Share

Chapter 26 Discovered Truth

“I’m s-sorry, Lance,” bahagya pang nanginig ang mga labi ko. Tuluyan na niya akong binitiwan at sumandal sa upuan saka niya ipinikit ang mga mata. Hanggang sa makarating kami sa bahay niya ay hindi siya nagsalita. Nauna siyang bumaba at ni hindi na ako nilingon pa. Nagbuga ako ng hangin at mabigat ang mga bawat hakbang na sumunod sa kaniya sa loob.

Dumiretso ako sa kuwarto ko dahil si Lance ay nagtungo sa study room niya. Malungkot kong ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama at tumitig sa kisame. Galit ako kanina, pero hindi ko naman sinasadyang mabanggit ang Mama niya. Napapikit ako at hinayaan ang sariling lamunin ng konsensiya ko. I felt so heartless. Alam kong iyon ang kahinaan ni Lance pero walang pakundangan ko iyong ginamit para lang kontrahin siya kanina.

At ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit sobra-sobra akong nasasaktan. Nang makita ko ang pagguhit ng matinding sakit sa mga mata niya kanina ay parang dinudurog ang puso ko. Parang may kung anong mabigat na bagay ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vilma Delara
grabe ang ganda ng story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status