To be continued~
HINDI maalis sa isipan ni Ilana ang pagtatalo nila ni Lovella. Paulit-ulit niyang naririnig ang boses nito at ang pangongonsensya. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang kinakampihan ng kaibigan niya si Gray. Imposible namang nasuhulan ito ng lalaki dahil kilala niya si Lovella. May nalaman ba ito? Ipinilig ni Ilana ang ulo. Hindi na dapat niya problemahin kung may nalaman man si Lovella. Ang gusto niya lang ngayon ay tahimik na buhay kasama ang binubuo niyang pamilya. Wala naman sigurong batas na nagbabawal na hindi makipagbalikan sa asawa. “May problema ba?” Naupo si Cloudio sa tabi ng kaibigan. Nagtatrabaho ito kanina sa laptop pero nang mapansin ang paulit-ulit niyang buntong-hininga ay nilapitan na siya. Tulog sa crib si baby Nayi kaya tahimik silang dalawa sa sala. Tiningnan ni Ilana ang kasintahan. “Cloud, nagtalo kami ni Lovella.” “Dahil ba sa akin?” Nag-aalala ang tono ng kasintahan. Umiling si Ilana. “Hindi. Gusto niya kasi na kalimutan ko na ang galit ko kay Gray. I
HINDI mapakali si Ilana kinabukasan. Matapos ang binyag sa simbahan ay dumiretso sila sa venue. Naroon na at naghihintay ang mga bisita. Kaunti lamang ang bisita nila. Si Lovella na ninang, si Tres na ninong, ang ilang kapitbahay nila sa apartment at ang mga trabahador ni Cloudio sa mga negosyo nito. Simple lang ang handaan, maging dekorasyon sa venue. Halata namang masaya ang lahat pero hindi si Ilana.“May problema ba?” Lumapit sa kaniya si Cloudio at bumulong.“Wag mong aalisin ang tingin mo kay baby.” Sagot ni Ilana nang hindi inaalis ang tingin sa anak. Karga ito ni Lovella habang kausap ang ilang bisita. Sa isang mesa naman ay naroon si Tres na tahimik na umiinom. Nasa harap nito si Brian.Ilana was shocked when Brian arrived with Lovella. Hindi siya nito inimik pero tiningnan siya nito at tinanguan.“Bakit?” Nagtataka si Cloudio pero hindi na sumagot si Ilana.Naglakad siya palapit kay Lovella para kunin si baby Nayi. Nang makita siya ni Lovella ay agad nitong ibinigay ang bata.
PAIKOT-IKOT si Ilana habang umiiyak, nanginginig ang mga kamay at mabilis ang paghinga. Nagkakagulo sa paligid at walang malay si Lovella. Paulit-ulit na tinitingnan ni Ilana ang bawat sulok ng garden—umaasang nasa paligid lamang ang kaniyang anak pero wala…wala siyang makita at mas lalo siyang natatakot sa bawat segundong lumilipas.Tumakbo palabas si Ilana sa pag-asang mahahanap si baby Nayi pero bigo siyang muli.“A-Ano pong nangyari?” Sinubukan niyang pigilan ang isa sa paalis na sanang bisita. It was her neighbor.“Ilana, ang anak mo! May kumuha nalang bigla sa kaniya. Nahimatay ang kaibigan mo nang mauntog matapos itulak.”Mas lalong tumindi ang takot ni Ilana. Naalala niya ang sulat na natanggap niya.“A-Ano pong hitsura ng kumuha sa kaniya?”“Hindi ko nakita ang mukha niya, hija. Matangkad siya at nakasuot ng itim. Agad siyang hinabol ng kasintahan mo at ng dalawa pang lalaki.”“S-Saan po s-sila pumunta?”“Doon!” Itinuro ng babae ang direksyon. “Sumakay sila ng kotse. Ang mabut
