Home / Romance / Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him / Kabanata 85| Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa Kuya ko

Share

Kabanata 85| Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa Kuya ko

Author: Mysaria
last update Last Updated: 2025-04-29 14:02:50

Gulong-gulo ang isip ni Hiraya sa mga oras na iyon. Napatingin si Rhob sa lalaking walang malay sa loob ng driver's seat at ang kotse nito ay nakaharang sa gitna ng kalsada hindi na rin umaandar. Kinuha ng lalaki ang kanyang cellphone para tumawag ng ibang sasakyan! Mayamaya ay biglang may masangsang na amoy, tumutulo na pala ang gasolina sa kotse ni Rhob at bigla silang nakakita ng ng apoy.

Isang malakas na pagsabog ang narinig nila. Biglang lumaki ang apoy kung kaya’t walang pag-aalinlangang niyakap ni Rhob si Hiraya. Halos mabingi sila sa pagsabog ng kotse at ang apoy at usok ay kumalahat sa kalangitan. Dahil sa banggaan ng dalawang kotse sa elevated highway, sobrang naging traffic ang kalsada kaya hindi makausad ang mga police car papunta sa lugar ng insidente.

Nang marinig ni Mayumi ang pagsabog habang nakasakay sa police car, nakaramdam siya ng takot, agad na bumaba ng sasakyan at tumakbo. Nang makarating siya sa insentende, bumungad sa kaniya si Rhob na punong-puno ng dugo a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 102| Kayo naman ang una 'di ba?

    Biglang naalala ni Marco ang nangyari kay Mayumi kung kaya’t agad niyang binalita ito kay Reyko, "Alam mo ba ang nangyari kay Mayumi?"Nagulat si Reyko nang marinig ang sinabi ni Marco, "Anong nangyari sa kanya?""Hindi pa ba sinabi sa 'yo ng asawa mo?” Ilang segundong natahimik si Marco at nagpatuloy, "Grabe naman, wala talagang tiwala sa’yo ang asawa mo, pati gantong kalaking bagay ay itinatago niya sa’yo. Sabagay, naiintindihan ko rin naman siya… May ginawang hindi maganda si Kalyx Lee kay Mayumi, mukhang natatakot siguro ang asawa mong makialam ka at mas lalong mapahamak ang kaibigan niya.""Hay! Mukhang hindi ka na talaga niya mahal.. Wala na rin siyang pakialam sa’yo, Reyko." Matapos na sabihin iyon ay ibinaba agad ni Marco ang telepono at napahigikhik.Si Reyko naman ay nanatiling nakatingin sa cellphone habang napapakunot ang noo. Kanina ay tinawagan niya ang babae, ngunit talagang nasa ospital nga ito. Sinabi niya pang nakikipaglandian ito kay Rhob kanina.‘Mukhang hindi ka n

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 101| Bumalik na si Andrea

    Natigilan si Hiraya nang marinig ang pamilyar na boses ng babaeng tumawag sa kanya. Matapos ang ilang segundo, dahan-dahan siyang lumingon at napatingin sa babaeng nakatayo sa ‘di kalayuan. Hindi pa siya nakakapagsalita, ngumiti na ang babae at mahinang tumawa sa kanya, "BFF! Ilang taon na tayong hindi nagkikita? Apat? Lima? Hindi ko na rin maalala, kumusta ka na?” Naka-Chanel na damit ang dalaga, medyo kulot ang hanggang baywang nitong buhok, napakatangos din ng ilong at sobrang kinis ng mukha. Subalit ang mga mata nito ay blangko sobrang hirap basahin kung ano talaga ang nararamdaman nito. Sobrang nagbago na ang kaibigan niya, mas gumanda pa ito lalo. Hindi na katulad ng dating simple lang.Nanlaki ang mga mata ni Hiraya at napakuyom ng kamao. Parang nanlalamig ang buong katawan niya.Si Andrea ang nasa harapan niya. Wala ng iba! Bumalik na nga ito! Hindi nga talaga siya namamaklikmata kanina. Ngunit hindi niya maintindihan— kung bumalik na ang dalaga, bakit pa ito nagtatago sa

