KUSANG napahinto sa pagtatalo ang dalawa sa sinabing iyon ni Scarlett.“Are you sure?” sabay na sabi ng dalawa.“Oo! At kayo jan sa gitna pagkatapos yakapin niyo ang isa’t-isa.”“What?!” muli sabay na sabi nila at this time nanlalaki ang mata nila sa gulat.“’Wag niyo akong ma ‘what’ ‘what’ jan mga kuya! Ang tigas ng ulo niyo mas matigas pa sa ulo ko! Now, mahiga na kayo at matulog tayong tatlo!”Seryosong sabi ni Scarlett kung kaya napatahimik ang dalawa. Basta talaga maging seryoso ang kanilang bunsong kambal napapatahimik sila nito. Ang aura nito kapag galit katulad ng katulad sa kanilang ama.Hindi lang pala katulad kundi lampas pa! Kaya nga ang ayaw nilang nagagalit si Scarlett. Muka lang itong mabait dahil sa itsura nito at dahil babae siya pero ang totoo halimaw ito kapag seryoso at kapag galit.Kapag nag sparring nga sila walang nakakatalo dito kahit pa ang daddy nila hindi magawang talunin si Scarlett.Kaya walang nagawa ang dalawa kundi ang mahiga habang magkatapat.“Ikaw an
“BAKIT natutulog ka kuya?! Akala ko ba gusto mong puntahan si lady in mask?! Galing pa naman ako kila mom and dad!”Natigilan si Khalil sa sinabi ng kambal niya at agad na napabangon dahil sa sinabi nito. Nakadapa kasi si Khalil kung kaya mabilis siyang nakabangon ng marinig iyon.“Anong sabi nila?” tila nabubuhayan na sabi nito.“Ayun hindi pumayag,”Biglang nawala ang excitement ni Khalil ng marinig ang sinabing iyon ni Scarlett.“Nagalit pa nga sakin si daddy tinawag ako sa pangalan ko. Sabi niya parusa is parusa,”Kusang ibinagsak ni Khalil ang sarili sa higaan ng marinig pa ang dugtong ng sinabing iyon ng kakambal niya.“Bakit mo pa sinabi sakin kung hindi naman pala sila pumayag?”“Syempre para makaisip pa tayo ng ibang way!” agad na sagot ni Scarlett dito.“Wala ng ibang way twin, matulog nalang tayo at kalimutan ang tungkol sa kaniya.”“Eh! Kuya Khalil naman e!” reklamo ni Scarlett at niyugyog ang kaniyang kuya Khalil.“Sabihin mo na kasi kay kuya Samuel ang tungkol sa kaniya
“PRINCESS!” malaking ngiti sa labi na sabi niya ng makita si Scarlett doon.“Hi dad! Gising pa ba si mom?”“Yes, pasok ka.”Pumasok sila sa loob at nakita ni Scarlett ang ina sa may vanity habang nakaupo at nakatingin sa kaniya. Ngumiti ng malaki si Scarlett at kaagad na lumapit dito.“Mommy. I know your stress lately kaya nandito ako para bigyan ka ng massage!”Sumilay ang ngiti sa labi ni Sarah ng marinig iyon mula sa anak at tumalikod na dito para masimulan agad ang masahe nito.Sa kanilang triplets si Scarlett ang pinakang masarap mag masahe kung kaya hindi ito tatanggihan ni Sarah lalo na sobrang stress siya lately.Si Kenneth naman hinayaan na ang kaniyang mag ina at bumalik siya sa kaniyang ginagawa sa laptop.“Kamusta ang company mo mom?” tanong ni Scarlett dito habang minamasahe ang ina.Nakapikit si Sarah at ninanamnam ang masahe ng anak. Saktong sakto katatapos lang nitong maglinis ng katawan kung kaya sigurado siyang magiging masarap ang tulog niya mamaya.“It’s not really
NAG tulong tulong na sila sa pagluluto ng pagkain para na rin makakain sila kaagad. Iss pa alam ni Scarlett na pagod ang mga ito, nag presinta nga siya na ang mag luluto ngunit ayaw lang ng mga ito.Si Khalil naman alam niya na ngayon ang meet and greet ni lady in mask at noong isang araw pa siya hindi mapakali kakahanap dito. Sa mga video’s online nalang siya umaasa para makita ang babae ngunit hindi iyon sasapat.Kung siya lan ang masusunod matagal na siyang umalis sa kanilang bahay, tumakas at pumunta sa bar ngunit hindi niya iyon maaaring gawin. Siguradong mas lalong magagalit ang kaniyang mommy at daddy.Syempre ayaw niyang mangyari ito lalo na ngayon na may problema sa kumpanya ang kaniyang ina. Sinabihan na nga siya ng ama kagabi na samahan ang mommy niya sa negosyo nito dahil siguradong marami itong inaasikaso lalo na ang mama Niña nila.Actually tinanong muna sila ni Kenneth kung sino sa kanilang dalawa ang gustong tumulong sa ina at siya na ang nag volunteer. Sinilip pa nga
SUMAKAY na sila at bumaba malapit sa kanilang kanto para maglalakad nalang sila pauwi. Totoo naman na balak nilang maglakad lakad lalo na ngayon na marami silang nakain namasasarap na pagkain. Hindi lang pagkain kundi alak din.Himala nga at hindi sila nalasing lalo na hindi sila familiar sa alak na binili ni Vanessa. Mukang alak iyon ng mayayaman at may pagkamatamis. Marami din kasi ang pulutan kaya mas lamang ang kanilang pulutan keysa inom ng alak.Hindi naman sila pinapansin ni Vanessa kung kaya sige lang sila ng kain na dalawa.Limang minuto lang at silang naglakad na dalawa at ng makarating sa kanilang bahay naghiwalay na ang mga ito. Dahil pagod si Lira gusto niyang matulog agad pagkarating sa kanila.“Congrats anak!”Nagulat si Lira ng salubungin siya ng kaniyang ina at mayroon itong cup cake na nakalagay sa plato.“Ma! Gising ka pa po pala?” takang tanong niya at nag mano dito.“Inaantay kita anak, gusto kitang i-congrats dahil sa meet and greet mo. Nakita ko sa cellphone ni
TULUYAN ng nawala ang kaba sa dibdib ni Lira at napalitan ng kumportable at masayang makilala ang mga ito. Kaya nga nang matapos ang salo salo nila na iyon nalungkot siya ng magpaalam na sila.“Thank you so much po madam,” parehong sabi nila ni Hilda dito.“Walang ano man, basta Lira ang pangako ko sayo tataasan ko ang sahod mo. At ikaw Hilda pwede kang pumasok dito, sasabihan ko ang event organizer para sayo.”“Talaga madam?! Wow! Salamat po ng sobra sobra!” tuwang sabi nito at tumingin kay Lira. “Magkakasama na tayo lagi bes!”Nagtatalon ang dalawa sa tuwa kung kaya napangiti ang mga ito na nakatingin sa kanila.“Himala hindi ka lasing ngayon,” bulong ni Tim sa kapatid na ikinasiko nito dito at sinamaan ito ng tingin.Natawa lang si Tim dahil sa naging reaction ng kapatid habang si Vanessa naman lumapit sa kaniyang ina at bumulong.“Mom, baka pwedeng request mo kay Lira na alisin mask niya. Gusto ko siyang makilala,”Narinig naman agad ng ina ang sinabi ng anak ngunit isa nga sa dah