“SUMAGOT ka, Gray!” Puno ng frustrasyon ang boses ni Ilana.Umiling si Gray. “Hindi ko gagawin iyon, Ilana. Hindi ko kukunin sayo ang anak natin!”“Then, why are you leaving?!” Halos magwala si Ilana habang nakaturo sa mga maleta. Nawalan ng imik si Gray at napatitig sa kaniya. Mas lalo namang tumindi ang paghihinala ni Ilana.Gulat ang pamilya ni Gray sa mga naririnig.“Anong nangyayari?”Hindi pinansin ni Ilana ang ina ni Gray, sa halip ay dumiretso siya sa hagdan para pumasok sa kwarto ni Gray. Ramdam niya ang pagsunod nito sa kaniya.“Ilana—”Pabalyang binuksan ni Ilana ang pinto ng kwarto ni Gray. Dumiretso siya sa banyo, sa walk-in closet, saka muling lumabas at binuksan ang iba pang silid. Natigilan siya nang may isang kwarto na nakalock.Hinarap niya si Gray. “Buksan mo ito.”Bumalatay ang sakit at takot sa mga mata ni Gray. “Ilana, that’s Grant’s room. Ayaw niyang pabuksan—”“Bubuksan mo o sisirain ko?!”Walang nagawa si Gray. Kinuha niya ang susi sa sarili niyang kwarto bago
MATAAS na ang sikat ng araw nang magmulat ng mga mata si Brian. Nakagapos ang mga kamay at binti niya sa kinauupuan. Bahagyang tumagilid ang ulo niya habang inaalala ang mga nangyari bago siya nawalan ng malay. Naabutan nila nina Tres at Cloudio ang dumukot kay baby Nayi pero may bigla nalang pumalo sa ulo niya at nawalan siya ng malay.“Fuck!” Malutong na mura ang pinakawalan ni Brian habang sinusubukang pakawalan ang sarii. Tyempo namang bumukas ang pintuang nasa harapan niya at pumasok ang isang taong hindi niya inaasahang makita sa sitwasyon niya.“What the fck is this, Tres?” Kuyom ang mga nakagapos na kamay ni Brian habang tinitingnan ang kaibigan na naglalakad palapit sa kaniya.Magulo ang buhok nito pero kalmado ang hitsura.“Makakagulo ka lang, Brian.”Kumunot ang noo ni Brian. “You fcking did this?”Bumuntong-hininga si Tres, tila dismayado. “Wala ka naman kasi dapat sa binyag. Bakit ba pumunta ka pa? Talent mo bang saktan ang sarili mo?”Inuga ni Brian ang sarili sa kinauup
“ANONG sinabi mo?” Pakiramdam ni Brian ay nabingi siya.Tumawa si Tres at naglakad sa harapan niya. “I said Cloud knows. Lahat-lahat.“Tangina, magkasabwat kayo? Niloko niyo si Ilana?”“I didn’t.” Umiling si Tres habang nakataas ang dalawang kamay. “Hindi ko siya niloko. Una palang sinabi ko na sa kaniya na ‘wag siyang magtiwala sa mga tao sa paligid niya. Ayan tuloy…”“Fck you, Tres! Pakawalan mo ako, hayop ka! Papatayin kita!”“See how karma works, Brian? It was cunning.”“Anong karma ang pinagsasabi mong hayop ka? Sadyang malaki lang ang diperensya mo kaya ginawa mo ito! Nasaan ang hayop na Cloudio na iyon? Dalhin mo siya dito. Tangina!”Bumukas ang pinto at natawa muli si Tres. “Well… I don’t really have to bring him here.”Pumasok si Cloudio—walang emosyon ang mga mata.Nagwala si Brian sa kinauupuan. “Hayop ka, Cloud! Pinagkatiwala ko siya sayo tapos traydor ka palang demonyo ka? Hayop ka, mamamat-y ka rin!”Humugot ng malalim na buntong-hininga si Cloudio. “Brian—”“Wag mong ba
“ILANA, hindi ka pa pwedeng umalis.”Umiling si Ilana sa ina ni Gray. “Ma’am, kung kayo ang nasa kalagayan ko hindi rin kayo mapapanatag.”Bahagyang natigilan ang ginang. “Naroon na ako pero…”“Hindi po ako matatahimik. Kailangan kong makita ang anak ko. Hahanapin ko siya kahit saan pa ako makarating.”“Ilana…” Bago pa makababa ng hagdanan si Ilana ay tinawag siya ng senyora na kanina pa nakikinig.Humugot si Ilana ng malalim na hininga. Alam niyang malaki ang kasalanan niya sa pamilya ni Gray at hindi niya masisisi ang mga ito nang magalit ito at palayasin siya. Isa sa dahilan kung bakit nangingilag siya sa senyora. Nahihiya siya.Dahan-dahang humarap si Ilana. Walang kahit na anong galit o pagkamuhi na mababakas sa mukha ng matanda.“I’m sorry… For not fighting for you.”Bumigat ang dibdib ni Ilana. Napalunok siya at kumuyom ang kamao. “Sorry din ho sa mga…nagawa ko. Pero senyora, hindi ko kailangan ang awa niyo.”“Alam ko…” Tumango ang senyora. “At hindi ako naaawa sayo, Ilana. Gu
