Pakawalan mo ako, Mr. Hill

Pakawalan mo ako, Mr. Hill

By:  Shallow SouthKumpleto
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
9.5
316 Mga Ratings. 316 Rebyu
2346Mga Kabanata
779.7Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

[Aksidenteng nakipaglandian sa isang maalamat na kilalang tao, desperado siyang humingi ng tulong sa internet.] Matapos pagtaksilan ng hayop at ng kanyang ate, si Catherine ay sinumpa na maging tita ng walang hiyang couple! Dahil dito, nagkaroon siya ng interes sa tito ng kanyang ex-boyfriend. Huli na ng malaman niya na na ito ay mas mayaman at mas gwapo kaysa sa kanyang ex-boyfriend. Simula noon, siya ay naging romantikong asawa sa tito ng kanyang ex-boyfriend at laging nakipaglandian sa kanya. Kahit na ang lalaki ay hindi siya pinapansin, wala siyang pakialam hanggat magawa niyang mapanatili ang kanyang pagkatao bilang tita ng kanyang ex-boyfriend. Isang araw, biglang napagtanto ni Catherine na nakikipaglandian siya sa maling tao! Ang lalaking kanyang nilalandi ay hindi tito ng kanyang hayop na iyon! Nabaliw si Catherine. “Ayoko na. Gusto ko na ng divorce!” Si Shaun ay wala ng masabi. Ang iresponsable niyang babae! Kung gusto niya na kumuha ng divorce, kung gayon mangarap na lang siya!

view more

Kabanata 1

Kabanata 1

Slap!

Isang umaalingawngaw na sampal ang tumama sa mukha ni Catherine Jones.

“Binigo mo nanaman ako. Nahirapan ‘yung kapatid mo ng 20 taon at heto ka nagpaplano kung paano agawin ang lalaki sa kanya. Nakakahiya ka!”

Hawak-hawak ang parte ng mukha niyang mahapdi, hindi makapaniwalang tinignan ni Catherine ang kanyang ina. “Mom, boyfriend ko si Ethan. Bakit wala kayo sa tamang katwiran?”

Kakauwi lang ni Catherine galing business trip para makita ang matagal na nawawala niyang ate, si Rebecca Jones, na nakaupo kasama ng boyfriend niyang si Ethan Lowe, sa couch. Ang ate niyang kababalik lang nito ay hawak ang braso ni Ethan at mukhang intimate kasama siya.

Nakahiwalay sa kabilang gilid ng couch ang mga magulang ni Rebecca at Ethan na masayang nagkukwentuhan.

Sa katunayan, si Ethan ang childhood sweetheart ni Catherine!

Hindi na niya natiis na tanungin si Rebecca. Ngunit, natapos ito nang sampalin siya ng nanay niya sa mukha doon mismo!

“Mom, huwag mo namang sampalin si Cathy.” Nang may takot na tingin, sabi ni Rebecca, “Kasalanan ko. Hindi na dapat ako bumalik…”

Agad na hinawakan ni Ethan ang balikat nito. “Hindi, Rebecca. Kasalanan ko dahil lagi kong tinuturing na kapatid si Catherine, kaya siguro nabigyan ni Catherine ng ibang kahulugan ang nararamdaman ko para sa kanya.”

May kung anong parang sumabog sa utak ni Catherine. Sobrang sakit na hindi na siya halos makahinga.

Kapatid?

Bakit siya lihim na nangako ng kinabukasan ng magkasama kung kapatid lang ang turing nito sa kanya?

Bakit niya ito yayakapin ng mahigpit kung kapatid lang ang turing nito sa kanya?

“Manahimik ka!” Hinid na kayang tiisin ang mga salitang iyon at nandidiri siya rito.

“Ikaw ang dapat manahimik. Ganito ka ba dapat makipagusap sa ate mo?" nagtatampong tanong ni Mrs. Jones. “Hindi mo ba kayang magparaya para kay Rebecca, lalo na’t marami siyang pinagdaanan ng 20 na taon ng hirap?”

Gulat, nakauwang ng kaunti ang panga ni Catherine.

Siguro naman ay mayroong hangganan ang pagpaparaya. Bakit niya isusuko ang pagmamahal niya? Hindi naman siya santo.

Sa puntong iyon, tumayo si Mr. Jones at malungkot na sinabi sa kanyang, “Tapos ka na? Hindi ka naman gusto ni Ethan. Kailangan naming pagusapan ang engagement party ni Rebecca ngayon. Umalis ka na. Masakit ka sa mata.”

