"Napakatahimik niya at weird, baka may kung ano ng tumatakbo sa isip niyan." Tila humaba yata ang aking tainga sa aking narinig. Malakas na bulong iyon mula sa aking likuran.
Naglalakad ako ngayon papunta sa aking pahingahan nang marinig ko ang mga binibining nag-uusap, hindi naman sana maaagaw ng kanilang hindi kagandahang tinig ang aking atensyon kung hindi lamang ako pamilyar sa kanilang pinag-uusapan.
"Hindi niya man lang naisipang itali ang buhok niyang umabot na sa tuhod. Ang creepy!" bulong ng isa pang babae.
"Bakit ba gumagala 'yan? Baka may lumuwag pala na turnilyo diyan sa utak niya kaya di nagsasalita, bigla na lang mananakmal."
Di ko na napigilan pa ang sarili ko, napalingon na ako sa nagsalita. Isang babaing sa wari ko ay edad labing anim, may kahabaan ang itim na buhok at bilugan ang mata. Nagmamadali itong nag-iwas ng tingin na para bang nahuli sa krimeng ginawa.
Ramdam ko rin ang mga mata ng mga kausap niya na nang tingnan ko ay sabay-sabay na nag-iwas ng tingin.
"Wag niyong titingnan," mahinang bulong ng isa na umabot pa din sa pandinig ko.
Nagkibit balikat ako. Ordinaryo ang ganoong pangyayari. Nasanay na lang din ako sa mga usapang ganyan, hinuhusgahan nila ang estilo ko ngunit wala naman silang magagawa dahil ganito talaga ako.
Muli ang pagsayaw ng mga puno sa hampas ng hangin. Kay lamig din ng ihip nito kahit pa napakataas na ng sikat ng araw. Hawak ang aking shoulder bag na naglalaman ng aking papel at ballpen, hawak ko naman sa kabila ang aking baunan ng tubig, inayos ko ang hawak ko doon saka ako nagpatuloy sa pag-akyat sa bundok.
Mahihinang kaluskos ang aking kasa-kasama, kung dati ay natatakot ako sa likod ng mga tunog na iyan, ngayon ay hindi na. Bakit pa? Halos kabisado ko na ang bawat sulok ng bundok na ito. Saka pinaparamdam din nilang hindi ako nag-iisa.
"Parang ang linis mo yata ngayon," natatawa ko pang pagkausap sa upuang kawayan na nasa lilim ng puno ng papel o paper tree.
Palagi itong magulo, laging may nakakalat na mga tuyong dahon na parang isang abandonadong lugar na kay tagal bago malinisan samantalang naglilinis naman ako dito sa tuwing nandito ako.
Sa tuwing Sabado ng umaga ay naglalagi ako dito. Aksidente kong natagpuan ang lugar na ito nang minsang magliwaliw ako isang dapit-hapon ng Sabado. I fell inlove with this place the moment I laid my eyes in it, tanaw dito ang pagkaway at pamamaalam ng araw, maging ang karagatan.
Tamad kong inilabas ang aking ballpen at papel, saka pumilas ng isang dahon ng papel. Hinipan ko pa ng mahina ang aking panulat na nakasanayan ko ng gawin bago magsulat. Naupo ako sa upuan, pumikit ng ilang segundo, pagdilat ng aking mga mata ay nag-uulap na ito. Saka ko na sinimulang ilabas ang mga bagahe sa aking kalooban na di ko maipakita sa iba, sa paraang 'to ko lang nailalabas ang mga sama ng loob ko.
01-10-15
Tahimik ang mundo ngunit hindi ang aking kalooban, ilang ulit man akong ngumiti ngunit nababalot ng lungkot ang aking mga mata. Bakit hindi nila alam ang tulis ng mga salitang kanilang binabato? Bakit parang kay hirap sumaya?
-Sierra
Sunod sunod na hikbi ko ang maririnig sa bahaging ito ng kabundukan, maingay man ang hangin at mga kuliglig ay mas malakas ang tunog na nilalabas ng aking mga iyak.
I don't know when did I started feeling these things, feeling so down and broken. Like I am just nothing. Mabuti pa sa lugar na ito, pakiramdam ko kahit paano ay may puwang ako.
