Still In Love With My Ex Husband

Still In Love With My Ex Husband

last updateDernière mise à jour : 2026-07-13
Par:  Michelle VitoMis à jour à l'instant
Langue: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 Note. 1 commentaire
83Chapitres
852Vues
Lire
Bibliothèque

Partager:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

Paano itatago ni Amelia sa kanyang ex-husband na si Justin Jensen ang katotohanang after all these years, mahal pa rin niya ito sa kabila ng mga nangyari? At paano kung isang araw ay madiskubre ni Justin na nagkaanak pala sila? At si Pamela, hindi ba at ito naman ang totoong mahal ni Justin? Kitang kita naman na masaya na ito sa piling ni Pamela! Hindi nga ba at buong pagmamalaking ipinakita ni Pamela sa kanya ang engagement ring nito mula kay Justin? “Mommy, if you still love my Dad, eh di makipagbalikan ka sa kanya. Para everybody happy. I’m happy, you are happy and so is Daddy!” suggestion ni Winter sa kanya. Sana nga ganun lang kadali iyon. Pero paano ba niya sasabihin sa anak kung gaano kalalim ang dahilan ng naging paghihiwalay nila ng Daddy nito?

Voir plus

Chapitre 1

TEASER

PARA SIYANG NAISTWATWA mula sa kanyang kinatatayuan.  Hindi niya alam kung saan ipapaling ang mga mata para sana makaiwas ngunit alam niyang huli na ang lahat.  Hindi na siya makakapagtago pa.

                Heto at nasa kanyang harapan ngayon ang lalaking ayaw na sana niyang makita pa.  God knows kung anu-anong mga paraan ang ginawa niya para lang makalimutan ang lalaking ito.  Nagtagumpay nga ba siya?

                Gusto niyang murahin ang sarili dahil ganito pa rin ang effect ng presence ni Justin sa kanyang buong pagkatao.As usual, natataranta, nagpapanic at hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan ngayong magkaharap na naman sila nito.  Ito ang pinakahuling nanaisin niyang mangyari, ang muling magsalubong ang landas nila ng lalaki.  Ngunit di na siya makakaiwas pa.

                “L-long time no see, Justin,” iyon lamang ang tanging nasabi niya, pilit na pilit ang kanyang ngiti.  Nagpapanggap siyang kalmado kahit ang totoo, gusto ng bumigay kanina pa ng mga tuhod niya.  Napilitan siyang tingnan ito, at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mabasa ang reaksyong naka-plaster sa mukha nito.  Pero ewan ba niya kung guni-guni lamang niya ang piping pananabik na nakita niya sa mga mata nito nang tingnan siya.  Saglit na saglit lang kaya marahil ay delusional lamang siya. Paano itong mananabik na makita siya?

                Sa pagkakaalam niya, galit ang nararamdaman nito nang maghiwalay sila five years ago, kaya imposibleng mangyari iyon.

                “Hey!” Dinig niyang sigaw ng isang babae. May kirot siyang naramdaman nang mapagtantong si Pamela iyon. Bahagya siyang napaatras nang tuluyan nang makalapit sa kanila ang babae, kumapit ito sa isang braso ni Justin habang nakangiti sa kanya. Waring gustong iparating sa kanya ang ganito; This man is mine.  Sa huli, ako pa rin ang nagwagi! Iyon ang parang gustong ipagsigawan sa kanya ni Pamela, or paranoid lang talaga siya?

                So sila pa rin pala ang nagkatuluyan?

 Parang may matalas na punyal na gumuhit sa kanyang dibdib habang naiisip na kahit naman kailan, hindi naging sa kanya si Justin.

                Matagal siyang nawala sa sirkulasyon, hangga’t maari ay ayaw niyang makabalita ng kahit na ano tungkol kay Justin kaya hindi niya alam kung anong mga ganap sa buhay nito pagkatapos niyang umalis.

                “What a small world.  Akalain mong dito pa tayo magkikita?” Nakangiting bati sa kanya ni Pamela, itinaas nito ang kaliwang kamay sa harapan niya para ipakita ang engagement ring na suot nito, “Thanks to you, sa hinabahaba ng prusisyon, sa simbahan rin ang tuloy, sabi nga.” Tila nagmamalaking sabi nito sa kanya,  “ Invited ka sa wedding namin ha?  Wala pa lang exact date kung kelan pero within this year!”

                “S-sure, for old time’s sake,” very casual na sagot niya.  Gusto niyang tapikin sa balikat ang sarili dahil nasabi niya iyon nang hindi man lang umiiyak.  Kahit pa ang totoo ay parang dinudurog ang puso niya ng mga sandaling ito.

                Alam naman niyang si Pamela talaga ang totoong mahal ni Justin.  Pero bakit parang ang sakit pa ring marinig na habang pinipilit niya itong kalimutan, heto at masaya na ito sa piling ni Pamela?  That they will live happily ever after.

                Pero hinding-hindi siya iiyak sa harapan ng lalaking ito.  Mas lalong hinding-hindi niya aamin na ang sakit-sakit ng nararamdaman niya ng mga oras na ito.