Nanginig si Catherine at tinignan si Ethan na nagbago ng pakikitungo sa kanya. Saka niya tinignan si Rebecca na nakahawak sa kanya.

Bigla siyang nakaramdam ng pangungutya sa kanya.

Ang mga taong ito ay pinapahalagahan niya simula noon pero ngayon kinakampihan nila si Rebecca.

Bumagsak ang mga luha sa kanyang mukha.

Pagkatapos niyang punasan ang mga luha, tumalikod si Catherine at umalis bitbit ang suitcase niya nang hindi lumilingon pabalik.

Kaagad niyang pinatakbo ang Maserati pagkasakay niya.

Nang hindi alam kung saan pupunta, huminto siya at tinawagan ang kanyang best friend, Freya Lynch.

“Tara inom tayo.”

Paos ang boses niya dahil sa paghikbi niya. Pumayag naman kaagad si Freya. “Sige. Punta na ‘ko diyan.”

Nang makarating si Freya sa S1897 pub, nakaubos na si Catherine ng isang bote ng red wine mag-isa.

“Sakto dating mo. Tara inom tayo. Marami akong inorder. Hindi ka pwedeng umuwi nang ‘di natin nauubos ‘yon.”

Hinagis ni Catherine ang bote ng beer kay Freya.

“Anong meron?” Bihira lang makita ni Freya na ganito si Catherine. Malugod naman niyang dinamayan si Catherine. “Nasaan si Ethan? Hindi ka niya pinapansin?”

Nang mabanggit ang pangalan ni Ethan, nakaramdam si Catherine ng saksak ng kutsilyo sa kanyang puso.

“Iniwan niya ko at mgiging engaged na siya kay Rebecca.”

Napaawang ang bibig ni Freya. “Anong kalokohan ‘toi?”

Mabilisang kwinento ni Catherine ang nangyari noong gabing iyon.

Hindi makapaniwala si Freya. Si Ethan at Cahterine ay childhood sweethearts na bumbuo ng relasyong pang romantiko simula noong high school.

Pero nitong mga nakataang tao si Catherine ay nag-aral na ibang bansa habang si Ethan ay abala sa trabaho. Ito ang dahilan kung bakit hindi pa sila engaged.

Parehas ng mga magulang nila ay hindi tutol dito. Binigay din nila ang kanilang basbas sa dalawa.

Lahat ng nasa entertainment industry ay alam na sa kasal ang pagbasak ng dalawa.

Ngayon, ito palang si Ethan ay nobya na si Rebecca, na magpapamukha kay Catherine na siya ay katawa-tawa.

“Imposible. Parehas kayo ni Rebecca na importante sa mga magulang niyo. Nababaliw na ba nanay at tatay mo?”

Napahawak si Catherine sa wine bottle. “Siguro pakiramdam nila na sobrang nahirapan si Rebecca kung saan siya galing. Ngayong bumalik na siya, gusto nilang ibigay ang lahat ng makakaya nila.”

Hindi pa rin makapaniwala si Freya. “Pero anak ka rin nila!”

Pinilit ni Catherine na ngumiti.

“Hah. Ngayong nakabalik na si Rebecca, kay Rebecca lang sila may paki.”

“Simula pagkabata, sila ang may gusto na makasal ako kay Ethan. Ngayong sineseryoso ko ang bagay na iyon, tinatawag nila akong isip bata.”

“Isa pa, pinangakuan ako ng walang hanggang ni Ethan pero ganon-ganon lang nagbago ang isip niya. Kinamumuhian ko siya…”

Sa bandang dulo ng kanyang sinabi, nagsimulang mabulunan si Catherine. Habang hawak ang bote, uminom siya ng ilang lagok ng wine at nalasahan ang luha niya sa kanyang bibig. Sa puntong iyon, nakaramdam siya ng hilo.

“Huwag ka masyadong uminom. Mahina ang tiyan mo. Hindi magiging kumportable ang pakiramdam mo kung uminom ka ng marami.”

Kinuha ni Freya ang boteng hawak ni Catherine para ilihis ang atensyon nito. Pagkatapos n’un, luminga-linga siya paligid ng pub.

Hindi niya inasahang may makitang pamilyar na tao.

“Hoy, tignan mo ‘yun!”

Marahang tinulak ni Freya si Catherin at tinuro ang lalaking nakaupo sa dulo.

Kahit na medyo madilim sa dulong iyon, madyo kita pa rin ang lalaki. Nakasuot siya ng suit na hindi angkop sa okasyon.