Wala akong kaibigan, walang kahit na sino ang tumingin sa akin sa normal na paraan. Hindi ko naman intensyon ang magtaray o mang-away, sadyang hindi lang nila ako kilala kaya nahuhusgahan nila ako. Ni hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na ipakilala ang totoong ako.
Sabagay, paano nga naman nila ako itatrato ng normal kung sa sarili ko ngang tahanan ay hindi ako pinakikitunguhan ng maayos. Gusto ko ang pag-iisa, gusto ko ang pagsusulat, gusto ko ang katahimikan, pero hindi ko kailanman ginusto ang mahusgahan ng lantaran o ang mapag-usapan na parang isa lang akong lamok na gusto nilang puksain o isang nilalang na nakakatakot.
Sierra, Sierra, Sierra...
Paulit ulit kong tinatawag ang sarili ko, pinakakalma ang aking isipan. Tatlong ulit pa akong bumuntong hininga para maibalik sa normal ang aking isip, tatlumpung minuto na mula ng ako'y umiyak. Isa pang hingang malalim ay tuluyan ko ng nakumbinsi ang aking sarili na ngumiti.
Tumayo na ako't naghanda na para iipit ang aking sulat, ngunit bago iyon ay binasa ko muna muli ang sulat. Tinitigan ko ang dahon ng papel sa aking kamay, katulad ng ilan ko pang mga sulat ay iiipit ko ito sa dalawang magkadikit na sanga katabi ng punong aking sinasandalan, hindi ito halata kung hindi tititigan dahil natatakpan ito ng mga dahon. Kaya dito ko tinatago ang aking mga sulat na ginawa kong labasan ng sama ng loob, binabasa ko rin ito minsan pag may oras ako.
Nakatitig pa din ako sa papel, hanggang sa umihip ang malakas na hangin. Sa lakas ng hangin ay gumalaw ang mga sanga ng puno, naglaglagan ang ilang mga dahon. Tila mga mananayaw na sumasabay sa musikang nilikha ng hangin at ng pagkaskas ng mga dahon sa isa't isa.
Napangiti ako, pakiramdam ko'y dinadamayan nila ako. Inangat ko ang mga kamay ko, na tila ako isang diyosa na ninanamnam ang hangin. Binuka ko pa ang aking mga kamay, maging ang aking mga daliri ay binuksan ko rin, inaanyayahan ang pagdampi pa ng hangin sa aking balat.
Pakiramdam ko'y ang ganda-ganda ko. Maging ang aking buhok ay sumasayaw sa lakas ng hangin, ang sarap at ang lamig. Pinapakalma nito ang bawat ugat sa aking sistema, pinaghahari ang kapayapaan sa aking kalooban.
Makalipas ang ilang segundo ay huminto na ang hangin, nakangiti na ako ng malawak. Payapa na ang aking kalooban, nawalan ng bakas ang unos na nagrerebulosyon sa aking isipan.
Maingat na binalik ko sa aking shoulder bag ang aking ballpen at papel. Inayos ko rin ang aking lampas tuhod na maong na palda, pati ang pagkaka-tuck in sa aking itim na polo shirt. Maging ang aking puting flat shoes ay pinagpag ko.
Sa tingin ko ay hindi naman masagwa o weird ang itsura ko, maayos naman para sa akin. Naistorbo ako sa aking ginagawa nang makarinig ako ng tunog ng nabaling sanga. May kasama ba ako dito? Paanong may ibang tao dito? Sa pagkakaalam ko ay gobyerno ang may-ari ng lupang ito at abandonado pa sa ngayon.
Kung ganoon ay hindi na sekreto ang lugar na ito. May naligaw na rin ditong iba. Nakakalungkot.
"May tao ba riyan?"
Nagbilang ako ng limang segundo ngunit wala pa ring sumagot. Inobserbahan ko pa ang kapaligiran, baka gumalaw ang mga damo at mahuli ko ang nagtatagong istorbo.
Hinanap ko kung saan galing ang tunog, baka posibleng nagtatago lang talaga. Inakyat ko ang bahaging iyon ng bundok ngunit wala namang tao, sa halip ay ngiyaw ng pusa ang narinig ko, isang pusang kulay puti ang nakita ko.