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 100| Hindi na tama

    Ilang minuto ang nakalipas, biglang bumalik si Hiraya sa realidad. Ngumiti siya ng mapakla sa lalaki at nagsalita. “Alam mo, mataas ang standard ni Mayumi. Kahit na desperada pa siya, hindi niya isasakripisyo ang buhay niya sa isang lalaking katulad mo. Mr. Lee, hangga’t hindi mo tinatantan ang kaibigan ko, huwag kang magugulat na isang araw ay ako na ang makakalaban mo. Kahit hindi namin mahanap ang kolehiyalang babaeng iyon, huwag kang mag-alala, hahanapan na lamang kita ng butas, tandaan mo ‘yan,” ngising sabi ni Hiraya sa lalaki. “Mayroon pa pala akong gagawin, aalis na ako. Babalik ako bukas, huwag kang mag-alala. Magpahinga ka ng mabuti, Mr. Lee.” Matapos na sabihin iyon ay umalis na siya, hindi man lang niya hinintay na magsalita ang lalaki. Sa oras na sinarhan niya ang pinto ay rinig na rinig niya ang pagbasag ng isang gamit at galit na boses ng lalaki. “Bro, hahayaan mo na lang bang pakawalan ang malanding babaeng si Mayumi? May hawak siyang video, kapag nailabas ang video

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 99| Pareho lang kayo ng kaibigan mo

    Sa madilim na gabi, mabilis na bumabaybay ang isang itim na Sedan sa malawak na kalsada. Nakaupo si Hiraya sa likod ng kotse at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang bestida. "Madam, babalik po ba tayo sa mansyon?" tanong ng driver na kinuha sa kanya ni Reyko."Hindi, sa St. Luke Hospital tayo," pilit na sabi ni Hiraya.Nakita ng drayber sa rearview mirror na hindi maganda ang pakiramdam ni Hiraya at dahil mahigit isang oras din ang babaeng nasa loob ng istasyon, natatakot ang lalaki na may mangyari dito, kaya nagtanong ulit ito, "Madam, tatawagan ko na po ba si Boss para pumunta rin ng St. Luke Hospital?"Kahit alam ng lalaki na hindi masyadong maganda ang relasyon ng mag-asawa, mag-asawa pa rin ang dalawa at kung may mangyari sa Madam, hindi ng Boss niya ito papalampasin at baka madamay pa siya!"Hm... busy siya, huwag mo na siyang isturbuhin."Pagod na pumikit si Hiraya at dahan-dahang sumandal sa bintana ng kotse na para bang natutulog. Pero hindi siya tulog noon marami lang talag

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 98| Nasa pulisya na naman si Mayumi

    Nakahinga ng maluwag si Hiraya nang palayain siya ni Reyko. Nakarating sila sa mansyon ng matiwasay at hindi na nagiimikan pa. Dire-diretso siyang pumunta sa kwarto at uminom ng gatas. Pagkatapos noon ay nakatulog siya ng mahimbing. Kinabukasan… Dahil wala namang masyadong ginagawa sa kanyang studio ay nagpahinga na lang muna si Hiraya sa bahay buong araw. Maraming masasarap na pagkain ang inihanda ni Manang Koring para sa kanya, kaya naman bumalik ang kanyang sigla."Madam, ipinagluto ko kayo ng sopas, tikman niyo!" Inilapag ni Manang Koring ang isang malaking mangko sa mesa, "Mamayang gabi, ipagluluto ko pa kayo ng tinola at adobo na paborito niyo!."Agad namang nagsalita pa ang matanda, "Simula ngayon ako na ang mag-aalalaga sa’yo, hija, hindi na kita papayagang kumain kung saan-saan sa labas, sumakit daw ang tiyan mo kagabi!"Ngumiti si Hiraya at nang akmang magsasalita na sana siya ay tumunog naman ang kanyang cellphone na nakapatong sa mesa.Nang tingnan niya ito, isang hindi p

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 97| Panunuya at pagmamakaawa

    Habang nagsasalita silang dalawa ay dumating naman si Hiraya na inaalalayan si Sunshine papalapit sa kanila. For the lapit naman si Rhob upang tulungan si Hiraya. “Hiraya, umuwi ka na, ako na ang maghahatid kay Sunshine.” “Mukhang naparami ang inom ni Sunshine kung kaya’t dahan-dahan lang sa pagmamaneho baka masuka na naman siya,” bilin ni Hiraya kung kaya’t tumango at ngunitian pa siya ng matamis ni Rhon. "Sige, huwag kang mag-alala, hindi ko bibilisan ang pag-drive…" Tumingin si Rhob kay Reyko, at nag-aalangan na tumingin kay Hiraya, "Kung kailangan mo ng tulong o may kailangan ka, huwag kang mahiyang tumawag sa akin." Tumango si Hiraya, "Sige, magiingat kayo." Dalawa na lang silang nakatayo sa harap ng restaurant. Tapos ng kumain si Hiraya kung kaya’t medyo sumasakit ang kanyang tiyan. Mukhang naparami siya ng kain ngayon. Sobrang sarap din kasi ng pagkain at iyon ang hanap-hanap ng nila ng kanyang anak. “Bakit ang aga mong bumalik? Hindi ba’t mahigit isang linggo ka sa busin