                Parang hinahalungkat ang sikmura niya na ewan..

                “I. . .I have to go, baka hinahanap na ko ng mga kasama ko, nice to see you guys and congrats on your engagement!” Tiniyak niyang abot tenga ang kanyang ngiti kahit pa nga naririnig niya ang sarili boses, ang plastic mo!

                “Mommy!!!!” Tumatakbong sigaw ni Summer, sa likod nito ay ang  humahangos sa paghabol na si Manang Frida.  Yumapos ang bata sa binti niya nang makalapit sa kanya.  Kahit malamig ay pinagpawisan siyang bigla.  Ayaw niyang mangyari ang kinatatakutan niya.  “Mommy, let’s go, excited na kong mag-watch ng movie!”

                Ngunit bago pa niya maihakbang ang kanyang mga paa palayo ay narinig niyang nagsalita si Justin, “Anak mo?”

                Iniabot niya ang anak kay Manang Frida, “Hintayin nyo na lang ako sa kotse, Manang.” Utos niya sa matanda, kung pwede lang ay patakbuhin niya ito para mailayo ang kanyang anak kay Justin. Huminga siya ng malalim para duon kumuha ng lakas na muling salubungin ang mga mata ng lalaki.

                “Yes she is my daughter.  Hindi naman siguro nakakapagtaka dahil babae ako,” may halo ng sarcasm ang tonong sagot niya rito.

                “Wow, ikaw pala ang maraming dapat ikwento samin tungkol sa love life mo,” nakatawang sabi ni Pamela sa kanya.

                Naiirita na siya.  Hindi na niya kayang itago ang inis na nararamdaman, “I don’t think we’re that close para ikwento ko sa inyo ang tungkol sa personal kong buhay, sorry, I don’t want to be rude. Pero wala akong matandaang araw na naging mabuti ka sakin.” Paismid na sabi niya kay Pamela saka muling bumaling kay Justin, “And if you’ll excuse me, I really have to go. See you when I see you,” mabilis na niyang tinalikuran ang mga ito.

                Nang tuluyan na siyang makalayo ay saka niya hinayaang makawala ang mga luhang kanina pa gustong pumatak.

                Bakit kailangang magkrus pang muli ang mga landas natin?

                Bakit kailangang makita ko pa kayong dalawa na masaya?

                Bakit kailangang malaman ko pa na ikakasal na kayo?  And for God’s sake, bakit hanggang ngayon ay apektado pa rin ako ng presensya mo?

“HOW RUDE,” Dinig ni Justin na bulong ni Pamela ngunit hindi niya ito pinansin, ang kanyang buong atensyon ay naka-focus sa papalayong babae.  Parang may kung anong nagbubulong sa kanya para habulin si Amelia ngunit bago pa niya ito masundan ay pinigilan na siya ni Pamela, “What? Susundan mo sya?  Para ano? Para aminin sa kanyang mahal mo sya?  My God Justin!  Hindi pa ba sapat na makita mong may anak na sya?  Malamang kasama nya rin ang asawa nya ngayon!”

                Hindi siya nakakibo.

                “Gusto mo bang mapagtawanan ka ng mga iyon?  Maghahabol ka sa isang babaeng pamilyado?  Ganyan ka na ba ka-desperate, ha Mr. Justin Jensen?”

                Hindi siya umimik ngunit nagtangis ang kanyang mga bagang sa naisip.  Magmumukha siyang sira-ulo kapag ginawa niya iyon. Besides,  baka kung ano lang ang magawa niya kapag nakita niya si Amelia kasama ng iba.

                Five years.  Ayaw man niyang aminin ay hindi na naging gaya ng dati ang buhay niya matapos nilang magkahiwalay.  Aaminin niyang may mga gabing nagigising na lamang siya at hinahanap niya si Amelia sa tabi niya.

                Damn, gusto niyang pagsisihan na mas pinairal niya ang kanyang pride at galit.  Pero hindi ba at tama lang naman ang naging desisyon niya?  Sa nagdaang mga taon ay pinatunayan lang naman ng mga sunod-sunod na pangyayari na hindi nga siya nagkamali ng kanyang sapantaha sa babaeng iyon?

                And yet, kahit alam niyang niloko lamang siya nito, bakit ito pa rin ang totoong hinahanap ng puso niya?  Bakit kahit nagagalit siya, hindi niya magawang tuluyan itong burahin sa kanyang utak?

                Si Pamela ang kasama niya and yet may maliit na bahagi sa puso niya ang tila gustong magwala at pagalitan siya, kailan ba siya magpapakatotoo?

                Kailan ba niya lulunukin ang kanyang pride at aaminin sa sarili na niloloko lamang niya ang kanyang sarili sa patuloy na pakikipagrelasyon kay Pamela?

                “Tayo na, Justin.  Umuwi na tayo.”

               

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Dernier chapitre

Plus de chapitres

Aux lecteurs

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


commentaires

Ilocano writer
Ilocano writer
highly recommended
2026-06-29 18:57:34
0
0
83
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status