“THIS is not the end of my love story with him, Ilana. I’m just doing this for me and Gray. Our family doesn't approve of us but that doesn't mean we’ll give up.”Tumango si Ilana sa babaeng kaharap. Malinaw sa kaniya ang kontratang pinirmahan niya noong nakaraang linggo. Kapalit ng malaking halaga na gagamitin niya para sa hospital bills ng kaniyang nakaratay na ama ay magpapanggap siyang kasintahan ni Gray Montemayor at magpapakasal dito. Desperasyon ang nagdala sa kaniya sa ganitong sitwasyon pero kung para sa natitira niyang pamilya ay hindi siya magdadalawang-isip.“Naiintindihan ko, Michelle. ‘Wag kang mag-alala, mananatiling lihim ang tungkol dito.”Tumango ang babae saka kalmado nang humigop ng kape. “I just wanna make sure that you won't fall in love with my boyfriend, Ilana. I don't want to risk my father's candidacy and my boyfriend's inheritance just because of a petty attraction that might arise.”Umiling si Ilana. “Hindi ako magkakagusto kay Gray. Pera niya lang ang kail
“ILANA, hindi ka pa pwedeng umalis.”Umiling si Ilana sa ina ni Gray. “Ma’am, kung kayo ang nasa kalagayan ko hindi rin kayo mapapanatag.”Bahagyang natigilan ang ginang. “Naroon na ako pero…”“Hindi po ako matatahimik. Kailangan kong makita ang anak ko. Hahanapin ko siya kahit saan pa ako makarating.”“Ilana…” Bago pa makababa ng hagdanan si Ilana ay tinawag siya ng senyora na kanina pa nakikinig.Humugot si Ilana ng malalim na hininga. Alam niyang malaki ang kasalanan niya sa pamilya ni Gray at hindi niya masisisi ang mga ito nang magalit ito at palayasin siya. Isa sa dahilan kung bakit nangingilag siya sa senyora. Nahihiya siya.Dahan-dahang humarap si Ilana. Walang kahit na anong galit o pagkamuhi na mababakas sa mukha ng matanda.“I’m sorry… For not fighting for you.”Bumigat ang dibdib ni Ilana. Napalunok siya at kumuyom ang kamao. “Sorry din ho sa mga…nagawa ko. Pero senyora, hindi ko kailangan ang awa niyo.”“Alam ko…” Tumango ang senyora. “At hindi ako naaawa sayo, Ilana. Gu
“ANONG sinabi mo?” Pakiramdam ni Brian ay nabingi siya.Tumawa si Tres at naglakad sa harapan niya. “I said Cloud knows. Lahat-lahat.“Tangina, magkasabwat kayo? Niloko niyo si Ilana?”“I didn’t.” Umiling si Tres habang nakataas ang dalawang kamay. “Hindi ko siya niloko. Una palang sinabi ko na sa kaniya na ‘wag siyang magtiwala sa mga tao sa paligid niya. Ayan tuloy…”“Fck you, Tres! Pakawalan mo ako, hayop ka! Papatayin kita!”“See how karma works, Brian? It was cunning.”“Anong karma ang pinagsasabi mong hayop ka? Sadyang malaki lang ang diperensya mo kaya ginawa mo ito! Nasaan ang hayop na Cloudio na iyon? Dalhin mo siya dito. Tangina!”Bumukas ang pinto at natawa muli si Tres. “Well… I don’t really have to bring him here.”Pumasok si Cloudio—walang emosyon ang mga mata.Nagwala si Brian sa kinauupuan. “Hayop ka, Cloud! Pinagkatiwala ko siya sayo tapos traydor ka palang demonyo ka? Hayop ka, mamamat-y ka rin!”Humugot ng malalim na buntong-hininga si Cloudio. “Brian—”“Wag mong ba