"Ah, pusa lang pala."
Habang naglalakad ako pauwi ay napapaisip pa rin ako kung paanong napunta doon ang pusa, napakalinis niyon at napakaganda. Nang tingnan ko naman kanina kung may sugat ba ay wala naman akong nakita, nag-aalala ako, baka nabalian iyon o ano. Baka nasa loob ang bali, bakit ko nga ba iniwan na lang iyon doon? Baka inabandona iyon ng dating nagmamay-ari roon, baka mag-asawang naghiwalay at walang pagnanais na alagaan pa ang pusa. Kawawa naman...
Baka dahil sa lakas ng hangin ay nahulog ito galing sa isang nabaling sanga, kawawa talaga. Ang lakas pa naman ng tunog, kahit hindi naman mataas ang puno kung malakas ang bagsak, at sa lakas ng hangin, baka biglaan ang pagkabali ng sanga malamang na nasaktan talaga ang pusa.
Tapos nagsasaya pa ako sa lakas ng hangin, inangat ko pa ang mga kamay ko na para akong isang Dyosa, nabitawan ko pa ang dahon ng papel sa aking kamay, tuwang tuwa pa ako sa hangin, habang may nahihirapang pusa.
Pagkauwi ko ay ang mahabang sermon ni mama ang hinarap ko. Tuluyan ng nawala sa isip ko ang pusa at ang sulat.
"Saan ka na naman ba galing, Sierra? Baka totoo ang naririnig ko na may kinakatagpo kang lalaki sa norte? Ang bata bata pa aba'y marunong ng lumandi! Alam mo bang dahil sa mga puppy love na 'yan kaya marami ang mga batang ina, pag dumagdag ka pa mas maigi pang umalis ka na lang kahit di ka na magpaalam."
Hindi direkta pero parang pinapalayas na rin ako. Sa kabila ng pagbubunganga ni mama ay nagmano pa rin ako- magmamano sana ngunit tinabig niya ang kamay ko. Hindi katulad ng ibang ina, pagkatapos ay nag-iwas ito ng tingin at bumalik na sa ginagawang pagkalikot sa cellphone.
Sa halip na magdamdam pa ay pinili ko na lang na magkibit balikat at kumilos ng mabilis. Pagkatapos kong palitan ng tsinelas ang flat shoes ay dumeretso na ako sa kusina para tumulong o mas tamang sabihin na kumilos ng walang katulong.
Paglabas ko sa aking silid ay ang mapanuring tingin kaagad ni mama ang sumalubong sa akin, na tila inoobserbahan ako, at binabantayan ang galaw ko. At nang ilapag niya ang cellphone niya sa tabi, nagsimula na naman siya...
"Sino na naman ba ang kinatagpo mo doon? Si Jericho, 'no? Magandang lalaki nga ngunit wala ka namang mapapala doon. Siguradong gagawa lang kayo ng gagawa ng maraming anak pag kayo ang nagkatuluyan, 'yon ay kung pananagutan ka pag nagbuntis ka. Nakikinig ka ba, Sierra?"
Buntong hininga ang sinagot ko kay mama. Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga kilala 'yong tinutukoy niyang Jericho. Wala sa mga kaklase ko ang may ganoong pangngalan, o baka meron pero di ko lang talaga matandaan.
"Kaya kung ganyan na nagtatagpo lang din naman kayo ng patago, aba'y mas mabuting magsama na lang kayo habang maaga pa. Umalis ka na lang at sumama sa lalaking 'yon para sigurado. Kaysa mabuntis ka nang nasa poder ka pa namin, magdagdag ka pa ng panibagong palamunin sa bahay na ito." Deretso at kaswal lang ang pagkakawika ni mama.
Napahinto ako sa pagbabalat ng kalabasa, ilang beses ko ng narinig ang mga linyang ganoon ni mama pero ang epekto nito ay mabigat at masakit pa rin sa akin. Hindi pa rin ako sanay kahit halos araw araw naman kung sabihin ni mama iyon, minsan ay mas malala pa nga.
