I see you’re awake,” isang malalim na boses ang nagpalingon sa akin sa kanang bahagi ng kuwarto kung saan may isang set ng mga itim na sofa. Ngayon ko lang din napansin na napakaganda at napakaelegante ng kuwartong kinaroroonan ko ngayon. Combination ng gray at milky white ang pintura at ang interior design ay talagang nakamamangha dahil ha
Lance’s POV Nagulantang ang sistema ko nang marinig ang sigaw ng isang babae mula sa likod ng malaking puno pagkatapos kong aksidenteng makalabit ang gatilyo. Mabilis akong napalingon sa kinaroroonan ng babaeng ngayon ay nanginginig na sa takot dahil sa pagtatama ng aming mga paningin. “Fuck! Akala ko ba malinis at ligtas ang lugar na ito?” galit na tanong ko sa mga tauhan ko. Naalerto ako nang akmang tatakbo ang babae. Hindi puwedeng may ibang makaalam sa nangyari ngayon kaya mabilis akong tumakbo patungo sa kinaroroonan ng babae. Lalong nanlaki ang mga mata nito at tuluyan na ngang tumakbo palayo. Hinabol ko siya habang ang dalawa ko pang tauhan ay nasa likuran ko. Dahil sa matinding nerbyos ay hindi napansin no’ng babae iyong malaking bato sa daraanan niya kaya nadapa ito. Mabilis ang mga kilos ko na lalo pang binilisan ang pagtakbo papalapit sa kaniya. At bago pa man ito tuluyang makabangon ay nasa harapan na niya ako kasunod ang mga tao ko. “
Farah’s POV “You want to negotiate with me?” tanong ni Lance habang nakangisi. Hindi ko na tinapos na basahin ang nilalaman ng kontrata dahil kinikilabutan ako sa mga nilalaman niyon. Halos magkabuhol-buhol ang paghinga ko sa kaba habang binabasa iyon. Ngayon ay naiiyak na naman ako dahil hindi ako makapaniwalang mapapasok ako sa ganitong sitwasyon. Pero hindi ako puwedeng tumanggi dahil ayokong mangyari sa akin ang sinapit noong sa babaeng pinatay ni Lance kanina. Pero paano kung magsawa na siya sa akin at wala na akong pakinabang sa kaniya? Paano kung…? Napapikit ako sa tinutungo ng isipan ko dahil siguradong malagim ang kasasapitan ko kung sakali. “Y-yes. I want to negotiate,” lakas-loob kong sambit. Kailangan kong maging matatag dahil hindi madali ang papasukin kong sitwasyon. Nanayo ang lahat ng mga balahibo sa katawan ko sa uri ng tinging ipinupukol niya sa akin. “What is it, baby?” Titig na titig ito sa akin kaya lalo akong naa