MATAAS na ang sikat ng araw nang magmulat ng mga mata si Brian. Nakagapos ang mga kamay at binti niya sa kinauupuan. Bahagyang tumagilid ang ulo niya habang inaalala ang mga nangyari bago siya nawalan ng malay. Naabutan nila nina Tres at Cloudio ang dumukot kay baby Nayi pero may bigla nalang pumalo sa ulo niya at nawalan siya ng malay.“Fuck!” Malutong na mura ang pinakawalan ni Brian habang sinusubukang pakawalan ang sarii. Tyempo namang bumukas ang pintuang nasa harapan niya at pumasok ang isang taong hindi niya inaasahang makita sa sitwasyon niya.“What the fck is this, Tres?” Kuyom ang mga nakagapos na kamay ni Brian habang tinitingnan ang kaibigan na naglalakad palapit sa kaniya.Magulo ang buhok nito pero kalmado ang hitsura.“Makakagulo ka lang, Brian.”Kumunot ang noo ni Brian. “You fcking did this?”Bumuntong-hininga si Tres, tila dismayado. “Wala ka naman kasi dapat sa binyag. Bakit ba pumunta ka pa? Talent mo bang saktan ang sarili mo?”Inuga ni Brian ang sarili sa kinauup
“SUMAGOT ka, Gray!” Puno ng frustrasyon ang boses ni Ilana.Umiling si Gray. “Hindi ko gagawin iyon, Ilana. Hindi ko kukunin sayo ang anak natin!”“Then, why are you leaving?!” Halos magwala si Ilana habang nakaturo sa mga maleta. Nawalan ng imik si Gray at napatitig sa kaniya. Mas lalo namang tumindi ang paghihinala ni Ilana.Gulat ang pamilya ni Gray sa mga naririnig.“Anong nangyayari?”Hindi pinansin ni Ilana ang ina ni Gray, sa halip ay dumiretso siya sa hagdan para pumasok sa kwarto ni Gray. Ramdam niya ang pagsunod nito sa kaniya.“Ilana—”Pabalyang binuksan ni Ilana ang pinto ng kwarto ni Gray. Dumiretso siya sa banyo, sa walk-in closet, saka muling lumabas at binuksan ang iba pang silid. Natigilan siya nang may isang kwarto na nakalock.Hinarap niya si Gray. “Buksan mo ito.”Bumalatay ang sakit at takot sa mga mata ni Gray. “Ilana, that’s Grant’s room. Ayaw niyang pabuksan—”“Bubuksan mo o sisirain ko?!”Walang nagawa si Gray. Kinuha niya ang susi sa sarili niyang kwarto bago
PAIKOT-IKOT si Ilana habang umiiyak, nanginginig ang mga kamay at mabilis ang paghinga. Nagkakagulo sa paligid at walang malay si Lovella. Paulit-ulit na tinitingnan ni Ilana ang bawat sulok ng garden—umaasang nasa paligid lamang ang kaniyang anak pero wala…wala siyang makita at mas lalo siyang natatakot sa bawat segundong lumilipas.Tumakbo palabas si Ilana sa pag-asang mahahanap si baby Nayi pero bigo siyang muli.“A-Ano pong nangyari?” Sinubukan niyang pigilan ang isa sa paalis na sanang bisita. It was her neighbor.“Ilana, ang anak mo! May kumuha nalang bigla sa kaniya. Nahimatay ang kaibigan mo nang mauntog matapos itulak.”Mas lalong tumindi ang takot ni Ilana. Naalala niya ang sulat na natanggap niya.“A-Ano pong hitsura ng kumuha sa kaniya?”“Hindi ko nakita ang mukha niya, hija. Matangkad siya at nakasuot ng itim. Agad siyang hinabol ng kasintahan mo at ng dalawa pang lalaki.”“S-Saan po s-sila pumunta?”“Doon!” Itinuro ng babae ang direksyon. “Sumakay sila ng kotse. Ang mabut
HINDI mapakali si Ilana kinabukasan. Matapos ang binyag sa simbahan ay dumiretso sila sa venue. Naroon na at naghihintay ang mga bisita. Kaunti lamang ang bisita nila. Si Lovella na ninang, si Tres na ninong, ang ilang kapitbahay nila sa apartment at ang mga trabahador ni Cloudio sa mga negosyo nito. Simple lang ang handaan, maging dekorasyon sa venue. Halata namang masaya ang lahat pero hindi si Ilana.“May problema ba?” Lumapit sa kaniya si Cloudio at bumulong.“Wag mong aalisin ang tingin mo kay baby.” Sagot ni Ilana nang hindi inaalis ang tingin sa anak. Karga ito ni Lovella habang kausap ang ilang bisita. Sa isang mesa naman ay naroon si Tres na tahimik na umiinom. Nasa harap nito si Brian.Ilana was shocked when Brian arrived with Lovella. Hindi siya nito inimik pero tiningnan siya nito at tinanguan.“Bakit?” Nagtataka si Cloudio pero hindi na sumagot si Ilana.Naglakad siya palapit kay Lovella para kunin si baby Nayi. Nang makita siya ni Lovella ay agad nitong ibinigay ang bata.