"O, bat ka napahinto? Aling parte doon ang hindi mo maintindihan at kailangang ulit-ulitin pa? 'Yong malandi ka o 'yong palamuninin ka? Alin man sa dalawa ay totoo naman talaga."
Napahigpit ang hawak ko sa kutsilyo. Ang masasakit na salitang galing sa kapitbahay ay kaya ko pang pagpasensyahan pero ang mga palasong sa bibig mismo ng aking ina nagmula, hindi ba parang sobra naman na yata?
Lumaki ako sa lolo't lola ko, iniwan kasi ako ni mama noong isang taong gulang ako. 'Yon ang mga panahong pinakasalan siya ni tito Fred. Hindi ako sinama dahil magkakagulo daw, nilihim kasi ni mama ang tungkol sa akin kay tito Fred. Anak ako sa labas, anak sa pagkadalaga, isang buhay na larawan na paulit-ulit daw na nagpapaalala sa pagkakamali ni mama.
Malinaw pa rin sa ala-ala ko ang ulap ng mga pangyayari halos apat na taon na ang nakararaan. Namatay si lola, kaya ako binalik ni lolo kay mama. Ayaw pa nga ni mama pero wala lang siyang ibang pagpipilian. At the age of 12, I was rejected by my own mother, no it isn't 'was', cause I am still rejected.
Sierra, Sierra, Sierra...
Pinilit kong pakalmahin ang aking mga ugat, maging ang aking paghinga ay pinilit kong ibalik sa normal. It took a lot of seconds, minutes maybe bago ko napakalma ang sarili ko. Isang ngiti ang pinakita ko kay mama.
"Tatawagin ko na lang po kayo pag nakahanda na ang pagkain," mahinahon kong sabi.
Isang tango ang sinagot ni mama, tapos ay dere-deretso na siyang lumabas ng kusina habang nagsasalita pa rin- o mas tamang sabihing nagbubunganga.
Sabi nila ay mayroong araw at gabi, isang talinghaga na rin na may pag-asa sa bawat bukas, may liwanag sa gitna ng dilim, ngunit kay tagal naman yatang magpakita ng araw? Kay tagal namang umalis ng dilim, kailan matatapos ang lahat ng ito?
Hindi ko maintindihan kung bakit tila ang aligaga masyado nila mama ngayon at talagang sumama pa siya sa pagsundo sa akin. Pinikit ko na lang ang aking mga mata, ginusto ko na lamang na kalimutan saglit ang mga tanong ko.Nagsimula ng kainin nang dilim ang aking isipan nang maramdaman ko ang malakas ngunit pinong kurot sa aking tagiliran. Agad kong sinamaan ng tingin ang pasaway na binibining nasa aking tabi.May binubulong siya ngunit hindi ko pinapansin. Narinig ko naman ngunit andito sila mama at ang kaniyang binulong ay panibagong pagsuway na naman sa aking mga magulang.Napangiti ako nang irapan niya ako.I mouthed mamaya na, ngunit mas lalo lang akong natawa dahil sa muli niyang pag-irap. Napalingon sa akin si mama nang magkaroon ng boses ang aking tawa, agad naman akong umiling para sagutin ang nagtatanong na tingin ni mama."Wala ho, may naalala lang po akong biro," wika ko pa muli nang tila wala pa ring nainti
"Cheers to me!" tumatawang wika ni Raz.Nakarating kami sa rest house namin sa Tagaytay at dito na lang din nagpalipas ng gabi. Alas onse pa lamang ng gabi ay tila lasing na si Raz. Ang mga mata niya ay namumungay na at bahagya pang kumukumpas ang kamay na animo'y isang guro sa musika na nagtuturo ng tamang taas at baba ng nota. Napailing na lang ako."Matulog na tayo, may tama ka na yata," nangingiti pa rin na wika ko. Kanina pagkarating namin dito ay nag-ikot-ikot lang kami saglit sa paligid. Maingay si Raz kanina at maraming kwento kaya medyo nawala din ang mga iniisip ko kanina."Hindi ako lasing! Walang matutulog! Dadamayan kita, alam kong nababalisa ka." Humagikgik siya ng mahina. "Syimpre nakita mo kanina ang ex mo."Nailing muli ako nang muli na namang napasok sa usapan ang hindi na dapat pang pag-usapan. Ngumiti lalo si Raz, halata talaga na lasing na siya. Paano ba naman kasi, ginawa niya ng tubig ang wine habang nagkukwento ka
