Two more chapters~
MAGKAHARAP sa isang mesa sina Gray at Tres. Kalmado silang pareho pero kakikitaan ng galit ang mga mata ni Tres.“Pagkatapos ng pinsan mo last week, ikaw naman ngayon. Anong balak niyo, linggo linggo akong suyuin?” Kunot ang noong tanong ni Tres.“Bakit dinaan mo sa dahas? Muntik mong mapatay ang anak ko.”Natawa si Tres. “Sana inisip iyan ng lola mo nang daanin niya sa dahas ang nanay ko.”Bumuntong-hininga si Gray. “Wala tayong magagawa kay grandma dahil ganoon talaga siya. Pero alam kong pinagsisihan niya ang ginawa niya.”“You think so?” Tumaas ang kilay ni Tres. “Itinaboy niya rin ako noon. Nasaan ang pagsisisi?”“I can't justify her actions—”“Sure you can’t.” Sumandal si Tres. “At wala ring kapatawaran.”“Ilana forgave you.”Nangunot ang noo ni Tres. “Iyan ang mahirap sa mababait, mga tanga.”Nagtagis ang bagang ni Gray. “Tanga ang tingin mo sa nagpapatawad? Kaya ba hanggang ngayon puno ka ng galit? Tristan, you hate our grandmother for doing that, but you're also doing exactly
HALOS hindi humihinga si Ilana habang nakatitig si Gray sa kaniya. Kapwa mabilis ang pintig ng kanilang puso at walang patid ang pagtawag ng kanilang damdamin sa isa’t-isa. Ilana could feel it. The sincerity. The overflowing happiness. She knows that this is where her heart and fate is leading her to. Back to the arms of the man she loved so much. “Gray…” Ibinulong ni Ilana sa hangin ang pangalan ng lalaki. Kasabay ng pagtalon ng kaniyang puso sa epekto ng taong ito sa kaniya. He caressed her cheek, staring deeply into her eyes. “Alam kong malabo pa sa tubig kanal ang posibilidad na makalimutan mo ang ginawa ko…” Mahinang natawa si Ilana. “Bakit naman tubig kanal?” Kinagat ni Gray ang pang-ibabang labi. “Ang baho ng past mo sakin e.” Napailing si Ilana at hinawakan ang kamay ng lalaki. “We hurt each other, but we can't only focus on the pain and struggles. Nagkakasundo tayo noon. We share the same thoughts, ideas. You give me surprises, you give me contentment. Masyado la
PAREHAS na nakatulala sa kisame sina Gray at Brian. Kapwa sila hindi makatulog. Hindi dahil hindi sila komportable kundi dahil iniisip nila ang iisang babae. “Bakit hindi mo siya niligawan noong highschool? Ikaw ang unang nakakita sa kaniya,” tanong ni Gray na siyang bumasag sa nakabibinging katahimikan. “I was a delinquent,” malamig na tugon ni Brian. “Marami akong kaaway. Marami akong binangga na gang. Ayokong madawit siya sa gulo at masira ko ang tahimik niyang buhay.” Bumuntong-hininga si Gray. “You graduated as a valedictorian. Madali ka niyang mapapansin kung nagpakilala ka lang. And about being a delinquent, I don't believe you can't protect her.” Nilingon ni Brian si Gray. Madilim ang paligid pero mula sa liwanag ng buwan na nanggagaling sa labas ay nakikita nila ang isa't-isa. “I planned to pursue her in college. Baka sakaling maayos na ang buhay ko noon…” “Dumating si Grant…” mahinang sambit ni Gray. “Hindi kaagad naging sila pero magaling bumakod ang pinsan mo
“HAPPY birthday to you! Happy birthday to you!Nakangiti si Ilana habang sumasabay sa kanta para sa anak. Nakatayo silang dalawa ni Nayi sa dambuhalang cake. Kailangan pa nilang tumuntong sa unang bahagdan para kahit papaano ay maabot nila ang kandila.Birthday ni Nayi ang pinaghandaan ni Ilana dahil para sa kaniya ay mas higit pa sa birthday gift ang pagdating ng kaniyang anak pero hindi niya alam na may ibang plano pala si Gray at ang kanilang pamilya.They made a surprise not only for Nayi’s birthday but also for her birthday. Alam ni Ilana na hindi nakalimutan ng mga Montemayor ang birthday niya lalo na’t kasabay ito ng birthday ng kaniyang anak pero hindi niya inaasahan ang bonggang surpresa ng pamilya.“Happy birthday…” Nakangiti si Gray nang iabot nito sa kaniya ang isang malaking gift box. Nag-abot rin ito ng para kay Nayi.“Salamat.” Ilana smiled sweetly.Who would’ve thought that after everything, sa pamilya pa rin ni Gray ang balik niya. Nagkasakitan sila noon pero malinaw n
ILANA and Nayi are swimming on the pool. Nag-eenjoy silang mag-ina habang naglalaro ng bola nang biglang nagtanong si Nayi.“Mama, love mo ba po si papa dati?”Saglit na natigilan si Ilana bago marahang inihagis sa anak ang bola. Nasa mababaw na parte si Nayi samantalang nasa hanggang sikmura naman ang tubig sa kinatatayuan ni Ilana.“Oo naman.” Nakangiting sagot ni Ilana. She saw how her daughter’s eyes twinkled and her lips stretched into a sweet smile. “Mabait po ba si papa sa inyo?”Muli ay natigilan si Ilana. “Mabait siya at maalaga, baby.”“Talaga po? Pero…” Biglang nabura ang ngiti nito. “Bakit hindi po natin siya kasama dito sa bahay? Bakit po kayo naghiwalay?”Lumunok si Ilana at hinaplos ang basang buhok. Binitawan niya ang bolang ibinalik sa kaniya ni Nayi saka nilapitan ang anak. She caressed her cheek. “Hindi madali kay mama na iwan si papa, anak. Pero kailangan dahil nasaktan ng husto si mama.”“Sinaktan po kayo ni papa?”Umiling si Ilana. “Hindi pero parang ganoon. Nagk
ALAM ni Ilana na mahirap nang ayusin ang mga bagay na nasira. Tulad ng tiwala na mahirap ibalik ng buo. Hindi mapapantayan ang bawat sakit na naranasan niya habang pilit na inaabot ang kaligayahan at tahimik na buhay. Sa paglakad niya sa diretsong daan ay may mga tao siyang nasaktan hanggang sa hindi niya namalayang naliligaw na pala siya at hindi na makita ang paroroonan.Her failed marriage with Gray was planned. She just tried to fight for it pero alam niyang iyon talaga ang kahahantungan.“Mama, thank you sa pagtupad ng wish ko.”Napatingin si Ilana sa batang katabi. Yakap nito ang isang malaking manika. Nakatirintas ang mahaba at tuwid nitong buhok at kitang-kita sa mga mata ang kislap ng kaligayahan. Ngumiti si Ilana at hinalikan ang pisngi ng batang babae. “Basta para sa baby ko.”“Mama, may isa pa akong wish.”Bahagyang hinarap ni Ilana ang anak. Nasa eroplano sila pauwi sa Pilipinas. Seventh birthday na ni Nayi sa isang araw at nagrequest ito na magcelebrate ng birthday kasa