HINDI maalis sa isipan ni Ilana ang pagtatalo nila ni Lovella. Paulit-ulit niyang naririnig ang boses nito at ang pangongonsensya. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang kinakampihan ng kaibigan niya si Gray. Imposible namang nasuhulan ito ng lalaki dahil kilala niya si Lovella. May nalaman ba ito? Ipinilig ni Ilana ang ulo. Hindi na dapat niya problemahin kung may nalaman man si Lovella. Ang gusto niya lang ngayon ay tahimik na buhay kasama ang binubuo niyang pamilya. Wala naman sigurong batas na nagbabawal na hindi makipagbalikan sa asawa. “May problema ba?” Naupo si Cloudio sa tabi ng kaibigan. Nagtatrabaho ito kanina sa laptop pero nang mapansin ang paulit-ulit niyang buntong-hininga ay nilapitan na siya. Tulog sa crib si baby Nayi kaya tahimik silang dalawa sa sala. Tiningnan ni Ilana ang kasintahan. “Cloud, nagtalo kami ni Lovella.” “Dahil ba sa akin?” Nag-aalala ang tono ng kasintahan. Umiling si Ilana. “Hindi. Gusto niya kasi na kalimutan ko na ang galit ko kay Gray. I
SINALUBONG ni Cloudio si Ilana na may malaking ngiti sa mga labi. Alas diez na siya ng gabi nakauwi at naghihintay sa kaniya si Cloudio sa loob ng kaniyang apartment. Kaharap nito ang laptop nang pumasok siya pero agad siya nitong sinalubong. “Mabuti naman napaaga ka. Tulog na si baby.” Si Cloudio na humalik sa kaniyang pisngi. Tiningala ni Ilana ang kasintahan. “May hindi ka ba sinasabi sa akin, Cloud?” Natigilan ang binata. Ang ngiti sa mga labi nito ay unti-unting nabura. “A-Anong ibig mong sabihin?” “I’m giving you a chance to explain to me, Cloud.” Diretso lamang ang tingin ni Ilana sa kasintahan. Ni halos ayaw niyang kumurap dahil hindi niya lang gustong marinig ang katotohanan—gusto niya ring makita ito sa mga mata ng lalaki. “Ilana…” “What did my father do to your sister?” Mariing pumikit si Cloudio at humugot ng malalim na hininga. Hinawakan nito ang kamay ni Ilana at marahang iginiya ang kasintahan paupo sa sofa. Lumuhod ito sa kaniyang harapan—hawak pa rin ang
NILAGPASAN ni Ilana ang kaibigan nang mapansin niya ang disappointment sa mga mata nito. Hindi alam ni Ilana kung bakit parang biglang kumakampi si Lovella kay Gray. “Ilana, mag-usap tayo.” Umiling si Ilana. “Kailangan kong umuwi, Lovella. Saka na tayo mag-usap.” “Mag-usap tayo ngayon!” Hinablot ni Lovella ang braso niya nang makarating sila sa parking lot. Iritadong tiningnan ni Ilana ang kaibigan. “What? ‘Wag mong sabihing kakampihan mo na naman siya.” “Hindi ko siya kinakampihan pero sumusobra ka na!” Humalakhak si Ilana. “Saan ako sumobra, Lovella? Dapat ba patawarin ko siya dahil nasaksak siya? Dapat ba kalimutan ko nalang ang lahat dahil miserable siya? Paano naman ako? Paano ang sarili ko?” Umiling si Lovella. “Pinagsalitaan mo siya ng masama, Ilana. Pinag-isipan mo at sinaktan ng sobra sa masasakit mong salita.” “He deserves it.” Nagtiim-bagang si Ilana. “Ginagawa ko lang sa kaniya ang mga ginawa niya noon.” “Masaya ka ba? Ha? Masaya ka bang nakakaganti ka sa