Nakapikit ang mata ng lalaki at nakasandal sa couch, binibigyan siya ng makinang na aura. Tuwing tumatapat sa kanya ang rotating spotlight, mukha siyang kaakit-akit na mukhang perpekto ang side profile nito na nakikita sa mga comic book.

Pagtapos tingnan, iniwas ni Catherine ang tingin nito sa kanya. “Kahit gaano siya kagwapo, wala ako sa mood para matuwa sa kahit anong maganda sa mata.”

“Ang gusto kong sabihin sa’yo ay ang lalaking ‘yun ay uncle ni Ethan.”

Saglit na nagulat si Catherine. “Sigurado ka?”

Nabanggit ni Ethan na meron siyang misteryosong uncle. Ngunit, ang uncle niya ay namamahala ng kumpanya sa ibang bansa kaya hindi niya ito kailanman nakita.

Ilang araw ang nakalipas, narinig niyang bumalik na ang uncle nito.

“Oo, siguradong-sigurado ako. Sinabihan ako ng kapatid kong pupunta kami sa cocktail party nung isang araw. Ang narinig ko hindi pa siya katandaan at matalino siya. Kahit si Zachary ay kinakaawaan niya.”

Si Zachary Lowe ay tatay ni Ethan.

Nagningning ang mata ni Catherine. May ideyang siyang biglang naisip.

“Kung ganoon… Ano sa tingin mo ang mangyayari kung papakasalan ko ang tito niya?”

“Pff…” Gulat, nabuga ni Freya ang wine na nasa bibig niya. “Ano ulit?”

Sinadyang tignan ni Catherine ang matangkad at gwapong pigura. “Dahil hindi na ako magiging daughter-in-law ng pamilyang Lowe, e ‘di magiging tita na lang ako ni Ethan para makaramdam ang walang hiyang couple nang pandidiri ang dalawa.”

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

10
91%(287)
9
1%(2)
8
2%(6)
7
0%(1)
6
0%(1)
5
0%(0)
4
1%(2)
3
1%(4)
2
2%(6)
1
2%(7)
9.5 / 10.0
316 Mga Ratings · 316 Rebyu
Sulatin ang Repaso
user avatar
Ndai Mil
Nasaan ang continue nito episode Please ending naman po
2025-02-11 12:41:10
0
user avatar
RB Lucero
nasan na continues nito
2024-10-16 13:08:48
0
user avatar
Arlyn Dejucos Rebadeo Dapadap
full story pls Ng pakawalan mo Ako mr.hill tanx po
2024-06-16 12:57:02
0
default avatar
Jennalyn Mae Bulanadi
ang ganada
2024-05-30 14:05:52
0
user avatar
Susan Sorima Batan
tpos n tlga ang kwento? antay kpa nga ung love story n freya at ryan
2024-01-24 19:29:49
0
user avatar
Irene Tibe
maganda Nung umpisa..bt tumatagal nkaka humay na basahin..tps bgla kompleto parang hndi nman wakas.........
2024-01-21 21:34:07
1
user avatar
Zhen aguillon
Ang Ganda ng kwento... Kylan matatapos ito? Wla PA iyong pinakaclimax ng bida..
2023-12-17 01:35:17
0
user avatar
Ndai Mil
Kailan ba ang ending nito 2,218 na wala parin ending super bagal din Ng pataas tayo nang chapter, tumaas din ying point...
2023-10-29 11:34:09
0
user avatar
Gilay Lasad
mam pano pp maka avail ng full story nito
2023-10-28 10:57:19
0
user avatar
Ndai Mil
Kailan ba matapos ito na episode, at saka ang liit every episode parana tamad na mg read..
2023-09-01 09:53:05
0
user avatar
Annie Rose Satur Hulleza
sana habahan every episod like before super betin kc kc tumaas naman yun bayad so dapat habaan din
2023-08-23 18:30:32
0
default avatar
Sheila
jusko chapter 48 palang ako,gustuhin ko mn tapusin pero nakakapanghinayang ng pera...7.5k din magagastos or more gang kabanata 2012 eh wla pa tiyak kung gang sa anong chapter matatapos ito.hays prang wlang ending.dugtong lng ng dugong kwento gasyos din ng gastos un mga reader.
2023-07-25 17:42:04
0
user avatar
Mary joy escoro
sana naman taas taas nyo pa
2023-06-15 21:46:02
0
user avatar
Mary joy escoro
grabi naman ang liit lang mabasa sa dalawang chapter
2023-06-15 21:45:38
0
user avatar
Mary joy escoro
ang tagal naman mag update nag hintay talaga ako please habaan ang update ng episode
2023-05-11 21:58:36
0
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 22
2346 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status