Napakurap ako ng tatlong ulit bago muling iniling ng tatlong ulit din ang aking ulo. Pinilit kong ibalik ang konsentrasyon ko sa sinusulat ko ngunit tila yata ayaw ng dumalaw ng sandaling kapayapaan ang aking isipan."Interesado pala sa libro mo si Quirou.""Interesado pala sa libro mo si Quirou.""Interesado pala sa libro mo si Quirou."Parang sirang plaka na nagpabalik-balik sa aking isipan ang sinabi ni Raz. Dapat ay matuwa ako at hindi na lang gawing big deal pa ang bagay na ito ngunit tila yata ayaw ng mapayapa ng aking isip. Paulit-ulit talaga sa pagbulong ang mga salitang iyon sa aking isipan.Paano ba magpanggap na hindi ako naaapektuhan? Paano ba ako magpapanggap sa aking sarili? Paano ko ba iisipin na wala lamang iyon? Paano ako magsusulat ulit ngayon ng ganito ka-hindi payapa ang aking isipan? Hay Quirou!Pinilig ko ang aking ulo sa kaliwa saka tuluyang nagdesisyon na iwan na lamang ang aking ginagawa. Tiniklop ko ang
Unti-unti ng kumakalat ang dilim sa paligid ngunit ang aking isipan ay naglalakbay pa rin. Kayganda ng pagkalat ng kulay kahel na liwanag sa nagdidilim na kalangitan, nagliliparan na rin ang mga ibon sa himpapawid at maingay ang pagaspas ng tubig sa batis. Tinapik ko ng mahina ang aking pisngi, dinadala na naman kasi ako ng aking imahinasyon sa nakalakihan kong kapaligiran. Ang nakikita ng aking mga mata sa ngayon ay ang madalang na pagdaan ng mga sasakyan sa subdibisyon namin, ang mga sasakyang iyon ay pag-aari ng mga taong naninirahan sa subdibisyon na ito. Nawala ang aking atensyon sa labas ng bahay dahil sa masuyong pagkausap sa akin ng isang nilalang."Hija, nag-enroll ka na ba sa unibersidad na gusto mo?" tanong sa akin ni mama Ingrid.Dalawang taon na ang nakakalipas at magko-kolehiyo na ako. Sa edad na labing siyam ay tutungtong na ako sa unang taon ko sa unibersidad, ngunit hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin kay papa at mama Ingrid na hin
Makalipas ang ilang araw na pamamalagi ko sa condo ni Saemont ay naisipan ko na rin sa wakas na labhan ang bag ko. Nilabas ko ang mga gamit roon at siniguradong wala ng nakalagay pa ngunit may nahila akong isang sobre sa bulsa ng bag ko.Tila pamilyar sa akin ang sobreng ito, parang nakita ko na ito noon. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan pero parang— isang mapait na ngiti ang kumawala sa aking mga labi nang malinaw na maalala ko ang pinagmulan ng sobreng ito. Ito ang bigay ni tita na galing daw kay mama.Makapal ang sobre, halatang pera ang laman. Kahit di ko na buksan ay sigurado na ako. Huminga ako ng malalim, gagastusin ko ba ito? Habang nag-iisip ay tuluyan ko ng binuksan ang sobre at halos manlaki lang ang mata ko sa gulat nang tumambad sa akin ang lilibuhing pera. Saan galing ni mama 'to? Paano niya ako nabigyan ng ganitong halaga?Napansin ko rin ang isang liham na maayos na nakatupi sa tabi ng mga pera. Hinila ko iyon at tiniti