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 96| Sagutan ng dalawang poging lalaki

    Ilang araw ng tutok na tutok si Hiraya sa kanyang pagpipinta kung kaya’t naisipan niyang yayain ang kanyang mga kaibigan na sina Alena at Mayumi sa isang bagong bukas na restaurant malapit sa kanyang studio. Ngunit ang dalawa ay saktong sobran busy at may inaasikaso ang mga ito sa ospital kung kaya’t sa sunday pa raw ang off ng dalawa. Naiintindihan niya naman iyon, babawi na lang daw ang dalawa sa kanya kapag off nila. Sakto namang walang ginagawa si Sunshine ang bago niyang kaibigan kung kaya’t agad na niyaya siya nitong kumain. Sinuggest na lang niya ang restaurant na malapit sa studio niya. Nang makarating sila roon ay nakita niyang naroon din pala si Rhob. Nakahanda na ang kanilang kakaining pagkain at nag-order din ng isang kahon ng beer si Sunshine dahil gusto nitong mag-inuman sila. Nang ibuhos ni Sunshine sa kanya ang isang beer ay agad na pinigilan ni Rhob ang babae. "Sunshine, buntis si Hiraya kaya hindi siya pwede sa alak." Nagulat silang tatlo sa sinabi ni Rhob. Agad

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 95| Have fun

    Rinig na rinig ni Hiraya ang pambabaeng boses sa kabilang linya. Mahinang natawa si Hiraya, mahigpit niyang hinawakan ang kanyang telepono at hindi na nagsalita pa. Akala ng kausap niya ay hindi siya nakakaintindi ng English kung kaya’t baluktot itong nagsalita ng tagalog, "Sobrang dami nang nainom ni Mr. Takahashi kung kaya’t pumunta siya muna ng banyo. Kung nakakaintindi ka sa sinasabi ko, huwag mo na kaming isturbuhin pa!"Napahaplos si Hiraya sa kanyang noo at bahagyang tumatawa. "Ah, ganoon ba? Naiintindihan ko na. Have fun!"Pagkasabi niya ay agad niyang ibinaba ang telepono, napatingin sa magandang tanawing ginawa niya kanina. Ang kanyang pininta ay sobrang layo sa kanyang relasyon nilang mag-asawa.Mukhang nambabae na naman ang kanyang asawa??Huminga nang malalim si Hiraya, handa na sanang umuwi nang marinig niya ang malalim na boses ng isang lalaki sa kanyang likuran, "Ang aga mo namang natapos sa trabaho!" Nang marinig ang boses, lumingon si Hiraya at tiningnan ang lalaki

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 94| Who is this?

    Biglang naalala ni Hiraya ang tungkol sa anibersaryo ng Takahashi Group kung kaya’t agad siyang nagsalita, "Tungkol naman sa anniversary niyo, wala talaga akong oras para mag-organize nito. Mas mabuti siguro na sa ibang studio niyo na lang ganapain ang event. Iyon lang at ingat ka pala sa byahe."Tiningnan siya nang matalim ni Reyko, napailing ang lalaki at umalis na. Sumunod naman si Assistant Green sa amo.Ngunit alam ng mga taong nasa mansyon ay galit ang among si Reyko base sa ekspresyon nito. Kaya naman, kahit umaga pa lang ay lahat ng katulong na naroon ay nagsitaguan. Hindi man lang makahinga ng maayos habang nakatitig sa nakakatakot na mukha ni Reyko.Hanggang sa umalis ang lalaki, saka lang lumapit sa kanya si Manang Koring at nagtanong. "Madam, mukhang nag-away po kayo ni Sir?""Hindi naman, Manang Koring. Wala naman akong lakas ng loob para kalabanin ang lalaking iyon. Gusto ko pang mabuhay ng matiwasay, ayaw ko pa pong mamatay,” pabirong sabi ni Hiraya sa matanda at ngu

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status