Madilim na nang magising ako ngunit maingay pa rin ang paligid. Marahil ay katatapos pa lang mamaalam ng haring araw kaya tila nagsasaya at nag-iingay pa ang iilan. Gayunpaman ay naririnig ko na ang huni ng mga panggabing ibon, kasabay ng mga iyon ang sigawan ng mga batang naglalaro sa labas. Maingay na ngunit ramdam ko pa rin ang kirot sa aking dibdib. Bakit ganoon? Sa mga napapanood at nababasa kong ilang kwento ay nawawala pansamantala ang sakit matapos ang sandaling pagkatulog ngunit bakit ang sa akin ay tila malinaw pa rin ang sakit? Nalalasahan ko pa rin ang pait ng mga pangyayaring inasahan man o hindi ay di ko napaghandaan. Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa aking labi. Wala akong katabi. Wala pa si Jai. Tila wala ring nag-iingay sa loob ng bahay. Wala rin marahil tao sa labas. Mabilis ang naging paghakbang ko para suriin kung tama ba ang aking hinala. Napangiti ako nang mapansin ko na mag-isa nga lang ako. Agad kong kinuha a
Posible ka pa rin palang mabasag kahit pinaghandaan mo na ang isang pangyayari. Hindi man inaasahan ang pagkikita namin ngunit ang aming pagtatapos ay tila nakatakda ng mangyari. Nanlamig siya, nawalan ng gana, at nawalan ng oras sa akin. Hindi niya natupad ang mga sinabi niya, hindi siya nanatili. Ang dating liwanag na hatid niya sa madilim kong mundo ay unti-unting lumabnaw, nawalan ng liwanag, naging normal na kulay, at tila isa na lamang palamuti sa ulap kagaya ng karamihan. Nagbago siya. Napayuko ako. Mabigat ang aking dibdib, at may impit na hikbing nagtago sa likod ng ingay ng mga kulisap. Tapos na kami ni Quirou. 'Yon na ang maaaring maging huli naming pagtatagpo. Mahigpit kong hinawakan ang aking saya, nilukot ang laylayan at tila doon humugot ng lakas sa patuloy na pagluha. Nang iwan ko siya ay hindi na ako lumingon pa, kinumbinsi ko ang sarili kong huwag na siyang lingunin kahit ang totoo ay gusto kong bumalik at makiusap sa kaniya na ayusin na
Makulimlim ang kalangitan nang magising ako. Agad akong kumilos ngunit medyo nagulat ako dahil wala na si Jai sa aking tabi. Nauna na pala siyang bumangon. Agad kong niligpit ang mga dapat ligpitin at iniwan ng malinis ang kaniyang silid. Paglabas ko pa lang ay si mama na agad ang nabungaran ko. Nagkakape siya habang nakatingin sa kawalan, malalim ang iniisip. Sabagay, sa mga nangyari sa amin ay sino nga ba ang hindi mapapahinga ng malalim. Mahirap pakalmahin ang mga salita kapag nagsimula na ito sa pagsayaw sa ating isipan. Matapos sumimsim si mama sa kaniyang kape ay lumapit na ako sa kaniya at hinila ang isa pang silya para makatabi umupo sa tabi niya. Naagaw ko ang atensyon niya kaya napalingon siya sa akin. "Bakit po?" tanong ko nang mapansing hindi pa rin siya tumigil sa pagtitig sa akin ng mariin. Huminga siya ng malalim bago nag-iwas ng mga mata. Ngumiti siya, iyong uri ng ngiti na hindi ko pa nakita sa kaniya sa buong
Napatingin ako kay mama na tulala pa rin ngayon, ang mga mata niya ay mugto na sa kakaiyak. Hindi rin ako makapaniwala na magagawa ni tito na gawin ito kay mama, na itapon na lang basta palabas sa bahay na pareho naman nilang pinundar."Tita Mira, Sierra, kumain na muna kayo," wika ni Jai.Tiningnan lang siya ni mama, at tila hindi interesado sa sinabi ng huli at muling binalik ang atensyon sa pagtitig sa kawalan."Mamaya na lang siguro, Jai. Busog pa rin naman kami," nakangiting sagot ko kay Jai.Nang initsa kami ni tito sa labas ay ilang minuto pa kami doon. Sa bilis ng pangyayari ay parang di rin namin mawari kung totoo nga ba iyon o isang hindi magandang panaginip lang.Napatingin din ako sa kawalan sa lungkot.Wala pa sana kaming balak na umalis doon ni mama, at baka lumambot pa ang puso ni tito at pabalikin kami sa loob ng bahay, ngunit hindi na nangyari pa ang inaasahan namin.Medyo mas